Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Damon

Third Person's POV

Nagtatawanan at nagkukulitan sina Damon at Yohan. Oo't pawang masasakit na salita ang binabato nila sa isa't-isa ngunit hindi maalis ang ngiti sa kanilang mga labing nagpapatunay na itoy kulitan lamang.

Sa kabila ng masasayang sandali ay nakamasid lang sa kanila si Clark na tahimik na nasasaktan.

Ibinaling na lamang ni Clark ang kanyang atensyon sa marshmallow na isinasalang niya sa bonfire. 

"Make a move before its too late" Mahinang bulong ni Chase na panay ang pag-ihip sa marshmallow niyang nag-aapoy pa.

"She's happy i dont want to hurt her." Mahinang bulong ni Clark.

"Unbelievable!" Napabuntong hininga si Chase. "If priority mo talaga na maging masaya siya, Alam nating lahat na masasaktan lang siya sa huli dahil kay Damon. Isip-isip din pag may time,  pag si Yohan nasaktan dahil diyan sa katorpehan mo, who you ka sa akin." Dagdag pa ni Chase na patuloy lang sa pag kain.

Napabuntong hininga si Clark.

Napatingin si Clark kay Damon.

Nahalata yata ni Damon na nakatingin sa kanya si Clark kayat napatingin din siya sa direksyon nito. Saglit na nagtama ang kanilang paningin.

Bahagyang tumango si Clark hudyat na gusto nitong makipag-usap ng sarilinan.

- - - - - - - -- - -- - 

Malayo sa campsite, malayang naipahayag ni Clark ang kanyang saloobin.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Galit na sigaw ni Clark.

"Nakikipag-usap sayo malamang. haha" Damon

Napangiti si Clark at saglit na napailing-iling. Walang ano-anoy bigla siyang nagpakawala ng isang suntok sa mukha ni Damon.

Natumba si Damon sa lupa. Napahawak ito sa kanyang labing ngayoy dumudugo na "Clark ano na namang problema mo?!" Sigaw ni Damon na gulat at hindi maintindihan ang kinikilos ni Clark.

"Ikaw ang problema ko! Wala sa usapan nating makipagmabutihan ka kay Yohan!" Clark

Napasinghal si Damon at napailing-iling habang sarcastic na nakangiti. "Ginagawa ko lang yung utos mo sa akin! Maayos kong ginagampanan si Damon," Napangisi ito "Kuya..."

"Ang usapan natin, Magpapanggap ka bilang kapatid ko, Wala ng iba!" Clark

Tumayo si Damon at pinagpagan ang kanyang suot. "Tsk. tsk" Pinunasan niya dugong tumulo mula sa kanyang labi gamit ang kanyang daliri. "Yun na nga eh! Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Ginagawa ko to hindi para kay Yohan. Ginagawa ko to para kay Damon. At isa pa... " Hindi na tinapos pa ni Damon ang kanyang sasabihin.

"Ano?" Clark

Napabuntong hininga na lamang si Damon. "Ewan ko sayo, wala kang kwentang kausap. Basta ako ginagawa ko lang ang trabaho ko kayat ikaw pera ang ibayad mo sa akin at hindi suntok" Wika ni Damon at agad na naglakad palayo kay clark.

Clark grunted out his frustrations and forcefully thown his beanie in the ground.

Maya-maya pa ay bigla siyang nakarinig ng kaluskos mula sa hindi kalayuan. Lalong naningkit ang mga mata ni Clark, Nilapitan niya ang pinanggagalingan ng ingay at laking gulat nito nang matagpuan si Zianne. --- Nakaupo ito na para bang nagtatago ngunit ngayong nakita siya ni Clark ay wala itong ibang magawa kundi mapangiti na lamang at mag-peace sign.

"Hi clark. hehehehe" Mahinang bulong ni Zianne.

"A-anong ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong ni Clark

Tumayo si Zianne at isinilid ang kanyang kamay sa kanyang bulsa. "Mauna na ako----" Aalis na sana si Zianne ngunit hinila ni Clark ang kanyang damit kayat wala siyang takas.

"Huhuhuh. Clark sorry, Nag-alala kasi si Yohan sa inyong dalawa kayat nagprisinta akong bantayan kayo. huhuhuhu. Malay ko ba may maririnig akong samting. huhuhu" Paliwanag ni Zianne na halatang takot na takot.

 Napabuntong hininga na lamang si Clark at nasapo ang ulo niya.

"Zianne, You have to promise that you would never ever tell Yohan about this" Pakiusap ni Clark.

Halata ang pagkalito sa mukha ni Zianne. "Clark ayokong magsinungaling kay Yohan"

"Youre not lying unless she's not asking. You just need to keep your mouth shut. You can do that right?" Kumbinsi ulit ni Clark.

"Aish!" Napakamot nalang si Zianne sa kanyang ulo. "Why Clark? Why would you hire Damon--- I mean that guy to pretend as damon?" 

Napabuntong hininga si Clark. "Because we dont want to hurt Yohan. If you dont want Yohan to get hurt, wala kang pagsasabihan sa nalaman mo ngayon" 

Saglit na natahimik si Zianne na para bang nag-iisip. Ilang sandali pa'y dahan-dahan itong tumango.

"But why Clark? What happened to the real Damon?" Zianne

Napayuko si Clark.

Matagal bago ito nakapagsalita.

"My younger brother died when we were kids." Clark

Gulat -- tinakpan ni Zianneang kanyang bibig.

"Damon was born with a heart condition. Akala namin mabubuhay siya dahil may pera kaming makakatulong para sa pagpapagamot niya pero balewala yung yaman namin dahil namatay siya noong 8 years old siya. Malapit ang mga pamilya namin nila Chase at Yohan, kaya naging napakalapit ni Damon at Yohan noon sa isa't-isa. Natakot ang mga parents ni Yohan sa mararamdaman niya kapag nalaman niyang pumanaw si Damon kaya napagdesisyunan nilang isekreto ang lahat ng to sa kanya." Kwento ni Damon.

"B-but youre hurting her by lying...." Pahayag ni Zianne. "Clark the way you look at Yohan, I can tell that you love her but youre just gonna hurt her more..." Dagdag pa nito.

Tumango na lamang si Clark. "Just give me some time....Lets give her some time to be happy. She deserves to be happy"

END OF SPECIAL CHAPTER

- - - - --- - --- --

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro