ยฐโ ยฐ ยซ[๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐]ยป ยฐโ ยฐ
ยฐโ ยฐ ยซ[๐๐
๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐]ยป ยฐโ ยฐ
๊งเผบOphelia, the Strange Studentเผป๊ง
๐๐๐๐๐๐ NATIONAL HIGH ๐๐๐๐๐๐
๐๐ญ๐ข๐ค๐ฆ: ๐๐ข๐ง๐ฆ๐ต๐ฆ๐ณ๐ช๐ข
Maingay, siksikan at mainit sa loob ng isang lugar kung saan nagkakagulo ang mga estudyanteng gusto makipag-unahan makakuha ng pagkain nila. Walang pakialam ang mga ito sa mga nasasagi at natutulak nila. May iba pang sinasamantala ang siksikan upang makapuslit ng tinapay na may palamang hotdog, cheese, ham or barcon. Meron ding siguristang mga estudyante na kikilatisin kung anong mas maraming laman na sopas o champorado na nasa baso ang pipiliin nila, at meron din'g mahabang pila ng softdrinks.
Patungo sa lugar na iyon ay isang babaeng estudyante may kaunting kinang ang nanunubig ang mga mata dahil sa paghikab, kung hindi lamang ito nakaramdam ng gutom ay hindi niya hihilain patayo ang tinatamad at pagod na katawan patungo sa cafeteria upang makakuha ng pagkain.
"Huaam! Haaah! I'm so hungry and tired."
Dahil sa naiinitan ay pinulupot niya ang kanyang mahabang buhok, dahil wala siyang ponytail ay siniksik na lamang niya ito matapos iikot ng iikot. Napansin niyang may mga matang nakatitig sa kanya. Nang mag-angat siya ng mata ay pinanliitan niya ng kanyang magandang mata ang mga lalake at babaeng estudyanteng nakatingin sa kanya. Nakatambay ang mga ito sa sementong pinagtaniman ng mga puno, marahil ay dahil mas preskong tumambay doon dahil tag-init.
She gave them her trademark smile,ย a good-for-nothing smile slash her lazy smile.
The young students face, flushed red because of that 'charming' smile.
"Nginitian ako ni Ophelia, nakita niyo ba?!"
"Assuming! Di mo ba nakita? Sa akin siya nakatingin!"
"Bakit siya nandito ngayon? Hindi bat lagi siyang tinatamad bumaba at pumunta sa cafeteria para mag-recess?"
"Oo nga, naubusan na ba siya ng pagkain sa desk niya? Maraming pagkain sa mesa niya kanina ah?"
"Di mo ba alam?"
"Bakit? May ginawa na naman ba siya?"
"Haha. Ano ka ba? Maraming nakakita kay Ophelia kanina sa labas ng gate. Bago mag umpisa ang klase ay hinakot niya lahat ng mga pagkain galing sa admirers niya at dinala sa labas ng gate."
"Hah? Bakit niya ginawa 'yon? Itinapon niya? Eh, lagi niya nga'ng kinakain yung mga nasa mesa niya kahit may nagtuturong guro diba?"
"Inggit ka? Eh, makipag-patalinuhan ka sa mga teachers natin at maging top 1 lagi, magkakaroon ka rin ng privileged na ganon!"
"Hindi 'no! Idol ko nga si Ophelia eh! Hahaha! Di ko makakalimutan kung paano niya sinupalpal si Sir Pervert! Hahaha!"
"Oo nga! Pero ano bang ginawa ni Ophelia sa labas ng gate?"
"Ah, nakita namin na pinamigay niya sa mga batang lansangan yung mga pagkain niya!"
"As expected of my Goddess! She's the one talaga!"
Nakalutang ang isip na naglakad ang estudyanteng pinag uusapan nila, hindi na bago sa kanila na laging naglalakbay ang isip nito.
She's a strange student, alright.
Noong una. Nawiwirduhan sila dito ngunit kalaunan ay pati ang kawirduhan ng estudyanteng nag-ngangalang Ophelia ay maganda pa rin sa kanilang paningin at ika nga nila nakadagdag pa daw ito sa pagiging mysterious nito.
Tinahak na nga ni Ophelia ang cafeteria. She narrowed her pretty eyes whe she saw the chaos.
Ang kaninang tinatamad at pagod na mga mata nito ay naging matalas at malamig. She tilted her small and beautiful face with annoyed expression and glanced at the upcoming guard. Nilapitan niya ito.
"Hi, Sir Arnold!"
Nagulat ang binatang gwardya dahil sa pagbati sa kanya ng isang estudyante. Kilala niya ang batang ito dahil sa itsura nito na di mabilis makalimutan at higit sa lahat dahil sikat ito sa paaralan. Hindi niya maiwasang matuwa dahil bukod sa kilala siya nito ay kahit na ito ang unang beses na kinausap siya nito ay tila matagal na silang magkakilala dahil sa paraan at pamilyar na pagtawag nito sa kanya.
"Ano 'yon, iha?" nakangiting tanong niya dito ng may halong pag-galang na hindi napansin ng gwardya sa sarili.
"Pwede ko po ba mahiram ang lapel niyo?" nakangiting paalam nito.
"Ha? Bakit, iha?" takang tanong niya dito, "May report ka ba at kailangan mo? Ito, ibalik mo na lamang pagktapos." sambit ng gwardya at inalis sa katawan ang lapel at binigay.
"...Salamat po."
"Sige, goodluck, iha!"
"...." naiwang nakayo si Ophelia at nakitang umalis na ang gwardya. Binalik niya ang tingin sa magulong cafeteria.
"Whatever." napapakamot sa kilay na bulong nito sa sarili at sinuot ang lapel. Tinesting niya ito at napatigil ang mga estudyanteng nagkakagulo dahil sa matining na tunog.
"Aah! Ano 'yon?!"
"Ang sakit sa tenga!"
"Hoy, ano ba?! Bat ka nanunulak--"
Natigil ang mga boses na nagkakagulo dahil sa malamig na boses na narinig nila.
"Listen."
Nabalot ng katahimikan ang cafeteria at napatingin sa estudyanteng nakasuot ng lapel, ang malamig na boses nito ay nag-amplify sa buong paligid. Sa di malamang dahilan ay nagsitigil ang mga tindera, tindero, kusinera, cashier at ang lahat ng estudyante dahil sa ma-awtoridad na boses nito na tila kailangan mo'ng makinig at tumigil.
"I'm sorry guys, pwede ba magsipila tayo ng maayos? At maaari rin bang walang sigawan at ingay? Para mabawasan ang init at polusyon?" salubong ang kilay na tinuro niya ang tapat ng bilihan ng mga junkfoods.
"Ikaw, yes, ikaw. Babaeng nakaheadband ng mickey mouse, pumila ka sa unahan. Yan, at ikaw, ikaw, ikaw... Ganyan nga, sinong gusto bumili pilang ito, magsipila ng maayos."
Parang mga masunuring bata na nagsipila ang mga ito. Nabuo ang pantay at mahabang pila.
Sunod na binalingan ng nauubusang pasensyang mga mata nito ang iba pang mga pilahan. Nang maging maluwag, tahimik, at makapasok na ang hangin ay nabawasan ang init sa loob ng kaninang nagsasabong na cafeteria.
"Yes, that's it. Great. Okay, pwede na tayong makakain. Thank you sa cooperation niyo."
Satisfied na tumango at nawala ang annoyed expression nito at bumalik sa pagiging easy-going ang expression.
Nang patayin nito ang lapel ay humihikab na pumila ito sa dulong pila ng bilihan ng sandwich.
"Ophelia, u--una ka na sa unahan ko. " alok ng isang lalaking estudyante.
Dahil sa gusto na rin niyang makabalik sa classroom at matulog ay...
"Wow! Salamat!" walang hiyang tanggap nito sa alok ng nasa harapan na kinapula ng pisngi nito. Hanggang sa maulit ng maulit ang eksena hanggang sa naharapan na siya ng counter.
She's shameless, alright.
"Thank you, iha. Sana lagi kang bumili tulad ngayon! Dadagdagan ko ang bigay sayo." napangiwi siya sa enthusiastic at exaggeratedย na nagtitinda nang makita siya.
"Thanks for your hard work, Manang Glo!" paalam niya dito at sunod na pumila ng softdrinks. Nang matapos mabili ang gusto ay binalik niya ang lapel sa gwardya na ngayon niya lang napansin na nasa exit ng cafeteria.
Nakatulala ito sa kanya.
"Mang Arnold, thank you sa pagpaahiram! Una na po ako! See you around!"
Ngumunguyang bumalik sa loob ng classroom si Ophelia, at nagulat nang makitang nagkaroon na naman ng mga pagkain ang desk niya.
"Hi, Ophelia!" rinig niyang bati ng kaklase niyang si Mae, ang seatmate niya.
"Oh." walang ganang balik niya dito at umupo sa upuan niya. Kinalkal niya ang mga pagkaing masa mesa niya habang nagniningning ang mga mata. Tamang tama dahil naubos niya agad ang biniling softdrinks ay may nakapatong na sa mesa niyang mas malamig na drinks kaysa sa ininom niya.
"Oh, that hit the spot!" she exclaimed happily as she drank her coca cola. Binuksan niya ang nabasang letter na nakapatong sa ininom niya.
"...." pinigilan ni Ophelia na mapangiwi dahil pakiramdam niya kung sinuman ang nagbigay nito sa kanya ay nasa paligid lang.
"Hmm.." kinuha niya ang ballpen niya sa bag at naglagay ng reply sa 1/4 paper.
"Anong... gagawin mo, Ophelia?" tanong ni Mae. Tiningnan niya ito ng mga 4 seconds.
"Rereplayan ko."
"Talaga?! Di ka tinatamad ngayon?"
Mahinang tumikhim ang nasabihan ng 'tamad'.
"Ngayon lang ito, okay?" sagot niya sa seatmate niya na di makapaniwalang nakatingin sa kanya.
"Oooh~"
Di niya nalang pinansin ang seatmate niya, at sinulat ang kanyang reply.
๐๐ฎ๐ช๐ป ๐๐ช๐ท,
๐ค๐ท๐ช๐ท๐ฐ ๐พ๐ท๐ช, ๐ฐ๐พ๐ผ๐ฝ๐ธ ๐ด๐ฒ๐ฝ๐ช ๐น๐ช๐ผ๐ช๐ต๐ช๐ถ๐ช๐ฝ๐ช๐ท ๐ญ๐ช๐ฑ๐ฒ๐ต ๐ผ๐ช ๐ซ๐ฒ๐ฐ๐ช๐ ๐ถ๐ธ๐ท๐ฐ ๐ผ๐ธ๐ฏ๐ฝ๐ญ๐ป๐ฒ๐ท๐ด๐ผ. ๐๐ช๐ท๐ฐ๐ช๐ต๐ช๐๐ช, ๐พ๐ท๐ฏ๐ธ๐ป๐ฝ๐พ๐ท๐ช๐ฝ๐ฎ๐ต๐, ๐ท๐ช๐ท๐ฒ๐ท๐ฒ๐๐ช๐ต๐ช ๐ช๐ด๐ธ๐ท๐ฐ ๐ฑ๐ฒ๐ท๐ญ๐ฒ ๐ช๐ด๐ธ ๐ฒ๐ผ๐ช๐ท๐ฐ ๐ญ๐ฒ๐๐ช๐ฝ๐ช ๐ช๐ฝ ๐ฑ๐ฒ๐ฐ๐ฒ๐ฝ ๐ผ๐ช ๐ต๐ช๐ฑ๐ช๐ฝ ๐ถ๐ช๐ต๐ช๐ซ๐ธ๐ท๐ฐ ๐ฒ๐ผ๐ช ๐ช๐ด๐ธ๐ท๐ฐ ๐ช๐ท๐ฐ๐ฑ๐ฎ๐ต. ๐ข๐ฒ๐ฐ๐พ๐ป๐ช๐ญ๐ธ ๐ช๐ด๐ธ ๐ญ๐ธ๐ท ๐ญ๐ช๐ฑ๐ฒ๐ต ๐'๐ถ ๐ช ๐ซ๐ช๐ญ ๐ฐ๐พ๐ป๐ต.
-๐๐น๐ฑ๐ฎ๐ต๐ฒ๐ช
"Pfft." pigil na bungisngis ni Mae nang mabasa ang sulat.
"Marites." iling ni Ophelia sa katabi na tila nagtaka sa narinig.
"Anong Marites?"
"Heh. Meaning, chismosa ka."
Napanguso si Mae habang pinapanood si Ophelia na, kakain, babasa at pagkatapos ay susulat hanggang sa maubos ang mga nasa mesa nito at matapos ang pag-reply sa lahat ng mga sulat sa kanya.
Hindi man lang nang-alok.
Inilagay ni Ophelia ang mga sulat sa ilalim ng desk niya, at alam niyang kukunin iyon mamayang uwian ng mga mababait na kaklase niya.
Nakahalumbabang tumulala si Ophelia sa katabi niyang bintana. Pinanood niya ang pagsayaw ng mga dahon ng mataas na puno, ang mga ibon na lumilipad sa kalangitan. Sa mga sandaling ito, ang sandaling ito ay nagbigay sa kanya ng kapayapaan na bihirang mangyari noon at sa mga sandaling nakaupo siya sa classroom kasama ang mga batang kaklase ay parang gusto niya na lang tumigil ang oras.
Mabigat na bumuntong hininga si Ophelia na narinig ni Mae.
Tiningnan ni Mae ang maganda niyang katabi. Tulad ng mga nagdaang araw ay parati itong tulala at malalim ang iniisip. Di niya alam pero habang tinitingnan niya ito ay para bang napaka-lungkot ng likod nito. At ang pagod na mga mata nito na parang marami ng karanasan sa buhay.
Kahit na gusto niyang mapalapit dito ay pakiramdam niya kahit kailan di siya makakapasok sa buhay nito. Hanggang seatmate lang siya. Napangiti ng malungkot si Mae, gusto niyang tanungin ito at sabihin na sana tanggapin siya bilang kaibigan pero di niya magawa dahil... pakiramdam niya mas lalong lalayo ito sa kanya.
Yes, ganon ang seatmate niyang si Ophelia. She's kind, easy-going and lazy.
She's always tired because of something, that we can't explain.
Na-isyu pa nga noon kung bakit palagi itong ganito, hanggang sa maungkat na naglayas ito sa bahay nila. Kumalat ang balitang di siya totoong anak ng mga kinilala niyang pamilya, na inaalila siya, na may masamang balak ang ama-amahan niya na agad niyang pinakulong.
Paano niya ginawa 'yon? Lumapit siya sa police station nag bigay ng maraming ebidensya sa pambubogbog nito sa asawa nito, cctv record, at ang voice recordings nito sa masamang balak at ang ebidensyang nagda-drugs ito.
Pinakulong niya ang ama-amahan at iniwan ang bahay nila. Nakatira siya ngayon sa bahay ng dalaga nilang homeroom teacher.
Malaki ang pinagbago ni Ophelia. Kung dati hindi ito mahilig mag ayos. Lukot lukot ang uniform, magulo ang buhok, madumi ang sapatos at sira ang bag ngayon ay puro mga bago na.
"Si Teacher Rose ba ang nagbili ng bag at sapatos mo, Ophelia?" naalala ni Mae ang tanong niya noon dito.
"Huh? Hindi, binili ko ito. May sinalihan akong investments at bumili ako ng mangilan-ngilang stocks."
"Huh? Ano yon?"
Hindi lang ako ang nakarinig non maging ang ilan naming kaklase, at pinakita niya kung paano siya nagkakapera gamit ang bago niyang selpon.
She's really amazing, alright.
Bแบกn ฤang ฤแปc truyแปn trรชn: Truyen247.Pro