Chapter Nine
Humugot siya ng isang malalim na hininga habang pinagmamasdan si Travis na nag-huhubad ng suot nitong t-shirt, kumunot ang noo nito nang mabalingan siya.
"Oh, bakit gising ka pa?"
"I was waiting for you, where have you been?" Tanong niya nang sumampa ito sa kama upang gawaran ng halik ang kaniyang noo.
"May practice lang ng basketball, malapit na kasi yung game." Hinalikan pa nito ang kaniyang pisngi bago dampian ng magaan na halik ang kaniyang labi na pinanatili niyang tikom.
Pinagmasdan niyang maigi ang mga mata nito, his eyes looks tired and wary. Saan naman kaya ito napagod? Sa basketball? Nga ba?
"Trav, mahahatid at masusundo mo ba ko bukas?" Pilit niyang hinaluan ng lambing ang tono ng kaniyang pananalita.
Naramdaman niyang kaagad kung paano humigpit ang yakap nito sakanya. "Your class will be at seven right? Gigising ako ng maaga, hindi ko maipapangako na masusundo kita-"
"Forget it, I can drive myself to places." Putol niya sa sinasabi nito bago ito talikuran ng higa. "Matulog ka na."
Hindi ito muling sumagot ngunit narinig niya ang ilang mahahabang buntong hininga na pinakawalan nito. She closed her eyes and convinced herself to think straight, pilit niyang inaalis sakanyang isipan ang mga kwestyunableng bagay.
The next days comes in motion. Travis becomes busier na halos hindi na niya ito nakikita, hindi niya alam kung may mali ba sakanilang dalawa o normal lang ng ganoon dahil nasanay siyang palaging may oras si Travis para sakanya. Travis will always make time for her, at nasanay siyang sa lahat ng bagay ay papaluguran siya nito.
"That's very good!" Masayang pumalakpak si Cinderella Talavera nang pumasok ito sa backstage matapos ang kanilang pag-rampa. "You did very great, Gift!"
Walang pakialam na inirapan niya ito ngunit naroon parin ang magandang ngiti sa labi nito na tila ba hindi matitinag.
Sa panahong iginugol niya sa agency nito ay wala itong ipinakita sakanya kundi puro kabutihan, Cinderella always has a smile on her every sneer. Kahit pa ilang beses niya itong pasimpleng pinasasaringan ay nananatiling tikom ang bibig at maayos ang trato nito sakanya.
It's her pride who couldn't admit that her eyes are seeing the good things about the woman.
Nakita niya ang pag-ingos ng isa sa mga kasamahan niyang modelo, ang iba'y alam naman niyang may pagkadisgusto sakanya, hindi nga lamang iyon maipakita dahil kilala siya ng mga ito. Well she could just throw their insecurities above her shoulder and shrug.
"I think in a short span, Gift you're rocking the runway." Masuyong sabi ni Cindy.
Napairap siyang muli, if this is her way to get into her no way she'd let this bitch in!
"Whatever." Walang buhay niyang sagot bago isukbit ang gym bag sakanyang balikat, tinungo niya ang changing area kung saan naroon din ang mga kapwa niya modelo ng agency.
Nakita niya kung paano natigil ang mga ito sa kanikanilang usapan nang maulanigan ang kaniyang pag-dating, ngunit wala siyang pakialam sa mga ito. Kaya naman bahagya siyang nabigla nang may isang malakas ang loob na kumapit sakanyang braso para paharapin siya.
She disgustedly pulled her arm back and gave the woman a bored look. Kilala niya ito, she remembered her being a student of Vanderbilt. Sa pagkakatanda niya'y isa ito sa mga nag-apply upang mapabilang sa sorority nila at isa rin ito sa mga hindi niya tinanggap. Palagay niya'y graduate na ito o wala lang talaga siyang pakialam dito.
"Halatang halatang paboritong paborito ka ni Miss Cindy, ah." Patuya itong ngumisi bago siya ligiran ng mapanuring tingin.
"It isn't my problem anymore that your envious of her attention." She skimmed the woman's apperance from head to foot. "Now move out, I have no time for your drama-"
"Akala mo kung sino ka kung makapag-salita ka!" Mariin nitong sabi na lalong tumawag ng atensyon ng mga kapwa nila modelong nasa paligid. "You're in the different world, Vito. You're a newbie with no experience here so you better keep your feet in your designated place, hindi mo maaaring gamit-gamitin ang pangalan mo rito-"
"I own my name, only I can use it. Anytime, anywhere." She smiled dangerously. "Now stupid little pathetic veteran, might as well take that advice of yours... keep your feet in your stand and never cross mine."
Narinig niya ang singhapan ng mga nanunuod sakanilang komosyon. Maging ang babaeng nasa kanyang harapan ay natigilan at halatang namutla sakanyang sinabi.
Balewalang tinalikuran niya ang mga ito at nag-tuloy-tuloy sa cr upang magpalit ng damit. She wore her flats and a yoga pants na pinaresan niya ng isang oversized shirt. Basta niyang itinali ang buhok pataas atsaka sinikop ang mga gamit.
Nang makalabas siya ng studio ay naabutan niya na roon kaagad si Travis sa tapat ng sasakyan niya. Mabilis siyang napangiti at excited na sumalubong dito, mahigpit niya itong niyakap. Why she missed seeing him there!
"Miss ako ng baby ko ah..." Nakangisi nitong bulong habang inaalalayan siya papasok ng sasakyan.
Hindi niya inaasahan na susunduin siya nito ngayon, kaya naman hindi niya mapigilan ang labis na saya na kaniyang nararamdaman habang pinagmamasdan itong nagmamaneho sakanyang tabi.
"Trav, gusto ko ng mangga." Nakanguso niyang sabi habang tahimik itong nagmamaneho papunta sa condo nito kung saan nila napag-pasyahang umuwi.
Kumunot ang noo nito na tila ba nagtataka.
"Gusto ko ng maasim na maasim na mangga, please?" Naglalambing niyang ulit.
"You never made that request..." He chuckled. "But sure, anything for my love."
Agad na nag-bunyi ang kanyang kalooban sa pag-sangayon nito. She smiled as she looked at him contentedly, seeing Travis at the end of a long and tiring day made her feel so much better.
Katulad ng siyang gusto niya at huminto sila sa isang supermarket, si Travis lamang ang bumaba ng sasakyan upang pumasok sa loob. Hindi na siya sumama dahil hindi naman ito roon mag-tatagal, bibilihin lamang nito ang gusto niya. Isa pa'y pagod siya.
Nang makabalik ito ay mabilis nitong muling pinagana ang makina ng sasakyan at nag-simula na silang bumyahe. Namilog ang kaniyang mga mata nang makita ang plastic na bitbit nito na nag-lalaman ng ilang pirasong mangga.
Nangingisi at tila ba aliw na aliw siya nitong sinulyapan bago muling bumaling sa daan.
"Dapat ko na bang pag-selosan ang mangga, you're more excited to it than me." Malokong humalakhak ito.
"I'm really craving for it since this morning." She sighed heavily, matapos ay sinungitan niya ito. "Kaya sana bilisan mo mag-drive! I have to eat!"
"Whoa, relax. I'll feed you, baby. Just relax." Mas lumakas ang tawa nito, masuyo nitong inabot ang kaniyang kamay at dinala sa labi nito.
Habang pinapanuod itong mag-hiwa ng mangga nang makauwi sila ay naisipan niyang buksan ang isang usapan na pilit niya pang pinakikibagayan sakanyang dibdib.
"I hate to admit it, Trav but as far as my observations go... Cinderella seems nice." She let out a long sigh. "I was never nice to her but she was never mean to me. Napakahaba ng pagpapasensya niya sa ugaling ipinapakita ko sakanya."
Nakita niyang sumilay ang isang magandang ngiti sa labi nito. Tinapos nito ang ginagawa bago siya balingan.
"I think the problem is with me, maybe that's why my father loves her. Is because she's actually nice and loving..." Pilit niyang inamin iyon.
"I love how you're able to admit that..." Nilapitan siya nito at masuyong hinalikan ang kaniyang noo. "Baby, I know how hard everything is for you. Alam ko rin na kahit anong namamagitan sainyo ng daddy mo, you still love him. At lahat ng minamahal ng taong mahal natin, tatanggapin at tatanggapin natin. And remember that we meet no ordinary people in our lives, if you give them a chance then everyone has something amazing to offer."
"Yeah, naisip ko nga rin yan." Mahigpit niya itong niyakap. "Nasan na yung mangga ko?"
Natatawang inakay siya nito pabalik sakanilang silid dala ang mangga na inihanda nito. She smiled contentedly, in Travis' arms she couldn't ask for more...
Ang akala niya'y tuluyan ng mapapanatag ang kaniyang kalooban matapos iyon, ngunit nang mga sumunod na araw ay muling naging abala si Travis.
Laging gabing-gabi na itong umuuwi, kung minsan ay magigising na lamang siya sa madaling araw na hihiga ito sakanyang tabi at yayakap ng mahigpit, bibilang ng ilang minuto'y tulog na tulog na ito.
"Trav, I miss you...." Mahina niyang bulong dito isang gabi nang tabihan siya nito.
Nakapikit na itong kaagad ngunit nakita niyang matipid itong ngumiti sakanyang sinabi.
Bahagya siyang bumangon bago ito masuyong hinalikan, Travis groaned when she straddled above him, gumanti ito ng halik ngunit ilang sandali lamang iyong tumagal, hinila siya nito atsaka mahigpit na niyakap.
Walang imik na sumiksik ito sakanyang leeg bago ito tuluyang nakatulog.
Maang siyang napatitig sa kawalan. Is he that tired to reject her? It's not just her heart that gets broken but also her ego that bleeds.
Days flew by so fast, mas naging abala na ito sa kung anuman ang ginagawa nito. Ayaw man niyang mag-isip ng masama tungkol dito, but some idea is nagging her heart.
No, impossible. Travis loves her. Loves her so much.
That was one sunny Thursday afternoon when she decided to go to their agency kahit wala naman siyang scheduled rehearsal doon.
Wala sa oras niyang naihinto ang sasakyan nang makitang nakaparada sa tapat ng gusali ang sasakyan ni Travis, mabilis na kumabog ang kaniyang dibdib habang tinatanaw kung paano ito bumaba mula roon.
Hindi ba nito alam na wala siyang schedule sa agency?
Nanliit ang buka ng kaniyang mga mata nang nakangiting lumabas ng gusali si Cinderella Talavera, to her horror sinalubong ito ng nakangiting si Travis at iginiya sa sasakyan nito.
She still gave him a benefit of the doubt kahit pa binabalot na ng purong paghihinala ang kaniyang dibdib. She wanted so much to follow them pero hindi niya ginawa, bukod sa makikilala ni Travis ang kaniyang sasakyan ay kinakapitan niya ang tiwala niya rito.
In three rings he answered...
"Baby..."
"Where are you?" She tried so hard to keep her voice steady.
"I'm driving..."
"To where?"
"Dad's office, I'll call you when I get there. I love you-"
"You're with whom?" Ipinikit niya ang kaniyang mga mata hoping against hope that he wont lie. He'll not gonna lie.
"Alone..."
Umaga na kinabukasan nang magising siya. Napasinghap siya nang mapansing nasa ibabaw na siya ng kaniyang kama, hindi na niya matandaan ang nangyari sakanya kagabi. Ang alam niya lang ay panay siyang umiiyak habang nakahiga sa carpeted floor.
Mabilis siyang kumilos upang maligo at mag-bihis. Buo ang pasya niya ngayong araw na tumulak sa kanilang kompanya, kailangan niya ng tulong para sa plano niyang ipagawa ang lahat ng designs ng mommy niya.
It will take time and so much effort but then, it's all about her mom.
Isa pa gusto niyang abalahin ang kaniyang sarili para hindi sa kung saan saang bagay naglalayag ang kaniyang pag-iisip.
"Nagising ka ba kagabi?" Medyo may pag-aalalang tanong ni Atticus nang mabungaran niya ito sa kitchen habang nag-luluto ng almusal.
Inilibot niya ang tingin sa paligid, the entire place was clean na para bang walang nangyari kagabi. Atticus was quick.
"Hindi." Pag-sisinungaling niya bago naupo sa harap ng hapag.
She doesn't want to bother him anymore. Alam niyang mag-aalala nga ito oras na malamang nagkaroon sila ng engkwentro ni Travis kagabi.
"Good." Tila nabunutan ng tinik na nagpakawala ito ng hangin. "Naririto kasi kami nila Aquish nag-inuman kagabi, hindi kasi pumayag si Brooke na sakanila."
Tumango-tango lamang siya, nang inilapag nito ang pitcher ng orange juice sa lamesa ay kaagad niyang isinalin iyon sakanyang tall glass.
Much as she wanted to tease him about how she witnessed them so drunk and so wasted ay hindi niya magawa. Malalaman nitong nagising siya sa kalagitnaan ng gabi and surely being Travis' friend for quite a long time, Atticus knows how high is his tolerance for alcohol.
"Naririto si Travis kagabi." Pagiging tapat nito. Naupo ito sakanyang harapan at mataimtim siyang pinagmamasdan tila ba nakaabang sakanyang magiging reaksyon.
Pinanatili niyang blanko ang kaniyang ekspresyon at inabala ang sarili sa paghahanda ng makakain. "He's your friend, it's not a surprise."
"Kababalik lang kasi ni Alexus mula Vancouver. Sumunod lang silang dalawa dito, halos magkasabay na dumating." Nagsimula na rin itong kumain ngunit ang mga mata nito ay nakatuon parin sakanya. "Are you sure that he didn't bother you? Alam niyang naririto ka and knowing Travis, he'll get his way near you. Nakainom na ko nang makarating sila ni Alexus dito, had I known I should've watched my intake-"
"Hey, I'm fine. He didn't bother me. Hindi ko siya nakita." Putol niya dito bago ito ngitian ng may kasiguruhan. "Kumain ka na, Atticus. Aalis pala ako ngayon, pupunta ako sa company. I have something to do-"
"Are you finally entering the corporate world?" Halata ang galak sa tinig nito, kasabay ang maaliwalas na ngiti sa labi. "Sayang ang pinag-aralan mo, Gift kung hindi mo magagamit. Though I'm not telling you to quit your rockstar life kung masaya ka naman sa pag-momodelo. Well whatever you do, I'll support you either way."
Alas-nuebe nang marating niya ang gusali ng kanilang kompanya. Katulad ng kahapon ay gulat parin ang ilan na makita siya doon.
In her velvet green sleeveless jumpsuit and a Jimmy Choo leather ankle boots she stepped in. Hindi niya inalis ang malaking salamin na tumatakip sa halos kalahati ng kaniyang mukha kahit pa nasa loob na siya ng building.
Parang bubuyog ang bulungan sa paligid, ang mga guards ay agad na hinarang ang ilang mapangahas na paparazzi, isa ang lumapit sakanya para alalayan siya ngunit pinaalis niya ito.
She can live in her own so definitely she can walk in her own too.
Nang makarating sa opisina ng kaniyang ama ay agad niyang ipinatawag ang sekretarya nito na si Mrs. Simpson, galak na galak naman ito na nag-tungo sakanya.
"Mrs. Simpson, can you give me the list of the best architects of this firm. I'm gonna be needing their service." Hayag niya dito, ni hindi na niya magawang itago ang excitement sakanyang tinig. "And also, can you connect me to Calleja Holdings? It would be nice if you can set me up an appointment with Lance Calleja, the sooner the better."
"Sure, Miss Gift." Masayang tugon nito.
"Uhm, Gift nalang po."
"Then drop the Mrs. Simpson, hija. I'm good friends with your parents, call me Tita Esther." Ngumiti itong muli. "Sige, ipapaasikaso kong agad ang gusto mo. Para saan nga pala ito, Gift? If you don't mind me asking."
Hindi na niya naitago pa ang ngiti at inilabas mula sakanyang Prada ang folder na nag-lalaman ng disenyo ng kaniyang ina. Inabot niya iyon sa matanda.
"Gusto ko po sana na makita ang mga designs na yan, they deserved to be built anyway."
"Oh my goodness..." Namamanghang sabi nito habang iniisa-isang tignan ang designs na hawak nito. "These are magnificent work of art!"
"I know right!" She beamed. "Balak kong medyo i-enhance ng konti ang designs and since I'm new to this things I'll be needing the help of our company's best architects. And, this will mean so much to me so I'll appreciate if you'll help me."
"Sure, hija. Maaasahan mo ako."
"And sana, hindi muna ito makarating kay dad. Though I know he won't move a care but I just don't want him to know what I'm doing."
Nakita niya ang bahagyang pag-aalinlangan sa mga mata nito, tumikhim ito bago muling nag-salita sa nananantyang tinig. "Gift, is that why the picture frame got broken yesterday? Hindi ba kayo ayos na mag-ama?"
Pinili niyang wag sagutin iyon at ipinag-kibit-balikat na lamang, tila nakuha naman nito ang kaniyang pagsasawalang kibo.
"Sige na, aasikasuhin ko na ang sinabi mo." Pagiiba nito ng usapan. "By the way, why do we need to contact the Calleja Holdings? We have a direct contact to Cavallero Industries."
Sukat doon ay nangunot ang kaniyang noo. "Direct contact?"
"Yes, through Engineer Travis Cavallero himself." Nangunot din ang noo nito. "I bet you know him since hindi kayo nagkakalayo ng edad at nasa iisang sirkulasyon lamang kayo-"
"H-how did we have a direct contact with him- I mean them?" Litong tanong parin niya.
"He's been working in the company for years now, Gift." Sagot nito sa tila ba sobrang common ng kaniyang katanungan. "Siya ang hahalili sa pamamahala ng firm habang wala pa si Bernardo-"
"What the fuck?!"
Napasinghap ito sakanyang marahas na mura, she inhaled an air and tried to cool down a bit.
"I'm sorry, sige na po makakaalis na kayo. And I still want you to contact Calleja Holdings for me, tell them to tell their boss that it's me who's asking for an appointment."
Tumango lamang ito at walang imik na lumabas. Tila nahahapo naman siyang naupo sakanyang swivel chair.
What's wrong with that man?
Why is he working in their company gayong may sarili naman itong kompanya? Oh well of course he should watch over his cougar.
Ilang minuto rin siyang nakatingin sa kawalan habang abalang nag-lalakbay ang kaniyang isipan sa kung saan.
Nang hindi na siya makatiis ay kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan si Atticus, but his phone just keeps on ringing.
Busy huh? Tuya niya sakanyang isipan.
She scrolled her contacts and tapped Violet's, halos makahinga siya ng maluwag nang mag-ring iyon. Good to know that she's in the country, just in time for her call.
"Violet, I need Lance's number." Bungad niya dito.
"Vito, if you're up to something tigilan mo na. Hindi na tayo mga bata." Violet's voice sets a dangerous warning that made her roll her eyes.
Fine, she did cruel things before. Iyon ay dahil sa kamisirablehan niya at sa kagustuhan niyang pasakitan ang lahat ng nakapaligid sakanya, but then hindi naman niya ginulo si Lance o kahit na si Cataliah. Kung anuman ang naging dahilan ng pag-hihiwalay ng dalawa ay labas na siya doon.
"Come on, Violet. This is about business."
"I don't trust your business, Gift. It always has something to do with the monkeys in the zoo."
Napapikit siya ng mariin sa iritasyon, if there's one person who can level her bitchiness walang iba yun kundi si Violet Iphigenia.
"Violet, I'm serious." Mariin niyang sabi. "Come on, do you really think I'm still the same simpleton college girl who's going after your junk of a friend?! This is urgent, Iphigenia and I hate it that you're wasting my time I shouldn't be explaining things to you!"
"But you just did."
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang walang paalam nitong putulin ang tawag. Handa na siyang muli itong tawagan para sana'y bulyawan ito ngunit naka-receive siya ng mensahe mula dito. It contains Lance's number nothing more nothing less.
She replied a simple thank you and immediately called Lance.
"Lance Calleja." Pormal nitong sagot.
"Dimwit, where are you? This is Gift. I need your help over something." Diretso niyang sabi.
Narinigi niya ang ilang sandaling katahimikan, she rolled her eyes and blew an air bago muling maagap na nagsalita.
"Don't worry this is business, I'm done ruining your life."
"Oh, I'm free for lunch you can date me." Mapanuksong sabi nito na sinamahan ng maiksing halakhak.
"It didn't sound appealing, moron." Masungit niyang sagot. "Pick me up, I'm at my father's firm."
Hindi na niya itong inantay pang sumagot at pinutol na ang tawag. Habang nag-aantay kay Lance ay inabala naman niya ang sarili sa pag-eenhance ng mga disenyo ng kaniyang ina.
Lunch time ay tumawag si Lance na papunta na ito sa building, maagap siyang lumabas ng opisina ng kaniyang ama at bumaba na sa lobby upang doon na ito antayin.
She was greeted again by people around her but there's no way she'll greet them back.
Nang matanawan ang isang pulang Lamborghini Aventador ay agad na siyang lumabas, alam niyang si Lance na iyon dahil tumawag itong muli. Hindi na niya iyon sinagot, hindi narin niya ito inantay na makababa pa.
She immediately went inside the shotgun seat and fastened her seatbelt.
"I'm starving, Lance-"
"I can't remember changing my name."
Sukat doon ay malakas siyang napasinghap kasunod ng marahas na pag-baling sakanyang katabi.
To her horror, she saw the man she hated the most. His hooded eyes kept focused on hers. Tumiim ang bagang nito kasabay ng lalong pangungunot ng noo, masungit itong bumaling sa harapan at nag-simulang maniobrahin ang sasakyan.
"You, faggot! Stop the car I'm going down!" Galit niyang sabi.
He didn't reply instead he continued maneuvering the car to somewhere.
"Hindi mo ba ko narinig?!" Sigaw niya dito. "Stop this fucking car right now!"
But he never seem to hear her demands.
"Damn you! Ihinto mo sabi tong sasakyan mo, Cavallero at bababa ako!" Muli niyang sigaw ngunit binilisan lamang nito ang pagpapasibad. "Are you deaf?! I said I'm going out!"
Hindi parin ito umimik.
"Shit, Travis! Kapag hindi ka huminto tatalon ako palabas I'm telling you!" Kinalas niya paalis ang seatbelt. "I rather die than be stuck here with you!"
"Will you shut up!" Tila kulog na bumalot sa sasakyan nito ang malalim nitong tinig.
Lalo siyang nairita sa pag-ganti nito ng sigaw. "I'll shut up if you'll stop the car and let me go!"
"Then don't shut up." Isang hilaw na ngisi ang pinakawalan nito bago bahagyang umangat ang balikit dahil sa pag-kibit.
"Bastard!" Hinampas niya ang kaniyang bag sa mukha nito ngunit agad iyong nasalag ng braso nito.
"Gift, I'm driving." Suway nito. "Will you calm down. It's not as if I'm kidnapping you-"
"Hah! This is kidnapping indeed! I'm calling the cops!"
"Hah! Then go call all the cops in the world." Mayabang na ginaya nito ang tono niya. "It's you who get in my car, ni hindi pa nga ko nakakalabas. And I bet everyone in the building witnessed it."
Agad namang nag-init ang kaniyang mga pisngi. "I thought you were Lance!"
"Then you thought wrong." Tumikhim ito, bahagyang naging banayad ang takbo ng sasakyan. "Where do you wanna eat?"
"I don't wanna eat with you, nincompoop!" Nanggigigil niyang saad.
Tumunog ang kaniyang cellphone ngunit bago niya pa iyon nasagot ay agad na nito iyong nakuha sakanyang kamay, nanlaki ang kaniyang mga mata nang sagutin nito iyon.
"Bro, Travis here." Ngumiwi ito nang haklitin niya ang kanang tenga nito dahil sadyang sa kaliwa nito inilagay ang cellphone para mahirapan siyang abutin.
"Give me back my phone!"
"Damn, woman! We'll die!" Pilit nitong iwas sakanya. "You have an appointment with her? Yeah? Well obviously. Alright. Ten minutes tops."
"Ano ba! Akin na ang cellphone ko sabi at ibaba mo na ko!" Hiyaw nyang muli.
"Dammit, Gift!" Namula na ang tenga nito sa ginawa niya. "You're violent, good thing I love violence so long as it's from you."
"Brute!" She hissed, padabog na inagaw niya ang cellphone niya dito nang iabot nito iyon sakanya. "Ibaba mo na ko!"
"Ihahatid na kita sa restaurant na sinabi ni Lance." Sumulyap ito sa relong pambisig nito. "Much as I want to join you for lunch, may kliyenteng dadating ang daddy mo within thirty minutes so I have to go back-"
"I don't care! Do whatever you want. It'll be nice if you'll drop me here and let me go, I can find my way-"
"Ihahatid kita." Pinal nitong sabi.
Iritado siyang napabuntong hininga. Same old, Travis. Rude and dominant.
Hindi na niya ito inimikan pa. Bago nito ihinto ang sasakyan sa tapat ng isang Italian Restaurant ay nag-salita ito.
"I'm glad to see you again..."
"I hope to never see you again..."
Iyon lamang at bumaba na siya ng sasakyan nito. She tried so much to ignore the pain in her heart hearing how gentle his voice is as he say those words like he truly really mean it.
Years had passed, years had passed...
But the pain is still there, same intensity as if it just all happened yesterday.
Time doesn't really heal anything, it just teaches us how to live with the pain.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro