Chapter Three
"Cholo, please?" She sighed, resting her chin on her arm above the dining table. "Bakit ba ayaw mo? Are you afraid that you might fall in love with me?"
Sukat doon ay napaupo si Cholo at kinailangan pa nitong uminom ng tubig. Napairap naman siya.
"Ang oa mo palagi alam mo yun?!" Inirapan niya ito. "Pumayag ka na kasi!"
"Hindi nga pwede. Ikaw saan teleserye mo ba yan napanuod at saang pocketbook mo yan nabasa?" Maaskad nitong sabi. "Nasa tunay na buhay tayo, Piglet. Ilagay mo ang sarili mo sa katayuan ng girlfriend ko, ano sa tingin mo ang mararamdaman mo kung ikaw si Alyssa at nagpakasal ako sa iba?"
"Edi wag sabihin! Problema ba yun!" She sighed.
"Easy for you to say. Wala ka naman kasing boyfriend." Mapang-inis itong ngumisi, sa inis nya ay kinuha niya ang kutsara sa harapan nito at itinuktok iyon sa nananahimik nitong kamay.
"Come on, Pocholo! We can make the wedding a secret naman para hindi din mahirap mag-explain sa mga nakapaligid satin kung bakit tayo agad na nagpakasal." Lumabi siya. "Then we both can get a peaceful annulment. Pwede tayong tulungan ng uncle ni Cassidy, he's a lawyer."
"Edi shing." Tumayo ito bitbit ang pinagkainan matapos ay tinungo ang lababo at hinugasan iyon. "Hindi nga kasi pwede yang sinasabi mo, kapag ginawa natin yan mas pinapakomplika lang natin ang sitwasyon para sa isa't isa-"
"Ano bang nakakakomplika sa pagpapakasal?!" She snapped irritatedly.
Doon siya nito nilingon at seryosong tinignan. "Paano kung may mangyari satin?"
Natigilan siya. "Mangyaring what?"
"Paano kung di mo napigilan sarili mo sunggaban ang hotness ko? Paano kung di ako makapalag? Kawawa naman si Alyssa, gagawin mo pa kong makasalanan." Pumalatak ito. "Wag ganun."
"Yuck! Are you even hearing yourself?! Pocholo Delaguilla kung iyan ang iniisip mo'y I can assure you na safe na safe ka! Not in this life time na pagnanasaan kita, like eew!" She grimaced.
Tumawa na naman ito, napairap siya. Hindi niya talaga minsan alam kung kailan ito seryoso at nag-bibiro.
"Nauubusan na ko ng oras, Cholo."
"Bili ka relo."
Hindi niya pinansin ang pang-gagago nito. "Kung meron lang akong ibang maiisip na paraan, hinding hindi ko naman ibababa ang sarili ko sa paghahabol sa lalaki at pagpipilit na magpakasal. Call me desperate, that's fine iyon naman ang totoo."
"Alam mo Shanna, umuwi ka na." He said. "Itulog mo yang kung anumang paandar na tumatakbo sa isip mo."
She was about to haul back an answer, nang dumating ang humahangos na si Tatang.
"Cholo, may pulis sa ibaba."
"Ha? Bakit daw? Aarestuhin na ba nila ako sa salang illegal possession of hotness?" Pinunasan nito ang kamay gamit ang malinis na tuwalyang nakasabit sa ref matapos ay nilapitan ang matanda. "Biro lang, halika tang pakiharapan natin yung kingina na yun."
Sumunod naman siya sa mga ito nang bumaba ito. Naabutan niya si Pocholo na nakikipag-usap sa isang unipormadong pulis.
"Di naman ata ako makapapayag ng ganyan chief, lalo pa't alam kong nalagyan ng ama ko ang mga bulsa ninyo." Naiiling na sabi ni Cholo.
"Mr. Delaguilla, ginagawa lang ho namin ang trabaho namin. Kung hindi niyo ko mairerenew ang business permit niyo ay mawawalan ng karapatan ang studio mo na mag-operate." Mahinahong paliwanag ng pulis.
"Ginagalit niya talaga ako." Kumuyom ang kamao ni Pocholo at nag-tagis ang mga bagang.
"Cholo, huminahon ka. Walang maidudulot na buti ang galit." Pagpapakalma ni Tatang dito.
"Cholo!" Mabilis niya itong sinundan nang mag-lakad ito papalabas ng studio.
She slipped in to the passenger seat of his car, immediately buckled her seat belt because he started driving recklessly.
"Cholo slow down!" She hissed.
Pero hindi ito nag-salita at nanatiling nasa daan lamang ang mga mata. Kitang-kita base sa pag-galaw ng bagang nito ang labis na galit. He's not even smiling, even his eyes looks dark and murderous.
Kahit anong sigaw niya na mag-dahan-dahan ito ay tila wala naman itong pinakikinggan kaya itinikom na lamang niya ang kaniyang bibig.
Narating nila ang Dellaguila Hotel mabilis itong bumaba kaya sinundan niya rin ito kaagad.
Nakita niya ang pagkabigla sa mga empleyado ng hotel, yumuyukod at bumabati ang mga ito kay Cholo na tila wala naman pakialam.
Hanggang sa elevator ay hindi ito nag-sasalita na para bang wala siya at hindi siya nakasunod dito.
Sa pinaka-mataas na floor bago ang penthouse huminto ang elevator, muli ay malalaking hakbang ang pinakawalan ni Cholo kaya hingal na naman niya itong sinundan.
He entered a door, nakasunod parin siya.
"Lizzy, sinabi ko sayong marami akong ginagawa hindi ako tatanggap ng-"
"Masaya ka na?" Putol ni Cholo sa sinasabi nito.
Nabakas ang pagkabigla sa mata ng matandang ginoo nang mag-angat ito ng tingin mula sa mga dokumentong pinipirmahan.
"I'm here now. Nabali ko na ang sarili kong salita na hinding hindi na ako tutungtong sa lugar na ito." He said angrily. "Bakit ba hindi niyo nalang ako pabayaan?"
"Because you are my son." The old man calmly said.
"Ayoko nga! Ayokong maging anak mo. Ayokong maging anino mo. Ayokong maugnay sayo, kasi lahat ng tao na may kaugnayan sayo minamanipula, pinapaikot at pinapasunod mo! Ayokong magpa-alila sayo."
"Then why are you here?" He asked.
"Tigilan mo na ko. Leave my business alone. Huwag mo kong gipitin dahil wala na akong pakialam sayo o sa kung anuman na may kaugnayan sayo!" Galit parin nitong sabi. "You may rot in hell for all I care. Kaya sana huwag mo na din akong pakialaman."
Sumandal sa swivel chair nito ang lalaki at ngumisi. "You know me son, I'm not stopping until I get what I want-"
"And all you ever wanted is to ruin my life." He muttered. Tinalikuran niya ito at akmang aalis na nang muling mag-salita ang matanda.
"Marry Miss Arguelles, Cholo and we're done."
"Can't you just all let us be?!" Muli itong hinarap ni Cholo. "Paano niyong nagagawa na tila ibugaw ang isang babae para lang sa kapangyarihan at kayamanan? Yan lang ba ang mahalaga sainyo? Manggugulo kayo ng mga nananahimik na tao because of money and power? Don't you know the value of marriage?"
Napahinto ito, maging si Cholo ay ganoon din bago ito sarkastikong ngumisi.
"Oo nga pala, you don't. Because if you do, you didn't let her die."
"You're still blaming me for the accident-"
"And I'll forever blame you." Tinalikuran nito ang ama at tuloy-tuloy na na lumabas ng silid.
HINDI NIYA maintindihan ang ginagawa niya pero mag-hapon siyang nakasunod kay Cholo. Ngayon nga'y nakatunganga siyang nakasalampak sa couch ng bahay nito habang ito naman ay nakakulong sa loob ng silid.
Mag-mula ng makabalik sila kanina galing sa Delaguilla Hotel ay nagkulong na ito roon.
Napaungol siya nang tumunog ang kaniyang sikmura. Hindi na katakatakang gutom siya dahil alas-otso pa ng umaga ang huli niyang kain at alas-sais na ng gabi ngayon.
"Bakit nandito ka pa?"
Napalingon siya nang marinig ang baritonong tinig ni Cholo na kalalabas lamang mula sa pinto ng silid nito. His hair was disheveled from sleep, nakasuot ito ng puting sando at itim na sweat pants.
"Umuwi ka na sana." Nag-tuloy-tuloy ito sa kusina kaya naman sinundan niya itong muli.
"I was worried about you." She said in a small voice as she watched him drink a glass of water.
"Wow that's new." He chuckled. "Iisa lang naman kayo ng gusto ng matandang iyon diba? Eh bakit hindi nalang kayong dalawa ang mag-pakasal?"
"Ganyan ka ba sa mga taong nag-aalala sayo?!" Bahagyang tumaas ang tinig niya.
"Hindi mo kailangan mag-alala. Okay ako. For as long as I'm not being manipulated by that man, I'm okay."
"You doesn't-" Natigilan siya nang muling tumunog ang kaniyang tyan at alam niyang nakaabot iyon sa pandinig nito.
"You're hungry." His gaze dropped down at her stomach making sounds. He shook his head.
Mula sa fridge ay nag-labas ito ng isang tupperwear, nilagay nito iyon sa microwave. Hinanda rin nito ang lamesa at nag-labas ng dalawang plato at pares ng kubyertos.
"Bakit ka nagpapagutom? Alam mo bang nakakamatay yan?" Tahimik nitong sabi nang anyayahan siya nito sa lamesa upang kumain ng adobo na pinainit nito. "Kain na."
Dahil sa labis na gutom ay hindi na niya nakuha pang mag-salita at talagang inabala na lamang ang sarili sa pagkain.
Matapos nilang mag-hapunan ay pinanuod niya si Cholo na ligpitin ang kanilang pinagkainan. Nahihiya man ay hindi niya magawang mag-offer ng tulong dahil ano naman ang alam niya sa mga gawaing bahay?
Matapos mag-hugas ay nag-labas si Cholo ng bote ng beer. Nilingon siya nito.
"Gusto mo?"
Tumango siya kaya inabutan din siya nito.
Dinala siya nito pabalik sa sala bitbit pa ang ilang bote ng beer at pakete ng sigarilyo.
"Naninigarilyo ka?" She asked.
"Hindi kinakain ko to." Sarkastikong sabi nito bago mag-sindi ng isang stick.
Inirapan naman niya ito atsaka tumungga ng beer.
"Talaga bang kaya mong mag-pakasal dahil lang sa pera?" He shook his head lightly and puffed a smoke again.
"They all say that money can't buy us happiness." She shrugged and drink again. "Well they're wrong, money is happiness for me."
"Siraulo." Natawa si Cholo. "Nilamon ka na ng sistema, pero sabagay pananaw mo yan."
"Bakit galit na galit ka sa daddy mo?" She asked.
"Mukha kasi siyang pera." Maaskad nitong sabi. "Kapangyarihan ganun, napakatangina teleserye ang peg."
"Sabi ko naman kasi sayo, pakasalan mo ko. Tapos after a year mag-hiwalay tayo pag-dating ng girlfriend mo." Ngumisi siya.
"Madali lang sayo sakin hindi." Napailing ito. "I'm not a cheater."
"Hindi naman pangchecheat yun. We don't feel anything towards each other." She shrugged again.
Hindi na nila namalayan pa ang oras at ang tinatakbo ng usapan. Medyo nakarami na siya ng inom, hindi naman siya madalas na umiinom kaya mabilis siyang nahilo.
But when Cholo asked if she's okay, she said she can still manage.
Tumayo siya mula sa sofa upang sana'y gumamit ng banyo nang bumuwal siya.
Bago pa siya bumagsak ay maagap na siyang nasalo ni Cholo. Napakapit siya sa bisig nito nang pangkuin siya nito.
Narinig niya pa ang pag-tawa nito bago ito mag-salita.
"Yeah right, you can really manage."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro