Chapter Seven
years later...
She inhaled deeply as she watched the sunset, it's like a crimson throat to hell and is cavernous. In a little twilight will drop the curtain down and pins it with stars. They say that sunsets were made for people to realize that no matter how bad your day is, life has it's own way to end it beautifully.
A cold touch from behind caught her attention. But her eyes remained on the beautiful sunset.
"Gift, are you okay?"
Her lips twitched in a sudden irritation. Oh how she hates people asking if she's okay when she's obviously not. Instead of hauling an answer to a stupid question she kept her mouth shut.
"Oh, how stupid! I'm sorry, Gift. I know what you're feeling and I'm sorry that I can't do anything about it." Her voice laced concern. "Hindi ko na inaasahan na dadalo ka ngayon dito, and seeing you today breaks my heart."
Taking her time, she took a sip of her wine and turned at the woman beside her. "I'm okay."
Bitch, she's not!
Who will be okay attending the wedding of her dearest father and his woman? But then, she rather pretend than admit.
Tumango ito sakanya na tila ba pinakikibagayan ang kaniyang sinabi, bahagya pa itong nag-iwas ng tingin. "Kailan ang balik mo sa New York?"
"Atticus booked me a flight this weekend." Muli niyang ibinaling ang tingin sa papalubog na sikat ng araw kung saan nag-aagaw na ang liwanag at ang dilim. "Why are you here by the way? You should be inside, celebrating with them."
"Gift, you're far more important than anything else." She said in a sweet tone. "Kanina pa ko hindi mapalagay, kanina pa kita gustong kausapin."
"I said I'm okay, Tita Bettina." May bahagyang diin niyang sabi. "You have nothing to worry about me."
Her aunt was about to utter another concern but she dismissed it briefly by turning back.
"I'll go inside and greet the newly weds, I don't want them to think I'm another coffee grain."
Naramdaman niyang sumunod ito sakanya, nilingon at binati siya ng mga bisita sa malawak na bulwagan. She said she'll pretend to be okay but she can never and will never fake a smile for this shit of an occasion. So instead of welcoming hypocrisy, she ignored everyone.
Nang marating niya ang komedor, agad na natuon sakanya ang tingin ng lahat ng nasa mahabang hapag. She barely knew these people, ang alam niya lamang ay napapabilang ang mga ito sa alta sociedad. They're all smiles, lahat ay tila ba masaya para sa okasyon na iyon.
Ang mga mata niya ay lumipat sa kung sino ang nakaupo sa kabisera. Her father's eyes met hers. That ball of happiness that completed his round eyes made her heart clenched in pain. He is happy. He is very happy. She's miserable.
"Gift..." Pormal nitong bati sakanya bago imwestra ang upuan sa kaliwang bahagi niya. "Join us, hija."
Her brows shot up in mere sarcasm. Patuyang binalingan niya ng tingin ang kanang bahagi nito kung saan naroon ang babaeng pinakasalan ng kaniyang ama.
Nakita niya ang labis na pag-aalinlangan sa mga mata nito ngunit gaya ng dati'y idinadaan nito ang lahat sa isang magandang ngiti. "Gift, it's nice to see you here."
"It's never nice to see you at all." The words slipped off her mouth naturally that she failed to control it.
It earned series of loud gasps from everyone in the table. But then, the devil cares.
"Gift." It was her dad's voice that sets so much warning. Kasabay noon ay ang pag-tayo nito sa kinauupuan, agad na hinawakan ni Cindy ang braso nito na tila pinababalik sa pagkakaupo. "We need to talk."
"Bernardo, that's okay." Malambing na sabi ni Cindy bago siya muling balingan ng isang matamis na ngiti. "Gift might be too tired, she needs to rest. Kakagaling lang niya sa isang mahabang byahe, try to understand your daughter."
Patuya siyang napangisi sa huling sinabi nito. Matapang niyang sinalubong ang galit na mga mata ng kaniyang ama. "What is it that we need to talk about, dad?"
Dad. Sinadya niyang bigyan diin ang salitang iyon. Pinanuod niya kung paano gumalaw ang panga nito sa tila galit na pinipigil, her dad tried to cool down a bit and turned to the audience of their commotion.
"Excuse us a bit, I just need to talk to my daughter." Magalang nitong paalam sa lahat bago siya muling lingunin. "In my office, Gift Briana."
My daughter kung siguro'y noon niya narinig ang salitang iyon ay baka ikinagalak niya pa. But right now? It seems to have no effect at all.
Nag-patiuna itong mag-lakad papaakyat sa malawak na staircase ng mansyon, agad na nakasunod dito ang bago nitong asawa. Ayaw man niya'y sumunod siya sa mga ito, in private she'll never miss the opportunity to shower her newest step mother series of insults that she'll forever deserve.
"Fix your attitude, Gift Briana!" Dumagundong ang malakas na tinig ng kaniyang ama sa apat na sulok ng opisina nito sa loob ng mansyon nang maisara niya ang pintuan.
"Bernardo, calm down." Malumanay ang tinig ni Cindy na siyang nagpaikot ng kaniyang mga mata. "Pagod lang si Gift, kaya siguro ganoon."
"Oh, don't make an excuse for what she did." Matalim siya nitong tinignan. "Cindy is my wife now, Gift. And you are my daughter, I'm not expecting you to accept her and treat her nicely the way she should be treated pero hindi ko rin naman hahayaan na bastusin mo siya lalo sa harap ng ibang tao!"
"Whoa, the last time I checked you can never even acknowledge me as your daughter so why the sudden change now?" Sarcasm filled her voice, she even let out a chortle. "Is it what marriage makes you, father?"
Nakita niya kung paano ito natigilan, dahan-dahan ang pag-kuyom ng kamao nito na tila ba nag-pipigil ng galit. Si Cinderella ay nanatiling tahimik sa tabi nito at pilit itong pinakakalma.
"Hindi ka pinalaking bastos, Gift." Humina ang tinig nito at mas naging mapanganib.
"What do you know about my own upbringing, huh?" Much as she holds it, bitterness trailed her tone. "Anong alam mo kung paano ko pinalaki ang sarili ko?"
Tumaas baba ang dibdib nito sa labis na pag-pipigil. Hindi niya alam kung bakit tila nasisiyahan siya na sa wakas, nakita niya kung paano magalit ng ganito kalala ang kaniyang ama tuwina kasing nakakaharap niya ito ay palagi itong walang pakialam sakanya.
"Maybe attending your shit of a wedding is a worse idea. I just think that I should be here to at least give you some respect, you're still my father even if I was never your daughter." She shrugged and smiled a bit. "Tama ka rin, you should really never expect me to treat her well. But you're damn wrong to your next words, she should be treated this way."
Nilingon niya si Cindy, ang mga mata nito ay malambot at maamong nakatingin sakanya. She remembered exactly how she almost fell for her kindness, but that was then, this is now.
"I'll forever loathe you, two-faced cougar."
Narinig niya ang malakas nitong pag-singhap. Maging siya ay napasinghap nang marahas na haklitin ng kaniyang ama ang kaniyang braso.
"You're falling below the belt, Gift Briana." Galit nitong anas, ang apoy sa mga mata nito ay tila ba kaya siyang sunugin sa paraan ng pag-titig nito. "You better watch your mouth."
"Bernardo, let her go!" Awat ni Cindy dito. "Bernardo, wag mong sasaktan ang anak mo!"
"Go on, you wanna hurt me?" Matapang niyang nilalabanan ang galit nitong tingin. "Do you think I care? That's what you're up to, all my life. I'm already immune to all kinds of pain you can inflict me."
"I can't believe I have a demon as a daughter." His voice is low and very dangerous.
"No, you never ate the idea that you have a daughter. Stop fooling yourself." Buong lakas siyang kumawala dito akmang muli siya nitong aabutin nang pigilan na ito ni Cindy na ngayo'y tahimik ng umiiyak.
She stood there composed. No way she'll let herself melt down the carpeted floor and play weak. She cleared her throat to make sure that her voice wont sound broken.
"I'll be going, I'm staying with Atticus." Pormal niyang sabi bago talikuran ang mga ito at humakbang patungo sa malaking pintuan ng silid.
"I already told you to stop seeing that man!" His voice crippled with so much dislike.
Sinagot niya ito ng hindi lumilingon. "I didn't stop you from marrying a cougar, did I?"
Hindi na niya inantay pa ang magiging sagot nito at basta na lamang nilisan ang silid. That's too much for today. That's too much drama and she hates it.
In her red Ferrari, she drove mad and furious. Isang daan ang tila ba awtomatikong tinatahak ng kaniyang sasakyan, tila ba kusa itong lumiliko at dumidiretso sa dapat nitong daanan. Maayos niyang ihinimpil ito sa tapat ng isang pribadong hardin.
Soon as she stepped out of her vehicle, cold breeze welcomed her. Walang nagawa ang suot niyang manipis na bestida upang anggiin ang malamig na simoy ng pang-gabing hangin.
The surrounding were dark because of the night, tanging ang lamppost lamang na matatag na nakatayo sa gilid ng maliit na gazebo sa gitna ng hardin ang nag-sisilbing liwanag ng lugar.
Itinulak niya pabukas ang maliit na gate na yari sa barbwire kung saan nakasabit ang karatulang private property. Pumasok siya sa loob at muli iyong isinara.
Tiningala niya ang malaking puno ng cypress sa bungad ng maliit na hardin matapos ay inestima niya ang lupang kaniyang inaapakan. Maiksing pathway patungo sa gazebo, wala siyang nakitang ni isang maliit na kalat o lantang dahon sa paligid. Binalingan niya ang Bermuda grass sa paligid, maayos ang putol ng mga iyon na tila ba namementina ayon sakanyang kagustuhan.
Every step pains her heart, tila isa-isang nanunumbalik ang lahat ng sakit sakanyang dadamin. Ilang hakbang mula sa gazebo ay huminto siya, her heart rumbled inside her chest as she looks at the statue of a little angel in the middle of the gazebo. Bumaba ang kaniyang mata nang makita ang basket na naglalaman ng iba't ibang klaseng bulaklak.
A basket full of assorted gladioli, lilies, carnations and chrysanthemums.
Tila ba doon niya lang naalalang wala siyang dala ni isang pirasong rosas. Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi bago ipinagpatuloy ang pag-lalakad papasok sa gazebo. Marahan siyang naupo sa malamig na sementadong sahig ng gazebo, iniligid niyang muli ang tingin at siniguradong malinis at hindi napapabayaan ang lugar.
Niyuko niya ang mga bulaklak sa basket, halatang sariwa ang mga iyon. Kahit paano ay napangiti siya, she mentally noted to talk to the care taker of this place, dapat niya itong pasalamatan sa pagpapanatili ng kaayusan ng lugar. Maging ang pagmamalasakit nito sa pag-dadala ng bulaklak.
Inabot ng kaniyang kamay ang mukha ng estatwa ng isang anghel na kasing laki ng isang limang-taong gulang na bata. She smiled softly.
"Hi, I miss you..." Mahina niyang bulong.
Two years ago she lost her whole life in a twist. Ang akala niyang masaya at kuntento na niyang buhay ay nagiba at alam niyang hinding hindi na muling mabubuo pa. Two years ago, she bought this abandoned land and made it a sanctuary. The owner might've feel her pain and desperation that time that he gave his land for free, kahit pa kaya naman niya itong bilihin ay ipinilit nito sakanyang tanggapin na lamang ang lupain. She made it her own heaven with her own little angel in the middle of it.
Noong dito siya sa Pilipinas namamalagi ay halos sa gazebo na niya ubusin ang kada segundo ng bawat araw. Hindi siya napahintulutan ng panahon na makagawa ng magagandang ala-ala kasama ang kaniyang anghel, kaya naman sinusubukan niyang makabawi dito sa mga simpleng bagay.
But her chosen career demanded so much from her, kinailangan niyang lisanin ang bansa. Hindi niya rin kayang dayain ang kaniyang sarili, alam niyang mas makabubuti rin sakanya kung aalis siya upang iwan ang lahat ng sakit at lahat ng nanakit sakanya.
"I'm sorry, it's been awhile since my last visit." Inabot niya ang isang carnation flower at inamoy iyon, ipinikit niya ang kaniyang mga mata at ipinilig niya ang kaniyang ulo. That familiar scent bothers her, pero alam niyang maaaring guni guni niya lamang iyon. "You know what, I had a fight with your grandfather..."
Muli niyang ibinalik ang bulaklak sa basket at umabot pang muli ng isa upang iyon naman ang samyuhin, her nose wrinkled when another familiar smell greeted her.
"He's so mad at me again, well he'd been like that since the day I was born."
"Daddy!" Masayang tumakbo ang pitong taong gulang na si Gift papasok sa library ng kanilang mansyon kung saan naroon ang kaniyang ama na abala sa pag-babasa ng kung anu-anong papeles na may kinalaman sa trabaho nito. "Dad! I got a perfect score in our exam!"
Ipinatong ng kaniyang munting kamay ang papel ng pagsusulit sa ibabaw ng lamesang narra ng kaniyang ama, patabon sa mga papeles na binabasa nito. Nakita niya kung paano kumunot ang noo nito sa iritasyon sa kanyang ginawa.
Sandali lamang nitong tinignan ang kaniyang ipinakita atsaka iyon isinantabi at muling niyuko ang papeles.
"You should, hindi pinupulot ang pera na ginagamit para sa matrikula mo. Nararapat lang na suklian mo iyon ng magagandang grado." Malamig nitong sabi. "Lumabas ka na, marami pa akong gagawin."
Napayuko siya nang maramdaman niya ang pagiinit ng sulok ng kaniyang mga mata, muli niyang kinuha ang papel atsaka tumalikod. Humakbang siya papalabas ng silid nang may naka-ambang luha sakanyang mga mata, nakita niya sa tapat ng nakabukas na pinto ang kaniyang Tita Bettina na labis ang pag-aalala para sakanya.
"He finally acknowledged me as his daughter..." Mapait na tawa ang kumawala sakanya. "That was new, I just wished I still care..."
"Tita Bet, where's dad?" Her neck craned roaming around the beaming crowd after she finally said her speech as their school's valedictorian. "Isn't he coming?"
Hindi ito agad na nakasagot dahil ilang camera ang tumutok sakanila upang kunan sila ng larawan ngunit nang matanawan ang pag-aalala at pag-aalinlangan sa mga mata nito'y alam na niya, hindi na niya kailangan pang tanungin ito.
Mapait na lamang siyang napangiti, hindi pa ba siya masasanay? Her dad was never there for her in each step of her success, may it be in academics or other things. She never heard him congratulate her for every job well done, dahil para dito'y iyon naman ang dapat niyang gawin at hindi na nakakamangha na angat siya sa lahat.
It was her fourteenth birthday when she overheard her dad and aunt's conversation...
"Don't be so hard on your daughter, Kuya..." Narinig niya ang malumanay na tinig ng kaniyang Tita Bettina.
"I'm not."
"You are, ni hindi mo nga man lamang mabalingan ng tingin si Gift!" There's an evident of frustration in her voice. "Kuya, anak mo si Gift. Anak niyo ni Aliana."
"You don't understand, Bettina. And I don't think you'll ever understand-"
"Na ano? Na sa simula pa lang, Aliana was warned that her pregnancy wont come normal? That you wanted to get rid of the baby inside her dahil magiging delikado iyon sa buhay niya? Pero hindi pumayag si Lian dahil mahal niya ang anak niya na siyang dapat lang! Na kahit na ikinamatay niya'y isinilang niya parin si Gift. Because that's how love should be, it's a selfless love she had for her daughter!"
"I lost Lian because of that baby. When I married her and we learned that she can't sustain another pregnancy after two miscarriage, I already told her that I can live without having a child but I'll die if I lose her."
Mahinang hikbi ang kumawala sakanyang bibig habang naririnig ang sinasabi ng kaniyang ama,
"That child killed Lian, she took Aliana away from me. And I hate it even more that she resembles most of Lian's features, I can't look at her. Dahil sa tuwing gagawin ko'y lalo lang akong binabaha ng katotohanang wala na si Aliana-"
Hindi na niya tinapos pa ang anumang sasabihin nito, mabilis niyang tinakbo ang kaniyang silid. She was crying vehemently in front of her vanity mirror. Looking so pained and helpless.
That child killed Lian...
Ilang ulit siyang umiling habang patuloy sa pag-iyak.
"I didn't kill my own mother..."
Wala sa sarili niyang inabot ang drawer ng kaniyang tokador, naabot ng kaniyang kamay ang isang gunting. Without hesitation, she used its end to cut her beautiful soft cheek.
"I hate you!" Sigaw niya sakanyang sarili sa harap ng salamin. "I hate this face!"
Ilang beses niyang sinubukan sugatan ang kaniyang mukha hanggang sa magkalat na ang dugo mula doon patungo sakanyang kamay.
"Dios mio, Gift!" Hiyaw ni Bettina nang padarang nitong binuksan ang pinto ng kaniyang silid.
Mabilis siya nitong dinaluhan at inagaw mula sakanyang kamay ang gunting. Nang hihina siyang tumayo at hinarap ito, her tears mixed with her blood.
"W-will he be able to look at me now?" Tanong niya sa pagitan ng bawat pag-hikbi.
Lahat ng tao napapagod. In her case, napagod siya. Napagod siyang mamalimos at mag-makaawa sa atensyon ng kaniyang ama. She realized that a child should never beg for a parents' love, it's a must.
Kung sana'y nabigyan siya ng pagkakataon, she must've love her own child regardless of what her angel will look like. Sisiguraduhin niyang ipararamdam niya dito ang pagmamahal na ilang ulit niyang ipinagmakaawa sa buong buhay niya.
If she can only go back to that December and twist the plot, she will. So she'll never have to lose her life.
Sa labis na pagod at panghihina ay hindi na niya namalayan pang nakatulog siya sa malamig na semento ng gazebo. Nang magising siya ay halos mapabalikwas siya ng bangon, napasinghap siya nang matanto ang isang itim na jacket na nakabalot ng mainam sakanyang katawan.
Agad siyang napatayo, lalong nangunot ang kaniyang noo sa labis na pagtataka. Her feet touched the cold ground. She didn't remember herself taking off her shoes. Bumaling siya sa paligid, puro kadiliman ang kaniyang natanaw.
Her heart hammered in place, nakita niya ang kaniyang sapatos na maayos na nakatabi sa gilid ng angel statue. Muli niyang niyuko ang jacket, gusto man niyang hubarin iyon ay hindi niya magawa dahil ramdam niya ang labis na lamig sa paligid.
She brought the cuff part of the jacket in her nose to sniffed it. She's damn sure that it smells like the flowers. Walang pag-aalinlangan siyang tumakbo pababa ng gazebo, yapak niyang tinalunton ang paligid.
Nakalabas na siya ng gate, doon niya nakita ang pag-atras ng isang lumang kakarag-karag na pickup papalayo. The headlights were off. To her stupidity, she went after the car. Running.
"H-Hey! Who are you?!" Malakas niyang sigaw na pumuno sa madilim na kawalan nang humihingal siyang huminto sa pag-hahabol ng tuluyan ng nakalayong sasakyan.
Marahas siyang umiling upang itapon sa kung saan ang ideya na nagsusumuot sakanyang isipan.
"No, it's impossible."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro