Chapter Two
"Oh? Kingina andito ka na naman? Di ka napapagod noh?" Natatawang sabi sakanya ni Pocholo nang makita siya nitong pumasok sa loob ng photo studio.
She rolled her eyes and cringed on what he said. Napaka-walang-modo at walang class talaga ng lalaking ito. She couldn't believe her parents are marrying her off to a man of his like.
"Pink Panther, kahit ilang balik pa gawin mo hindi mangyayaring pakakasalan kita." Sabi pa nito habang patuloy sa pagkalikot sa dslr na hawak nito.
Ang matandang kasama nito sa studio ay nag-paalam na may bibilhin lamang sa labas nang marinig ang usapan nilang dalawa.
"Pocholo, stop making it sound like habol na habol ako sayo and that I'm begging you to marry me like so eew!" She sneered.
"Hanep, tangina spokening dollar." He tsked and chuckled. "Kundi ka naman talaga habol na habol eh bakit sa araw-araw na ginawa ng diyos e pumaparito ka?"
"Okay fine!" Inis niyang sabi. "Alam mo naman na kung bakit kailangan kong magpakasal sayo, our business is going down. No I can't be poor! I can't live without everything that I have now! And you, Pocholo Delaguilla is my last resort to keep everything tight in my grip."
Sumipol ito bago isinabit sa leeg nito ang camera at mabagal na pumalakpak kasabay ng pag-ngisi. "Best in English ka na. But nice try, I still wont marry you."
"Ugh!" Naiiritang ipinadyak niya ang kaniyang paa sa tiled floor.
Naiiritang naiirita na talaga siya sa lalaki, aba't hindi biro ang pagpapabalik-balik niya sa studio nito araw-araw sa loob ng isang buwan! Oo, isang buwan na siyang nag-mumukhang tanga na binabalik balikan ito sa pagbabaka-sakaling mapapayag niya ito.
"Umalis ka na, Pinky. Balik ka nalang ulit bukas, busy talaga crush mo ngayon pasensya ka na. Marami akong gagawin, may pupuntahan pa kong event tapos may klase pa ko mamayang hapon." He shook his head. "I'm a busy man."
"Feeler!"
"Wow, sino kaya satin ang feeler? Ikaw tong pink kung pink feeling Piglet ka masyado." Tumalikod ito at narinig na naman niya ang mapambwisit nitong halakhak.
She couldn't help but get annoyed. Naiiritang nilisan niya ang shop nito. Hanggang sa makarating siya sa headquarters ng ZWCS ay nagngingitngit siyang talaga.
Why no man had ever treated her that way! Most men swoon over her and it was such a great insult for her to be treated the way Pocholo Delaguilla is treating her!
"What's with the face?"
Napalingon siya nang marinig niya ang tinig ni Rosas, napairap siya nang makitang kasama na naman nito ang boyfriend nitong si Alexus. They're known to be "couple goals" at the university, and that annoys her.
"She's having a bad day, baby..." Alexus chuckled and hugged Rosas' waist from behind.
"You guys should get a room!" She snickered.
"You should get a man." Lalo pang tumawa si Alexus.
"Lex, stop it." Suway ng nobya nito bago siya balingan, Rosas smiled. "Whatever it is that you're going through, alam kong malalagpasan mo yan Shanna. If you need a friend, I'm always free."
Hindi na siya umimik, in their sorority masasabi niyang si Generose o Rosas ang pinakamabait sa lahat. Roses knows and always understand. But never in this lifetime na ipagsasabi niya ang pinagdadaanan niya. No way! Hindi niya hahayaang malaman ng mga kaibigan niya that they're going down!
Buong araw niyang dinala sakanyang dibdib ang yamot niya kay Pocholo. She hated him! Hated to be with him! Pero kapag maiisip niyang ito ang siyang tanging makatutulong sakanyang pamilya ay nanlulumo siya. She doesn't have a choice, life is so unfair!
Lalo pa siyang nainis nang makita niya ito sa school ground, he's holding his camera and was too busy photographing three girls na halata namang kilig na kilig dito.
"That guy!" Napairap siya nang makita kung paano ito makipag-usap at makipag-ngitian sa mga babaeng kasama nito. "Marunong din naman palang rumespeto ng babae ang lalaking iyon-"
"Are you referring to Pocholo Delaguilla?"
"Yes- No!" She snapped and looked at Gift who's beside her. "No, not him."
"Alright." Gift cocked her brow and continued walking. "I thought you're one of the girls who drooled over him."
"Yuck." She rolled her eyes. "Like I don't even know him."
"Hindi naman kasi siya regular student, he's just taking up a few units about photography." Gift shrugged. "I just know because one of my classmate, Vixen was her ex girlfriend."
"I'm not interested." Balewala niyang tugon.
Sa headquarters sila nag-tungo ni Gift, doon niya nakita si Jinny na panay pangungulit kay Cassidy na abala naman sa ginagawa nitong kung ano.
"Oy, nandyan pala kayo mga bebe ko! Tara kain tayo sa labas, may bagong bukas na Angel's Burger sa kanto." Sabi ni Jinny nang makita silang dalawa ni Gift.
"Angel's what?" Gift's forehead knotted as she placed her tote bag above the swivel chair.
"Angel's burger!" Kumamot ito sakanyang ulo. "Ang burger ng bayan!"
"You're so cheap talaga." She rolled her eyes and sat beside Cassidy, na siyang napag-gigitnaan nila ni Jinny.
"Anong cheap don? Hoy maangas nga yon! Sa unang kagat tinapay lahat!" Mayabang pang sabi sakanya ni Jinny. "You should try it first, jinudge mo agad di ka pa nga nakakakagat!"
"Whatever." She sneered again. "Anyway, Jinny before I miss to tell you. I've seen your post yesterday and it's so annoying to see you making mura on your facebook account. Like hello, everyone in Vanderbilt might see it!"
"Not everyone in Vanderbilt is my friend on facebook." Namimilosopong patutsada ni Jinny.
"Come on, don't go smart on me! Get your behavior straight! What you do in public reflects the sorority as a whole!"
Sasagot pa sana si Jinny nang itulak ni Cassidy ang mukha nito palayo. "You two! Konting respeto naman oh! Ang dami kong ginagawang term papers tapos pag-gigitnaan niyo pa talaga akong dalawa?! Can't you see how busy I am?! You both should find something else to do and fucking leave this headquarters in peace!"
Padabog siyang tumayo sukbit ang bag niya sakanyang braso samantalang si Jinny ay nakangising sumandal lamang sa sofa at cool na cool pa nitong itinaas ang paa sa coffee table. Tinapik naman iyon ni Cassidy kaya mabilis nito iyong ibinaba.
"I'll go now." Iyon lamang at tinalikuran niya na ang mga ito at nilisan ang headquarters narinig niya pa ang pahabol na bye bye ni Jinny na alam niyang kasama sa pang-aasar nito.
Ayaw pa niyang umuwi, dahil kapag nasa bahay siya ay mas na lalo niyang nararamdaman ang problema nilang unti-unti ng gumugupo sakanila. Kaya naman naisipan niyang umakyat na lamang sa pool area ng university.
Tahimik lamang siyang nakatayo doon at nakatingin sa payapang tubig ng pool. Wala ng tao sa pool area, nag-sisimula na rin dumilim dahil gumagabi na.
Inayos niya ang kanyang buhok na inililipad ng malakas na ihip ng hangin, mapait siyang napangiti nang sumaglit sa isip niya ang maaring kahinatnan ng buhay niya kapag nawala sakanila ang Hotel.
She don't think kakayanin pa niyang mag-patuloy na mag-aral sa Vanderbilt University, ang tuition fee pa lamang dito kada semester ay kaya ng bumuhay ng isang buong pamilya. Hindi rin naman siya ganoon katalino at hindi niya kayang iasa ang pag-aaral niya sa scholarship, hindi ganoon kataas ang kumpyansa niya sa sarili niya pag-dating sa akademya. She's just an average student.
Kaya naman hindi niya talaga kakayaning isipin na mag-hihirap sila. She'll lose everything she have. Even her friends. Sino ang gugustuhin makipag-kaibigan sa isang sore loser if that happens?
Natigilan siya nang tumama sakanyang mukha ang isang kislap ng liwanag, napalingon siya sa pinanggagalingan noon. Her forehead ceased when she saw Pocholo Delaguilla far across, holding his digital single-lens reflex camera.
Agad siyang napatuwid nang tayo nang makita itong humakbang patungo sa kinaroroonan niya.
"What are you still doing here?" His baritone voice filled the area.
Nailang siya sa paraan ng pag-tingin nito sakanya kaya naman inilipat niya ang kaniyang tingin pabalik sa pool. "The last time I checked, you don't own this place so you don't have to know why I'm here."
"Tabil din talaga ng dila mo noh?" A bark of throaty laughter followed his words. "Umuwi ka na, mag-sasarado na si Mang Gener mamayamaya."
"Bakit hindi ikaw ang umuwi na?" Inirapan niya ito. "Wag mo nga ko pati pakialaman. I went here because I want to be alone so please, if you don't mind I'm shoving you away!"
"Too bad for you, because I do mind." Mapangasar pa itong ngumiti bago muling tutukan ang camera na hawak nito. He started shooting the water. "Hindi ka ba nangangalay?"
Kumunot ang noo niya nang mag-salita na naman ito sa pagitan ng katahimikan.
He looked at her and pointed her pink stilettos. "Kinginang sapatos yan, tiis ganda rin eno?"
She can't help but grimaced with his choice of words, but she's too tired to argue with him. "In the name of fashion."
"Putanginang fashion yan, paabangan ko yan sa kanto eh." Naiiling na ngumisi na naman ito at muling binalikan ang pag-kuha ng iba't ibang larawan sa paligid.
"Well that's something that you guys will never understand." She rolled her eyes.
"Siguro nga. Ganoon naman ang mga tao, maraming hindi naiintindihan sa isa't isa. Tamo yung kinginang tatay ko, hindi niya rin siguro talaga maiintindihan na ayokong bumalik samin. Ayokong magpakasal sayo. At ayokong sundin ang anumang gusto niyang gawin." Sabi nito habang nakatalikod sakanya at patuloy sa pag-kuha ng larawan. "Alam mo bang ginigipit ako ng erpats ko?"
"Ha?"
Lumingon ito sakanya at bahagyang ibinaba ang camera, sa maliit na screen nun nakatutok ang mga mata nito na tila inaaral ang mga kuha roon. "Hindi nirerenew ang business permit ng photo studio ko, hindi ko na kailangan pang manghula alam kong tuso ang ama ko. Alam ko rin na siya ang may kagagawan nun. Pang-telenovela na naman trip nun eh."
"Bakit ba hindi kayo magkasundo? If you don't mind me asking." She pried.
"Ayoko lang." Tipid nitong sagot.
She shrugged and decided not to push it, kung ayaw nito iyong pag-usapan ay wala na siyang pakialam pa roon. "Eh anong balak mo? Paano yung studio mo?"
"Di ko maintindihan bakit hindi nalang niya ko pabayaan gawin yung mga gusto kong gawin."
"Maybe because he's your dad-"
"Who'd never been a dad to me." Pagak itong tumawa. "You know what I like about photography?"
Natigilan siya sa biglang pag-lilihis nito ng usapan.
"Because photography is an art of observation. It has little to do with the things you see and everything to do with the way you see them." Inilahad nito ang camera sa harapan niya at nakita niya roon ang larawan niyang kuha nito kanina. "Look at that photo, at first you'll see it as a photograph of a beautiful lady. But if you closely to it..."
Zinoom nito iyon, pagsesentro sakanyang mukha.
"What you see now is a lonely little girl." He smiled. "Anong problema mo?"
"Ayaw mo kasi akong pakasalan, iyon ang problema ko." Prangka niyang sagot na ikinatawa nito.
"Alam ko naman na sobrang hot ko, tapos ang gwapo ko pa. Pero Shanna naman, try to be considerate. Hindi naman tayo pwedeng basta lang na mag-pakasal. Naisip mo ba na maaaring may girlfriend ako, kaya ayokong magpakasal sayo?"
Natigilan siya, fine she maybe selfish dahil ni hindi man lamang iyon dumagli sakanyang isipan.
"Bakit? May girlfriend ka ba?" Kapagkuwa'y tanong niya.
"Meron, si Alyssa. She's in Dubai right now, next year ang balik niya. Nurse siya dun." Sagot nito. "Ikaw? Wala ka bang boyfriend?"
"Wala."
"Kawawa ka naman." Pangaasar na naman nito. Kumibit din ang balikat nito. "So you see, I can't marry you."
Matagal siyang natahimik bago gumanang muli ang kaniyang isipan at kudlitin siya ng munting ideya. "I've got an idea!"
Cholo looked at her with a frown.
"Ganito, I need you Pocholo. I need you to marry me, I badly do!" She sighed and bit her lower lip gathering all the might to continue. "And alam ko na hindi maglalaon ay kakailanganin mo rin na pakasalan ako, because we both know that your dad wont stop until you bark for him."
Hindi ito nag-salita at inabangan ang susunod na mga salitang lalabas sakanyang bibig.
"Marry me! Let's get married and get everything done." She shrugged. "Then we can file annulment a year later, palabasin natin na we both tried and we failed. That we really can't be together. By that time, palagay ko naman ay nakabawi na ang hotel namin. Your business will go run in peace, then you and your girlfriend will be together forever."
Hindi parin ito umiimik at nanatili lamang na nakamasid sakanya.
"You see? Cholo we both need this. Ang gusto lang naman ng daddy mo ay pakasalan mo ko, it's not as if we need to be tied forever." She looked at him with her eyes full of hope. "Can I count on you?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro