Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Five

Everything she planned, happened. Walang salitang pinakasalan nga siya ni Pocholo Delaguilla isang linggo matapos ang insidenteng iyon.

She's now Shanna Delaguilla. Mapait siyang napangiti sa harap ng salamin sa loob ng cr ng isang mamahaling restaurant kung saan sila nag-tungo matapos ang simpleng kasal.

Cholo declined an extravagant reception even an extravagant wedding. Hindi parin siya nito kinakausap. Well wala rin naman siyang pakialam. He's nothing to her anyway.

Pabalik na siya ng table kung saan naroon naiwan si Pocholo, ang kapatid nitong si Peter at ang kaniyang mga magulang nang maulinigan niya ang pinaguusapan ng mga ito.

"Sakin na siya uuwi, she married me." Tahimik na sabi ni Cholo. "She'll be wherever I am."

Nanlaki ang kaniyang mga mata. There's no way in hell she'll let that happen!

"Wala na akong tutol pa sa bagay na iyan, usaping mag-asawa na iyan." Her dad shrugged. "Ipinagkakatiwala ko sayo ang kapakanan ng anak ko, Mr. Delaguilla"

"Don't worry, samin ng anak niyo ay siya ang tuso at hindi ako."

She cleared her throat, lumingon ang lahat sakanya maliban kay Cholo. Naupo siya sa tabi nito ngunit nanatiling nasa baso ng brandy nakatutok ang tingin nito.

"Did I heard it right?! Ititira mo ko sa bahay mo?!" Hindi nagsalita si Pocholo na tila ba walang naririnig.

"Walang masama doon, Shanna. Mag-asawa na kayo."

"Dad stop pimping me!" She hissed.

Nakita niyang umangat ang isang sulok ng labi ni Cholo bago siya nito nantutuyang binalingan ng tingin. Natigilan siya ng mag-tama ang kanilang mga mata.

Ito ang bumali ng tinginan nang tumayo ito at maayos na nag-paalam sakanyang mga magulang.

"Mauuna na ho kami ng asawa ko." Sadyang binigyan diin nito ang salitang asawa. Binalingan nito ang kapatid na napailing lamang habang nakamasid sakanila, he nodded and took her hand pulling her up.

"Mag-iingat kayo. Ipapahatid ko bukas ang mga gamit ni Shanna sa bahay mo." Iyon ang sabi ng kaniyang ama.

Shanna looked back to see her mother pero iniwasan siya nito ng tingin, hanggang ngayon ay hindi parin ito nag-sasalita tungkol sa lahat ng nangyayari. At naiintindihan niya ito kung hindi ito masaya, but then again she was left with no choice but to make a worst decision.

"Pocholo, tell me you're kidding. Hindi mo ako ititira sa bahay mo." Iyon ang kaagad niyang sabi nang mapag-isa silang dalawa sa loob ng sasakyan nito. "Come on, you can't do that!"

"I can. If you can do whatever you want, ganoon rin ako Shanna." Sabi nito bago buhayin ang makina ng sasakyan.

"You're being unfair!" She watched her maneuvered the car.

"Talking about being unfair." Malutong na halakhak ang pinakawalan nito. "All came from you, huh? Bakit Shanna, alam mo ba talaga kung ano ang kahulugan ng fairness?"

Natigilan siya.

"I bet you don't. But don't worry, since as you said you want to keep this marriage for a year. Then I'll have one year to teach you everything that you need to know about fairness."

"Look, Pocholo I'm sorry. I have no choice-"

"But to ruin my life. If you come to think of it, hindi lang naman buhay ko Shanna ang sinisira mo eh pati yung sayo. Matanong nga kita, ilang beses mong pinag-isipan tong pang-teleserye mong pakulo?" Tumiim ang bagang nito bago pihitin pakaliwa ang manibela ng sasakyan. "Nevermind, mukha naman hindi mo napag-isipan to. Money, Shanna hindi ba? You became insensitive because of money."

Hindi siya nakaimik, totoo naman ang sinabi nito. Hindi niya pinag-isipang mabuti ang ginawa niya pero nangyari na and there's to turning back. At lalong hindi rin niya hahayaan na kontrolin ni Pocholo ang mga mangyayari! No way she'll let that happen.

"Hindi mo ako mapipilit manatili sa bahay mo. Over your dead body."

"Sabe mama mo?" He chuckled. "Shanna, when I signed that fuck of a paper it gave me back all the rights I have being a Delaguilla. Thus entails my control to our resources, each and every cent counts. Isang pirma ko lang mawiwithdraw ko lahat ng investment ng Delaguilla sa hotel niyo. Sayang naman, mawawalan ng silbi iyong drama mo hindi ba?"

She groaned irritably and sighed in resignation. Well maybe, the man beside her will be the worst punishment of her wrong doing.

Nang makarating sila sa bahay nito ay agad silang sinalubong ni Tatang, he knew everything kaya naman tahimik lamang nitong tinanguan si Pocholo nang mag-mano ito.

Pocholo didn't utter a single word, nag-tuloy-tuloy ito paakyat sa bahay nito. Siya naman ay naiwan na nakatayo sa gitna ng studio.

Napalingon siya sa matanda na nakatingin din sakanya. He gave her a smile, hindi niya alam kung dapat niya bang suklian ang ngiti nito ngunit minabuti niyang hindi nalang ito pansinin. Umakyat na siya sa itaas, hindi niya naabutan si Cholo sa sala. Marahil ay nasa silid na nito ito.

Hinubad niya ang tatlong pulgadang pumps na suot at pasalampak na naupo sa couch. Dapat ay masaya na siya ngayon, nangyari ang gusto niyang mangyari. Pero bakit tila wala siyang makapang pag-bubunyi sakanyang kalooban? Bakit hindi niya maramdaman na masaya siya?

She should be happy. Hindi lulubog ang negosyo nila. She'll maintain the lifestyle she lived all her life.

She shook her head, maybe she's just exhausted.

Nawala ang atensyon niya sa pag-iisip ng kung anu-ano nang marinig na tumunog ang cellphone mula sa clutch na nasa kandungan niya. She fished it out only to see Gift's name on screen.

"Hello"

"Hello, Shanna! Great! Can you do some facebook live on our webpage to invite everyone sa gagawin na fundraising event ng ZWCS next weekend?" Tila hindi naman ito nagtatanong, more like nag-uutos.

She rolled her eyes, sanay na siya kay Gift. Gift will always be Gift.

"Brooke isn't available right now, Trinity is missing in action. Can I count on you?"

"Can I say no?" She sighed, sa dami ng iniisip niya ang mag-facebook live ang pinakahuling bagay na nanaisin niyang gawin.

"You can't. Bye!" Gift dropped the call.

"You bitch!"

Napailing na lamang siya. Wala na siyang napagpilian pa kundi ang gawin ang sinasabi nito. Inayos niya ang kaniyang sarili, she's wearing a white dress with details. Iyon ang isinuot niya kanina sa kasal nilang parang business meeting lamang ang datingan.

She started the live video, ilang sandal pa ay sunod sunod na ang nag-vview at nag-ccomment. She smiled at the camera like she's not carrying anything heavy on her chest.

Kagaya ng sinabi ni Gift ay inanyayahan niya lang talaga ang mga ito na pumunta sa concert event na inorganize ng sorority nila sa darating na Sabado. Hindi na siya nag-tagal pa at tinapos narin ang live video. Why she's really not in the mood.

Napatuwid siya ng upo nang makita si Cholo na lumabas ng silid nito, he's on the phone with someone. Hindi siya nito pinansin at nag-tuloy-tuloy sa kusina, walang ilang minuto ay bumalik ito bitbit ang isang basong tubig bago muling pumasok sa loob ng silid.

Her conscience hit her again when she heard him speaking before the bedroom door shuts close. He was mentioning Alyssa's name.

Ngayon niya naisip kung ano ang maaaring mangyari sa relasyon ng mga ito? Alam kaya ng girlfriend nito ang tungkol sakanila? Sinabi kaya iyon ni Pocholo?

"Bakit ka ba biglang nagkakaroon ng pakialam?" Inihilamos niya ang kanyang kamay sakanyang mukha bago siya tumayo.

Ayaw niyang mag-mukmok. Hindi siya dapat malungkot ngayon. Dapat masaya siya dahil nangyari na ang gusto niya. Hindi na sila mag-hihirap.

Muli niyang sinuot ang kaniyang sapatos, she called Generose and invited her out. Hindi na siya nag-paalam kay Pocholo dahil wala naman din itong pakialam sakanya at mukhang busy rin ito hindi na niya gusto pang makaabala.

"Are you sure, Shanna wala kang problema?" Rosas asked in the middle of their snack.

"Wala nga, I just wanna shop around. Busy sila, Gift. Thank goodness you're free." She said, sipping on her raspberry drink.

"Oo, busy kasi Lexus ngayon next week narin yung basketball match nila kaya kailangan na talagang pag-handaan." Pagkkwento nito.

"You seemed happy every time you talk about Alexus."

"I am happy." Masaya itong ngumiti.

"How does it feel to love and be loved in return, Rosas?" Hindi niya alam kung bakit niya naitanong ang bagay na iyon ngunit tila ba kusa iyong inilabas ng kaniyang bibig.

"I honestly can't explain how good it feels to wake up each morning knowing that you're in love with someone who's equally in love with you." She said dreamily.

"Do you really think you'll end up with Alexus?"

"I don't just think about it. I can feel it. I want to be with him for the next decades of my life." She giggled. "I'm starting to sound mushy, but that's love Shanna. Ikaw ba? Kailan mo balak mag-boyfriend?"

Muntik na siyang masamid sa tanong nito. Kung alam lang nito, naunahan pa niya itong magpakasal.

"You're not getting any younger, you should stop playing around and at least settle for one. Someone who could fit in to your personality! Parang-"

"Parang kayo ni Alexus?" She rolled her eyes. "Yeah, right. And here I thought that no one can have the best of both worlds. But look at you, you're perfect then you have Alexus. Everything's just perfect, Rosas. Can we trade lives?"

Natawa naman ito. "Ano ka ba! Don't get envy with the kind of life I'm living, God is full of surprises. Ayaw mo man sabihin sakin pero alam kong may pinoproblema ka, kung ano man iyan alam kong malalampasan mo. A struggle to face doesn't mean you have a worst life."

Minabuti niyang ibahin na lamang ang usapan. Ayaw na niyang maungkat pa sa kaibigan ang bigat na dinadala niya. Hindi na nila namalayan pa ni Generose ang oras dahil matapos silang kumain ay nag-ikot-ikot sila upang mamili ng kung anu-anong damit.

Kung hindi pa nga tumunog ang telepono niya ay hindi niya pa malalaman na alas-otso narin pala ng gabi. Wow, shopping really made her lose herself.

"Nasan ka?" Iyon ang bungad sakanya ni Pocholo.

"Nasa mall, I'm with my friend." Binalingan niya si Rosas na abala rin at mukhang may kausap sa cellphone nito.

"Alas otso na, uwi ka na di na ko galit."

Napaikot naman ang mga mata niya, that's one of the cheap trending line on social media. "Whatever."

"Huwag mo kong winawhatever whatever diyan, Shanna ha." Naiinis nitong sabi. "Anong mall yan? Susunduin kita."

"Wag na, I'll take a cab-"

"Okay. Bahala ka, uso pa naman yung naglalagay ng pampahilo sa aircon ng taxi tapos pag-nahilo na patay kang bata ka-"

"Nasa Robinsons Magnolia ako, Dorothy Perkins." She said cutting off the call.

"Who's that?" Tanong ni Rosas sakanya.

"Wala, si dad." Simple niyang sagot.

Ilang sandali pa silang nag-ikot ikot sa shop na iyon, hindi parin kasi makapili si Generose kung ano ang bibilihin kaya naman sa huli ay napagdesisyunan nitong bilihin ang tatlong pares ng sapatos na pinamimilian nito.

"Oh, you don't brought a car noh?" Pagkuwa'y sabi nito, ngumiti ito medyo nawirduhan pa siya dahil parang excited ito.

"Oo."

"Good, Alexus is coming na."

"Ayan na nga siya oh." Napairap siya nang makita si Alexus papasok ng shop, may kasama rin itong isa pang lalaki.

"Oh!" Nilingon ito ni Rosas bago kumaway. "Babe, over here!"

Muli siyang napairap nang lumapit sakanila si Alexus at hinalikan sa pisngi ang kaibigan. Bumati rin ito sakanya, she just smiled at him

"Anyway, I'd like you to meet Basty." Nakangiting pakilala ni Rosas sakanya at sa lalaking kasama ng boyfriend nito. "Bast, this is my friend Shanna."

"Kilala ko siya."

"I know him."

Natawa naman ang lalaki. "Sino ang hindi makakakilala sa isang Helena Chanterelle Arguelles?"

"I'll take that as a compliment, Sebastian Sebastiano." She said. Well she knew Basty not just because he's a university heartthrob but because they're both part of the drama club. Though mas gusto nitong ma-assign sa mga behind the stage tasks.

"Oh, then that's good! So paano ha? Mauuna na kami ni Lex, bye guys! Enjoy the night." Nilingon pa ni Rosas si Basty. "Ask her out for dinner!"

"Generose!" She hissed.

"Love you!" Tumatawang hinila na nito palabas ng boutique.

"So, where do you wanna have dinner?" Swabeng tanong ng lalaki nang silang dalawa na lamang ang naiwa.

"Sana tinanong mo muna kung gusto ko ngang mag-dinner kasama ka." She said. "You may leave now, Sebastian. I don't have much time to spare for you."

Imbes na mainsulto ay natawa lamang ito at kinuha mula sa kamay niya ang bitbit na tatlong malalaking paper bag.

"Hey! Akin na nga yan!"

"What? Ako na ang mag-bibitbit. If you don't wanna have dinner with me, fine. I'll just take you home safe. Ipinagkatiwala ka sakin ng kaibigan mo, I'm responsible for your safety now."

"You don't have to worry about me-"

"You really don't have to, Basty."

Napalingon silang dalawa nang marinig ang isang baritonong boses mula sakanilang likuran. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang kaba na pumaloob sakanya nang makita niya si Cholo na naglalakad papalapit sakanila pero damang dama niya ang pag-kabog ng dibdib niya.

"Man." Bati ng lalaki dito.

Tinanguan lamang ito ni Cholo at walang sabing kinuha mula sa kamay nito ang mga paper bag ng pinamili niya. "I'll take her home."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro