o29
MIA'S POINT OF VIEW:
Tumambay ako sa library, para aralin ang mga lessons kahapon. Mahirap na baka sa darating na midterm, may mapasama roon.
Sinasabi ng mga prof. ko running na ako for Summa Cum Laude, 'di ko naman hinahangad siguro plano ni God ito.
Gulong-gulo na ako. Kay Night. Sa mga kaibigan ko na ayaw ako palapitin sa isa. Pero, need niya ng tulong, hindi niya kailangan ang pag-iwas ng mga tao sa kanya.
Binabasa ko ngayon ang tungkol sa sakit at pinag-aaralan ito. He needs psychiatrist talaga at attention na makukuha niya sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Napa-angat ako ng tingin ng may maglapag ng bag sa lamesa. Sinimangutan ko ito. Si Coin lang pala.
"Ang lalim naman po ng iniisip mo, Mia?" Tinignan niya ang aking binabasang libro.
"Mag-shift ng course? Pang-psychology niyang book na hawak mo." Nagtatakang tanong niya sa akin.
Binaba ko ang libro at tinignan niya.
"Binabasa ko lang iyong tungkol sa Personality disorder, kung ano pa ba ang p'wedeng paraang gawin para sa mga taong may sakit nito."
Sumandal siya sa upuan at tumingala, "nag-aalala ka sa kanya? Sobrang bait mo talaga, Mia. Sa mga kaibigan mo, ikaw ang nagbubukod tangi sa kanilang lahat. Hindi ko pa naman nakakasama iyong iba pero iba sa kanila." Sabay tingin niya sa akin.
"Kung isa sa mga kaibigan ko ang may ganoong sakit, gagawin ko rin ito. Para ko na silang pamilya, Coin. Madalas silang mag-asaran pero solid kaming lahat. Isa lang mapahanak lahat kami susugod..."
"Alam ko niyon. Iyon nga lang lumapit si Night sayo, parang may giyera silang pupuntahan dahil sa mga mukha nila. Bantay sarado kayong mga babae sa kanila Zidane."
Tumawa ako sa sinabi, "Mild pa iyon, Coin. Ang malupit na magbantay si Raegan, nasa kabilang school nga lang. Dito, si Jasper maloko pero kapag may ginawa ka sa amin na kalokohan, siya pa ang unang makikipag-away."
Tumawa rin si Coin sa sinabi ko, "Cool ng squad niyo."
"Sobra. Sina Kian kolokoy pero seryoso rin niyon kapag may inaapi na sa amin." Sabay tingin ko sa kanya.
"Nakita ko iyon. Kay Kendrick? Nagulat ang lahat sinapak niya si Kendrick." Sabay iling niya.
"Wala akong alam kung anong nagyayari kina Angie at Kendrick. Alam ko umamin na raw si Ken sa kanya, eh, iba ang gusto ni Angie. Sad niyo?" Malungkot na sabi ko rito.
"Oo nga pala, bakit ka narito? May klase ka pa, ha?" Sabi ko sa kanya.
Pagkatapos ng lunch break namin, lunch break na nila. Hindi sabay ang mga lunch break namin.
"Wala si Prof. Sy,"
"Wala siya? Wala rin kaming klase sa kanya mamaya?" Last subject namin siya, e. Maaga pala uwian namin mamaya.
Tumango siya sa sinabi ko.
"Anong ginagawa mo rito, Mia?" Pagbabalik tanong niya sa akin.
"Nag-aaral. Iyong mga lessons kahapon. Pero, napunta rito ang attention ko, e." Sabay angat ko sa makapal na libro ng medisina.
"Ah... Buti di nababagot iyong mga nurse at doctor. Sobrang kapal ng mga libro nila." Sabay taas ng kanyang mga balikat.
Tinignan ko siya ng masama.
Tumaas ang kanyang mga kamay, sinasabing teka lang may paliwanag ako, "kahit naman siguro matalino ko, Mia, tatamarin ka rin naman lalo na kung ganito kakapal ang mga libro." Sabay kuha niya sa libro.
"Sabagay. Si Ari nurse siya diba?" Sa sinabi ko palang na pangalan umasim na ang mukha niya.
"Bakit ganyan ang mukha mo, Coin?" Sabay tawa ko sa kanya.
"Wag mo nga banggitin niyong name nun, Mia! Ayoko sa mga ganoong babae. Ang tataas ng mga tingin sa sarili nila."
"Feminist kung feminist siya. Iyon nga lang napa-oa. Hehehe!"
Si Ari ang nag-iisang anak ni Mrs. Camara na prof sa Culinary. Kaya ang laki ng ulo lalo na't sikat siya sa mga boys.
Kaibigan niya si Ginger, ang kalaban ngayon ni Angie.
"Kaya siguro pinahiram ni Mrs. Camara iyong oven sayo dahil pumayag si Ari."
"Kung 'di natin need iyon, hindi ako hihiram sa kanila. Ayoko lang makasakit ng damdamin ng mga babae, Mia. Dignidad naman para sa mga sarili nila." Nakakunot na ang noo ni Coin.
"3rd year na si Ari diba? Mas matanda tayo sa kanya?" Tumango ang isa.
"Basta focus tayo sa pastry natin. Galingan niyo ni Mika, ha. Tagahalo lang ako Hahaha!" Siraulong Coin na ito.
"Tara, Mia, kain tayo!" Niligpit ko ang aking mga gamit at binalik ang libro sa shelf nito.
"Tara!"
• | • | • | • | •
PS:
MINA OF TWICE as ARIENDELLE 'ARI' CAMARA
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro