Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Six

"Move out, dammit!" Maaskad niyang sigaw sa mga naka-harang sakanyang dadaanan na mabilis namang nahawi.

Narinig niya ang malakas na halakhak ni Travis mula sa kabilang linya. "Dammit, babe. Relax. Wag ka masyadong highblood."

"They're blocking my way, it annoys me."

"Mag-iingat ka sa pag-ddrive, mamaya makikihitch nalang ako kay Cholo papunta sa agency at susunduin ka. I'll drive your car." Malambing nitong sabi sa kabilang linya, narinig niya kung paano ito tuksuhin ng mga kabarkada nito ngunit tila naman wala itong pakialam. "You take care, sige na babalik na ko sa practice namin. I love you, see you later."

"See you..." Nag-lakad na siya patungo sa parking.

"Lang?" Medyo pagalit nitong tanong.

"Ha?" Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi upang pigilin ang pag-ngiti nang marinig ang marahas nitong pag-buntong hininga.

"I said I love you." Mas mariin nitong sabi.

Halos matawa siya nang marinig niya ang isa sa mga kaibigan nito sa kabilang linya na mag-salita dahilan ng mas malakas na tawanan ng lahat. "Travis, ang I love you too ini-earn yan, hindi pinipilit. Wag mo i-push."

"Fuck you, Pocholo. Mind your own fucking business." Pikon na hiyaw ni Travis sa mga ito.

"Oh, ikaw naman yung highblood dyan." Nangingiti niyang sabi dito. "Sige na, Trav. Mag-practice na kayo. I love you, too. Okay na?"

"There you said it." Masayang wika nito. "Bye, babe."

Bago nito maputol ang tawag ay hindi napalampas ng kaniyang pandinig ang mas malakas na hiyawan at asaran ng mga kaibigan nito. Napailing na lamang siya, she went on her car and was about to get in when someone snatched her arm from behind.

"Gift!"

"Damn, Violet! You scared me!" Inirapan niya ito.

Nagpalinga-linga ito bago siya muling balingan. "Can I hitch?"

Tumaas ang kaniyang kilay at binalingan ang Ferrari nito na nakapark sa usual spot ni Violet. "What's wrong with your car?"

"It's the last junk I wanna ride right now, so can I?" Muli nitong tanong.

She just shrug. Mabilis naman nitong tinungo ang passenger seat ng kaniyang sasakyan. Siya nama'y pumasok narin sa loob at nag-simula ng mag-maneho.

Everything went smooth the whole weak after Travis' birthday, well except for the fact na nakita niya si Alexus na lumabas sa pinto ng silid ni Ashley na nakababatang kapatid ni Travis nang paalis din siya sa silid nito para lumipat sa itinalagang silid para sakanya. Hindi niya iyon sinabi kaninoman, miski kay Travis. Iyon lang naman ang nakita niya, hindi niya ugaling mag-conclude at lalong hindi niya ugaling mang-himasok.

Ngayong araw niya napag-pasyahan isagawa ang kaniyang plano, ipinaalam niya ang lahat ng gagawin niya kay Travis at tulad ng siyang lagi nitong ginagawa ay sinuportahan lamang siya nito. Kung ayaw ipakilala ng kaniyang ama sakanya ang babae nito, pwes siya mismo ang kikilala dito.

"To where will I drop you?" Tanong niya kay Violet nang makalayo ng bahagya sa Vanderbilt University. "Sa sorority house ba?"

"No." Mabilis itong umiling at kinagat ang ibabang labi na tila nag-iisip. "I don't know where I should go, why not take me to where you're going!"

"What?" Mangha niya itong nilingon. "Are you freaking serious? You're always busy, Violet. Now you'll be wasting time? Are you for real?"

Nagkibit balikat lamang ito at hindi na muling nag-salita kaya naman wala siyang ibang napag-pilian kundi ang isama nga ito sa pupuntahan niya. Kita niya kung pano nito pinatay ang cellphone at isiksik iyon sa pinakailalim ng bag nito.

She shook her head and parked her car in front of the Vestir Modelling Agency. Nakita niyang nangunot ang noo ni Violet habang kinakalas ang seatbelt nito, nagtataka man ay hindi naman ito nang-usisa. Halos magkapanabay silang bumaba ng sasakyan.

Binati silang dalawa ng guard ngunit wala ni isa sakanila ang bumati pabalik o ngumiti man lamang. Agad niyang tinungo ang front desk, nakasunod parin sakanya ang kaibigan.

"Good afternoon, ma'am-"

"I've sent my portfolio to Cindy Talavera, I have an appointment scheduled with her. I'm Gift Briana Ballesteros Vito." Nakita niyang halos mag-kumahog na ang babae sa pagpindot ng intercom nito upang gawin ang dapat nitong gawin dahil sa paraan ng pag-tingin niya rito. She even intentionally tapped her long manicured nails above the counter. "Make it fast."

"O-opo, ma'am." Kaagad nitong sabi bago may kausapin sa intercom. "Hello, yes ma'am naririto na ho si Miss Vito. Opo, sige ho." Ibinaba nito ang telepono at binalingan siya. "Sa third floor po ang office ni Miss Talavera, she's waiting for you there."

Hindi na siya nag-aksaya pa ng laway at tinalikuran na ito. She went to the nearest lift and when the door closed, doon na siya hinarap ni Violet.

"Are you freaking serious?! Mag-cacasting ka to be a model of this agency?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

She just shrugged. Hindi niya kailangan mag-paliwanag kay Violet. Agad siyang lumabas nang bumukas ang elevator, may mangilan-ngilan silang nakasalubong na nagtatangkarang mga babae na palagay niya'y model ng ahensya.

Tila naman inaasahan ng isang babaeng nakaupo sa likod ng lamesa nito ang kanilang pag-dating, agad nitong inayos ang salamin at nakangiti silang sinalubong. She didn't bothered to smile back at alam niyang ganoon rin si Violet.

"This way po ang office ni Miss Cindy." Iginiya sila nito sa tapat ng black leathered double doors at itinulak nito pabukas ang kaliwang bahagi noon at nagpatiuna ito. "Miss, naririto na ho si Miss Vito."

Sadyang gumawa ng ingay ang takong ng kanyang five inches Stuart Weitzman black bandage boots. Nakita niya ang pag-ikot paharap ng high back swivel chair sa likod ng executive desk kung saan naroon nakapatong ang isang plaka na may pangalan nito. Cinderella Talavera.

Sinalubong siya nito ng isang magandang ngiti. The woman has a pair of chinky eyes, maliit ang maamong mukha nito at matangos ang namumulang ilong. Her cheekbones were on point at duda siyang nakuha iyon ng contouring dahil halatang wala namang makeup ang babae, why her freckles are showing up. Mahaba ang pilikmata nito at merong magandang tsokolateng mga mata, her lips were full and pinkish. All in all, the woman is pretty and looks a lot younger than her age. Maamo ang itsura nito at mukhang masiyahin, but then she will never consider all her positive traits because this woman is her father's bitch.

"Sige na, Monet iwan mo na kami." Nakangiti parin nitong sabi sa assistant nito na agad namang lumabas ng silid. Muli siya nitong binalingan. "Hello, Miss Vito. I didn't know you'll bring company."

"She's my friend, Violet Iphigenia. I know you wont mind if I'll bring her here." Sarkastikong umangat ang kaniyang labi sa isang patuyang ngiti.

Hindi naman natinag ang magandang pagkakangiti nito, tumayo ito at iminwestra ang dalawang visitor's chair sa harapan ng lamesa nito. "Oh, of course. Take a sit."

Tinaasan niya ito ng isang kilay at walang salitang naupo sa isa sa mga silya. Naamoy niya ang halimuyak ng pabango nito, it's too sweet for her taste. She didn't uttered any word, instead she kept her face formidable.

"So, I reviewed your portfolio." Huminga ito ng malalim, pasimple niyang inestima ang postura nito nang mag-lakad ito patungo sa malapit na cabinet ng mga files. They maybe on the same height, the woman's long legs shows through her cream A-line dress na merong manipis na putting belt sa bewang. "I must say, the shots were impressive. And you look so beautiful-"

"I look like my dad." Masungit niyang putol sa sinasabi nito, nakita niyang bumaling ito sakanya. She tilted her chin up, she smirked when she saw how the woman froze but then Cindy immediately regain her composure and smiled warmly at her. Oh how she hate that smile!

"You both have the same eyes, tantalizing." Puri pa nito, muli itong nag-lakad pabalik sa upuan nito bitbit ang folder na may label ng pangalan niya.

Inirapan niya ito. "I hate people wasting my time, so I just wanna know if I'll be able to get in here and be a part of your...." Hinarap niya itong muli, dinugtong niya ang salitang ni hindi kayang ilabas ng kaniyang bibig. "Family?"

Nakangiti parin ito at malumanay parin ang pananalita nito. "Do you mind if I'll ask you to do some walk for me, as I go through your files nalaman kong wala ka pang experience sa modelling. But I learned from my connections that you've twice declined an offer to walk for a clothing line-"

"Because I wasn't interested to it before."

"I see, what made you interested now?" Tuwid ang tingin nito sakanya na tila ba umaasa ng sagot.

Ginantihan niya ang tingin nito, matalim ang kaniyang mga mata na nakatuon dito. At alam niyang napansin nito iyon. "I suddenly want to discover things behind me, might as well say... people behind me."

Dagli itong nag-iwas ng tingin at humugot ng malalim na pag-hinga, niyuko nito ang files na hawak at tila ba hinamig ang sarili ng ilang saglit.

She saw how her fingers fidgeted holding the folder. That's right bitch, rattle.

"So, yes." Soon as Cindy composed herself, binalingan siya nitong muli ng isang maamong ngiti. A kind of smile that starting to annoy the hell out of her. "Let's see your walk."

She gave her a nonchalant shrug, nang balingan niya si Violet ay mataman lamang siya nitong pinagmamasdan. She stood up and started walking gracefully. She has a slim and tall physique, a pair of legs that runs forever. With no necessary word, she flaunted her blouson Givenchy dress na bahagyang umabot ang haba sa kalahati ng kaniyang hita.

She maybe of no proper experience when it comes to modeling, but she'd been walking up and down the fake runway her whole life that's why she's so used to it.

"Impressive!" Manghang napatayo ito sa upuan nito matapos siyang panuorin.

Hindi niya alam kung dinadaya lang nito ang nakikita niyang admiration sa mga mata nito o tunay ngang namamangha ito. But then, she doesn't care whether Cindy likes it or not.

"I would like to very much include you in my team, Miss Vito. It will be such an honor to have some pretty face like you in my agency." Masayang anunsyo nito.

She didn't even bothered to fake a smile, instead she picked up her Prada handbag. "When will I sign a contract?"

"I'll have it ready, probably tomorrow." Cindy's tone seems friendly and it's irritating for her.

"Tell your secretary to give me a ring then." Walang lingon niyang tinungo ang pinto palabas ng silid, alam niyang nakasunod sakanya si Violet.

"Thank you for coming in." Pahabol pa nito sa malambing na tono na tila ba iyon ang normal na paraan ng pakikipag-usap nito.

Napairap siya sa kawalan. Tahimik nilang tinunton ni Violet ang elevator, wala siyang narinig na kahit anong salita mula rito. That's one thing she likes about Violet, she's never nosy.

Nang makalabas ng building ay natanaw niya agad si Travis na nakasandal sa hood ng kaniyang sasakyan at nakahalukipkip habang kausap ang isang lalaking nakatalikod sakanila.

Agad na ngumiti ito nang makita siya, tumuwid ito ng tayo upang salubungin siya.

"Babe." He said.

She smiled and was about to answer nang marahas na napamura si Violet sakanyang likuran.

"What the fuck!"

"Is something wrong?" Takang tanong niya dito bago lapitan si Travis na humalik sakanyang pisngi. Doon niya nabalingan ang kausap nito, her eyebrows ceased. "Oh."

"Kier, this is my girlfriend Gift." Pakilala ni Travis sakanya, possessively wrapping his arms on her waist. "Babe, he's Kier."

She smiled politely and greeted. "Hi."

The man really has dark aura, mas malinaw niyang nakita ang anyo nito ngayon. And dang, tila ba mas mabalasik iyon at mas na nakakatakot.

Tumango lamang ito atsaka binalingan si Violet na ngayon ay nag-lipat ng matalim na tingin kay Travis.

Travis shook his head, itinaas nito ang isang kamay sa ere. "Whoa, labas ako dyan. He's already here when I came."

Kunot noong tiningala niya ito, umiling lamang ito sakanya atsaka hinalikan ang tungki ng kaniyang ilong.

Binalikan niya ng tingin si Violet, she seems to lose her composure. Marahas na hinga ang pinakawalan nito habang nanggagalaiting pinagmamasdan si Kier na cool na cool lamang sa kinatatayuan nito.

Napataas ang kaniyang kilay nang walang salitang imuwestra nito kay Violet ang sasakyan katabi ng sakanya na noon niya lamang napansin. It was Violet's Ferrari!

"Dammit! You're really a rotten asshole!" Hiyaw nito bago padabog na tinungo ang sasakyan nito at lumulan doon.

Agad na sumunod doon si Kier. Siya nama'y inakay narin ni Travis na pangisi-ngisi lamang. Minaniobra na ni Travis ang sasakyan, napalingon siya sa rearview mirror nang mapansin na nakasunod sakanila ang sasakyan ni Violet.

"Why are they following your lead?" Tanong niya.

"I told Kier that we'll have dinner, he said they might as well join us." Cool itong nagkibit balikat.

Hindi na siya umimik pa at tahimik na lamang na sumandal sakanyang upuan, Travis reached for her hand and kissed the back of it habang ang buong atensyon ay nasa daan. Napangiti siya, those simple gestures touched her heart.

"Where do you wanna dine?" He asked.

"Ikaw naman, laging ako yung sinusunod mo eh." Malambing niyang sabi dito. She shook her head after hearing her voice, why she sounded like Generose every time she speaks with Alexus.

"Kung ako ang masusunod, Gift. Ikaw ang kakainin ko."

Agad siyang pinamulahan ng mukha sa sinabi nito kaya mabilis niyang hinampas ang braso nito at pinanlakihan ito ng mga mata. Tumawa lamang ito atsaka muling binalingan ang daan.

"Ano bang gusto mo for dinner? It's just five in the afternoon, kapag nagutom ka ulit mamaya kain nalang ulit tayo." Malambing nitong hinalikan muli ang kaniyang kamay.

She sighed deeply, alam niyang siya at siya parin ang hahayaan nitong masunod kaya naman sinagot na lamang niya ito. "Fine, I want shrimp for dinner."

"Shrimp then." He shrugged. "I know a seafood restaurant nearby."

Tumango siya at nilingon ang labas ng bintana, nang madaan ang tingin niya sa salamin ay nakaunod parin sakanila ang sasakyan ni Violet. Curious ma'y pinili niyang wag na lamang mag-tanong. Violet is non of her business anyway.

Ihinimpil ni Travis ang sasakyan sa malawak na parking space ng isang seafood fine dining restaurant. They immediately went out. Walang ilang saglit ay ang sasakyan naman ni Violet ang pumarada sa tabi ng sakanya.

Nakaakbay na iginiya siya ni Travis papasok ng restaurant, he requested a table for four. He pulled a seat for her, nang makaupo siya'y napataas ang kaniyang kilay nang padabog na maupo si Violet sakanyang tabi.

Nilingon niya si Travis, he just grinned and shrugged. Naupo ito sakanyang harapan. Maya-maya pa'y dumating na si Kier at naupo sa tabi ni Travis. Na naging sanhi ng malupit na pag-ingos ni Violet sa kanyang tabi.

"What do you want babe? Shrimp lang?" Tanong ni Travis sakanya nang lumapit ang isang waiter upang kunin ang kanilang order.

She scanned the menu, she's not really that hungry. Siguro'y mamaya yayayain niya nalang ulit si Travis na kumain. Tinanguan niya ito. Travis ordered for them.

"I want everything on the menu." Mariing sabi ni Violet.

Napabaling sila ni Travis dito, siya'y napalingon kay Kier na balewalang nakayuko sa menu na hawak nito.

"Are you crazy?" Sita niya kay Violet.

Ang waiter ay tila gulong gulo na pinaglipat-lipat ang tingin sakanilang apat. She inhaled an air and shook her head, hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari kay Violet. Binalingan niya ang waiter.

"They'll have the same order as ours." She said in a tone laced with finality.

Mabilis na tumango ang waiter at umalis na sakanilang harapan. Nagpalitan sila ng makahulugang tingin ni Travis, ngumisi ito at tumikhim siya. Maya-maya ay nakita niyang inilabas nito ang cellphone at naging abala sa pag-dutdot doon, napataas naman ang kaniyang kilay. Sasawayin niya sana ito nang mag-vibrate naman ang kanya, nag-angat ito ng pansin sakanya atsaka kumindat.

She fished out her phone from and saw a text message from Travis, who's now smiling in front of her.

Travis:

Damn, you're so near yet so far. I wanna kiss you, y'know.

A smile broke her lips as she typed a reply.

Shut it, Travis.

Binalingan niya ito at inilingan upang huwag nang mag-reply. He just shrugged and kept his phone ang kamay nito'y ginapang ang kamay niyan nasa lamesa at hinawakan iyon. His hand played with his fingers as they waited for their order.

Nang dumating ang kanilang pagkain ay tahimik lamang silang kumain. Ipinagbalat siya ni Travis ng hipon ngunit pareho silang nanatiling mga walang imik, nagpapalitan lamang sila ng makahulugang tingin at ngiti.

Kaya naman napatigil silang pareho nang padarang na ibagsak ni Violet ang hawak nitong kubyertos atsaka marahas na huminga.

"Bullshit!" Mura nito habang naniningkit ang mga matang nakamasid kay Kier na tila wala namang pakialam na tahimik na kumakain. "You're annoying me, Yniguez!"

"Violet!" Sinaway na niya ito. "Stop it, you're being unreasonable. Nananahimik siya, hindi ka nga kinakausap. What's wrong with you?"

Hindi ito umimik ngunit kitang kita niyang lalong tumalim ang tingin nito kay Kier. Something is really strange with Violet, why Violet had always been composed and proper but now she's acting really weird. Like she's bursting out of the blue and that's so not her.

Naging payapa na ang kanilang pagkain, hindi na muling nagsalita si Violet hanggang sa matapos. Ngunit ingos parin naman ito ng ingos kay Kier. When they're about to bill out, Kier handed his card to the waiter na lalong ikinaingos ni Violet na nag-labas din ng card nito. Walang ni isa sa mga ito ang nag-sasalita ngunit tila ba naghahamunan ang kanilang mga tingin, napailing siya nang makitang naguguluhan ang waiter.

Inilahad niya ang kaniyang kamay kay Travis at agad naman nitong nakuha ang kaniyang sadya kaya ibinigay nito sakanya ang card nito. Nakangisi lamang ito sakanya, she rolled her eyes and called the waiter's attention.

"Hey, here. Use this one." Masungit niyang utos. Agad namang tumalima ang waiter.

Nang makabalik ito ay agad na siyang tumayo at ibinigay ang card kay Travis, she took his hand and went outside of the restaurant. Narinig niya ang mahinang pag-tawa ni Travis, pinatunog nito ang kaniyang sasakyan atsaka siya pinagbuksan ng pinto upang makapasok. Narinig pa niya itong nagpaalam na sa dalawa.

Hindi na niya nilingon pa sila Violet na tumungo narin sa sasakyan nito, nang lumulan si Travis ay patawa-tawa parin ito. He maneuvered the car off, pasipol-sipol na ito sa daan habang tinutunton ang daan patungo sa condominium unit niya.

"Is Kier mute?" Wala sa sarili niyang tanong sa kalagitnaan ng byahe.

Umangat ang dalawang kilay ni Travis bago siya sinulyapan.

"Kasi hindi siya nag-sasalita-"

Kumunot naman ang noo nito bago ngumuso. "Bakit? Gusto mo ba na makausap siya?"

Napasinghap siya. "Seriously, Travis?! I was just asking!"

Umismid ito. "I don't want you asking about any guy, Gift."

"You're crazy."

"Call me names, but damn you're mine." Buong tinig nitong sabi na siyang nagpailing na lamang sakanya.

She sighed deeply and leaned to her seat. Simpleng salita lamang nito ay kung anu-ano na ang idinudulot sakanyang damdamin.


And because she didn't enjoyed her dinner, she asked Travis to cook for her which he willingly oblige. Kaya naman heto siya ngayon at nakaupo sa high stool at nakapangalumbaba sa island countertop habang pinagmamasdan ang hubad na likuran ni Travis na abala naman sa pag-luluto nito ng hipon na siyang nirequest niyang muli.

"Put some butter in it, please."

"Yes, ma'am." Natatawang tugon nito.

Napangiti siya habang iniestima ang likod dito. Darn this man for having a sexy back. Muscles were on its proper places, from his rear shoulder down to his spine going further to his lower back. And damn this man for having a finely shaped booty!

Kung anu-ano na ang pumapasok sakanyang isipan at pinagnanasaan na niya ito kaya naman ipinilig niya ang kaniyang ulo at tumikhim upang mag-simula ng mapag-uusapan.

"How's your practice pala?" Tanong niya.

"Nung kausap kita kanina sa phone, patapos na kami halos nun. Ayos naman, medyo nagkapikunan lang si Basty at Edward. Ganun naman lagi ang dalawang yun sa court, pero pag tapos ng game ayos lang sila." He shrugged. "Ikaw, kamusta ang lakad mo?"

"Well, I got in." She informed. "My plan worked. And I met her, in flesh."

Binalingan siya nito ng bahagya na may pag-aalala sa mga mata bago muling binalikan ang niluluto. "And how was it?"

"She's really very pretty, I give her that." Kibit balikat niyang sagot. "She's soft spoken and kind of sweet. Even her features were soft, she seemed nice but I hate her."

"Nagpakilala ba siya sayo?"

"She didn't mention anything about her being my dad's bitch." She blew an air. "But you know what, I kinda realize something."

Hindi ito kaagad na nag-salita at inasikaso ang niluluto. He finished it and shuts off the stove, matapos ay buong atensyon siyang binalingan. "What is it?"

"She's my exact opposite, Travis. From her actions to her words. Maybe that's why my father chose to love her instead of me, because she's sweet and gentle while I'm nothing but a rotten spoiled wicked witch from the south." Nakita niyang tumiim ang bagang nito kasabay ng pag-kunot ng noo na tila ba hindi ito sangayon sakanyang sinabi. "Even her perfume scent preference is far from mine, maybe that's what my dad wants. Hindi ako. Or maybe if I'll be just like her, maybe he'll start noticing me-"

"Enough." Mariin nitong sabi. "What the hell are you saying, Gift?"

Bahagya siyang natahimik sa tono ng boses nito. He walked towards her, tumayo ito sakanyang harapan at masuyong ginagap ang kaniyang kamay.

"Shh, baby. Stop saying those things." He gently tilted her chin with his index finger making her look at him. "Is my baby, insecure?"

Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi. Never in her life did she feel insecure! She think of herself highly na tila wala ng makahihigit pa sakanya sa anumang aspeto. But then, there's her dad with his bitch making her feel bad about herself.

"You know why people struggle to insecurity? It's because they compare their behind the scenes to someone's highlight reel." His voice was gentle that made her lip protruded a little. He chuckled and bent down to give her a slight peck. "You may not live up everyone else's standard, but I'm here. Baby, nobody can do everything better than you do."

Her heart missed a beat as she felt the gentleness of his words rushed through her veins.

"You always think worst about yourself and for me you're nothing but the best." Hindi na niya napigilan pa ang mapangiti, Travis really knows how to make her feel better. "There you go, smile. You're making my day."

"Thank you, babe." Mahigpit niya itong niyakap, naramdaman niyang natigilan ito at alam niya kung bakit. Humagikgik siya at ibinaon ang mukha sa leeg nito.

"You called me babe." Wala sa sariling bulong nito sakanyang tenga habang ang mga kamay ay bumaba sakanyang bewang. "Isa pa nga..."

"Babe..." She giggled again and started planting soft kisses on his neck. "Babe... babe... babe...."

"Damn, Gift. Binabaliw mo na naman ako." Humalakhak ito at kumawala sakanya upang sapuhin ang kaniyang magkabilang pisngi. "I really love you..."

"Babe..." Natatawang sabi niya.

Ngumisi ito bago bumaba ang mga labi nito sakanya upang siilin siya ng isang matamis na halik na siyang kaagad niyang tinugon.

From there, she knows that nobody can ever love her better than Travis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro