CHAPTER 3
Months passed and lumalaki na ang tiyan ko. Pero hindi ito naging hadlang sa pag-aaral ko. Homer's parents pursue me to continue my study, since University scholar ako ay tanging allowance na lang ang binibigay sa akin ng mommy at daddy niya. His parents treated me like I am also their child. Kaya napakasaya ko na sila ang naging karamay ko ngayon.
Nabalitaan ko na bumalik na sa States si kuya Jordan at ate Andrea, pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga salitang sinabi ni ate. Oo alam ko na mali ang ginawa ko pero wala akong plano na ilayo sa akin ang anak ko.
"May pasok ka?" Tanong ni Homer nang makita akong palabas ng kwarto ko.
"Ay hindi mag gro-grocery ako," pamimilosopo ko.
Nakita namang naka uniform tatanungin pa.
"Kung hindi ka lang buntis, nabatukan na kita." Sagot niya at naglakad pababa ng hagdan.
"Ahm, Homer siyanga pala baka late akong makauwi mamaya ha. Susubukan kong maghanap ng part time job," saad ko kaya napatigil siya sa paglalakad.
"No you won't, pagagalitan ako ni mommy." Sagot niya at pinat ang ulo ko. "Just focus on your study Cy, and especially on your baby. Let's go na I'll sent you to school para hindi ka na mag commute."
Pagkarating namin sa school ay may mga binilin pa siya sa akin at pagtango lang ang sinagot ko.
Naglalakad ako sa hallway ng biglang may bumunggo sa akin. At ang pinaka masaklap ay ang tiyan ko pa ang natamaan.
"Hala ate Macy sorry po. Ito kasing si Ashton eh, nagpahabol pa." Si Ashley pala isa sa mga kaklase ko.
"Tanga ka Ashley, yung tiyan pa ni ate Macy ang tinamaan mo." Saad ni Ashton na tumakbo pala pabalik sa amin.
"Ikaw kasi Ashton eh, bakit ka kasi nagpahabol. Ate Macy sorry po, sorry din baby hindi sinasadya ni tita." Paghingi niya ng pasensya habang hinihimas ang tiyan ko.
"Okay lang guys, pero sana next time wala ng habulan ha, hindi na kayo mga bata alam niyo iyan." Saad ko at naglakad na ulit.
Ashton and Ashley are twins. Silang dalawa ang pinakabatang kaklase ko kasi 18 pa lang sila.
Pagkapasok ko ng classroom ay biglang tumahimik ang kaninang maingay na mga kaklase ko.
"Ate Cy, may want ka po bang kainin?" Tanong agad ni Eros.
"Wala Eros, salamat." Sagot ko at umupo sa upuan ko.
"Ate Cy, may dala po pala akong manggang hilaw at bagoong dito. Baka po want niyong kainin mamaya." Sa sinabing iyon ni Amenthyst ay agad akong naglaway.
"Asan Ame?" Tanong ko agad kaya napangiti siya.
Agad niyang inilabas ang tupperware na may lamang hilaw na mangga at bagoong.
"Ito po ate oh, binalatan ko na lang po yung mangga para hindi na tayo magkalat ulit dito. And si mama po mismo ang naggisa ng bagoong para po sa inyo."
Agad kong tinanggap ang tupperware at nag umpisa nang kumain. Alam kong mag aamoy bagoong ang classroom namin ngayon lalo na at naka aircon ang kwarto namin.
"Ate Cy pahingi," rinig kong sigaw ni Roann na alam ko ay pinagtritripan na naman ako.
"Want mo? Ayon puno oh, akyatin mo." Maldita kong saad at sinubo ang hawak kong mangga.
"Damot naman ni buntis," natatawa niyang saad.
"Huwag na kasing pakialaman si buntis." Saad ng kakapasok lang naming professor.
"Hala shir, shorry po." Saad ko pero ngumunguya pa rin.
"It's okay Macy, just continue eating. Baka magalit pa sakin ang mga kaklase mo kapag pinagbawalan kita." Sagot niya at inilapag na ang librong dala.
"Ayieee si sir Ronald oh, dumadamobs." Pambibiro ng iba kong kaklase at tumawa pa.
"Gusto mong mag move out sa klase ko, Niel?" Seryosong tanong ni sir kaya tumahimik si Niel.
"Ayan kasi biro pa," parinig ng isa kong kaklase.
Sa buong klase ay paglamon lang ng manggang hilaw ang ginawa ko. Minsan ay humihikab kaya natatawa ang mga kaklase ko.
"Ma'am Jonah? Pwede po bang umidlip ako kahit sandali lang?" Nahihiyang tanong ko sa english professor namin.
"Go ahead Macy." Nakangiti niyang sagot at nagpatuloy sa pagtuturo.
Ngumiti naman ako at dumangko na sa arm chair ko.
Nagising ako dahil sa ingay ng mga kaklase ko.
"Hala kayo nagising si ate, ikaw kasi Dave eh."
"Anong ako? Ikaw kaya yung grabe makatawa diyan."
"Nagturuan pa kayo eh pareho kayong maingay," saad ko.
"Sorry ate, nakakatawa kasi itong video na pinanood namin eh. Ito po oh, panoorin niyo." Sagot ni Dave at ibinigay sa akin ang cellphone niya.
Nasa kalagitnaan ako ng tumulo ang mga luha ko. Gago? Comedy pinapanood ko pero umiiyak ako.
"Hala ate, bakit ka po umiiyak? Tarantang tanong ni Ace.
"Paano ako hindi iiyak eh nakakaiyak iyang pinanood niyo sakin." Saad ko at nagpunas ng mata.
Kinuha sa akin ni Dave and cellphone niya. "Hala ka ate, anong nakakaiyak dito? Eh comedy ito?"
Iyan din ang tanong ko Dave.
"Ah ewan ilayo niyo sakin iyan. Pinapaiyak niyo ako!" Pasigaw na saad ko kaya nagulat si Dave.
"Normal lang sa buntis ang mood swing guys, so don't worry." Sagot ni... Homer?
"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.
"Sinusundo ka? Kanina pa ako text ng text sa'yo pero hindi ka nagrereply." Saad niya at pinakita pa ang cellphone niya.
Agad ko namang tinignan ang cellphone ko. Hala totoo nga.
"Sorry naman, nakatulog ako eh." Sagot ko at inayos na ang gamit ko.
"Kuya igop, ingatan mo iyang preggy mommy namin ha." Nakangising saad ni Erich.
"Don't worry, iingatan ko 'to mahirap na mawalan ng mana ano." Saad ni Homer at ginulo pa ang buhok ko.
"Need talagang guluhin buhok ko? Kita namang inaayos na ng tao guguluhin pa." Mataray na turan ko at umirap.
"Suplada mo," sagot niya.
"Pakialam mo?" Mataray na sagot ko.
"Sayang may binili pa naman sana akong isang garapon ng gummy bears," pagpaparinig niya na agad naging rasun para kuminang ang mga mata ko.
"Gummy bears? Saan? Akin na." Saad ko at tumalon talon pa na parang bata.
"Hoy ate, makatalon parang hindi buntis ah." Saway sa akin ni Amenthyst.
Para naman akong bata na pinagalitan ng nanay. Kaya nagsitawanan ang mga kaklase ko.
Grabe, hindi ako swerte sa pamilya ko. Pero mukhang swerte ako sa mga kaklase at kaibigan ko.
Bแบกn ฤang ฤแปc truyแปn trรชn: Truyen247.Pro