Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter

"Ramesses?"

Napalingon siya sa nakabukas na pinto ng silid nang marinig ang tinig ng ina, hindi ito nag-iisa roon. Katabi nito ang papa niya at mukhang nagising lamang ang mga ito.

"Ma..."

"What happened?" Nag-aalalang nag-lipat ito ng tingin kay Gabriella na nakahiga sa kama at walang malay. Tuluyan itong pumasok kasama ang papa niya. "Is she okay?"

"She's drunk ma." He said. "Pag-balik ko sa party nang maihatid ko si Aiza sakanila, lasing na si Gabriella. Hindi ko siya iniuwi sakanila, baka pareho kaming mapatay ni Tito Lance."

"Bakit kasi hindi mo binantayan si Bree?!" Piningot siya ng mama niya.

"Ma! Sixteen na kami, kailangan ba talaga na nakabantay ako sakanya minuminuto?!" Irita niyang sagot.

"Oo, Ramesses." Ang papa niya iyon sa tinig na miminsan lamang nitong gamitin sakanya. "Paano kung may ibang nag-uwi kay Gabriella dahil naiwala mo siya sa paningin mo?"

"Pa, saglit lang akong umalis! Kinailangan ko lang ihatid yung girlfriend ko pauwi." He explained. "Wala pang twenty minutes yun!"

"And look what happened?" Binalingan muli ni Shanna si Gabriella. "Paano kung tumagal pa na wala ka? Can you just imagine what will happen to this sweet girl?"

Napabaling narin siya dito. She's sleeping peacefully above the round bed. Her hair was disheveled, almost covering her face.

"Tatawagan ko si Cataliyah na dito na matutulog si Bree." Muling sabi ni Shanna. "Mag-uusap pa tayo bukas, Ramesses."

"Mag-pahinga ka narin." Seryosong tingin parin ang ibinigay sakanya ng kanyang ama bago siya nito talikuran.

Nang mawala ang mga magulang niya ay muli niyang tinignan si Gabriella. He sighed and removed her shoes.

Gumalaw ito dahilan upang mahawi ang buhok na nakatabing sa mukha nito. Muli siyang napabuntong hininga bago naupo sa gilid ng kama, his knuckles reached her face and gently brushed its contour.

"Bakit ka ba kasi nag-lasing, taba?" Wala sa sariling tanong niya, dinaanan ng kaniyang daliri ang mga tuyong luha sa matabang pisngi nito. "Bakit ka umiyak? Okay ka naman kanina ah, saglit lang akong nawala may umaway na sayo?"

Ilang sandali pa niya itong pinagmasdan bago niya ito kinumutan at tuluyan ng iniwan sa loob ng guest room.

MABILIS NA lumipas ang mga araw. Ang summer break na kakasimula pa lang ay halos patapos na. Hindi niya alam kung dapat niya bang ikatuwa yun o ano.

"Oh, gising ka na pala. Ipapatawag na sana kita kay Shannen, halika na kumain na tayo. May carrot cake dyan, bigay ni Tita Kata mo." Sabi ng mama niya nang makita siyang makababa ng hagdan.

"Ni Tita Kata?" He frowned.

"Oo, idinaan rito ni Bree kanina." Sinundan niya ng tingin ang mama niya na abala sa pag-aayos ng lamesa katulong ang twelve years old sister niya na si Shannen. "Niyaya ko nga na dito na mag-almusal-"

"Tapos hindi man lang tumuloy? Hindi man lang sumalo satin ng breakfast? Matakaw iyon ah, tumatanggi na siya sa pagkain ngayon?" Medyo inis niyang sabi bago mag-hila ng upuan.

"Kasi kuya, manunuod yun ng basketball nila kuya Crane!" Sumingit ang bunso niyang kapatid na si Sue atsaka ito naupo sa hinila niyang upuan kaya naman muli siyang nag-hila ng upuan upang doon maupo.

"Si Crane? Hindi naman taga dito yun ah." He said.

"Oo nga. Eh pero sabi ni Goldie Gail may basketball match daw sina kuya niya kasama sila Kuya Crane at magnunuod sila ni Ate Bree. Pati Kuya para namang ang layo ng bahay ni Kuya Crane taga kabilang village lang naman yun."

Hindi niya inintindi ang iba pang sinabi nito. "Oh, bakit manunuod si Gabriella dun? Ano yun? Boyfriend niya ba yun?"

"Hindi ko alam." Binalingan nito ang mama nila na kakalabas lamang mula sa kusina kasama si Shannen, may dala ang mga ito na plato ng pagkain. "Mama, gusto ko po ng toasted bread with butter. Si Kuya mama gusto niya ng chicken nuggets."

Napailing na lamang siya, well his two little sisters knew him well.

Matapos kumain ay agad siyang nag-bihis at nag-paalam sa mga magulang niya na aalis siya saglit at may bibilihin lamang.

Ginamit niya ang isa sa mga lumang sasakyan ng papa niya na sakanya na ngayon, hindi kasi siya nito binibili ng bago dahil hindi naman daw kailangan. That's one thing his father taught them, how to spend money wisely.

Hininto niya ang kaniyang sasakyan sa tapat ng covered court.

He went inside at agad niyang nakita si Gabriella sa bleacher, nagtama ang kanilang mga mata ngunit mabilis nito iyong iniwas at nakipag-usap sa katabi nito.

"Oh, nandito pala si Ram eh. Tara laro!" Ipinasa sakanya kaagad ni Crane ang bola habang tumatawa tawa ito.

"Kayo nalang." Tanggi niya at muling ibinato pabalik ang bola sa mga ito, muling hinagilap ng mga mata niya si Gabriella at nakita niya itong bumaba sa bleacher, tinungo nito ang kabilang daan palabas ng covered court.

Wala na siyang inaksayang sandali at mabilis itong sinundan. She's wearing a cotton shorts and a plain white shirt. Ang buhok nitong itim na itim, ay nakatali ng maayos.

"Gabriella..." Tawag niya dito.

"Bree. Kailan ka ba matututong i-shortcut ang pangalan ko." Sagot nito na hindi parin siya nililingon.

"I don't think that's something I will learn." He answered. "Iniiwasan mo ba ko, taba?"

"Bakit naman kita iiwasan?" Tumawa ito.

Kilala niya si Gabriella, alam niyang peke iyon. "Hindi ko rin alam, pero pwede ka bang huminto sa paglalakad mo? Tapos harap ka sakin."

"Bakit ba kasi yun?" Inis nitong sabi bago siya nilingon.

Napangiti siya nang makita na salubong ang kilay nito at nanunulis ang nguso, ewan ba niya pero nasisiyahan siya tuwing nayayamot ito.

"Boyfriend mo ba si Crane?" Masungit niyang tanong. "Isusumbong talaga kita kay Tito Lance, makikita m-"

"Hindi! Wala akong boypren boypren na ganyan tangina mo ha!" Inirapan siya nito. "Kung yan lang naman sasabihin mo, uwi na ko samin."

Tatalikod sana ito nang pigilan niya ang braso nito. "Iniiwasan mo ko."

Hindi niya alam kung ano ang dahilan nito pero alam niya yun, nararamdaman niya yun. After that night when she got drunk, naramdaman niyang unti-unting nilayuan siya ni Gabriella.

Even if Ram annoys Bree and even if Bree hates Ram most of the time, they always stick together like bee and honey.

Kaya ramdam niya ang pagbabago ng pakikitungo nito sakanya, which he can't understand why.

"May nagawa ba kong mali sayo, Gabriella?"

Nakita niyang huminga ito ng malalim at sinalubong ang kaniyang mga mata.

"Ano? Sabihin mo."

"Sinasanay ko lang yung sarili ko na wala ka. Kasi alam ko Ram, mahihirapan ako eh. I grew up with you by my side, I took every step of my childhood with you. And soon, I need to take everything alone, baka kasi hindi ko kayanin." Umilap ang mga mata nito bago ito tumalikod. "Una na ko ha?"

"Gabriella!" Muli niya itong sinundan as realization hits him. "You knew?"

"Oo, Ram." Humarap ito sakanya, and he can't explain the sudden squeeze in his heart when he saw her in tears. "Wala ka bang balak sabihin sakin yun?"

"Is that why you're drunk-"

"Ang daya daya mo eh, ang dami dami mong secret. From now on, mag-sesecret na din ako sayo." Humihikbing sabi nito bago siya muling tinalikuran at naglakad papalayo. "Goodbye, Ramesses."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro