ChΓ o cΓ‘c bαΊ‘n! VΓ¬ nhiều lΓ½ do tα»« nay Truyen2U chΓ­nh thα»©c Δ‘α»•i tΓͺn lΓ  Truyen247.Pro. Mong cΓ‘c bαΊ‘n tiαΊΏp tα»₯c ủng hα»™ truy cαΊ­p tΓͺn miền mα»›i nΓ y nhΓ©! MΓ£i yΓͺu... β™₯

CHAPTER 2

Hindi ako pinayagan ni mama na makalapit sa libing ni papa. Hindi ko matanggap na sa huling hantungan ng papa ko ay hindi ko pa siya masisilayan.

Nung una ay nagpupumilit pa si kuya na isama ako pero ako na lang ang humindi.

Nandito ako ngayon sa isang sulok hinihintay na umalis na silang lahat sa puntod ng papa ko ng sa gayun ay magkaroon ako ng pagkakataon na mapuntahan si papa.

Maya maya ay nag umpisa ng umambon kaya unti-unti ng nagsialisan ang mga dumalo sa libing. Kasama na doon sina mama.

Hinintay ko munang umalis ang sasakyan bago ako lumapit sa nityo ni papa.

"Pa, sorry ha. Ngayon lang ako nakalapit, ayaw kasi akong palapitin ni mama sa iyo eh. Pa, bakit ganun si mama? Ganun na ba kalaki ang galit niya sa mama ko para palayasin niya talaga ako sa bahay? Pa, saan ako pupunta? Bakit mo naman kasi ako iniwan ng maaga. Ikaw na nga lang kakampi ko tapos iniwan mo pa ako, alam mo naman na aalis na naman sila kuya Jordan at ate Andrea diba? Maiiwan na naman akong mag isa. Pa, ang daya-daya mo naman kasi eh. Iniwan mo kami ng apo mo, kung kailan kailangan na kailangan ka namin tsaka mo naman kami iniwan. Paano na ako nito pa? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko rin alam kung saan ako pupunta ngayon."

Halos sumbatan ko na si papa. Patuloy lang ako sa pag-iyak ang kaninang ambon ay lumakas kaya sumilong na ako.

Mahilig akong maligo sa ulan pero hindi na pwede lalo na at may baby sa tiyan ko.

Nang tumila na ng ulan ay nagpasya na akong umalis. Dala ko ang lumang sasakyan ni kuya Jordan. Matagal niya na iyong ibinigay sa akin subalit hindi ko ito nagagamit dahil ayaw ibigay ni mama ang susi.

Binigay kasi ni kuya sa akin ang spare key na nasa kanya. Nasa akin din ang mga papeles ng kotse kaya wala akong takot na gamitin ito.

Nasa loob na ng sasakyan ang mga maleta at ibang gamit ko. Bahala na kung saan ako pupunta mamaya. May kaibigan naman ako kaso ayokong maging palamunin sa kanya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho ng biglang mag ring ang cellphone ko.

"Oh Homer napatawag ka?"

["Nasaan ka? Pinuntahan kita sa bahay niyo si Ezra yung humarap sa akin and she told me na naglayas ka daw."] May pag aalala sa boses niya.

"Hindi ako naglayas Hom, pinalayas ako ni mama," pagsasabi ko ng totoo.

["What? You are pregnant tapos pinalayas ka pa? Mga bwes*t talaga mga iyan eh."]

"Bunganga mo, parang hindi ka lalaki ah." Saway ko sa kanya.

["So where are you going now?"] Tanong niya.

"I don't know, siguro maghahanap ng mapapasukang part time job. You know I'm still studying."

["Bakit ba kasi ayaw mong hingan ng sustento si Jesser ha?"]

"Huwag na, ayoko na siyang istorbohin." Sagot ko at bumuntong-hininga.

["I told you dito ka na lang kasi tumira sa akin."] Ayan na naman siya pagtatalunan na naman namin ang bagay na ito.

"Homer ayokong maka abala sa'yo at baka ano pa sabihin ng parents mo,"

["They already knew and they told me to convince you na dito na daw tumira."]

Sa sinabi niyang iyon ay napa preno ako. "Ulitin mo nga ang sinabi mo,"

["I know you are not deaf nor dumb Macy. So pumunta ka na dito so you can take a rest."]

Iyon lang ang huling sinabi niya at pinatay na ang tawag.

In every arguments Homer always won. Ewan ko ba pero sabi niya kasi sa akin gusto niya daw sana mag abogado kaso family of educators sila, so no choice daw siya.

Nakarating na rin ako sa apartment kung saan nakatira si Homer. Ipinarada ko muna ang sasakyan ko bago siya tinext.

Maya maya pa ay dumating na siya sa kung nasaan ako.

"Ito lang gamit na dala mo?" Agad niyang tanong patukoy sa apat na maletang dala ko.

Hindi ko alam kung nang iinsulto ang damuhong ito o nagtatanong ng maayos e.

"Oo iyan lang, balak ko nga sanang dalhin ang buong kwarto ko eh. Kaso hindi kasya sa sasakyan," pamimilosopo ko.

Ginulo niya lang ang buhok ko at tinulungan na akong ipasok sa apartment niya ang mga gamit ko.

"Sure ka ba na okay lang sa parents mo na nandito ako?" Agad na tanong ko ng matapos na kami sa ginawa namin.

"Oo nga, paulit ulit ka eh. Si mama na mismo ang nagsabi na dumito ka, lalo na noong malaman nila na buntis ka." Saad niya at tumayo. "Want something to eat? I know you are hungry, narinig kong tumunog tiyan mo eh." Saad niya na natatawa.

Binato ko naman sa kanya ang throw pillow na nasa tabi ko. "Kahit ano na lang Mer basta nakakakain." Tanging sagot ko at inabot ang remote, balak kong manuod ng tv eh.

Pagkabukas ko ng tv ay nagsisi agad ako. Laman ng balita si Jesser.

'Another bigbang news, the famous model Selena Ignacio is now engaged to his rumored boyfriend Jesser Cordova. Umamin na ang dalawa matapos makuhanan ng isang netizen ang pag propose ni Jesser kay Selena. Napag alaman na unang naging photographer ni Selena si Jesser bago sila naging magkasintahan. Inamin ng dalawa that they are almost 1 year secretly dating and balak ng lumagay sa tahimik kaya nagpropose na itong si Jesser...'

Hindi ko na tinapos ang sinasabi ng reporter at agad nang in-off ang tv.

"Oh bakit mo pinatay?" Tanong ng nagtatakang si Homer.

"Hindi ko bet manood eh," sagot ko lang.

Pero sa loob loob ko ay para na akong sasabog, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya ikinwento ko kay Homer ang napanood ko.

"So what's your plan? Tatahimik ka lang ganun? Ano iyon siya masaya tapos kayo ng anak niya nagdurusa? Aba hindi pwede sa akin iyan Macy. I will contact my friend in media and magpapainterview ka!" May bahid ng galit sa pananalita niya.

Akmang magda-dial na siya sa cellphone niya pero agad ko siyang pinigilan.

"Huwag Homer, kapag ginawa mo iyan mas lalo lang kaming magdurusa ng anak ko. Hayaan na natin siyang maging masayaβ€” sa ngayon." Pabulong kong sinabi ang dalawang huling salita.

Hindi ko lubos maisip na ganyan kasama ang ugali mo Jesser. Kaya mong baliwalain ang anak mo para lang sa kasiyahan mo.

BαΊ‘n Δ‘ang đọc truyện trΓͺn: Truyen247.Pro