Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eight

"So what are your plans now?"

Binalingan niya ng bahagya ang tanong na iyon ni Atticus bago muling ibalik ang tingin sa salaming dingding na nasa harapan niya upang panuorin ang kaniyang pag-takbo sa ibabaw ng treadmill.

Beads of sweat were dripping from the side of her forehead. Ang kaniyang nakatali at mahabang itim na buhok ay sumasayaw sa bawat galaw ng kaniyang binti. Iminando pa niya ang equipment para sa mas mabilis na takbo.

"I'll have dinner and probably sleep all day."

Napaikot ang kaniyang mga mata at napilitan siyang ihinto ang treadmill nang batuhin siya nito ng towel na ginamit nito pamunas ng pawis.

"You gross!" Ibinato niya iyong pabalik dito.

"That's what you get." Binuksan nito ang isang bote ng tubig at inabot sakanya. "Hindi ka marunong sumagot ng ayos, alam mo kung ano ang tinutukoy ko."

Kibit-balikat niyang tinanggap ang tubig na iniabot nito bago bumaba ng treadmill. Inalalayan pa siya nito paupo sa isang gym ball, he squatted in front of her and held her knees as he watched her emptied the bottle he gave.

"Well, I don't think may dapat pa kong gawin. They're already married, my pride couldn't take another begging session with my father to keep her from marrying that cougar." Ibinalik niya ang bote dito na agad naman nitong pinatong sa kung saan.

"Edi babalik ka na ng New York next week?"

"Oo, wala naman na akong gagawin dito." She inhaled an air. "I'll be visiting few friends habang nandito pa ko sa Pilipinas."

Tumango lamang ito atsaka tumayo upang hayaan na siyang ipag-patuloy ang kaniyang workout routine, ito man ay naging abala din. When they finished their workout, they went back to his unit.

She lives with Atticus while she's in the Philippines, alam niyang ayaw iyon ng kaniyang ama kaya iyon ang ginagawa niya. Though they're staying in separate rooms, people will assume otherwise. Lalo pa't si Atticus ang siyang napapabalitang boyfriend niya.

Atticus is the only person she could trust right now. Wala siyang ibang pinagkatiwalaan sa lahat ng pangyayari sakanyang buhay kundi ito. Ito rin ang nahihingan niya ng tulong na walang pag-aalinlangan siyang pinaluluguran.

Nang makaligo ay ibinihis niya ang isang itim na leggings at racer back top. She wore a sneakers, blow-dried her hair and put her huge aviator sunglasses on then she's ready to go.

Naabutan niyang pahikab-hikab na nag-babasa ng kung anong papeles si Atticus sa sala ng unit habang sumisimsim ng kape. Binalingan siya nito at tinaasan ng kilay.

"Wow, hindi kita nakilala ha." Sarkastikong sabi nito na sinamahan ng tawa.

She rolled her eyes kahit malabo naman nito iyong makita gawa ng kaniyang sunglasses. "I don't think I'm in for disguise."

"Come on, you're one of the world's highest paid supermodel now. Sa tingin mo ba'y walang paparazzi na nag-aabang sa baba ng building? Lalo pa't kababalita lang sa mga pahayagan na dito ka tumutuloy?" Amused nitong sabi.

"Does it bother you?"

"Paano kung dumugin ka?" Mapakla nitong tanong. "You know how people here gets excited whenever they see a celebrity coming, this isn't New York, Gift."

She shrugged and smiled. "Don't worry brother, I'll sure take care of myself."

"You better be." May pagbabanta nitong sabi.

"Can you chill?" Natatawa niyang biro. "Pupunta lang ako kanila Shanna, malapit lang naman dito ang subdivision nila. Ikaw ba? Don't you have plans for today?"

"I have work." Tipid nitong sabi bago dugtungan. "Baka gabihin ako ng uwi..."

Mapanukso siyang ngumisi. "Girls? Sorry for invading your private space ha? Mag-hotel nalang kayo, kahit sagot ko na ang check in niyo-"

"I'm rich, witch." Mayabang nitong putol sakanya. "Nagkayayaan kasi, magkakainuman kami kanila Aquish hindi ko lang alam kung sasama yun si Cholo hindi na iyon mahiwalay sa asawa niya eh."

"Oh, whatever. I'll better go." She said in a dismissing tone soon as she heard those names.

Habang nasa sasakyan ay itinext niya si Shanna na papunta na siya sa bahay nito, she suddenly missed her friends. Simula kasi nang mag-lagi siya sa ibang bansa para sa pag-mo-modelo ay hindi na niya masyadong nakakausap ang mga ito.

Halos lahat ng kaniyang mga kaibigan ay isa-isa ng lumalagay sa tahimik, ang ilan nama'y may mga anak na. She's happy for them, they all deserved a sweet life after all.

She parked her car in front of a huge mixed of orange and brown two story house. Agad na natunugan ni Shanna ang kaniyang pag-dating dahil hindi pa siya nakakababa ng kaniyang sasakyan ay bumukas na ang itim na gate

"Gift!" Patiling salubong nito sakanya.

Napangiwi siya nang halos makalas sa pagkakakabit ang kaniyang buto nang mahigpit siya nitong yakapin.

"My God! You've become more beautiful!" Puri nito sakanya habang iginigiya siya papasok, binalingan nito ang isang kasambay. "Stephanie, ikuha mo kami ng maiinom at makakain. Ano bang gusto mo Gift?"

Umiling siya. "I should watch my food intake, Shanna. You know the nature of my work-"

"Ang payat payat mo! Hindi ka naman siguro mananaba sa isang slice ng cake-"

"It will take hours to burn."

"And I don't care." Shanna rolled her eyes. "Sige na Stephanie, dalhan mo kami ng cake yung dala ni Sir Cholo mo kagabi and make us a glass of iced hazelnut coffee. Dalhin mo sa balcony."

Iginiya siya nito paakyat sa malawak na balkonahe kung saan naroon ang apat na silyang rattan sa palibot ng isang bilog na coffee table.

"You have a nice house." Puri niya.

"Magaling ang architect na nakuha namin galing sa firm niyo." Ngumiti ito. "Ikaw sana ang gusto kong mag-disenyo kaya lang naisip ko na busy ka."

"Bakit ako?" Pagak siyang natawa. "I never practiced my degree, sapat na naipasa ko ang board exam para hindi naman nakakahiya. Pero hindi naman ako naging ganap na Arkitekto."

"But that's what you really want to be, right? I've never imagined you'll shift your career to modeling, Gift. Nagulat nga akong bigla kang nahilig at nagka-interes sa ganiyang buhay."

Of course, Shanna didn't know anything. People didn't know a single thing. Ang tunay na dahilan kung bakit mas pinili niyang maging tanyag sa larangan ng pagmomodelo kaysa sa matagal na niyang pinapangarap na propesyon. Isang hilaw na ngiti lamang ang pinakawalan niya sa sinabi nito.

"Si Lance nga sana ang kukunin na Engineer ni Cholo, kaso busy si Lance sa Australia nang nakaraang taon dahil sa mommy nito."

Dumating na ang kasambahay na inutusan nito at inilapag sa center table ang mga pagkain. Inabot niya ang iced coffee at agad sumimsim doon dahil sa uhaw.

"That's why Travis engineered our house-" Naputol ang sasabihin nito nang bigla siyang maubo, mabilis naman siya nitong inabutan ng tissue. "Hey are you okay? Dahan dahan naman kasi."

Tumango siya habang pinupunasan ang bibig. Dammit, awtomatikong nagugulo ang mood niya tuwing maririnig ang pangalan na iyon. But she have to act normal since Shanna doesn't know a single detail.

"You remember Travis naman siguro diba?" Pinigilan niyang mapaungot ng ulitin pa nito iyon. "You dated him back in college, after Lance hindi ba?"

"A trash form the past." Tipid niyang sagot.

"And now you're with Atticus!" Humalakhak ito. "Ano ba ang qualification ng lalaki para sayo? Should be an AMO member?"

She rolled her eyes and tried to laugh along at piniling ibahin ang usapan. "Where's my godson?"

"Sumama sa Papa niya sa hotel, alam mo naman ang mag-ama na yon ni hindi na mapaghiwalay." Umikot ang mga mata nito.

Isang tanong ang hindi niya man naisin ay pilit na nagkapuwang sakanyang isipan. Kung sakali bang hindi nangyari ang lahat ng nangyari ano kaya sila ngayon? Will he be a good father? A good husband? Will he even marry her? She shook her head to stop her nonsense.

Ipinagpasalamat niya na ito na mismo ang umikot ng usapan. Shanna seems so happy and contented with her life now, napansin niya ang mangilan-ngilang pag-babago sakanyang kaibigan and those were all positive. Maging ang pakikitungo nito sa mga kasambahay ay bahagya niyang ikinabigla. Not that she's rude and cruel to her servants, but she's not nice either. Hindi katulad nito na tinatanong pa ang mga kasambahay kung nag-agahan na ang mga ito, siya'y nunca niyang kikibuin ang mga ito. Hindi dahil sa nag-mamataas siya o ano, she just lost her care to everyone around her.

Hindi na siya nag-paabot pa ng tanghalian sa bahay ng kaibigan, gusto pa man niya itong makausap ng mas matagal ay may ibang bagay siyang naisipang gawin kaya naman nag-paalam na siya dito at nangako na muling dadalaw. Nangako rin naman ito sakanya na sa susunod na pag-dalaw niya'y madadatnan na niya si Ram.

Lulan ng kaniyang sasakyan ay tumungo siya sa Architectural Firm ng kaniyang ama. Ang Ballesteros Vito Associates, ito ang kompanyang itinatag ng kaniyang mga magulang na kapwa mahuhusay na arkitekto.

Since her car is very flashy, alam niyang iyon ang dahilan kung bakit lahat ay tila napalingon sakanyang sasakyan. Walang pag-aalinlangan niyang ipinarada ang kaniyang sasakyan sa bukana ng mataas na gusali. Nakita niya ang pag-lapit sakanya ng isang security guard, marahil ay upang sitahin siya sa ginawa niyang pag-parada.

Bago paito makalapit ay binuksan na niya ang kaniyang sasakyan at bumaba, agad siyang nakilala ng iilang nasa paligid, maging ang gwardya na dapat sana'y lalapit sakanya ay napahinto.

On her arm hangs an Yves Saint Laurent black leather shopping tote bag, walang salita niyang iniabot dito ang susi ng kaniyang sasakyan nang bumati ito sakanya.

Tila agad nitong nakuha ang gusto niyang mangyari kaya may tinawag ito mula sa kung saan para imaneho ang kaniyang sasakyan patungo sa parking.

Bago pa siya makapasok sa loob ng kompanya ay mabilis na siyang naharang ng mangilan-ngilang paparazzi na nasa paligid. Tahasan siya nitong pinagkukuhaan ng ilang mga larawan, hindi nahuli ng mga ito ang maraming beses niyang pag-irap dahil sa makapal na salaming tumatabing sakanyang mga mata na wala siyang balak na alisin.

"Oh my God, Gift Vito! I haven't seen you in flesh for quite awhile."

"Gift Vito, The She-Devil-Herself!"

"I never expected to see you here, you're really stunning!"

"You're very beautiful even without makeup on!"

"You're drop dead gorgeous, Gift-"

"Move out, dammit!" Walang pakialam niyang sabi sa mga paparazzi na nakaharang sakanyang dadaanan, agad namang naalarma ang mga gwardya ng kompanya at tumulong upang mahawi ang daan.

May ilang paparazzi pa ang humabol sakanya nang dirediretso siyang mag-lakad papasok sa loob. Ang isa'y hindi pa nakuntento at hinawakan ang kaniyang braso upang hatakin siya paharap kaya naman marahas niya itong nilingon at binulyawan.

"Don't fucking touch me!"

Nakita niya kung paanong nahihintakutan itong umatras.

Fuck all the paparazzi.

They say that if you have paparazzi, you know you've gotten somewhere. That's not true, because right now? With thousands of paparazzi following her around, she's still lost.

And being hunted, paparazzi-styled will never have an appeal to her.

Nakarinig siya ng ilang bulung-bulungan sa paligid regarding with her attitude towards paparazzi's, some are just confirming how the hearsay about her having an awful attitude was true.

She could just give them a flying fuck if they want.

Nakita niyang maging ang mga empleyado ng kompanya ay nangingilag na batiin siya, fear is definitely visible in their eyes kahit pa nga ba wala naman siyang ginagawa.

Fear is the devils greatest illusion, then maybe she must own the title the crowd has been dubbing her -the she devil herself.

Isang empleyado ang nakasunod sakanya na iginiya siya sa pribadong elevator ng kaniyang ama. Bago pa iyon bumukas ay nauna ang katabi nitong elevator kung saan nag-uunahan pumasok ang mga empleyadong bumati din sakanya.

Bahagya niyang naulanigan ang pag-uusap ng ilan.

"Bilisan mo na, kailangan nasa table na yan ni Engr. Cavallero bago siya dumating!"

Nang nilingon niya ang elevator ay sumara na ang pinto noon. Her heart took a flip in a sudden mention of the name. She must be hearing things?

She shook her head, that's impossible alright? You might've misheard it.

Nang bumukas ang lift na siyang sasakyan niya'y agad na siyang pumasok, akmang sasakay din doon ang empleyadong kasama niya nang pigilan niya ito.

"Use the next one." Utos niya bago pindutin ang close button ng elevator.

She's just not comfortable alone with a stranger inside a quiet and secluded space. Pinindot niya ang pinakamataas na palapag, kung saan naroon ang opisina ng kaniyang ama.

Alam niyang iyon lamang ang natatanging opisina sa palapag na iyon, nang bumukas iyon ay agad siyang sinalubong ng matandang sekretarya ng kaniyang ama na si Mrs. Simpson.

Kilala niya ito dahil noong bata siya'y ilang beses na rin siyang nakapunta sa kompanya madalas ay kasama siya ng Tita Bettina niya, nahinto lamang nang tumungtong siya ng edad na labing apat kung saan niya natanto na mas mabuting mawalan na lamang siya ng pakialam kaysa magmakaawa.

"Architect!"

Halos mapangiwi siya sa naging bati sakanya nito, she may be a board passer but she's not a practiced one kaya tila ba pakiramdam niya'y wala siyang karapatan para sa titulong iyon.

"Ikaw ba ang hahalili sa iyong ama habang nasa bakasyon ito?" Nakangiti nitong tanong habang iginigiya siya papasok sa opisina ng kaniyang ama.

Nasabi sakanya ng kaniyang Tita Bettina na naka-leave ito ng dalawang buwan para sa sinasabing honeymoon period matapos ang kasal nito na parang gustong magpasuka sakanya. Ayon din sa Tita Bettina niya ay isang pinagkakatiwalaang Engineer ng kanilang kompanya ang inappoint ng kaniyang ama na dagling mamahala ng firm, hindi ba nito ininform ang sekretarya nito?

"Ang akala ko'y si Engineer ang pansamantalang mamamalakad habang wala si Architect Bern."

Oh there.

"I'm just visiting around." Kaswal niyang sagot dito bago hilahin ang high back leather swivel chair sa likod ng malaking de-klaseng narra executive table ng kaniyang ama ipinatong niya roon ang bitbit na bag at binalingan ang matanda na hanggang ngayon ay nakangiti parin ng maganda sakanya. "Do you mind if I ask you to leave, Mrs. Simpson, I wanna be alone."

Nakakaunawang tumango ang matanda na may kalakip paring munting ngiti. "Masaya akong nakita kitang muli dito, Gift. Para kong nakikita muli ang aking kaibigan na si Aliana, I hope you'll soon find a will to work here."

She kept still at the mention of her mother's name.

"I'm sorry, I just missed her..." The old woman blinked back the unwanted tears and smiled again. "If you need anything, I'm just at the next door."

Isang tango ang isinagot niya dito at pinanuod itong lisanin ang silid. Soon as she heard the clicking sound of the door, she took of her sunglasses and blew an air.

Nag-simula siyang mag-ikot-ikot at suriin ang opisina ng kaniyang ama. Hindi niya maunawaan ang kakaibang kirot sakanyang dibdib nang makita ang picture frame sa ibabaw ng lamesa nito kung saan naroon si Cindy na nakayakap dito. The couple were smiling and she hates it.

Walang pag-aalinlangan na ibinalibag niya iyon pasaan dahilan para mabasag ito. Wala siyang pakialam.

Malinaw at sariwa pa sakanyang ala-ala kung paanong ang magandang wedding picture ng mga magulang niya ang nakadisplay sa bahaging iyon, but now no image of her mom could be seen in the four-cornered room.

"So he's finally moved on, huh?" Patuya niyang sabi sakanyang sarili.

Hindi niya alam kung bakit pero siguro nama'y normal na siya ang manibugho para sakanyang ina na ngayo'y wala ng buhay.

Tinungo niya ang isang malaking estante, kinuha niya roon ang isang file folder na may label ng pangalan ng kaniyang ina.

Nang buksan niya iyon tumambad sakanya ang iba't ibang sketches ng bahay. Para bang ginawa lamang iyon pampalipas oras, the strokes were nothing professional.

Sa kada kanto ng papel ay naroon ang date, kung hindi siya nagkakamali ng tantya ay college student pa lamang ang kanyang ina nang mga panahon na iyon.

Naupo siya sa mahabang leather sofa sa gilid ng fine center table. Inisa-isa niyang tignan ang mga ginawa nito.

Ilan rito ay desenyo ng bahay, ang ilan nama'y rest house. Every design has each touch of class and uniqueness, napangiti siya. Hindi dapat itinatago sa isang estante ang mga ganitong obra, this designs should be brought to life. At hindi niya iindahing maubos ang lahat ng kaniyang salapi maipatayo lamang ang lahat ng ito.

Call her crazy, but this is one way to somehow bring back her mother's memories.

Anim na disenyo iyon, it wont hurt to have six houses all for yourself if you can afford it though.

Noong bata siya'y gusto niyang maging arkitekto dahil gusto niyang maging katulad ng kaniyang ina base sa kwento ng kaniyang Tita Bettina.

Hanggang sa tumanda na siya ay unti-unti niya ng minahal ang ideya na iyon.

She considers herself a brick that wants to be something.

Pinangarap niyang mag-trabaho at magkaroon ng munting puwang sa kompanya ng kaniyang ama, pero sa pag-lipas ng panahon ibinasura na niya ang mga pangarap na iyon.

Maraming nag-bago at malaki ang naging pag-babago.

Maayos niyang inilagay sakanyang bag ang mga desenyo ng kaniyang ina atsaka lumabas na ng opisina. Ayaw niya ng mag-tagal roon at wala naman ng dahilan pa para mag-tagal.

Suot ang kaniyang malaking salamin ay muli niyang ginamit ang private lift matapos magpaalam sa sekretarya ng ama upang tuluyan ng umalis.

Sa lobby ay tila muling nag-kagulo ang lahat upang hawiin ang daan at bigyan siya ng sapat na espasyo para mag-lakad, isang security personnel ang lumapit sakanya nang itaas niya ang kaniyang kamay.

"Get my car."

"Yes ma'am." Mabilis itong itong tumalima.

Ilang bulung-bulungan ang naririnig niya sa paligid, wala sana siyang pakialam nang mapansin niyang tila ba may nanunuod ng kaniyang galaw.

Oh well, everyone is looking at her anyway.

Isang hagikgikan mula sa di kalayuang elevator ang narinig niya.

"Hello, Engineer!" Bati iyon ng ilang empleyada sa kung sino mang lulan ng isang elevator na ngayon ay sumara na ang pinto. "Ang gwapo gwapo niya talaga!"

"Oo nga! Ang bait bait pa niyan ni Engineer!"

"Swerte nga natin ngayon mas madalas na natin siyang makikita kasi balita ko siya ang hahalili habang nasa bakasyon si Architect Bern!"

Napailing na lamang siya at inip na iniilibot ang mata sa paligid. Nag-lakad lakad siya habang inaantay ang kaniyang sasakyan, nasa ganoon siyang pag-iisip nang may marinig siyang hindi niya nagustuhan.

"Ang ganda ganda nga niyan ni Ma'am Gift kahit walang makeup, kinokolekta ko ang mga foreign magazines na siya ang cover."

"Oo nga, gusto ko sana makipag-selfie sakanya kaso masungit! Hindi kagaya ni Ma'am Cindy sobrang ganda na sobrang approachable pa!"

Walang pag-dadalawang isip na nilapitan niya ang nag-uusap na iyon, nakita niya kung paano nanlaki ang mata ng mga ito.

"What's your name?" Mapanganib niyang tanong sa pangalawang nag-salita.

"G-Gina Garcia po." Nahihintatakutan nitong sagot.

Binalingan niya ang personnel na lumapit sakanya upang iabot ang susi ng kaniyang sasakyan. "I want this woman fired, understood?"

Hindi na niya inantay pa ang magiging sagot nito, taas noo siyang lumabas ng gusali na hindi iniinda ang singhapan ng mga nasa paligid.

Diretso siyang umuwi sa unit ni Atticus at wala na ito doon. Nagkulong siya sa loob ng kanyang silid at inabala ang sarili sa paghahanap ng magagandang lugar sa kanyang ipad kung saan pwede niyang ipatayo ang mga bahay na dinisenyo ng kanyang ina.

Hapon na nang mapagpasyahan niyang maligo, ang sabi ni Atticus ay gagabihin ito umuwi. She doubt it, baka nga umagahin na ito. Kaya naman hindi na siya nag-abala pang lumabas ng silid para sa hapunan.

Nahiga na lamang siya sakanyang kama at ipinagpatuloy ang pagpapalano, balak niya kasing i-enhance ng kaunti ang disenyo ng kaniyang ina. Making it a little modern, para rin bumagay sa nga usong materyales at kasangkapan.

Nakatulog na siya sakanyang walang humpay na pag-paplano at excitment tungkol sakanyang balak na isakatuparan.

Nang magising at makaramdam ng uhaw ay tamad siyang bumangon. Napasinghap siya matapos mabalingan ang maliit na orasan sa bedside table, it's ticking two in the morning.

Lihim siyang napamura, hindi niya inaasahang hahaba ng ganoon ang kaniyang tulog. Well maybe because she didn't get a decent sleep last night because of the jacket. Speaking of that mysterious jacket, tila nawala iyon sa isipan niya buong araw.

Tumayo siya at kinuha iyon sa isang builtin wooden cabinet, muli niya iyong pinangunutan ng noo at wala sa loob na inamoy. The scent is really very familiar that it thrilled her.

Muli niya iyong binalik sa kinalalagyan at yapak na lumabas ng silid. Tahimik ang maliit na hallway, napatingin siya sa pinto ng silid ni Atticus na katapat ng kanya, nakauwi na kaya iyon?

She shrugged and walked towards the kitchen, napasinghap siya ng malakas at napako sa kinatatayuan nang makita niya sa salang dinaanan ang mga lalaking lupaypay at tulog sa kani-kanilang posisyon.

There's Aquish, Thiago, Edward, River, Alexus and Atticus. Lahat ay walang malay, sa paligid ay nakakalat ang sandamakmak na walang lamang bote ng iba't ibang klase ng alak, may ilang chips din ng bowl sa center table.

Napailing siya nang makitang nasa kamay pa ni Aquish ang remote.

"These nitwits are weak." Mahina niyang usal bago lumakad papalapit sa tv at mano-manong pinatay iyon. "What an embarrassment."

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano habang pinapanuod ang mga ito sa ganoong posisyon.

"I do know you're a lingerie model, but I don't appreciate you strutting around this place with only a tank top and your panties on."

Her eyes widened when she heard that baritone voice. Agad na napaangat ang kaniyang tingin sa pinanggagalingan noon, her eyes met those pair of dark and brooding eyes.

Standing before her is the man that's been causing her havoc. Wearing a dangerous aura in his office attire. Ang kamay nito ay merong baso na puno ng tubig, sumisim ito doon ng konti.

Bago pa siya makaapuhap ng sasabihin ay humakbang na itong papalapit sakanya. "Go back to your room, Gift."

Nang abutin nito ang kaniyang palapulsuhan ay tila ba doon siya natauhan sa pagkamangha.

"Don't touch me." Halos pabulong iyong lumabas sakanyang bibig.

Mabilis niya itong tinalikuran at nag-mamadaling tinungo ang daan papasok sa silid ni Atticus, bago pa niya mapihit ang seradura noon ay nakasunod na ito sakanya.

"You're entering the wrong door, Gift." Ito ang siyang mismong nag-bukas ng pinto ng kaniyang silid.

Sa malakas na kalabog ng kaniyang dibdib ay hinarap niya ito. Tahimik nitong inabot sakanya ang dalang baso ng tubig.

Kinuha niya iyon, tila ba nawala na sakanya ang uhaw na kanina'y nararamdaman. Imbes na inumin ang laman noon ay walang pagdadalawang isip niya iyong isinaboy sa mukha ng lalaking kaharap.

Hindi natinag ang tingin nito sakanya sakabila ng bahagyang pag-tigas ng ekspresyon nito. Walang salitang inabot niya ang baso pabalik dito.

"Die." She muttered.

Bago pa ito makapag-salita ay mabilis na siyang pumasok ng kaniyang silid at padabog na isinara ang pinto.

She closed her eyes and let her legs turned jelly as she melted on the carpeted floor. Tears became unstoppable again as memories comes back flashing.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro