o59
MIA'S POINT OF VIEW
Nasa coffee shop ako, malapit sa subdivision kung sa'n ako nakatira. Today is Friday, February 21 at half day para paghandaan ang Night Prom bukas.
Mamimili na ko kung sino kina Night or Coin ang magiging ka-date ko bukas. Ang hirap mag-decide kung sino sa kanilang dalawa, pareho silang nag-effort noong mga nakaraang araw, hatid-sundo nila ako, nagtetext every hour lalo na si Night, naghahatid ng food at sinisilip ako sa classroom kung okay ba ako. Kaya ang hirap mamili sa kanilang dalawa, deserve nilang dalawa ang piliin.
Pero, sabi nga ni Farrah 'may mananalo at may matatalo. May mapipili at 'di mapipili.'
Nagchat ako sa gc namin baka kasi may makuha akong advice sa kanila, may nakuha naman ako at desidido na akong siya talaga ang pipiliin ko. Siya rin ang nakita ko nang pumikit ako ayon sa sabi ni Nicca, siya rin ang tinitibok ng puso ko kapag nakikita at lumalapit siya sa akin. Siya lagi iyong gumugulo sa isipan ko ngayon.
Huminga ako ng malalim, narinig kong may pumasok sa coffee shop. Nandito na sila.
May humila ng mga silya sa magkabilang gilid ko. Ito na Mia, need mo ng mamili sa kanilang dalawa.
Tumingala ako at nakita ko ang mukhang ng dalawa. Seryoso.
Ngumiti sila sa akin at binalik ko rin. Mukhang pekeng ngiti ang nagawa ko.
"Bukas na iyong Prom night," sabay sulyap sa kanila.
Tinapik ako ni Coin, "okay lang sa amin ni Night kung sino pipiliin mo, tatanggapin namin ang desisyon mo, Mia. Kaya chill. Friend mo pa rin ako, incase." Sabay ngiti sa akin.
"Tama si Coin, pinag-usapan na namin 'to, Mia. Matiwasay naming tatanggapin ang pagpili mo sa aming dalawa. I always here for you. I got you!"
Wala ng atrasan 'to, Mia!
"Una sa lahat, sorry. Hindi ako deserve na pag-agawan niyong dalawa, hindi ako deserve para bigyan niyo ng pansin at lalong 'di ako kagandahan tulad nina Lemon at Angie," aangal pa sana silang dalawa pero nagsalita na uli ako, "Ewan ko kung anong nakita niyo sa akin, pero, sa mga araw na lumipas 'di kayo nagsawa at napagod kaya nakapili na ako. Matagal ko 'tong pinag-isipan, humingi ako ng advice sa mga friends ko at ito rin iyong tinitibok ng puso.
Huminga ako ng malalim at tinignan silang dalawa, "Sorry.. sorry, Coin." Sabay tingin ko sa kanya at 'di ko namalayang may tumutulo na pala sa aking magkabilang pisngi.
Ngumiti si Coin sa akin at niyakap ako ng mahigpit, "okay lang. Sabi ko sayo kanina tanggap namin ang magiging desisyon mo at friend mo pa rin ako."
Humiwalay siya sa akin at binatukan si Night, "ikaw nanalo, hoy!"
"A-ako?" Sabay turo pa niya sa sarili niya.
"Baka ako, Night." Pambabara ni Coin sa kanya.
Tumango ako rito, "kahit may kasalanan ka pa sa akin, ikaw iyong tinitibok ng puso ko nitong mga nakaraang araw, ikaw iyong nagpapalakas at nambubulabog sa mga paro-paro sa aking tiyan at nagpapagulo sa aking ulo. Ikaw, Night..."
Gulat-gulat na tumingin sa akin si Night at sabay niyakap niya ako.
"Wala ng bawian, ha?!" Tumango ako rito.
"Alis na ako, Mia." Ngumiti ito sa akin, "Hoy, Night, may usapan pa tayong dalawa, kapag niyan sinaktan mo, yari ka sa akin!"
"Baka. Matagal ko na 'tong hinihintay na mapansin at mapili tapos sasayangin ko? Umalis ka na nga, Eugene! Tsupi!" Pagtataboy ng isa.
Pinalo ko nga.
"Sige, Mia, try ko yayain si City. Hahahaha! Para naman ka-date ko iyong isang iyon."
Nang umalis si Coin ng coffee shop, binalingan ko na si Night. Nakita ko na lang siyang umiiyak na.
"Oy, anong nagyari sayo? "
"W-wala 'to, m-masaya lang ako. Sa dami kong kasalanan sa'yo, ako pa rin iyong pinili mo. Sorry uli Mia. Sorry."
Niyakap ko siya, 'di ko rin alam kung bakit ginawa ko iyon pero kusang gumalaw ang aking mga kamay.
"Sshhh... Kapag ikaw 'di tumigil, si Coin na lang pipiliin ko!" Agad-agad siyang nagpunas ng luha niya at ngumiti sa akin.
"Wala na. Wala na, baby. Look," sabay lapit niya ng kanyang mukha sa akin.
Inusog ko mukha niya, "Oo na,"
Umorder siya ng maiinom naming dalawa at dalawang slice ng chocolate cake.
"Anong color ng gown mo bukas, baby. Para same tayong color." Sabay ngiti nito at wiggled ng kanyang mga kilay.
Binatukan ko siya, sabay hawak niya sa kanya ulo.
"'Wag kang sabing nagsasabi ng baby, hoy, ka-date lang kita bukas, 'di kita jowa." Angil ko sa kanya.
"Nanliligaw na rin ako, baby," umusog siya ng makitang nakataas ang kanang kamay ko, "'di ka na mabiro, Mia, doon din naman tayo pupunta, lahat gagawin ko para sayo. Kung kailangan kong tumulay sa alambre, susungiin ko iyon basta para sayo." Ngumiti ako sa kanya.
"Ayie, kinilig siya. Sabi ko sayo, baby ang lakas ng appeal ko, e." Saad niya.
Yabang.
"Ano nga kulay ng gown mo para same tayong color. Matchy-matchy." Ayan na naman ang kilay niya.
"Dark blue ang gown ko tomorrow," sabay subo ng slice of cake.
"Okay, baby. Sabay tayo tom."
Tumango ako rito.
Tinitigan ko si Night, habang tumatagal lalo siyang gumagwapo sa paningin ko. Iba na yata 'to, Mia.
"Mia," hindi ko napansin nakatitig na rin pala siya sa akin.
"B-bakit?"
"I will court you, baby, no matter what happen. 'Di ko na kaya itago 'tong nararamdaman ko sayo, mahal na mahal kita, Mia Acosta, my Mia, baby..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro