o48
TEAM LOYAL
Rico:
@Mia totoo ba iyong balita?
Nabugbog si Coin kahapon?
Angie:
Oh my gash!! Akala ko kung sinong Eugene ang pinag-uusapan nila. Si Coin pala talaga.
Nicca:
Sino raw suspect?
Zidane:
Wala pang sinasabi ang guidance.
Confidential masyado. Mukhang mga anak mayaman.
Kian:
Thank me later, guys!
Dahil wala pa si Mia para magbigay updates sa atin.
Narinig ko usap-usapan magkasabwat daw sina Night, Ari, Jerome and Michael. Iyong dalawa raw ang huling kasama ni Coin bago siya mabugbog.
Rhia:
Jerome and Michael? Diba mga business man magulang ng mga iyan?
Even, Ari? Akala ko crush na crush niya si Coin? Oh gash!
Angie:
Sa sobrang mahal kaya niya ipabugbog si Coin. Psycho na rin niyang si Ari. Kawawang Mrs. Camara.
Farrah:
Kasama ko si Mia. May pinagtapat siya sa akin.
Jasper:
Ano iyon, Farrah?
Rico:
Spill.
Farrah:
Peke ang lahat. Sa sakit ni Night 'di totoo. Nagpapanggap siyang may Personality Disorder.
Narinig ni Mia ang usapan nina Night at Ari.
Luigi:
Oooohhh! Pasabog amputek!!
Zidane:
San kayo ni Mia? Kasama niyo ba si Coin?
Farrah:
Oo. Kasama parents ni Coin.
May nagsasabi na 'di kasama si Night.
Nakita raw si Night kahapon sa isang mall, mga oras na di nako-contact ni Mia si Coin.
Kaya malaking pruweba na 'di madawit o kasama si Night sa nangyari kay Coin.
Kinakausap iyong dalawa sa office ni President with consents ng mga police for interrogation.
Si Ari nandito umiyak-iyak. Ang galing umarte. Hahaha
Angie:
On the way. Hahaha. Gusto ko makitang umiiyak siya Haha.
Syempre di niyan kakasuhan, mommy niya prof. Hmmp!
Nicca:
Imposible. President na ng school ang may alam. Kaya masususpinde niyan katulad ni Arisse.
Rhia:
Kumusta na pala iyon? Di na talaga siya pumasok?
Angie:
Di na talaga papasok iyon Rhia. Kahihiyan inabot niya. Narinig ko nga nagtransferee na raw iyon. Buti nga.🙄
Cedrick:
Basta sa tsismis ang bilis mo talaga, Angie. Hahahaha
Angie:
Cheeeee sa mga walang lovelife na katulad mo!!
Kian:
Babanat ka pa ba, Ced? Hahahaha
Raegan:
Manahimik nga kayo muna, nagkakaproblema na nga ulit tayo puro pa kayo kalokohan.
Angie:
Ayaaaaan kasi mga bida-bida!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro