Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four

"Good Lord, Trinity. I hate your top."

Napasinghap si Trinity sakanyang prankang opinyon bago ito ngumisi at hunaplos ang laylayan ng suot nitong pink ruffled shirt. "You hate everything that shades pink, Gift."

Her shoulders shuddered. "You're an eyesore today that I have to deal with."

Tawa lamang ang narinig niya dito bago ito sumunod sakanya papalabas ng sorority house. Sumakay siya sakanyang Bugatti Veyron, si Trinity naman ay umikot sa kabilang bahagi. Muling napaikot ang kaniyang mga mata nang madaanan na naman niya ng tingin ang damit nito.

Tila nang-iinis pa itong nagpa-ngisi-ngisi. Mabilis niyang pinasibad ang kaniyang sasakyan, si Trinity naman ay agad ding ikinabit ang seatbelt.

"You're such an angel today, Gift." Tumatawang sabi ni Trinity. "Thank you for giving me a ride, babawi ako sayo once I had my car towed."

"I don't go on cheap rides, Trinity." Simple niyang sagot habang nasa daan ang mga mata.

Trinity chuckled again, sanay na itong ganoon siya mag-salita Well that's true, sakanilang magkakaibigan ay siya lang ang hindi pa nakasakay sa tumirik nitong Honda Civic, at siya lang rin ang pirming nagpapapalit-palit ng sasakyan.

"So, when are you planning to dispose this Baby Bugatti of yours?" Hinaplos pa nito ang sandalan ng leather seat na bagong bago pa. "You just got it last month."

"I don't know, I haven't skimmed the internet for the newest sports car. But I'm thinking of getting a Regera or a Maserati."

"You're really burning money." Trinity shook her head. "Mabuti at hindi ka pinagagalitan ni Tito."

"Don't make me laugh, Trinity." She said with a smirk. "He's not really up for my existence, so why would he care if I'll burn all his money in a solid fire."

Minabuti ni Trinity na hindi na mag-salita at magkibit balikat na lamang. Hindi naman lihim sa kanyang mga kaibigan na hindi naman normal ang samahan nilang mag-ama. Her Dad is working like a slave dog at alam niyang wala itong pakialam sakanya o sa anumang gawin niya. Kaya sinanay nalang rin niya ang kaniyang sarili na mawalan ng pakialam dito.

Nang huminto ang sasakyan sakanyang parking space at mabilis silang lumabas ni Trinity. Agad na natutok sakanila ang atensyon ng lahat, some of the students even greeted them and Trinity politely greeted them back. But Gift never bothered to even give them an eye.

Awtomatikong nahahawi ang daan sa hallway tuwing hahakbang sila ni Trinity.

"I heard you're attending Travis' birthday party..." Nahimigan niya ang panunukso sa tinig nito kaya naman kusang napaikot ang kaniyang mga mata.

"I'm invited. Is that a big deal?"

"Lance will be there, you sure you're going?"

"I'm always sure, Trinity. Now stop being nosy, you're annoying me more than your pink top."

Halakhak lamang ang naisagot nito sakanya na agad namang naputol nang may tatlong bulto na huminto at humarang sakanilang dadaanan.

"Little whore, little whore..." Nakangising bati ni Paulina na ang mga mata at nakatutok kay Trinity.

She gave Paulina a bored look before she turned to Trinity who smiled sweetly at Paulina. Muli niyang binalingan ang huli at inangatan ng isang kilay kalakip ang isang sarkastikong ngiti.

"Coming from someone who's definitely sneakier inside the old auditorium with her pink granny panties..." She taunted. "Next time try some red skimpy thong, it's huge turn on."

Nakita niya kung paano ito natigilan at tila tinakasan ng dugo ang mukha nito. Napailing siya, she can't believe she's wasting her time on Paulina. Humakbang na siyang pasulong at wala sa sarili itong tumabi upang paraanin siya. She stopped again and speak without looking at Paulina.

"Never cross the hall with me again, better yet avoid breathing the same air."

Narinig niya ang mas lumakas na tawa ni Trinity na siyang nakasunod sakanya. Hindi niya rin naman ito nilingon at diretso lamang ang kaniyang mata sa hall na dinadaanan.

"Dito na ko, thank's for the ride." Kumakaway na paalam ni Trinity bago ito lumiko sa kaliwang pasilyo.


Lunch time ay agad niyang nakita si Travis na naka-abang sa tapat ng room nila, bago pa siya makatayo sakanyang kinauupuan ay agad na siyang nalapitan ni Atticus. Kaklase niya ito sa minor subject na iyon, mula sa kinatatayuan ni Travis sa labas ay tanaw na tanaw siya nito. Kita niya kung paano nag-salubong ang makakapal nitong kilay habang nakamasid kay Atticus na ngayo'y nakangising humila na ng upuan patabi sakanya.

"What do you want?" Walang buhay niyang tanong kay Atticus habang isa-isang sinisinop ang kaniyang mga gamit.

"Don't what me, Gift Briana." Sumeryoso ang anyo nito. "You're going out with Travis now huh?"

She rolled her eyes, alam naman niyang iyon ang sadya nito sakanya. Atticus is her friend, a treasured friend who knows almost everything about her. And when she say everything, that counts her past relationship with Travis.

"Since when did you start keeping secrets?" Nahimigan niya ang pagtatampo sa tono nito.

Napairap naman siya. "Since you start keeping yours."

Natigilan naman ito bago malakas na suminghap at pumasa-ere ang dalawang kamay. "Come on, Gift. Mine's a reasonable one, isa pa'y nalaman mo rin naman na. I have no secrets at all."

She gave him a bored look and stood up. "Now you already know that yes, I'm going out with your brodie. Is it a big deal?"

Tumayo rin ito sa upuan at marahang natawa. "You seem so cool about it huh? Parang kailan lang you're screaming mad about Lance, now you're dating the ex na parang walang nangyari."

"You know what, you better mind your own business dunce." Masungit niya itong iniwan sa kinatatayuan nito, narinig pa niya ang pagpapakawala nito ng nakakalokong halakhak.

"I'll bet two months, Gift. I'm readying a Hennessy, don't worry." Malokong sabi nito. Hindi na niya ito nilingon instead she raised her middle finger as an answer na lalo nitong ikinatawa. "That's my girl."

Kitang kita niya kung paano dumilim sa pagkabusangot ang mukha ni Travis nang makalapit siya dito. Nag-iisang linya lamang ang labi nito na tila ba may hindi nagugustuhan.

"Anong kailangan sayo ni Atticus?" Umagapay itong kaagad sakanyang pag-lalakad.

"Nothing important." Nilingon niya ito nang hindi na ito umimik, diretso sa daan ang mga mata nito.

Travis isn't usually snob, but right now he's ignoring everyone. Kahit panay ang bati rito ng mga nakakakilala. Hinawakan niya ang braso nito, naramdaman niyang natigilan ito ngunit hindi naman siya nito nilingon.

"Hey, are you okay?" She asked. Hindi ito sumagot kaya naman humugot siya ng malalim na hininga bago dugtungan ang sinabi. "You're ignoring me."

Doon ito huminto sa pag-lalakad, he took a deep breath and slightly turned to her side. Seryoso parin ang pagkakatitig nito sakanya, his angled jaw flexed. Ang itim nitong mga mata ay tila ba lalo pang dumilim. He looks murderous.

"Ayaw mo kong kasama?" She asked in a clueless manner.

Bahagyang lumambot ang ekspresyon nito, he heaved another sigh again before he gathered her waist with his arm. "Where do you wanna eat?"

Napangiti siya sa ginawa nito, nag-angat siya ng tingin dito. Travis is around six feet and two inches tall, she has a slim and slender long pair of legs plus her killer hills kaya naman effortless na naabot ng kaniyang ilong ang bahagi ng panga nito. She sniffed his smell.

"Buy a dozen of your aftershave, I love the smell."

Amused, he chuckled softly. His heavy aura is gone in a snap. Bahagya itong yumuko upang tumama sakanyang pandinig ang anumang ibubulong nito.

"Babe, I know it's me you wanna eat. But dammit, I'm talking about real food."

With that, she flushed. Agad niyang tinapik ang dibdib nito na siya namang ikinatawang lalo nito. "You perv!"

Inakay siya nitong muli sa pag-lalakad patungo sa parking lot. Napataas ang kaniyang kilay nang makitang iba ang sasakyan nito, it's a matte black Koenigsegg Agera.

"What happened to your car?" She asked when he opened the door and let her in.

Sumakay ito sa kabilang bahagi at sinimulang buhayin ang makina ng sasakyan bago siya nito sagutin. "Nothing. I'm thinking of selling it, but I love that car kaya baka dalhin ko nalang sa arena at idagdag sa collection."

She rolled her eyes, Travis is filthy rich. He has his own arena kung saan nakatambak ang car collections nito from vintage to modern. Kung siya'y halos buwan buwan nag-papalit ay ganoon rin ito, ang kaibahan nga lamang kinokolekta nito ang sasakyan samantalang siya'y ibinibenta niya sa kung sinong may gusto just to dispose it.

Habang nag-mamaneho ito ng malumanay ay binalingan siya nito. Ang siko nito ay nakatukod sa pinto ng sasakyan at ang malayang kamay ay naglalaro sa labi nito.

"What?" Tanong niya nang pag-masdan lamang siya nito.

Bumaling itong muli sa daan bago mag-baling ng tingin sakanya. "Kiss mo nga ko, Gift."

May tila kung ano siyang naramdaman na kiliti sakanyang sikmura nang marinig ang malambing nitong tinig. She cleared her throat, umayos siya ng upo at nag-iwas rito ng tingin. "Travis, drive."

"Babe, kiss lang." Ungot parin nito. Umayos ito ng upo at ginamit ang kaliwang kamay sa pagkontrol sa manibela habang ang kanan ay umabot sakanya. "Pakiss lang ako."

"Travis!" Pinanlakihan niya ito ng mga mata nang higitin siya nito. "You're driving!"

Huminto ang sasakyan kasabay ng pag-ngisi nato. "It's red light, we have thirty seconds. Come on."

Bago pa siya makaapuhap ng isasagot ay nasakop na nito ang kaniyang mga labi. He gave her a sweet and gentle kiss, napamura ito nang tugunin niya ang halik nito sa paraang gusto nito.

There's something about his kisses that will surely drown her in to deep wantonness. Naputol lamang ang pagkakahinang ng kanilang mga labi nang isang malakas na busina mula sa nasa likurang sasakyan ang gumising sakanila.

Agad niyang sinampal si Travis na tatawa-tawang pinaandar muli ang sasakyan. He held her hand like he owns her. Pinadulas nito ang kanilang mga palad at pinagsiklop ang mga daliri.

And it warms her heart for some reason.

"I hate how Atticus went near you." Sabi nito sa kalagitnaan ng byahe.

"He's your friend."

"And now your friend." He even tsked.

"So? What's wrong with that?"

Padarang siya nitong binalingan. "Anong what's wrong with that?! That single thought is so wrong."

Muli na namang dumilim ang anyo nito katulad ng kanina, gayunpama'y hindi naman nito binitawan ang kaniyang kamay bagkus mas lalo pang humigpit ang kapit nito sakanya,

"You, having a guy friend is so wrong." Mariin nitong sabi.

"What?!" Mangha niyang tanong dito. "What's wrong with you, Travis? I can't limit my very slim population of friends to girls! Be rational!"

"Call it irrational, basta I hate it." Parang batang maktol nito, salubong na salubong parin ang kilay nito.

"Ano bang masama? Atticus is nice-"

"Nice my ass." He muttered.

Ilang sandali niya itong pinagmasdan habang walang salita nitong pinaparada ang sasakyan sa parking lot ng mall. He killed the engine, pero hindi naman ito kaagad na kumilos. Hindi parin ito nag-sasalita at madlim parin ang anyo. Sumandal ito sa upuan at ilang ulit na nagpakawala ng malalalim na buntong hininga tila ba pinakakalma ang sarili.

"Are you jealous?" Marahan niyang tanong.

Halos pa ismid siya nitong binalingan. "If I am anong gagawin mo?"

A smile crept on her lips out of nowhere. Without a word, he leaned towards him and kissed his cheek, matapos ay yumakap siya dito ng mahigpit. "C'mon, Trav. You're the only person whom I let to be this close to me."

Ilang buntong hininga pa ang kumawala rito bago niya naramdaman ang pagpaikot ng braso nito sakanyang bewang He kissed the side of her head and whispered. "Damn you, woman. You really know what string to pull."

Lalo siyang napangiti at mas sumiksik pa dito."I want an Italian pasta for lunch."

"Pasta it is." Malambing nitong sagot. "But I still hate Atticus though."

There's this one hidden personality of her na lumalabas lamang kapag ito ang kaniyang kasama at iyon ang hindi niya magawang unawain.

They dined in for lunch in an Italian restaurant as she requested. She must be sick dahil maging ang kakainin ni Travis ay siya ang pumili, hindi naman niya ito nakaringgan ng kahit anong reklamo na tila ba ayos lamang dito ang anumang makapagpapalugod sakanya.

Matapos nilang mananghalian ay nag-lakad narin sila pabalik sa parking, meron pa kasi silang afternoon class kaya kinakailangan na nilang bumalik sa Vanderbilt.

Nakakapit siya sa braso ni Travis habang nag-lalakad patungo sa kung saan nakaparada ang sasakyan nito nang mahagip ng kaniyang paningin ang isang pamilyar na puting BMW. Agad niyang nirendahan sa paglalakad si Travis nang makitang sumakay ang isang matangkad at balingkinitan na babaeng nakapostura sa passenger seat.

"Who's that bitch?" Wala sa sarili niyang tanong habang pinapanuod na umandar ang sasakyan papalabas ng parking lot.

"What's that babe?"

Nilingon niya si Travis at mabilis na hinila patungo sa sasakyan nito. "My Dad is with his bitch! Sundan mo ang sasakyan niya, Travis! Dammit!"

Naguguluhan man ay pinaluguran siya nito. Mula sakanyang handbag ay kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kaniyang Tita Bettina na nakababatang kapatid ng kaniyang ama.

Nilingon niya si Travis na tahimik lamang sa pag-mamaneho, binalingan naman niya ang puting BMW na bahagyang natatabunan ng ilang sasakyan sa harapan nila.

In three rings, someone picked up.

"Dad's what a bitch." She stated with an imaginary mic drop.

"A bitch? What are you talking about, Gift?" Takang tanong ng kaniyang Tita mula sa kabilang linya.

"I hate repeating myself, but I'm on it. I'm following Bernardo Vito right freaking now." Umigting ang kaniyang panga nang matanto ang daang tinatahak. "Like four cars away and dammit, can you guess where we're heading?"

"Where? Come on, Gift. Maybe kliyente yan ng daddy mo, saan mo ba sila nakita? Make your story clear, sweetie."

Inabot ni Travis ang kaniyang kamay at hinalikan ang likuran ng kaniyang palad. She heard him whispered relax as he repeatedly kissed it.

"Dammit!" Mura niya nang makitang huminto ang sasakyan ng kaniyang ama.

"Gift? Ano ng nangyari?" Tanong ng Tita niya.

"I'll phone you later." Basta niyang ibinalibag ang cellphone sa dashboard.

Inihinto rin ni Travis di kalayuan ang sakanila. The car maneuvered to the entrance of a luxury hotel, nakita niyang sabay na bumaba ang daddy niya at ang babae. Humigpit ang hawak ni Travis sakanyang kamay, kitang kita ng dalawang mata niya kung paano akbayan ng kaniyang ama ang babae at igiya ito papasok sa loob.

"Pumasok tayo sa loob, Travis." Buong desisyong sabi niya dito.

Hindi niya ito muli nakaringgan ng kahit anong pag-tutol. Ng mai-alis ng hotel valet ang BMW ay nag-maniobra na papasok ang Koenigsegg ni Travis.

Sabay silang bumaba roon, iniabot ni Travis ang susi sa sumalubong na valet at iginiya na si Gift papasok sa loob ng hotel. Halos takbuhin nito ang concierge.

"Good afternoon Ma'am-"

"I'm Gift Vito, I wanna asked about the guest's booking information of Bernardo Vito. He's my dad." Putol niya sa magalang na bati ng empleyado.

"I'm sorry, Ma'am but we're not allowed to give information about our guests."

Nahampas niya ang kamay sa sa marmol na counter out of frustration. "Just give me the fucking information I needed!"

Nakita niyang agad na binalot ng kakaibang takot ang mukha ng empleyado. Agad niya ring naramdaman ang braso ni Travis na umalalay sakanyang likuran.

"Sorry po Ma'am that's our policy-"

"Bullshit!"

"Hey, babe relax" Hinimas ni Travis ang kaniyang likuran habang ang isang kamay ay hawak ang cellphone nito ay may idinial na numero. "Hello, yes Peter it's Travis. I need a little help, we're at the Delaguilla Hotel. I just need the information of one of your guest named Bernardo Vito, he's my girlfriend's father. Okay, alright. Yeah, thanks. I owe you one."

Napalingon siya dito habang nakikipag-usap ito, alam niyang maging ang concierge sa harap nila ay napatanga dito. Nakangiting pinutol na nito ang tawag at hinalikan siya sakanyang noo. Ilang sandali pa'y tumunog na ang intercom kung saan at nataranta agad ang empleyado.

"Y-yes sir, s-sorry sir." Sabi nito habang may kinakalikot sa computer nito. Ibinaba nito ang intercom at binalingan siya. "Ma'am, Mr. Bernardo Vito booked one honeymoon suite for 24 hours. He's with another guest named Cindy Talavera."

"Dammit!" She hissed violently. "Is there a honeymoon suite near to where he checked in?"

"Yes, ma'am."

"Book one under Travis Andres Cavallero."

Mabilis nitong ipinroseso ang kaniyang sinabi. Ilang sandali pa ay inabutan na sila nito ng keycard, may isang tauhan ng hotel ang nag-assist sakanila patungo sakanilang silid. Naramdaman niya ang pag-akbay sakanya ni Travis nang humakbang na sila papalabas ng elevator. Nadaanan nila ang pintuan kung saan naka-checkin ang kanyang ama.

"Enjoy your stay, Ma'am Sir." Magalang na sabi ng empleyado bago sila igiya papasok sakanilang magiging silid.

Ilang mura ang kaniyang pinakawalan nang makita ang anyo ng hotel room. Si Travis naman ay agad na yumakap sakanya mula sa likuran.

"Shh, calm down baby." He whispered gently.

"So what are they gonna do in a room like this for twenty four hours?!" Iminuwestra niya ang napakalaking kama sa gitna ng silid na mayroon pang scented petals sa ibabaw. "He's fucking mushy and romantic now huh? Really? He wants this kind of ambiance?! Damn him! He's making me cringe!"

Kumawala siya kay Travis at ilang beses na nagpalakad lakad sa loob ng silid,

"May I borrow your phone?" Agad naman nitong inabot iyon. Walang pasubali niyang idinial ang number ni Atticus na agad din namang sumagot. "Atticus."

Nakita niya agad ang pag-tigas ng ekspresyon ni Travis, walang imik nitong tinungo ang kama at doon mismo naupo.

"Listen, I want you do a research about a certain Cindy Talavera and I want it now." She demanded before she hangs up.

Nag-lakad siya patungo kay Travis, hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.

Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi at huminga ng napakalalim. "I'm sorry, I need his help."

Tango lamang ang ibinigay nito sakanya. Ilang sandali silang nabalot ng katahimikan nang muling tumunog ang cellphone ni Travis, it was Atticus who's calling kaya mabilis niyang sinagot.

"Gift, Cinderella Talavera or simply Cindy is a thirty seven year old retired ramp model. She has her own modelling agency now. This damn bombshell is unbelievably single, has no marriage record-"

"She's my father's bitch." Putol niya sa sasabihin nito. "Thank you."

Inis na pinutol niya ang tawag at ibinato sa ibabaw ng kama ang cellphone ni Travis. Naiirita siyang napasigaw.

"Why is my life so unfair?! What's with that woman?!" Frustrated niyang sabi. "Fine that she's very gorgeous, she's hot and untouched, but she's a bitch!"

"Gift..."

"Anong meron siya?!" Galit niyang sigaw, nakagat niya ang kaniyang ibabang labi bago niya maramdaman ang pagpatakan ng kaniyang mga luha. "I'm sorry, but this is the first time I caught my father having an affair."

"Gift, baby..." Malambing na usal ni Travis. "Give your dad a break, somehow he needs someone."

"Bullshit! I'm here! Pero hindi niya ko kailangan?" Lalo siyang napahagulgol ng iyak. "Wala naman sana akong problema sa womanizing activity niya, Trav. Kung sana napapahalagahan niya muna ako bago ang ibang babae! Wala siyang karapatan mag-bigay ng atensyon sa ibang babae kung mismong akong anak niya, hindi niya kailanman pinakitaan ng amor! He's so unfair, I hate him!"

Inabot ni Travis ang kaniyang kamay at marahan siyang iginiya paupo sa kandungan nito. Pilit siya nitong tinatahan habang pinupunasan ang walang ampat niyang mga luha.

"Am I that worthless? Nakukuha niyang makipag-date sa babae niya samantalang akong anak niya ni hindi niya manlang matignan? He's so unfair!" Para siyang batang nag-susumbong kay Travis. "It's not my fault that I was born. Hindi ko naman ginusto na mawala yung Mommy ko just because she brought me here. Pero bakit buong buhay ko pinararamdam sakin na kasalanan ko?"

"Baby, it's not your fault..."

"They say my dad loves my mom, kaya siya galit sakin. Tiniis ko yung galit niya kahit hindi ko mahanapan ng basehan yun. Tiniis ko yun, Travis! Basta mahal niya yung mommy ko kahit ako hindi na!" Ginamit niya ang likuran ng kaniyang palad upang pahirin ang kaniyang mga luha. "Pero ngayon? Anong karapatan niyang mambabae?! What's with that woman na wala sakin?! Bakit ako hindi niya magawang mahalin? Diba mahal niya yung mommy ko? Bakit hindi niya ko mahal? I'm his daughter for Pete's sake! I'm from his own blood!"

Mahigpit siyang niyakap ni Travis at lalo lamang siyang nanghina at nanlambot. She's used to being strong, but whenever she feels his presence she melts. Na para bang kailangan na kailangan niya ng makakapitan at masasandalan. Nagiging isang mahinang Gift na kailangan ng isang Travis. He's making her so needy of him.

"Hindi ba ko kamahal-mahal? Why my own father abhors me!"

"Babe, you're loved." Hinalikan nito ang kaniyang balikat at patuloy siyang inaalo. "And baby, don't you ever doubt your worth. Just so you know, there's a space that only you can fill."

"Trav, nasasaktan ako." Mahigpit siyang yumakap dito.

Ganoon din ang ginawa nito sakanya at marahang hinaplos ang kaniyang buhok. "What can I do to ease the pain?"

"Just hold me."

Inabot nito ang kaniyang mukha at ginawaran ng magaan na halik ang kaniyang noo bago siya muling niyakap ng napakahigpit. "I'm not letting go. "

"I want cheesecake..." Mahina niyang bulong kay Travis makalipas ang ilang sandali. "But that means carb, so just sing for me and I'll be fine"

Narinig niya ang hinang pagtawa nito, that enough seems to be music in her ears. She closed her eyes and buried her face on his neck.

Nagsimula itong kumanta, Travis' voice soothes her heart that she don't want him to stop. Only Travis can make her feel this comfortable. Only him can ease and lift the pain off.

"You stress me out, you kill me... You drag me down, you fuck me up. We're on the ground, we're screaming... I don't know how to make it stop." He's almost whispering the lyrics on her ear as if that's what he wanted to tell her. "I love it... I hate it... and I can't take it. But I keep on coming back to you."

Because you're mine, Travis Andres.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro