Chapter Ten
"What? Come again?" Si Generose ang unang nakabawi, ang ibang mga kaibigan niya ay nanatiling nakatitig sakanila ni Cholo. "Medyo hindi ko nauunawaan, Shanna. Kayo ni Cholo mag-asawa? A-and that you're pregnant? How? W-when?"
"I married him more than a month ago and I'm almost five weeks pregnant. That's it." Pasimpleng sagot niya.
"Pero teka! Diba manliligaw mo lang tong si Cholo?" Si Jinny iyon.
"Sinabi ko lang yun para wala ng mahabang usapan, I didn't know a baby would show up and will come in the picture-"
"Smiling..." singit ni Cholo sa sinasabi niya.
Napangiti naman siya, hindi talaga pwedeng nagmumukhang kaawaawa o unwanted ang kanilang anak. "Yup, smiling. And so we're here, spilling the beans."
"So if you weren't pregnant you're not gonna tell us that you're married." Gift said in a monotonous voice.
Natigilan siya at napalunok, sa sorority nila ay si Gift ang pinakamalapit sakanya. Simply because they share the same attitude.
"I'm sorry." She said.
"That's fine, we can all always keep a secret from each other." Gift shrugged. "But we're your friends, whenever you need help we're willing to give a hand."
"So what's your plan?" Violet asked, darting a gaze on Pocholo who isn't letting go of her hand.
"Like every father should do, keep the baby and the mother happy and healthy. Give them all that they will be needing." He said. "Hindi magiging madali pero ang mahalaga naman mag-kasama kami ni Shanna sa bagay na ito."
Her heart fluttered on what he said, kusang gumuhit ang isang matamis na ngiti sakanyang labi. Binalingan niya si Cholo, nilingon din siya nito at binigyan ng isang pa-swabeng ngiti.
"Nakamputa, wala na uwian na may tumalo na sa Kathniel at Jadine." Si Kata iyon, ngumisi ito nang bumaling sakanya ang lahat. "Pasensya na, di ko napigilan masyadong matamis eh. Mauuna na po ako, may klase ako. Good luck and congrats sainyong dalawa! More babies to come!"
"Cataliyah, your mission." Pahabol na sabi ni Gift bago ito tuluyang lumabas ng headquarters.
Hindi na naman sila nahirapan ni Cholo na sabihin sa mga kaibigan niya ang totoo. They were all shocked but at the end of the day they still played the role of a friend who'll understand and support you when you need them the most.
Nang makauwi sila ni Cholo sakanilang bahay at tulog na si Tatang at sarado na ang studio. Natawa siya nang agad na maging alerto ito at umalalay sakanyang likuran. She's laughing but he's not, definitely not.
"Mag-dahan-dahan ka naman." He tsked, holding the small of her back guiding her up.
"Wag kang oa Cholo! Hindi ko naman sinasadya!" Sabi niya nang makapasok sila ng tuluyan sa kabahayan. "Wala naman nangyari-"
"Oh pano kung meron?" He said. "Paano kung nahulog ka tapos hindi kita nasalo?"
Natigilan siya sinabi nito. "Hindi mo ba ko sasaluhin?"
"Syempre, sasaluhin. Hindi kita hahayaang masaktan." Salubong na salubong ang kilay nito. "Pero hindi mo dapat idedepende sa ibang tao ang kapakanan mo, you should also take care of yourself. Lalo na ngayon, dalawa na kayo ni Monster Nuggets."
"Ang dami mo palaging sinasabi." Pigil siyang ngumiti rito, she extended her arms on him. "Payakap po si baby."
"Shanna ha! Pumaparaan ka na talaga, masama yang ginagamit mo pa yung bata para lang makachansing." Naiiling na hinila siya nitong payakap.
Hinigpitan niya ang kapit dito at sumiksik sa dibdib nito. "Ang tangkad mo naman!"
Natawa naman ito at humiwalay sakanya. "Halika, upo tayo."
He held her hand and pulled her into the couch. Naupo ito roon at tinapik ang kandungan nito.
"Lika na, ngayon ka pa mahihiya may Monster Nuggets na tayo? Pati gusto ko pang yakapin yung baby ko." Malambing nitong sabi.
She giggled and sat on his lap, inalalayan siya nito upang pumaharap dito. Setting her legs apart in an astride position.
Kaagad na lumingkis ang mga braso nito sakanyang bewang, nag-katinginan silang dalawa and she can clearly see his eyes dancing in joy. Lalong dumikit ang katawan niya dito nang mas hapitin siya nito papalapit.
Gahibla na lamang ang layo ng kanilang mga labi, she can even feel his breathing fanning over her lips.
"Kiss mo na ko, promise hindi ako papalag." Nang-aasar nitong sabi.
She grinned at him and slowly shook her head. "No way I'm gonna kiss you..."
"Talaga ba? Ayaw mo?" He started brushing his nose against hers. "Nasan na yakap ko? Hindi mo naman ako niyayakap eh, ako lang nakayakap."
"Ang arte naman nito!" Natatawang pinaikot niya ang kaniyang mga braso sa leeg nito, her hands went up to his hair and gently pulled it.
He groaned. "Sarap yan, sige tuloy mo pa."
She inched closer and kissed his cheek. "Sige, pero may kapalit!"
"Chicken nuggets ba?" He guessed, laughing.
"Oo, madami please?" Marahan niyang pinagpatuloy ang pag-sabunot kay Cholo.
Bahagya siyang napaigtad ng maramdaman niya ang palad nitong bumaba sakanyang hita na natatakpan ng maong na pantalon. "Bihis ka muna, baka masikip."
Napalabi naman siya. "Medyo sikip na ng mga jeans ko agad. Lumaki na ata yung tyan ko."
"Takaw mo kasi." He chuckled as he unsnapped her jeans, pulling her zipper down. "Freeee..."
Hinimas nito ang maliit pa naman niyang tyan na siyang nagpahagikgik sakanya. "Sarap sa feeling."
"Wag ka na mag-jeans pati masisikip na damit, kawawa naman yang Master ko sa loob." He said while gently caressing her belly. "Musta ka dyan, pre? Gutom ka na ba?"
"Gutom na ko, luto ka na ng nuggets." Nakanguso niyang sabi.
"Sige, bihis ka na. Maluwag na damit isuot mo para presko ha?" Maingat siya nitong inialis sa kandungan nito. Bago tumayo. "Yung hilot mo, tutuloy mo yun mamaya ha pampatulog ko yun."
"Opo. Chicken nuggets ko na!" Natatawang sigaw niya bago siya pumasok sa loob ng banyo bitbit ang bag niya.
Mabilis siyang naligo at nag-bihis ng t-shirt ni Cholo at puting panty lamang. That's what made her feel comfortable. Bago siya lumabas ng silid ay tumunog ang kaniyang telepono kaya, it's her mom. Agad siyang napangiti, they're okay now. Nagkausap na sila nang araw na puntahan nila ito ni Cholo upang sabihin na nagdadalang tao na siya.
"How're you sweetheart?" Malambing nitong bungad.
"I'm fine mom, kakauwi lang naming ni Cholo from school. We're about to have dinner. Kayo? How's dad?"
"He's on his way home. Minsan pumasyal kayo dito ni Cholo at dito matulog, miss na miss na kita anak." May bahid ng kalungkutan nitong sabi.
"Sige po, sasabihin ko kay Cholo."
"Anyway, how's your pregnancy going? Pinahihirapan ka ba ng apo ko?" Tanong nito. "Sabi ko naman sayo anak, pwede ninyong kunin si Norma kahit hindi mag-stay-in para lang may makatuwang kayo ni Cholo sa gawaing bahay-"
"Mom, hindi na po. Napagusapan na namin ni Cholo ang bagay na iyan. Wala po kaming ipapa-sweldo sa kasambahay, kailangan pa namin paghandaan si baby. Siya kasi ang priority namin sa ngayon, besides wala naman din masyadong gagawain dito sa bahay mommy." She explained.
"Kung ang inaalala niyo ay ang ipapasweldo kay Norma, kami na ng daddy mo ang bahala doon-"
"Hindi pwede ma." Natatawang sabi niya. "Don't worry, we can manage. Hands on si Cholo, sa lahat ng bagay."
She heard her mother took a deep sigh from the other line. "Alright, may tiwala naman kami ng daddy mo sa asawa mo. You know what, darling. I'm starting to like how you're changing. You're starting to learn the basics in life that I fail to teach you."
"Mom, come on. No one's blaming you." She sighed.
"Your husband is one good man, he's honorable and very true to his words. Bibihira na ang mga lalaking kagaya niya sa panahon ngayon na alam kung ano ang responsibilidad niya at ang dapat na isangalangalang sa lahat ng sandali."
Napangiti siya, why what her mom said is what exactly her thoughts about her husband. Ilang sandali pa silang nag-usap nang mag-paalam narin ito dahil dumating na raw ang kaniyang ama. Lumabas narin siya ng kanilang silid dahil nakakaramdam na siya ng excitement kumain ng chicken nuggets.
Tatawagin sana niya si Cholo nang marating niya ang komedor ngunit naulinigan niya itong may kausap sa telepono. He's even laughing whole heartedly.
Her body froze when he mentioned one name. Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi, tila may mabigat na kamay na dumaklot sakanyang puso kasabay ng panlalamig ng kaniyang sikmura.
"Oh come on, Alyssa! Alam ko naman na fan na fan kita hindi mo na kailangan pang mahiya."
Akmang aatras siya nang gumawa ng ingay ang kaniyang mga yabag na siyang nagpalingon rito. She gave her an awkward smile. Agad itong nag-paalam sa kausap at pinutol ang tawag.
"Inaantay ko pa yung kanin, maluluto na to." He said, walking towards her stand. "You look good on my shirt."
Umilap ang mga mata niya at lumapit sa hapag, agad naman itong nakaagapay sakanya. Ipinaghila pa siya nito ng upuan. She muttered a simple thank you before she sat down.
Ipinaghain siya nito ng hapunan, ipinagtimpla pa siya nito ng gatas. Ngunit nanatili siyang tahimik.
Naamin na niya sa sarili niya na mahal nga niya ang asawa, marahil ay iyon ang dahilan kung bakit nangangasim ang pakiramdam niya sa ideyang may kausap itong babae sa telepono, and it's not like normal na babae lamang ang kausap nito. It was Alyssa, his girlfriend.
Pilit niyang isinisiksik sakanyang isipan na wala siyang karapatan na makaramdam ng anumang panibugho dahil una sa lahat ay ito ang girlfriend ni Pocholo at hindi siya. Pero hindi niya talaga maunawaan ang sarili niyang nararamdaman.
Napansin ni Cholo na halos hindi niya galawin ang kaniyang pagkain kaya naman inagaw nito iyon sakanya at naupo sakanyang tabi bago siya simulang subuan.
"Ako na."
"No, let me." Seryoso nitong sabi.
They're both quiet as he feeds her. Nang matapos ay nag-paalam na siyang papasok sakanilang silid, pakiramdam niya ay sumama ang timpla niya nang marinig ang pangalan ni Alyssa.
Sino ba si Alyssa? Ano bang itsura nito? Mas maganda ba ito sakanya? Mas sexy? Mas maputi? Mas mabait? Natigilan siya, siguro kung sa pabaitan ay hindi na siya lalaban pa dahil alam naman niyang hindi siya mabait.
Pumikit siya at nag-panggap na tulog nang maramdaman na tumabi si Cholo sakanya.
"Wag mo kong tulugan. Wag kang madaya, hihilutin mo pa ko." Sabi nito bago siya nito silipin.
Nang hindi siya nag-mulat ng mga mata ay naramdaman niya ang labi nito sakanyang pisngi, giving it a gentle kiss. And that's enough to bring shiver in her spine. Napalunok siya ng makailang ulit nang hapitin nito ang kaniyang bewang payakap, burying his face on her neck. Snuggling and sniffing her scent.
"Shanna..."
"Cholo wag kang makulit!" She elbowed him, pero hindi ito natinag. "Inaantok na kami ni baby!"
Umangat ang tingin nito sakanya, her eyes squinted when his forehead ceased. "Hindi ako naniniwala. Hindi ka humihikab!"
She faked a yawn. "Ayan! Okay na!"
Umiling ito. "Hindi ka pa inaantok, pag inaantok ka niyayakap mo ko. Pati matagal ka antukin, kala mo dyan wag mo na ko lokohin."
"Eh, wag mo kong kausapin." Pag-susungit niya.
"Bakit ba ang sungit mo?" Mas niyakap siya nito. "Pinakain naman kita ng chicken nuggets..."
Hindi siya umimik.
"Madami naman yun. Anong problema mo, Piglet?" Mahinahon nitong tanong.
"Sinong mas maganda samin ni Alyssa?" Bago pa niya mapigilan ay kusa na iyong lumabas sakanyang mga bibig kaya naman muli siyang pumikit. "Matulog ka na wag mo na sagutin."
"Pabebe." Tumatawang pilit siya nitong pinihit paharap. "May utang ka pa saki na hilot dali na."
"Cholo!" She hissed when he pulled her leg up to his hips. Akmang ibaba niya iyon nang kapitan nito iyon ng mahigpit. "Hindi ka na nakakatuwa! Bitawan mo na-"
"Mas maganda ka." He smiled and winked.
She froze. Naramdaman niyang muli ang estrangherong pakiramdam na lumulukob sakanya.
"Mas sexy ka pa." Ngumiti ito. "Tumawag siya kanina, nangangamusta."
"Kinakamusta ka, syempre boyfriend ka niya." She muttered.
"Asawa mo ko and I'm no cheater." Malambing nitong sabi.
Napalunok siya ng haplusin nito ang kaniyang pisngi.
"Can I kiss you?" He asked gently.
"Kung sasabihin ko bang hindi, h-hindi mo ko hahalikan?" Matapang niyang sinalubong ang tingin nito.
"Alam mo bang gustong gusto ko? Kaya nga lagi kitang sinasabihan na ikiss mo ko eh." He leaned forward and kissed her chin. "I don't want to take advantage on you..."
He held her hand and placed it on his cheek. Still looking straight on her eyes.
"Ang ganda ganda mo, Piglet. Kahit ang takaw takaw mo..." He chuckled.
Hindi na niya napigilan pa ang pag-silay ng ngiti sakanyang labi, her heart started beating crazy. Butterflies on her stomach. Maybe she should blame it on her pregnancy. "Kiss mo na ko."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro