
Chapter Six
"Bakit mag-papahatid ka ba talaga kay Basty dito sa bahay ko?"
That shove the bubbles forming on her head. Right, that's it. Sinundo siya nito para hindi malaman ni Sebastian na nakatira siya sa bahay nito.
"Dito sa bahay natin?" Dagdag pa nito.
Natigilan siya, hindi niya maipaliwanag ang pag-tibok ng kaniyang puso sa sinabi nito. She swallowed hard. "N-natin?"
"Aba, oo Shanna. Natin kasi diba sabi ko sayo dito ka na titira? Edi bahay mo narin ito." Nilingon siya ni Pocholo. "Nag-dinner ka na ba?"
Umiling siya.
"May isda sa ref, mag-prito ka na para makakain tayo at makatulog na. May klase ka pa bukas ng umaga." Kunot na kunot ang noo nito habang iniisa-isa ang pinag-bibili niya. "Iisang klase ng damit, tatlong magkakaibang kulay. Anong pag-titipid naman to Shanna?"
"Wag mo ngang pakialaman yan!" Inagaw niya mula dito ang mga paper bag. "And I can't cook, so go ikaw na ang mag-fry!"
"Tigilan mo ko sa kaartehan mo ha." Walang salitang inagaw nito sakanya ang clutch bag niya.
"Ano ba!" She hissed.
Inilabas nito roon ang wallet niya. "Pamili ka ng pamili ng kung anu-ano dadalawang libo lang naman laman ng pitaka mo."
"I don't bring cash." Irap niya.
He shrugged, he took all her cards from her wallet.
Nanlaki kaagad ang kaniyang mga mata. "Hey! Bakit mo kinukuha ang mga yan?! Those are mine!"
"Lesson one about fairness. A single penny fairly got is worth a thousand that are not." He wagged her brown and grinned at her. "Simula ngayon, say goodbye to your precious cards. You'll start living simple for you to learn how to appreciate little things that follows you around."
"You can't do that!"
"I just did." He chuckled, showing her cards up. Ibinalik nito sakanya ang clutch niya at tinalikuran na siya. "Mag-luto ka na."
"Hindi nga ako marunong!" Sigaw niya ng tuluyan itong lumasok sa loob ng silid.
"Edi pag-aralan mo. Parang abc lang yan Shanna, di din natin alam dati pero natutunan atumabot pa ng z kaya sige na, wag kang pabebe."
She sighed out of frustration. Hinubad niya ang kaniyang sapatos at iniwan ang mga pinamili sa mahabang sofa.
Ito na ba? Ito na ba ang parusa sakanya ni Cholo sa ginawa niya? No way! She can't let him treat her this way.
Tinungo niya ang kusina, mula sa ref ay inilabas niya ang lalagyan ng marinated fish. From the cabinet, kinuha niya ang bote ng mantika.
"Paano ba kasi to!" Kamot-ulo niyang tinignan ang kalan.
"Hindi kasi yan sisindi kung titignan mo. Tanda tanda mo na Shanna naniniwala ka pa sa magic?"
Inirapan niya si Pocholo. Lumapit ito sakanya at tinuruan siya nitong mag-sindi ng kalan. Nilagay nito ang kawali roon, akmang lalagyan niya na iyon ng mantika ng awatin siya nito.
"Painitin mo muna yung kawali bago ilagay ang mantika tapos wag masyado malakas ang apoy."
Inilagay na niya ang mantika nang sabihin nitong pwede na. Maya maya pa ay kumulo na ito, isinalang narin niya ang isda. Napasigaw siya nang mag-ingay ang mantika.
"Huy! Mantika lang yan, tao ka." Hinawakan nito ang kaniyang braso upang papirmihin siya sa tapat ng kalan.
Ilang beses itong natalsikan ng mantika sa kakaiwas niya pero tila balewala naman iyon dito. He patiently taught her the basics about frying the fish.
"Ako na mag-sasalin. Ayusin mo na yung lamesa."
Dinama niya ang kaniyang palapulsuhan, mahapdi iyon at may maliit na marka ng paso. Dahil sa kakagalaw niya kanina tuwing tatalsik ang mantika ay sumagi siya sa kawali.
Inilabas niya ang dalawang pinggan at pares ng kubyertos. She prepared the table, maya-maya ay inihain narin ni Pocholo ang niluto nilang isda.
"Kain na, para makapagpahinga ka na." Sabi nito bago maupo sa silyang kaharap niya.
She cleared her throat in the middle of eating. "Cholo, si Tatang ba dito rin nakatira?"
"Oo, sa studio sa baba may maliit na silid doon si Tatang Abner. Mas gusto kasi nun na nakabantay sa studio."
"Kaanu-ano mo siya?"
"Wala." He shrugged. "Pero si Tatang na ang kinilala kong ama simula nang makita ko siyang namamalimos sa kalsada at pinaglalaruan ng mga batang kalye. Siguro limang taon narin ang nakalilipas. Isinama ko na yan sakin si Tatang, wala rin naman kasi akong kasama sa buhay at ganun din siya."
"But you have your dad and your brother-"
"At wala akong pakialam." Ipinagpatuloy nito ang pagkain.
She rolled her eyes. "Eh si A-Alyssa? Paano mo siya nakilala?"
Hindi niya alam kung bakit pero hindi siya kumportableng tanungin ito tungkol sa nobya nito. Pero naitanong na niya!
"Taga dyan siya sa kabila nag-ddorm bago siya pumuntang ibang bansa para mag-trabaho. Bread winner kasi yun sakanila, siya lang inaasahan ng pamilya niya." Hindi rin niya inaasahan na sasagot ito.
Tumango na lamang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Alyssa is a bread winner, samantalang siya ay walang ibang alam gawin kundi ang waldasin ang pera ng kaniyang mga magulang. Natigilan siya, bakit ba niya kinukumpara ang sarili dito?
Matapos kumain ay sinabi ni Cholo na ito na ang mag-huhugas ng pinagkainan nila at sa ibang araw naman na daw siya nito tuturuan mag-hugas ng pinggan.
Isa lang ang silid sa bahay ni Cholo at iyon ay ang inookupa nito. Sinabihan siya nito na mag-palit na ng damit para makapagpahinga na.
She took a quick bath at ibinihis ang pajama pair na binili nila ni Rosas kanina. Nang makalabas siya ng banyo ay siya namang pasok ni Cholo sa loob ng silid.
"A-ano saan ako matutulog?"
"Gusto mo ba sa lapag?"
"Hell no!"
"Oh, yun naman pala edi sa kama."
"Eh paano ka? Saan ka matutulog?"
"Sa kama din."
"Ano?!" Bulalas niya. "Tabi tayo?!"
"Hoy, ipapaalala ko lang sayo. Asawa mo ko at nag-sex na tayo, maliit na bagay nalang yang pag-tabi matulog wag mo kong artehan."
Nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito. "B-bastos ka!"
"Pabebe ka." Tinalikuran siya nito at nag-tuloy-tuloy na papasok ng banyo.
Wala na siyang napag-pilian pa kundi ang humiga sa isang bahagi ng malaking kama. No way she'll be sleeping anywhere. Ilang minute na siyang nakapikit nang maramdaman niya ang pag-lundo ng hinihigaan.
Alam niya na nahiga si Cholo sa tabi niya, hindi niya lang mawari at kung para saan ang kaba na sumasalakay sa dibdib niya na siyang kanina pa niya nararamdaman tuwing nandyan ang presensya nito.
"Si Basty pala yung kaibigan na kasama mo kanina." Biglang sabi nito, hindi niya alam kung bakit ba hindi siya mapakali nang maramdaman niya ang pagpaloob nito sa kumot na nakabalot din sakanya. "Akala ko ba wala kang boyfriend?"
"Hindi ko boyfriend yun."
"Humarap ka dito, ayokong nakikipag-usap sa likod mo." May bahid na iritasyon nitong sabi.
Naiinis man at bumaling siya dito. "A-Ano?"
Pinilit niyang panatilihin ang tingin sa mukha nito, why this man is wearing nothing on top.
"Si Rosas yung kasama ko kanina, sinundo siya ni Alexus kasama ni Alexus si Sebastian. Rosas is trying to set us up on a date, because she wanted me to have boyfriend na." Bago pa niya mapigilan ay kusang lumabas sakanyang bibig ang paliwanag na iyon.
Ang magkasalubong na kilay ni Cholo ay bahagyang nahawi. "Mabuti naman. Sebastian is a good guy, kawawa naman kung mauuto mo."
Agad namang umahon ang inis sakanyang dibdib. Lalo pa nang ngisihan siya nito. "You're rude!"
"You're mean."
Sa inis niya ay tinalikuran niya ito. "I hate you, Pocholo! You're always making me feel like I'm at my worst!"
"Because you always are."
"Oo na! Masama na ko! Mukha na kong pera! Call me names, but no matter what it already happened." She sighed. "Alam na ba ni Alyssa ang lahat?"
Ilang minute silang nabalot ng katahimikan bago siya mapasinghap nang maramdaman ang pag-dantay ng braso nito sakanyang bewang. Pulling her in an embrace from behind.
Ilang beses siyang napalunok nang sumiksik ito sa gilid ng kaniyang leeg.
"Matulog ka na, Shanna."
Nang magising siya kinabukasan ay wala na si Cholo sakanyang tabi. Maayos narin ang bahagi ng kama na hinigaan nito. Nakagat niya ang ibabang labi nang maalala ang nangyari kagabi, did she really slept with his arms around her?
Oh eh ano naman? Sigaw ng isang bahagi ng kaniyang isipan.
Imbes na mag-isip pa ng kung anu-ano ay mabilis siyang bumangon, naligo at nag-handa na para sa pag-pasok sa school. Nakita niya sa paanan ng kama ang ilang maleta at mga kahon, napabuntong-hininga na lamang siya nang makitang mga kagamitan niya ang naroon.
Wala na nga talaga siyang mapagpipilian kundi ang tumira sa bahay ni Cholo. Isinuot niya ang isang Alberta Ferretti black scoop neck bodycon dress na may 3/4 sleeves at hanggang kalahati ng hita ang haba. Pinaresan niya iyon ng pula na platform heels na may taas na tatlong pulgada.
She dried her hair and fixed it in a neat bun, she put some light make up on. Bitbit ang kaniyang red Givenchy bag ay lumabas siya ng silid. Doon niya naabutan si Cholo na nasa kusina at nag-hahanda ng lamesa. Nakabihis narin ito, isang simpleng t-shirt at kupasing maong lamang ang suot nito but with his height and built it makes a huge difference.
Nakita niyang pinasadahan siya nito ng tingin bago muling asikasuhin ang paglalagay ng kubyertos sa lamesa.
"Don't you think you're overdressed?" Sabi nito. "Sa school ka pupunta, kala mo may pa-red carpet ang Vanderbilt sayo palagi eh. Panay ganyan ang suot mo."
"Pocholo, ang aga aga don't start." She sneered. Naghila siya ng upuan at doon naupo.
"Chicken spread at toast lang ang meron. Kung ayaw mo niyan, mag-luto ka."
"This will do." She rolled her eyes and started eating.
Imbes sa harap niya ay sa tabi niya ito naupo. "Pero seryoso, Shanna. Masyado kang bihis. Pag-titinginan tayo sa jeep niyan eh-"
"Wait what?!" Nabitin sa ere ang tinapay na hawak niya matapos ay marahas na binalingan si Cholo. "Jeep?!"
"Oo, aba Shanna baka akala mo ang mahal mahal ng gasolina. Isa pa, paano ka kung may raket ako hindi kita masasabayan pumasok sa school kaya dapat alam mo kung paano mag-commute."
"No way! May driver ako. Tatawagan ko si daddy para papuntahin siya di-"
"Bakit may ipapasahod ka ba sa driver mo?" Putol nito sa sinasabi niya. "Shanna, kapag nag-asawa ka hindi ka na dapat aasa sa magulang mo. Nag-aaral ka pa, at ito, itong buhay lang ang kaya kong iprovide sayo so you take it. Tutal ikaw naman ang may gusto ng kasal kasal na ito, start learning how to deal with your needs before your whims and caprices. Hindi ako papayag na yung mga pag-hihirapan kong kitain eh sa pagpapa-garbo mo lang mapupunta."
"Hindi kita maintindihan, Pocholo! We both have moneys! Pero bakit kailangan natin pahirapan yung mga sarili natin like we really don't have much choice!"
"Oh, sige nga. Nasaan pera mo? Yung dalawang libo sa pitaka mo? Hanggang saan ka nun dadalhin?" He shook his head. "Yan ang mahirap eh. You grew up having everything in a snap, ito Shanna. Ito ang totoong buhay. Ito ang totoong mundo. Bawat tao kinakailangan kumayod, kumilos, para mabuhay. Be fair."
"P-pero hindi pwede Cholo! Ano nalang sasabihin ng friends ko if ever malaman nila na I was riding a jeepney eew! That sound so cheap!"
"Bakit ako? Palagi akong nakikita nila Aquish na sumasakay at bumababa ng jeep, wala naman silang sinasabi minsan nga'y sumasabay pa ang mga yun." He shook his head. "Isa pa, palagi nalang bang mahalaga ang sasabihin ng ibang tao? Nabubuhay ka ba para sakanila? Diba hindi? Nabubuhay ka para sa sarili mo."
Sa lahat ng sinabi ni Cholo ay wala na naman siyang nagawa. For the first time in her life, sumakay siya sa jeep kasama ito. Hindi ilang ulit siyang dumaing ng reklamo tungkol sa kung gaano kainit sa buong byahe.
Nang makababa sila ay nag-lakad pa sila ng halos isang kanto patungo sa main gate ng Vanderbilt University. Lahat ng makakasalubong nilang mag-aaral ng Vanderbilt ay napapatingin sakanilang dalawa, wala na siyang pakialam anuman ang isipin ng mga ito kung bakit sila magkasama.
Mukha rin namang walang pakialam si Pocholo dahil abalang abala ito sa pagkakayuko nito sa dslr camera na hawak nito.
"Pumasok ka na, may klase na rin ako. Hindi kita masasabayan umuwi, may raket ako sa birthday ng Tita ni Edward. Alam mo na kung saan yung sakayan ha? Wag kang mag-tataxi Shanna, tipirin mo yung pera mo. Wag kang hihingi ng pera sa magulang mo, malalaman ko pag ginawa mo yun. At subukan mo lang, alam mo kung ano ang pwede kong gawin." Paalala nito. "Hindi pa naman delikado kung didiretso ka ng uwi, alas-tres naman ang tapos ng klase mo kung may pupuntahan ka itext mo ko para sunduin nalang kita sakaling gabi na."
"Oo na." Walang buhay niyang sagot.
Akmang tatalikod na ito nang mangunot ang noo nito, nagtaka siya nang kunin nito ang kaniyang palapulsuhan at suriin ang marka ng pagkapaso niya sa kawali kagabi. "Does it still hurt?"
Wala sa sarili siyang napailing at nanlaki ang mga mata niya nang dalhin nito ang kaniyang palapulsuhan sa labi nito. His lips brushed on it gently.
"Don't worry, gagaling din yan." He said. "Sige na, pumasok ka na. Una na ko."
Nakatulalang pinagmasdan niya ang papalayong bulto ni Pocholo, ayan na naman ang matinding pagkalabog ng kaniyang dibdib.
"So, what's with you and Delaguilla?"
She startled when someone called her attention. Ganoon nalang ang gulat niya nang makita si Gift at Trinity na nakatayo sa tabi niya.
Gift cocked her a brow and Trinity gave her a teasing smile.
Doomed.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro