Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Tenth Rule

Author's Note :

This is the third and last of the pact trilogy, I want this story to be as unique as possible at ayoko itong maging cliche kaya sana na-accomplish ko ang goal ko.

 PLEASE DO NOT ON SKIP ANYTHING :)))

- - - - - - - - - -

Zianne's POV

"Bitawan mo ako hayop ka! Hayop ka!" Sigaw ako ng sigaw habang kinakaladkad ako ni Chase papunta sa isang kwartong malayo kanila Clark. Pilit akong nagpupumiglas ngunit sadyang higit siyang mas malakas kaysa sa akin.

Marahas niya akong itinulak paupo sa isang metal na upuang naka-bolt sa sahig. Napapahagulgol nalang ako habang pinoposas niya ang mga kamay ko dito. 

"Dont cry Zianne, You'll be infront of the camera" Nanlaki ang mga mata kot mas lalo akong kinilabutan nang bigla niyang ipinwesto ang isang tripod sa harapan ko at sa ibabaw nun ay may isang videocam.

May kinuha si Chase na isang kahon at napagtanto konf ito ay ang kahon na ginamit ni Sir Frank na lalagyan ng mga sikreto namin. "Reese was right, sobrang tanga niyo sa pagsusulat ng mga pinakaiingatan niyong sikreto. Pero ikaw grabe ka" Kumuha si Chase ng isang papel at binasa niya ito. "'Andami kong crush, ang hot at pogi nilang lahat, yung reese cute sana kaso mukhang tanga' -- Seriously Zianne? Seriously? Ito yung sikreto mo?"

Tokneneng! At talagang binasaya niya pa yung papel ko! Pakialam ba niya, Eh para sa akin kasalanan magkaroon ng madaming crush eh!

"Pero ito yung nagustuhan ko, Yung sikreto ni Anika." Wika ni Chase at binasa ang nasa papel. "Nakasakay ako sa jeep nang  may nadaanan kami na isang babaeng hinoholdap sa gilid ng kalsada. Nanlaban ang babae kayat binaril siya ng holdaper. Namukhaan ko yung holdaper kaso dala ng takot hindi ako nagsumbong sa pulis.' Tingnan mo nga naman, Kaya pala mahilig mag-imbestiga ang babae to kasi mabigat pala ang konsensya. hahahah." Napailing-iling si Chase habang tumatawa.

"Chase! Pakawalan mo ako dito! Wala akong kasalanan sayo!" Sigaw lang ako ng sigaw. Gusto kong magmakaawa sa kanya na wag akong sasaktan kaso ayokong iparamdam sa kanyang makapangyarihan siya.

"Zianne, Zianne, Zianne" Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, Bahagya siyang yumuko upang maging magkapantay ang mga mukha namin.Tiningnan niya ako sa mga mata at biglang ngumisi. "Wala kang kasalanan pero yung boypren mo meron...... Napakalaki" Sabi niya na halos pabulong.

bahagya kong itinaas ang kilay ko. "Bobo he's not my boyfriend you son of a bitch" I said in a cold tone as I tried to hide away my fear,

Bahagya siyang tumawa. "But the emotional attraction is there, and youre right Zee. I really am a son of a Shameless bitch." Umayos siya sa pagtayo at bumuntong hininga. Kaswal siyang naglakad patungo sa isang white board na nakatalikod. Hinila niyo ito malapit sa akin at inikot. Nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam koy nanuyo ang bibig ko nang makitang napakaraming litrato ang nandito. Nasa gitna yung kay Reese at may nakatusok ditong napakaraming darts.

"So kaya mo ako ginaganito upang magantihan si Reese? Ganun ba yun?! Ha Chase?!" Sigaw ko dala ng labis na galit ko.

"Reese took everything from me" Muli siyang lumapit sa akin. Unti-unti na namang nangingilid ang luha sa mga mata ko dahil natatakot na talaga ako sa mga tingin niya. Napatili na lamang ako sa sakit nang bigla niyang sinaksak gamit ang isang arrow ang hita ko. "But now its time for him to lose everything... Starting with his freedom and you...." Sambit niya at walang paligoy-ligoy na hinugot ang kutsilyo sa hita ko.

Tili lang ako ng tili sa sakit habang pinagmamasdan ang pag-agos ng dugo mula sa malaking sugat ko. Napanganga na lamang ako sa tindi ng sakit at hapdi.

 Sa tindi ng sakit ay pakiramdam koy unti-unti akong tinatakasan ng lakas. Inisandal ko na lamang ang ulo ko sa headboar ng upuan habang humahagulgol.

"Do you know how its like to be left alone?" tanong ni Chase at napatingin sa litrato ni Reese.

Biglang bumalik sa isipan ko ang alala-ala ni Kuya Travis, Ang pinsan kong nang-iwan sa akin.

"Alam mo ba kung gaano kasakit ang makita ang ibang taong masaya samantalang ikaw nagdurusa at nalulungkot!"Biglang sigaw ni Chase sabay saksak ng arrow sa litrato ni Reese. 

Napatingin ako sa kawalan at bahagyang napahikbi.

"Alam ko....Ganyan din ang naramdaman ko magmula nang iwanan ako ng pinsan ko" Mahinang bulong ko.

Lumingon sa akin si Chase at saglit kaming nagkatinginan. Nakita ko ang luhang namumuo sa mga mata niya. Wala akong ibang makitang emosyon kundi galit.

"Alam mo ang pakiramdam Zianne?!" Sarcastic niyang sigaw kayat napaurong nalang ako sa takot. "Masaya yung pamilya namin kaso na-bankrupt ang negosyo ng tatay ko! Anong ginawa ng puta kong ina? Ayun, lumandi ng iba! Nagkaroon ng bagong pamilya at iniwan ako! Iniwan ako sa puder ng tatay ko na wala man lang paalam!" Nakita kong tuluyang tumulo ang luha mula sa mga mata ni Chase. "Labing-pitong putang inang taon kong hinintay ang pagkakataong mabawi ang lahat kay Reese." Sigaw ni Chase at muling makailang-ulit na pinagsasaksak ang litrato.

"Zianne, kung hindi ka lang gusto ni Reese. Baka may posibilidad pang buhayin kita kaso pasensya na, Prayoridad ko ang pahirapan ang gagong yun. Pero alam mo si Yohan, este Hannah... napamahal talaga yun sayo kayat hindi ka niya magawang patayin. Sayang eh, May future sana si Hannah na maging isang magaling na serial killer gaya ko, The way she killed Jarrel and Jimmy? That was awesome! kaso mahina siya pagdating dito" Wika ni Chase sabay turong dibdib niya. "Pero dahil magkaibigan kami ni Hannah at kahit papaanoy ayaw ko siyang magalit sa akin, I will give you one chane"

Bahagyang nakunot ang noo ko sa narinig. Chance? anong chance?

"Do you know what's the 10th rule?" Napasmirk si Chase. Bahagya niyang inilapit ang mukha niya sa akin at hinawi ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko. Napangiwi na lamang ako sa takot at kilabot nang mahaplusan niya ang pisngi ko. Ngunit as lalo akong natakot nang mas inilapit pa niya ang mukha niya sa akin na para bang hahalikan ako kayat napapikit na lamang ako. "Be one of us," bulong niya sa tenga ko. "Rule number #10 Think like a Knight, Act like a pawn. That way, survival is guaranteed" Nagsitayuan ang balahibo ko nang ibinulong niya ito sa tenga ko.

Bahagyang umatras si Chase at muling isinilid ang mga kamay sa kanyang bulsa. "Your kuya Travis left you right?" napa-smirk si Chase. "How about we make him feel your 9 years of suffering? Iniwan ka niya para kay Faith diba kasi nalaman niyang buhay ito? Yung orihinal niyang kapatid? Kung gusto mo pwede kang sumama sa amin at tutulungan ka naming burahin sa mundong to si Faith at nang bumalik na sayo ang kuya mo. Ikaw uli yung magiging baby niya or kung galit ka talaga sa kuya mo pwede naman natin silang patayin at pahirapan..."

Tuloy-tuloy na bumuhos ang luha ko.

Muling bumabalik ang lahat ng sakit na matagal ko ng binaon sa limot. Naghiwalay ang parents ko noong baby pa ako, nang dahil dun tumira ako sa puder ng lolo at lola ko. Only child lang ako ngunit hindi ako lumaking nag-iisa kasi kasama ko dun ang pinsan kong si Kuya Travis, naulila na siya at sa pagkakaalam ko aksidente ang kinamatay nila ate Faith at kuya Paxton. Oo malungkot kasi malayo ako sa mga magulang ko pero dahil kay kuya travis, naramdaman kong may pamilya parin ako. Kaso nagbago ang lahat ng yun noong seven years old ako. Nalaman ko nalang na buhay pala si Ate Faith, next thing I know nasa america na si Kuya Travis at may bago ng pamilya. Di man lang siya nagpaalam. In an instant, muling gumuho ang pamilya ko.

"So Zianne, Do you want to become one of us? Join our pack, Join our Pact" Saglit na napatingala si Chase at tumawa. "Wow it rhymes! hahaha"

Napatingin na lamang ako sa white board na tadtad na mga litarato. Nakunot ang noo ko, Nagtaka ako kasi nandun ang litrato ni kuya Travis tapos may kasama siyang isang babae. Teka bakit may litrato si Chase ni Kuya Travis? at teka....sa pagkakaalala ko, ni minsan di ko nabanggit ang pangalan ng pinsan ko!

Unti-unting bumuka ang bibig ko. Nahihirapan ako sa pagbigkas dala ng bigat ng pakiramdam ko. "H-how...H-how did you know my family" mahinang bulong ko.

Narinig kong tumawa si Chase at pumalakpak "Hay salamat! Nahalata mo rin! Grabe ang engot mo! Let me tell you a story Zianne...." wika ni Chase at hinila ang plastic na upuan. isinandal niya ang kanyang baba sa sandalan habang nakaharap sa akin. "Alam mo ba kung ano ang nagagawa ng matinding sakit at galit Zianne?" dahan-dahang itinuro ni Chase ang ulo niya. "Umiiral ang utak mo." Ngumiti siya ng napakalapad. "Noong 10 years old ako, naghahanap ako ng matutulugan sa kalsada nang bigla kong madaanan ang isang TV shop, bago ako habulin ng tindero dun ay nagkaroon ako ng pagkakataong mapanood ang balita. Balita tungkol sa isang massacre na nangyari sa Crestview Academy. Grabe nakakagulat yun kasi sabi sa balita isa daw kulto ang nadiskubre. Andaming estudyanteng napatay. Sabi doon sa reporter marahil gantihan daw ang naging motibo. Then it hit me, What if....Just what if, nasali si Reese sa isang massacre na gaya nun? Siyempre mapapatay siya at sinong napakagwapong nilalang ang papatay sa kanya sa pinakabrutal na paraan?" Muli siyang napangisi. "Ako"

Crestview Academy...

Kung hindi ako nagkakamali diyan nag-aral si kuya ng highschool.... 10 years ago.

"Habang nangangalkal ako ng basura upang mabuhay sa araw-araw ay parati kong iniimagine kung paano ko pahihirapan ang magaling kong kapatid. Akala ko hanggang sa pagd-daydream lang ako pero sadyang nakatadhana nga talaga na maging totohanan ang pangarap na yun... Si Kuya Jeffrey? Siguro naman kilala mo si Kuya Jeffrey diba? Alam mo ba hindi Jeffrey ang tunay niyang pangalan kundi Finnley Torrevalo. Isa siya sa mga killers ng Crestview Massacre at nakatakas siya. Pinagtagpo kami ng tadhana. Alam ko noon na wanted siya dahil nakapaskil sa lahat ng pahayagan ang mukha niya pero imbes na matakot o mangamba, alam mo ba kung ano ang naramdaman ko? Tuwa at Galak.... " Tuloy-tuloy na kwento ni Chase na para bang tuwang-tuwa pero ako heto nakanganga. Di ko ma-gets. Paki ko ba kung sino si Finnley torrevalo, paki ko ba sa kwento niya. Ang gusto ko lang makaalis dito.

"Naawa yata si Kuya Finn sa akin kayat pinatira niya ako sa pinagtataguan niyang bahay. Nang dahil sa kanya ay para akong nagkaroon ng pangalawang pamilya. Pinag-aral niya ako kasi mayaman pala ang gago. Tinutulungan ko siyang maka-score sa putangina niyang lovelife habang ako naman, nagp-plano kung paano ko maisasakatuparan ang aking paghihiganti. Siyempre tinulungan din ako ni Finn, he taught me things. And one of the things he taught me, is history. His and their bloody history, Turns out Andami na palang bigating massacre ang nangyari dito sa Pilipinas then there was also the Anonymosities; A gang composed of the most ruthless psychopath and criminals all over the Philippines. I did my own research and I discovered something.... The common denominator... Robbie Lloyd Chen... Does he sound familiar to you Zee?" 

Napaisip ako.

Robbie Lloyd Chen, sino ba ang taong yan? Tunog artista.

Teka siya yung manunulat nung libro. Siya din yung binabanggit ni Chase na tatay niya noon. Pero bakit ganun...Bakit pakiramdam koy narinig ko parin ang pangalan niya noon?

"Robbie Chen is known as the angel of death. He survived and stopped numerous massacres, He knows the rules. He even wrote a book on it. Back then napaisip ako, Im planning the perfect massacre pero paano kung may isang taong mala-Robbie chen ang sisira sa mga balak ko? Napagtanto ko sa sarili ko na dapat maging handa ako, Dapat pag-aralan ko din ang point of view ng isang biktima para nang sa ganun, hindi ako maiisahan o matatalo ng mga biktima ko. Walang survivors kumbaga. Palpak lahat ng massacre eh. Yung slaughter high massacre? Palpak! Yung Jeongsin massacre? Palpak din! Lalong-lalo na yung Crestview massacre! At para maging perpekto tong massacre nato, ginawa ko ang lahat para makalapit kay Robbie Chen, FC na kung FC eh sa desperado ako eh. Yung koreanong hilaw na yun? Tsss! Mas pogi ako dun! Pero nang dahil din sa koreanong hilaw na yun, may mga natutunan ako tungkol sa mga massacre sa pamamagitan ng libro niya, May napagtanto din akong isang bagay. Gaya ng huling kataga sa libro niya EVIL NEVER WINS"

Napasinghal ako at kahit hinang-hina ay pinilit ko paring ngumisi. "Evil never wins na nge eh bakit ayaw mo paring maniwala? bobo kang pangit ka" Mahinang bulong ko.

"Thats the point, Evil never wins but what if... Just what if we pretend to be the good ones? What if we pretend to be the protagonist-victim in our real life horror movie? Maaring may magbago diba?" 

Napabuntong hininga ako habang nakasandal ang ulo ko sa headboard. Pinipilit ko ang sarili kong wag matulog sa takot na baka hindi na ako magising. "Ayokong maging sirang plaka pero chase, newsflash: Nababaliw ka na!"

"Thanks for the compliment Zee" Muli siyang ngumisi.

"Walang magbabago kahit magpanggap man kayong biktima Chase kasi bottomline mga halimaw parin kayong lahat" wika ko habang humahangos.

"Pasensya Zee pero nagkakamali ka. Pinlano ko na tong lahat. Napakagaling ng plano ko! Magpapanggap ako kasama ang mga kasabwat ko na biktima, at mas convincing yun lalong-lalo nat nagpapanggap kami bilang mga anak ng mga dating survivor. O diba? Anggaling ng naisip ko? Kung isa talaga tong pelikula paniguradong mabubuhay ang mga karakter namin ni Yohan at Clark kasi nga mga anak daw kuno ng dating survivors! O diba ang galing ko!"

Napabuntong hininga ako. "Chase for the last time! This isnt a horror movie! This is life! Oo horror kasi horror ang life pero hindi to isang pelikula! Totoo to!"

Tumawa lang si Chase habang napapailing-iling. "Walang basagan ng trip" mahinang bulong ni Chase. "Highschool ako nun, naghahanap ako ng mga taong gaya ko. Yung mga gustong maghiganti? Siyempre facebook at twitter ang ginawa kong paraan sa paghahanap. Tapos bigla akong nakakita ng video ng isang babaeng ginagahasa. Biglang nawala yung video sa youtube, binura yata ng uploader buti nalang natandaan ko yung mukha nung babaeng rape victim. Napaisip ako, pwede ko sigurong maging kasabwat sa paghihiganti tong babaeng to kasi siyempre diba binaboy siya ng mga lalake at isa pa babae siya at madaling manipulahin. Hinanap ko siya kaso sa sementeryo ko siya nahanap, nagpakamatay pala ang kawawang babae kaso may isa pa akong nakita doon, Isang lalakeng ka-edad ko lang. Kahit papaanoy nakaramdam ako ng awa sa kanya, naghihinagpis siya ng mag-isa. Gaya ng dati, I made my research at napag-alaman kong ang pangalan ng lalaking yun ay Clark Hamilton. Napaisip ako, siguro nga nakatadhana kaming magkita kasi Clark ang pangalan niya. Sa pagkakaalala ko kasi, Ang balak ipangalan nung si Redentor Adriano sa anak niya ay Clark at Damon. At dahil plano ko nga ay magpanggap kami bilang anak ng survivor, Sign na to ng tadhana! Kinaibigan ko si Clark hanggang sa sumang-ayon siya sa gusto ko. Pare-pareho lang kami gustong maghiganti."

Gulat ako sa narinig...

All this time ganyan pala ang pinagdadaanan ni Clark. Pero kung kasabwat din si Yohan... "S-si Yohan, paano siya nasali sa kademonyohan mo?" utal-utal kong tanong.

Tumawa si Chase. "Ay oo nga pala, bestfriend nga pala kayo no? hahaha" Sarcastic niyang saad. "Sa plano ko ako ang magpapanggap na Chase kasi gusto ko ako ang magiging 2.0 version ni Robbie Chen at isa pa pinag-aralan ko ng mabuti ang panget na yun. Pumayag narin si Clark na magpapanggap siya bilang si Clark adriano ang future anak nung posporo. So isa nalang ang kulang, Sino ang magiging anak ni Peter Vincento at Mackenzie Faith Lee? Matapos ang ilang buwang paghahanap ay may nabasa akong nag-aaway sa facebook. Cyber bullying yata yung nangyayari kayat siyempre dumadamoves ako. Grabe awang-awa ako dun sa binubully kasi kung ano-ano ang sinasabi sa kanya. Nalaman kong Hannah Vincento ang pangalan niya. Nahirapan akong kaibiganin siya kasi naging antisocial siya bigla kaso napaamo ko kaya yun. Pumagyag siya sa alok namin sa paghihiganti. Alam mo kahit na paghihiganti ang nagbigkis sa landas namin, Kahit papaanoy masasabi kong silang dalawa yung mga kaibigan kong totoo at tunay na nakakaintindi sa akin. The three of us made our own pact... Gumawa kami ng kasunduan na magtutulungan kami sa paghihiganti dun sa mga taong nang-api at sumira ng buhay namin. Alam mo kung ano ang nakakatuwa? Ang tadhana kasi biruin mo nga naman muling tumibok ang puso ni Kuya Finn este Jeffrey. Palpak na palpak kasi yun sa lovelife kayat parating sawi kaso isang araw habang sinu-surveillance namin ang mga taong balak naming paghigantihan ay na-love at first sight itong si Kuya Jeffrey kay Fara. At itong si Kuya Jeffrey kung ma-inlove wagas kaya yun nakisali narin sa plano namin. Pinsan ni Kuya Jeffrey si Sir Frank, at dahil mag-pinsan sila siyempre di nagsumbong si sir frank sa halip ay binigyan niya pa si Kuya Jeffrey ng trabaho sa university.  Itong si Clark nakaisip ng bright idea, ipagsama-sama daw namin sa iisang classroom ang lahat ng taong nanakit sa amin pati din daw yung ibang nakagawa ng krimen na nakalusot sa batas at kung may madamay na sibilyan edi sorry nalang."

Kinikilabutan ako sa nalalaman ko. Naniniwala na ako sa sinasabi ni Chase, para na talaga akong nasa isang pelikula. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ang bagay nato sa akin. "Ibig sabihin inosente si Sir Frank, Reese at Belle? Ibig sabihin ginamit niyo lang siya? Ibig sabihin walang silbi yung mga sikretong sinulat namin kasi all this time alam niyo ang kasalanan ng iba? I-ibig bang sabihin din ba nito simula't sapul damay lang ako sa tokneneng niyong paghihiganti?" Muli akong napahagulgol kaso pinagtawanan lang ako ni Chase.

"Zianne naman eh! Ang engot-engot-engot-engot, wait for it, Napaka-engot mo!" Sigaw ni Chase habang tumatawa. "Dont you even have any idea who Mackenzie Faith lee is?" 

Napailing-iling ako, hindi ko kilala sino ang sinasabi niya.

"She's your long lost cousin! Siya yung taong umagaw sa kuya Travis mo!"

Agad nakunot ang noo ko. P-aano?

"Anggaling ko, Killer na storyteller pa" mahinang bulong ni Chase na para bang inis na inis. "See your cousins were involved in the Anonymosities. Long story short, Kasali sa Jeongsin massacre ang mga pinsan mo, batang bobo ka siguro noon kayat wala kang kaaalam-alam sa nangyayari sa pamilya mo. Nang dahil sa massacre na yun nagreunion ang magkakapatid. Alam mo ba Zianne? Matagal na kitang kilala kasi tinutulungan ko noon si Robbie Chen noon sa paghahanap sayo kasi gusto kang mahanap ng mga pinsan mo kaso napakama-pride mo. Pa hard to get. tssss"

Kaya pala pamilyar ang Robbie Chen kasi siya yung parating gustong kumausap sa akin. Siya yung dahilan kung bakit palipat-lipat ako ng bahay kasi gusto kong umiwas sa kanya, sa kanila...

Kung maibabalik ko lang ang oras...

Kung sana hindi ko inuna ang galit at pride ko...

"Yan ba ang rason kung bakit ako kasali sa putanginang laro niyo?" unti-unti na namang bumubuhos ang luha ko.

Napailing-iling si Chase. "Close enough, Sa pagkakaalam ni Hannah at Clark eh damay ka lang Di ko kasi sinabi sa kanila kung bakit kita isinali dito. Bakit kita isinali ang tanong mo diba? eh kasi kadugo mo ang final girl ng Jeongsin Massacre. Alam mo Zianne, sa isang horror movie kadalasang babae yung survivor. Kumbaga cliche na kayat ginawaran ng term na final girl. And since andun na nga tayo sa katotohanang pinsan mo ang final girl, Naisip naming baka nga nasa dugo niyo ang pagiging final girl. And if ikaw nga yung Final Girl sa massacre nato, magandang bagay kung magiging kakampi ka namin. So ano na? Be one of us.. Deal or No Deal"

"U-utot mo" mahinang bulong ko. "So everything is just acting huh? Pati yung phone calls nung mommy ni Zianne---- I mean phone calls ni ate faith ay fake din? was that really necessary?" Sarcastic kong tanong.

"Yes. Alam mo kasi kung ang kasinungalingan paulit-ulit mong inilalagay sa isip mo, unti-unti yang nagiging katotohanan sa paningin mo. Nagiging mas kapani-paniwala kumbaga. At dito sa laro namin, mas convincing mas maganda. Oo nga walang queen, bishop at king sa larong to pero may mga magagaling namang umacting na knights at makasalanang mga pawns"

"May isa pa akong tanong Chase, Bakit kinailangan niyo pang i-hire yung fake Damon?" Tanong ko.

"Easy, kailangan namin ng isa pang Fall guy. Walang maniniwala kung dalawa or isa lang ang killer. Sina Reese, Belle at Damon-kuno; sila ang magiging mamatay tao sa larong to habang kami ang mga inosenteng survivor. Pero siyempre pagkatapos ng massacre magtatago na agad kami. Magbabalik kami sa mga dati naming pangalan and we will live happily ever after" Tumatawang tugon niya

"Fvck you Chase.... Go to hell" mahinang bulong ko.

"Well im not Chase, Im alexander." Muli siyang ngumisi. "Okay let me repeat everything you bitch, Hannah wants you to live,and since hannah is my friend too, Im gonna give you one last chance. Are you going to be one of us? Tutulungan ka naming gumanti, ipinapangako ko yan sayo"

Napabuntong hininga ako at unti-unting kumurba ang ngiti sa labi ko. "Two words Alexander...." Napa-smirk ako. "UTOT. MO."

END OF SPECIAL CHAPTER.

- - - - - - - - - -

Author's Note :

Alam ko may iba pa kayong Questions tungkol kay "DAMON" pero no worries sa next chapter na. hehehe

So ganun talaga, Si Chase ang may pakana ng lahat. Among the books ive written, Si Chase ang pinaka full-blown ultimate psychopath :)))))

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro