Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

o44

MIA'S POINT OF VIEW:

Hindi ako mapakali, isang oras na ang nakakalipas pero wala pa rin akong chat o text na natatanggap kina Sebs at Lemon.

Ang mommy ni Night panay ang text sa akin kung nakita at kasama ko na ba si Night. Paano ko sasabihing 'di ko pa siya nakikita?

Huminga ako ng malalim. Ilang beses ko ito pinag-isipan. Lumabas ako ng classroom at agad na sumipat. May dalawang major subject pa ako pero 'di ko na kayang maghintay ng text kila Lemon. Maghahanap na rin ako.

Una kong pinuntahan ang school ground, baka nandito lang siya at naglalakad-lakad lang o 'di kaya nakaupo sa isa sa mga bench dito.

Konti lamang ang mga estudyanteng nakakasalubong ko, may mga ibang papunta sa kanilang mga klase, iba naman papunta sa canteen at ang iba tamad maglakad dahil sa sobrang sinag ng araw. Tirik na tirik si haring araw ngayon.

Nilibot ko ang school ground pero walang Night akong nakita. Tagaktak na ang aking pawis sa noo at sa likod ko. Sunod kong pinuntahan ang library pero gano'n din wala ni anino ni Night.

Lahat ng parte ng campus sinuyod ko na pero 'di ko pa rin makita si Night.

Inangat ko ang aking phone at chineck ko kung may text na galing kina Lemon at Sebs pero wala pa rin. Kinagat ko ang aking ibabang labi at pinigilang umiyak.

'Nasaan ka na ba?'

Suko na ako. Baka naman wala siya rito sa campus. Baka 'di siya pumasok.

Babalik na sana ako sa klase ko, may isa pa akong major subject. Almost 3hrs iyon nang may nagtext sa akin. Unknown number.

Hi Mia! May nalaman ako tungkol sa'yo. Hindi ko alam kung matutuwa ka sa ibabalita ko pero mukhang galit ang bubungad sayo. Hahaha. Gusto mo bang malaman? Pumunta ka sa swimming pool. I have surprise! A big surprise to you! See you, Mia!

Sinubukan kong tawagan ang number pero out of service na ito. Pupunta ba ako? Paano kung nandoon si Night. Kung kailangan niya ng tulong? Kinagat ko ang aking hinlalaki at walang habas na tumakbo papunta sa swimming pool area.

Nasa harap na ako nito. Tinignan ko muna ito at naalala ang nangyari kay Lemon, dito siya muntik malunod at nasagip lang siya ni Night. Isang buwan na ang nakakalipas nang mangyari iyon. Ngayon, ako naman ang nandito. Huminga ako ng malalim at sumilip muna baka kasi may mga nagpapractice para sa sports competition.

May dalawang tao ang nakatayo sa gitna nito. Pumasok ako ng walang ingay at nagtago sa isa sa mga locker na nandito.

"Oh my gash! Really Night? Niloloko mo lang sila na kunwari may sakit ka? Na you have a personality disorder?"

Huh? Ang boses na iyon. Sumilip ako sa pinagtataguan ko at nakita kong nakangiting Ari ang bumungad sa akin.

"Bakit mo iyon ginawa? OMG! Nakakatawa naman na pineke mo lang ang sakit mo to have a sympathy? And, para mapansin ka ni Mia!"

"Kung ayaw mong manahimik kaya kitang patayin! Kaya kita patahimikin habang buhay. Subukan mong sabihin ang sikreto ko, buhay mo ang kapalit."

Ang boses niya. Parang ibang Night ang nakikita ko.

"Okay! Hindi ko sasabihin pero sa isang kondisyon..." Lumapit si Ari kay Night at saka ito may binulong. Bakit kailangan pang ibulong?

Ngumisi si Night, "deal."

Dali-dali akong umalis sa pinagtataguan ko at tumakbo sa lugar na ito.

Nanginginig ako sa galit, naiinis ako sa sarili ko kung bakit ang dali kong maniwala sa isang tao. Nagkulong ako sa isa sa mga cubicle dito sa cr ng ground floor at iniyak lahat ng nararamdaman ko ngayon. Mga nalaman kong 'di kanais-nais.

After kong mahimasmasan, naghilamos ako at inayos ang aking sarili. Wala dapat makaalam. Sa akin lang 'to.

Dumiretso ako ng uwi at 'di bumalik sa klase. Sasabihin ko na lang masakit ang ulo ko.

Pagkauwi ko, humiga agad ako sa malambot na kama at iniyak na lang ulit ang mga nalaman ko. 

Ang tanga-tanga ko bakit kasi ang dali kong maniwala? Bakit kasi ang iyakin ko? 'Di naman sila worth it para iyakan. Wala silang karapatan para iyakan ko.

Wala silang kwentang tao para iyakan, Mia... Wala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro