Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

o52

MIA'S POINT OF VIEW

Nandito ako sa garden area at tinitignan ang mga kapwa estudyante na may mga kasama.

Walang forever! Sarap isigaw sa kanila. Valentine's day ngayon kaya mga lumilitaw ang mga mag-jowa. Bakit kasi pinauso pa niyon. Paano naman kaming mga single?

Paano kaya kung may magsabunutan dahil parehas sila ng jowa? Eskandalo iyon. Haha.

Dito ako tumambay, mas konti pa nga ang mga magjojowa rito kaysa roon sa school ground. May events kasing nagaganap doon, may mga love booth, padlock booth, dedication booth at kung ano-ano pa tungkol sa Valentine's day. May mga iilang babae na may kiss mark sa mga pisngi nila. May mga babaeng may hawak na ng bulaklak tunay o plastic, may iilang bouquet pa nga, may mga hawak din silang teddy bear. Sana all.

Binuksan ko ang data ng phone ko at sunod-sunod na tumunog, puro notification.

Mga nagtatalo na naman sila. Hays. Buti pa sila Nicca may nakuha na. Kami na lang yata ni Angie ang wala.

Wala bang magbibigay diyan kahit chocolate lang? Wala bang mag-aaya ng kain sa unli samgyup? Magdadate sa EK o manonood ng movie?

Wala kaming klase kaya p'wede na kaming umuwi anytime.

Inopen ko na lang ang fb ko. Sana pala 'di na lang ako nag-open puro mga picture nila na may hawak na bulaklak ang mga naka-post. Taga-heart na lang tayo sa mga post nila.

Napatayo ako! So, ako na lang walang natatanggap? Unfair, guys! Si Angie binigyan ni Vinz? Bakit wala akong alam? Close na silang dalawa?

"Kanina pa kita hinahanap, Mia. Nandito ka lang pala."

Ay palaka! Sino ba iyong nanggugulat?

"C-coin? Ikaw pala? Anong mayro'n?" Naka-pulang damit siya meaning inlove siya gano'n?

May mga color coding ang damit ngayon. Depende sa damit ko anong status namin, kung sad, broken, happy, contented, taga-sana all, at iba pa.

Ang damit ko naman ay white for taga-sana all.

"White shirt? So, mas prefer mong mag-sana all ngayong araw?" Tumango na lang ako. Ano pa ba purpose ko ngayong araw?

"Mukhang ikaw ang isasana-all," may nilabas siya bouquet of red roses galing sa likod niya.

Ang mga tao sa garden ay mga nakatingin na sa amin. Teka lang naman! Awat ka muna puso, oh!

"A-akin 'to? S-sure ka?" Habang turo ko sa mga bulaklak. Baka kasi nagjojoke siya.

Ngumiti siya, "ayaw mo ba, Mia? P'wede ko namang itapon 'to sa basurahan," tingin nito sa 'di kalayuang trashbin.

Kinuha ko agad ang mga bulaklak sa kamay niya at tinitigan ito.

"Akin talaga 'to? Walang bawian?"

"Oo naman, sayo talaga. Salamat sa lahat, Mia!" Niyakap ko siya at nagpasalamat.

"First time kong may matanggap na bulaklak sa ibang lalaki. Madalas kasi sila Zidane ang nagbibigay sa amin." Pag-amin ko sa kanya.

"Ehem! Excuse me," napalingon kami sa taong umubo. May COVID 2019 yata siya?

"N-night?" Umatras si Coin sa akin at siyang paglapit ni Night.

Nilahad niya sa akin ang mga blue roses. My favorite.

"Para sayo, Mia, buti na lang sinundan ko si Eugene. Kanina pa rin kita hinahanap."

Teka, kanina puro sana all ako. Ngayon natatakpan na ang buong mukha ko dahil sa mga bulaklak na binigay ng dalawa.

Nilapag ko ito sa bench na inuupuan ko.

"Anong kailangan niyong dalawa sa akin?" Sabay pa sila kumamot.

"Yayayain sana kitang maging ka-date sa Prom night."

"Can you be my date in Prom night?"

Huh? Teka!

"Nauna ako sayo, Night! So, back off."

"Nauna ka nga, ikaw ba pipiliin?"

"Mia/my baby?" Sabay pa sila.

Nakakahiya dumadami na ang mga taong nanonood sa amin.

"Teka lang naman! Hindi ako bola para pag-agawan at kapag nakuha niyo idi-display niyo ng parang tropeyo."

"Hindi naman talaga, my baby, isa kang diyamante na 'di dapat ipakita sa ibang tao."

Nag-ooh ang mga tao sa paligid namin. Mukhang nagpupustahan na sila kung sino pipiliin ko maka-date para sa Prom Night.

Ngumisi si Night kay Coin.

"Ako ba pinagloloko niyong dalawa? Ayoko ng niloloko ako, Night and Coin?" Sabay na umiling ang dalawa.

"Ako hindi, Mia. Never. Ewan ko sa isa diyan." Sabay ngiti kay Night.

Nagtaas ng kamay si Coin, "Easy! Wala nama akong sinasabing ikaw, bro. Wag kang guilty." Sabay tawa niya.

"'Wag nga kayong gumawa ng gulo! Pinagtitinginan na nila tayo!" Sabay libot ko ng tingin.

"May palabas ba?" Sigaw ni Night sa kanila kaya dali-daling nagsialisan ang mga tsismosa.

"P'wede bigyan niyo muna ako ng time para makapag-isip? Almost one week pa bago ang Prom Night, please."

"Ayos lang sa akin."

"Okay."

Humarap si Night kay Coin, "May the best man win." At, nagkamayan silang dalawa.

After ng ganoong pagtatagpo, naglibot kaming tatlo, pinagtitinginan nila kami pero ayos lang, ang importante masaya kami ngayon.

Hindi ako nakita ng mga barkada ko mukhang busy rin sa kani-kanilang mga lovelife.

Pero, sino ba pipiliin ko sa kanilang dalawa?

Night Miguel Samonte

Or

Eugene Coin Magsaysay?

Ang hirap naman!! Mag-sana all na  lang kaya uli ako!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro