Chapter Fourteen
She killed her engine and stopped her car in front of a pastel green-colored house, not knowing the exact reason why she's there at eight in the morning.
The mistress of the house is standing at the balcony, wearing a confused frown. Maybe, she also didn't expect to see her there.
Ilang malalim na pag-hinga ang kaniyang pinakawalan bago siya nakakuha ng sapat na lakas upang buksan ang pinto ng kaniyang sasakyan at bumaba roon.
Nakita niyang agad na nawala ang babae sa balkonahe sa ikalawang palapag, the gate opened and a uniformed maid came out.
"Good morning po, ma'am. Tuloy po kayo, pababa na po si ma'am Rosas." Magalang nitong salubong sakanya.
Her eyes wandered around when she stepped in. The ambiance of the house is simple yet cozy, so much to describe how Rosas is.
Pinag-buksan siya ng kasambahay ng katamtamang laking double door made from fine mahogany. Marble floor and soft-colored wallpapers, ang mga kasangkapan sa paligid ay yaon lamang may sapat na silbi at dahilan kung bakit naroroon. Nothing in the place looks extravagant and flashy, instead it seems perfect.
"Gift..." Ang malambing na tinig ni Rosas mula sa puno ng hagdan ang siyang nagpalingon sakanya.
Generose's eyes seems weary and concerned. Ang malambot na ekspresyon ng mukha nito ay sinamahan ng isang magaang na ngiti.
"I'm pleased to see you here, come in." Tuluyan itong lumakad papalapit sakanya at hinalikan siya sakanyang pisngi. "Kumain ka na ba? May gusto ka bang kainin?"
Tanging iling lamang ang naging sagot niya sa tanong nito.
Tumango naman ito habang ang mga labi ay nakaporma parin ng ngiti. "Halika, doon tayo sa balcony para mas presko ang hangin."
Nagpatangay siya dito paakyat sa balkonaheng kaninang kinaroroonan nito. Nagpasuyo pa ito ng inumin sa isa sakanilang kasambahay.
"Pasensya ka na ha, medyo magulo ang ibang bahagi ng bahay." Nahihiya itong natawa habang tinutukoy ang ilang malalaking kahon na naka-kalat sa paanan ng hagdan. "Minsan lang naman kasi kami nalalagi dito ni Arki sa Manila, kapag lang may okasyon na dadaluhan. Alam mo naman ang asawa ko, hindi kakayaning mawalay sa rancho. Tila ba isda sa tubig."
"And you're okay with that?" Wala sa sarili niyang tanong, naupo siya sa isang silyang ratan, ito nama'y pumwesto sa kaharap niya habang isang parisukat na center table naman ang pumapagitan sakanila. Kita niyang kumunot ang noo nito tila ba pasimpleng winawari ang kaniyang tanong. "What I mean is, you were born and raised in the city. You're used to living a city life. Then you'll be jailed into someplace where hays and horses are the main thing."
Sukat doon ay malakas itong natawa, siya naman ang pinangunutan ng noo. "Oh, Gift. I understand, even I never pictured myself spending the rest of my life in a ranch with hays and horses you say. Well not until I meet my husband."
The twinkle in her eyes can't hide the love she has for her better half. Hindi muna ito nag-salita nang dumating ang kasambahay upang ilagay sa center table ang dalawang baso ng orange juice at platito ng madeleine cookies.
"Alam mo kasi, Gift you'll reach a point in life where all you ever wanted is to be with the one you love. Where you'll learn to love everything he loves, yung mga akala mong mahirap dati o mga akala mong hinding hindi mo magagawa... magagawa mo. And that's what Archimedes did to me, he made me love him in the most irrevocable way."
That's pretty obvious in her eyes at hindi na niya kailangan pang hulaan kung gaano din ito itinatangi ng asawa nito. Why they seemed to be madly in love with each other.
"Sometimes I wonder why you didn't end up with Alexus..." She waited for a certain emotion in Rosas' eyes at the mention of Alexus' name but it never came. "Well, I know it's not your fault that you drifted pero diba? You love Alexus, I remember how madly smitten you are to him back in the days. But looking at you now, ni hindi ko na mabakas that you were once in love with him."
Lalo itong napahalakhak. "Maybe that's because all you can see in me is how madly smitten I am to my husband."
She gave a weak nod, inabot niya ang baso ng juice sakanyang harapan atsaka sumimsim doon bago muling mag-tanong. "Paano mo nagawa yun, Rosas? How can you unlove someone you've loved for so long?"
"You don't just stop loving someone, Gift. You either always will, or you never did in the first place." Nagkibit-balikat ito. "I'm not saying that I never loved Alexus, I did. It's just that, there's always gonna be that one person in your life that you can't walk away from even if sometimes you know you have to. And in my case, it's not Alexus but Archimedes."
One person in your life that you can't walk away from even if sometimes you know you have to...
And mine is Travis. "You'd been through so much pain, Rosas. Me too. But, how are you so happy now? And I'm still so miserable?"
Nakita niya ang bahagyang pagkabigla sa mga mata nito. Tila ba hindi nito inaasahan ang kaniyang pag-amin, maging siya nama'y hindi inaasahang maaamin niya iyon.
"Happiness is a choice, Gift. It's not a result. Not because we've both been through a lot, doesn't mean we'll both have the same outcome. I am happy because I choose to be happy." She smiled faintly, her eyes seems to express so many things. "And choosing happiness doesn't mean you wont have troubles. It means troubles wont have you."
If only it's that easy. If only happiness is something you can shop in the mall, kahit gaano pa kamahal ang maging presyo ay tiyak na bibilihin niya. But it's not.
"Hindi madali maging masaya, Gift. Hindi rin madaling piliin na maging masaya." Pagkuwa'y sabi nito na tila ba nahuhulaan ang tumatakbo sakanyang isipan. "What happened between Alexus and I was never easy, Gift. It's heartbreaking and devastating, but it's life learning. And life's greatest lessons are usually learned at the worst times and from the worst mistakes. Maybe that's also the reason why I choose to understand Ashley, I became the bigger person to accept what she did and why she did that."
Natahimik siya, Rosas is making sense alright. But she's Rosas and she's Gift. They're two different people, she's not sure if she can do what Rosas did... and be happy.
"I don't know what happened to you, Gift. If my prediction was right, that this is all about Travis... hindi ko alam kung ano ang nangyari sainyong dalawa. You seemed fine before and out of the blue you both drifted away..." Humugot ito ng isang malalim na hininga. "You don't have to tell me the details, Gift. Basta, you deserve to be happy. And one thing to consider in choosing happiness is forgiveness."
Forgiveness is the action or process of forgiving. Kung sana ganoon ito kasimple sa kung paano ito idinidepina. Kung sana ganoon lang.
"My husband taught me so much about forgiveness and I couldn't agree more. Forgiveness is not something we do for other people, it's something we do for ourselves." Her eyes speaks so much sense. "They caused the first wound, but you're causing the rest. You will never be free until you free yourself from the prison of your own thoughts."
She wants to be happy. Who wouldn't? But is she ready to forgive?
"There's nothing holy about hatred, Gift. It's not worth keeping."
Matapos ang usapan nilang iyon ni Rosas ay inanyayahan pa siya nito na mag-tagal at magpa-abot ng pananghalian ngunit tumanggi siya. Ang sabi nito'y uuwi silang pamilya sa hapon na iyon pabalik ng rancho, siya nama'y inatake ng kakaibang antok na hindi niya malaman kung saan galing.
Kaya naman umuwi siya sa unit ni Atticus at nag-kulong sakanyang silid upang paunlakan ang kaniyang kagustuhan na matulog ng matulog.
Hapon na ng magising siya. Sleep is indeed the best meditation, why she feels so much better now.
She doesn't have any plan of going out and detaching from her bed, if Atticus didn't knock.
"Gift, you asleep?"
"Dunce, will you know if I am?" Masungit niyang sigaw.
Natatawang sumagot naman ito. "Haul your pretty ass off the bed, you'd been sleeping all day. Come on let's go somewhere..."
"I'm not in the mood, Atticus-"
"Then we'll switch your mood, baby witch." Patawa-tawa parin ito at hindi parin natigil sa pamimilit sakanya. "Gift, hindi ako aalis dito hangga't hindi ka lumalabas diyan."
"Die, Attic-"
"I'm not Travis, don't use that line on me." Lalo pang lumakas ang halakhak nito. "Tara na o talagang didistrugkahin ko pa ang pintong to para mailabas ka dyan?"
Through Atticus persistence, she was left with no choice but to open the door for him. Wala rin siyang ibang napag-pilian kundi ang sumama sa kung saan man ito pupunta. Ngunit hindi siya pumayag sa gusto nitong dinner sa labas, ayaw niya. She'll be eating like a pig that's for sure and she doesn't want that to happen in public.
Naiirita siya kay Atticus, well not only to Atticus but to every moving object. Ni hindi niya nga alam bakit naiinis siya sa boses ng mga gwardya ng building nang bumati ang mga ito kanina pag-daan nila ni Atticus, hindi rin niya alam bakit naiirita siya sa lahat ng klase ng tunog na gagawa ng ingay. Ultimo tunog ng makina ng sasakyan ni Atticus nang paandarin nito iyon. Maybe what she need is another good sleep. Yes, sleep.
Thinking about sleeping above the round bed in the center of her room, her head on the pillow, her body wrapped in soft white sheets. God, she's yawning.
"Inaantok ka pa rin?" Namamanghang lingon sakanya ni Atticus nang mapansin ang sunod-sunod niyang pag-hikab. "Kulang pa ang buong araw? Iba na yan..."
"Don't start, doofus." She warned in a little sneer, ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana nang marinig ang mahina nitong halakhak. "Saan ba tayo pupunta?"
"Drag racing." Ngumisi ito.
Agad siyang napaahon mula sa pagkakasandal at binalingan ito, her eyes squinted a little. "It has something to do with Blanche, hasn't it?"
Sumipol-sipol itong nag-kibit-balikat habang mas lumaki pa ang ngisi.
"What are you? A schmuck?" Hampas niya sa braso nito kasabay ng pagpapaikot ng kaniyang mga mata. "Don't tell me you're still head over heels in love with Blanche!"
Mahina itong humalakhak. "What's wrong with that? I just realize that she's still the same Blanche-"
"Good Lord, Atticus. I know Diane Blanche so well, she's not up for anything that doesn't concern beer and cigar!" Naiiling niyang sabi na lalo nitong ikinatawa. "You're crazy!"
"Maybe I am."
Hindi na niya ito muling sinagot pa. She knows Atticus, alam niyang kapag si Blanche ang pag-uusapan ay iba ang takbo ng pag-iisip nito. At kilala niya rin si Blanche, she's like a cheetah can't be tamed. If Atticus will pursue her again now that she's back, he's like pursuing another ego slapping heartbreak.
Ang kaniyang hinala ay nabigyan ng sagot nang ipasok ni Atticus ang sasakyan papasok sa pamilyar na arena.
"Is Travis here?" Kusang lumabas iyon sakanyang bibig nang huminto ang sasakyan, she unbuckled her seatbelt at ganoon rin ang ginawa nito.
"Might be, since this is his place." He smiled again.
"Will you stop smiling?" Iritado niyang sabi.
Halos sabay silang lumabas ng sasakyan nito, agad siya nitong inagapayan sa pag-lalakad. Guiding her to the bleachers where she saw Blanche.
"Tangina mo, hindi mo minimix yung ganon. Anong lasa kalalabasan non?" Malayo palang ay rinig na nila ang boses ni Blanche habang tumutungga ng canned beer, ang isang kamay nito ay nakahawak sa isang sigarilyong may sindi.
"I was just experimenting." Natatawang sabi ni Alexus na nalingunan sila. "Oh, andyan na pala sila Gift."
With that, Blanche turned to them. Her lips immediately quivered a smile. "Oy, putcha. Kala ko hindi na kayo darating eh. Kala ko tokis ka na, Atticus."
"Sus, pwede ba naman yun? Si Atticus yan, Blanche. Si Atticus yan." Mariing sabi ni Alexus bago mapanginis na humalakhak.
"Gago." Marahas na sagot ni Atticus. He held the small of her back and guided her to sit beside Thiago who's sitting in front of Blanche.
Tumayo naman ito sa tabi ni Blanche, inabutan ito ni Blanche ng hawak na sigarilyo. Napailing nalang siya nang walang segundong binilang na tinanggap iyon ni Atticus at humithit doon.
She grimaced at the smell of the smoke. Napansin marahil iyon ni River na naka-upo di kalayuan sakanya, he held out a clean handkerchief.
She muttered thanks and was about to accept it when Atticus gave her his. Nakita niyang nag-palitan ng tingin ang dalawa bago ngumisi, nahuli pa niya ang simpleng pag-baling ni River kay Thiago at Alexus na halos magkapanabay na ngumisi.
"Are you having a knucklehead party?" She rolled her eyes and took the handkerchief.
Walang ni isang sumagot, si Atticus ay biglang naupo sakanyang tabi. Dumikit pa ito sakanyang lalo.
Nilingon niya ito at sinamaan ng tingin, he gave her a sweet smile.
"Yan na pala si Travis eh, tara na man! Start na tayo." Sigaw ni River bago tumayo sa kinauupuan nito.
Agad siyang napabaling sa tinutukoy nito. Nag-lalakad ngang papalapit sakanilang kinaroroonan si Travis. And her eyes went on slit when she saw him walking with a woman! The woman who's sitting on his lap last time!
Nag-tama ang kanilang mga mata, tinaasan niya ito ng kilay samantalang ito'y pasimpleng umismid sakanya at binalingan si Blanche na sumalubong dito ng mura.
The nerve of this asshat! She thought.
"What car are you gonna use?" His baritone went straight to her ears kahit hindi naman siya ang kinakausap nito.
"Thiago's." Sagot ni Blanche matapos ay inisang tungga ang beer na iniinom at iniabot kay Thiago ang lata na ipinatong naman nito sa tabi. Agad na tinungo ni Blanche ang sasakyang gagamitin to condition the engine.
Tumango si Travis, he then turned to the woman and whispered something. Lalong naningkit ang kaniyang mukha nang makitang pinamulahan ng mukha ang babae at pasimpleng humagikgik.
"Babe, mag-lalaro lang kami saglit ha?" Naagaw ni Atticus ang atensyon niya nang akbayan siya nito. "Good luck kiss naman dyan."
Kung sa ibang pagkakataon ay baka napakain niya si Atticus ng sapatos, but not today. Not now that Travis is in front of them.
Matamis siyang ngumiti dito, bago pa siya makasagot ay maaskad na nag-salita na si Travis.
"Subukan mo lang."
Nang balingan niya ito ay matalim ang naghahamon nitong tingin, siya man ay matalas din ang mga matang nakamasid dito. Her eyebrow arched.
"Tara na Travis, Atticus!" Sigaw ni Blanche na kababalik lamang. "Hoy, Ilog ano ka ba kanina ka pa tingin ng tingin palagay ko tuloy crush mo ko."
"You wish." Supladong sagot ni River na tumayo na sa kinauupuan nito at bumaba na sa arena.
"Ito naman, wag ka ng mahiya." Humalakhak si Blanche na naging dahilan din ng pag-tawa ng iba.
Tumayo nadin si Atticus at nilapitan na si Travis, nakangisi nitong tinapik ang braso ni Travis at binalewala ang nakamamatay nitong tingin. "Tara na, dude."
Travis gave her another sharp glare, as if warning her for something. Nilabanan niya ang tingin nito hanggang sa tumalikod na ito upang sumunod sa mga kaibigan.
Sila ni Thiago at ang babae ni Travis ang naiwan sa bleachers. Napairap siya nang maupo pa talaga ito sa tabi niya.
"Hello, Gift! I'm Fina, I'm a fan." Nakangiti itong bumaling sakanya. "I have all your international magazines, I was actually star struck when I saw you at Tita Agatha's party."
Hindi niya ito pinansin o binalingan man lamang. She's not in the mood for nonsense and cheap conversation.
Si Thiago nama'y napabaling sakanya, bago umangat ang tingin nito sa babae. Ngunit hindi naman ito nag-salita. Binalik nito ang tingin sa nagaganap sa arena.
Siya man ay ganoon din, pinanuod niya ang pag-talon ni Blanche papasok sa convertible sportscar ni Thiago upang hindi na buksan pa ang pintuan. While Travis went inside his black Ferrari.
In a few, the race has begun. Nilingon niya si Thiago.
"Bakit hindi ka kasali?"
"Blanche is using mine, well I don't mind. Wala rin ako sa mood mag-laro ngayon." Humikab ito bago muling mag-salita. "How're you, Gift?"
"I'm good." Simple niyang sagot.
"Go Travis!" Hiyaw ng kaniyang katabi niya.
She made a heckling sound out of irritation. Si Thiago naman ay napahalakhak. Sa buong durasyon ng race ay wala siyang ibang ginawa kundi umirap ng umirap, si Thiago naman ay parang nang-iinis pa ngunit hindi naman siya siguradong siya ang tinatawan-tawanan nito.
Nang matapos ang game kung saan nanalo ang mag-pinsang Travis at Blanche ay halos magkanda-tisod-tisod na sa pag-baba ang katabi niyang si Fina habang panay ang tili ng kagalakan para kay Travis.
"Puntahan mo si Atticus, heal his wounded ego..." Susog sakanya ni Thiago bago ito nagpatiunang bumaba.
Nang makita niya si Atticus na lumabas ng sasakyan nito ay bumaba na rin siya upang salubungin nito.
Sinigurado niyang hindi niya malilingunan si Travis at ang babae nito na kitang kita niya sakanyang peripheral vision kung paano ito kumulampit kay Travis.
Inis siyang napairap. Itinuon niya ang kaniyang atensyon kay Atticus upang salubungin sana ito ngunit napasinghap siya nang may humaltak ng bewang niya at pumasaere siya.
"Oh my God!" She screamed.
"And where do you think you're going?" Binitawan siya nito sa hood ng itim na Ferrari, Travis parted her legs and stood in between. "Ginagalit mo ba talaga ako, Gift?"
"Ano bang ginagawa ko sayo?!" Iniwasan niya ang tingin nito at tinanaw si Atticus upang sana'y humingi ng saklolo, but the oaf just looked away! "Will you put me down and let me go?!"
"I wont." Mariin nito sabi, his arms imprisoned her on her seat. "Dyan ka lang at wala kang pupuntahang iba!"
Nahuli niya ang mga mata ni Fina na puno ng kyuryosidad silang pinanunuod, ngunit tila hindi ito makalapit dahil sa pagkaka-akbay ni Thiago dito. They seem to have their own world na tila ba walang pakialam sakanilang dalawa, even Atticus!
"Your Fina is looking for you!" Masungit niyang sabi bago ito yukuin at itulak ng bahagya. "Tabi na!"
"Will you give me?" Hindi nito ininda ang kaniyang pag-tulak.
"Now you're asking? Na parang kanina hindi mo binulungan iyon ng kung ano! Ngayon tatanungin mo ako?! You dated that woman without my approval, now you're asking me?! What an ass you are!" Galit niyang sabi.
Nanatili itong nakatitig sakanya. Napasinghap siya nang maramdaman ang pag-dantay ng mainit nitong palad sakanyang hita. He blew an air and slowly guided her down.
"Move out!" Tinulak niya ito, iyon namang pag-lapit sakanila ng mga kasama.
"Trav, sa garden tayo. Sunod nalang kayo." Si Blanche iyon na tinungo ang sasakyan ni Thiago.
"Travis, let's go." It was Fina's sweet voice she heard from behind that pulled her last string.
Naiinis na binalingan niya ito, nakita niyang nakalapit na ito kay Travis, he's looking straight at her tila ba walang pakialam sa katabi nito.
"Let's go..." Muli nitong yaya kay Travis.
She inhaled a sharp breath and stepped towards them, inilahad niya ang kamay sa harap ni Travis. Tumaas naman ang kilay nito kasabay ng isang sulok ng bibig.
"Keys." Masungit niyang sabi.
"You sure you want it here?" Nakakaloko nitong sabi bago ngumisi. "Kiss you shall have-"
"Car keys, moron!" She hissed.
Ang ngisi nito ay nauwi sa halakhak, mula sa likurang bulsa ng pantalon ay hinugot nito ang susi ng sasakyan at inilagay sa nakalahad niyang palad.
Inirapan niya ito at binalingan ang babae na manghang nakatingin sakanila. "Now get lost, twerp."
Narinig niya ang marahas nitong pag-singhap ngunit wala na siyang pakialam. Tinungo niya ang sasakyan ni Travis at binuksan muli siyang sumigaw bago sumakay sa loob.
"Travis, you fucking get in bago kita sagasaan!"
With that, Travis shook his head and obeyed her order. Hindi na nito tinago pa ang pag-ngisi nang paganahin niya ang makina ng sasakyan.
She maneuvered the car, ito nama'y inabot ang seatbelt niya at ikinabit bago nito gawin iyon sa sarili.
He's not saying anything but the annoying grin on his face says a lot! Maging ang pag-sipol-sipol nito ay ikinaiinis niya.
"Will you shut up?!" Yamot niyang sabi.
"I'm not saying anything." He shrugged, humalukipkip ito at sumandal sa kinauupuan habang aliw na aliw na pinanunuod siyang mag-maneho. "Can you chill? I don't wanna die, yet. I'm planning to live and grow old with you-"
"I said shut up you loon!"
Tumalima naman ito, ngunit naroon parin ang mapanginis nitong pag-ngisi. Lalo na nang matanto nito kung saan papunta ang daang kanilang tinatahak.
As expected, the subdivision guard stopped them, marahil ay hindi kilala ng mga iyon ang sasakyang ito ni Travis.
She rolled the window down, a little annoyed. Agad namang sumilip ang isang gwardya doon. Bago pa siya makapag-salita ay naunahan na siya ni Travis.
"She's my wife, Gift Cavallero."
She gasped, marahas niya itong nilingon ngunit nanatili ang tingin nito sa guard.
"Kayo pala iyan, Engineer. May asawa na pala kayo." Nakangising sabi nito bago tuwid na tumayo. "Sige na ho, pasensya sa abala."
"Damn!" She muttered, pressing the window up before maneuvering inside the village. Matalim na tingin niya itong nilingon. "You should stop assuming! Cause you're putting an ass between you and me."
"Oh, babe. You have no idea how I love your ass on me." He let out a throaty chuckle. "Now, let's go home."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro