Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8 : There's A reason

Zianne's POV

Nang makita ko ang papel na binunot ko ay agad ko itong isinilid sa bulsa ko.

Zianne wag kang kabahan, para sayo rin tong ginagawa mo

Napabuntong hininga ako pinagmasdan ang mga kasama ko.

Nagsimulang magsilabasan ang lahat sa kwarto hanggang sa kaming lima na lamang ang natira; Ako, si Yohan, Clark, Chase at Damon.

Napaka-awkward ng katahimikang bumabalot sa buong kwarto. Ramdam mo ang tensyong nagbabadyang sumiklab.

Nakakatakot ang mapanuring tingin ni Yohan kay Chase. Halatang marami itong katanungan. Alam kong maa-out-of-place lang ako kayat aalis na sana ako ngunit biglang hinawakan ni Yohan ang kamay ko. Anong meron? 

"Chase may hindi ka ba sinasabi sa amin?" Basag ni Clark sa katahimikan.

Agad umiwas ng tingin si Chase na mistulang kinakabahan.

"I promised dad that I would never talk about this!" Chase

"Talk about what?" Singit naman ni Damon na litong-lito na kagaya ko.

"Chase sabay-sabay tayong lumaki. Para na tayong magkakapatid kayat wag na wag kang maglilihim sa amin" Yohan.

Napabuntong hininga si Chase at sinapo ang ulo niya gamit ang kanyang mga kamay at napaupo sa swivel chair, isa-isa niya kaming tiningnan at halata ang pagdadalawang isip sa kanyang mukha.

"Damn it chase! say it!" Sigaw ni Yohan na ikinagulat naming lahat.

"Okay! Okay!" Sigaw naman ni Chase sabay taas ng kanyang mga kamay na para bang takot kay Yohan. Muli itong napabuntong hininga.

"Yung mga magulang natin, Hindi sila nagkakilala sa eskwelahan o kung anong kwentong sinabi nila sa atin. Nagkakilala sila dahil sa kagagawan ng Anonymosities." Chase

Napakamot ako sa ulo ko. Tokneneng spell out of place? A.K.O

pero ano yung anonymosities? wala namang salitang ganun ah?

"They were victims of a massacre...They survived the massacres...." Dagdag pa si chase.

Napanganga ako sa narinig.

Seryoso ba tong si Chase?

Shit nakashabu lang yata tong lalaking to.

"That explains my dad's scars" Mahinang bulong ni Clark na bahagyang nakayuko at napakalalim ng iniisip.

Napatingin ako kay Yohan. Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Naramdaman kong nanginig at lumamig ang kamay niya.

"Yohanna" mahinang bulong ko.

Napatingin ako kay Damon.

Gulat siya sa narinig pero bakit ganun yung mukha niya, parang hindi gaanong apektado gaya ni Yohan at Clark?

Biglang bumitaw sa akin si Yohan at naglakad palabas ng kwarto.

"Yohan saan ka pupunta?" Tanong ni Chase.

"Tatae sama ka?" Yohan

Ew naman tong si Yohan -_-

"Yohan naman" Daing ni Chase na mistulang nalilito at nag-aalala kay Yohan.

Nagulat kami nang biglang kumurba ang maliit na ngiti sa mukha ni Yohan. "You guys, Our parents survived and thats what matters here. So what kung kasali sila sa massacre? Alam kong may magaganda silang dahilan kayat itinago nila to." Paliwanag ni Yohan.

"Tama si Yohan... O siya mauna na ako" Pagsasang-ayon naman ni Clark sabay suot ng earphones niya at lumabas narin ng kwarto kayat apat na lamang kaming naiwan dito.

"Everything happens for a reason" mahinang bulong ni Chase na para bang ipinapaalala ito sa sarili niya.

*POK*

Nagulat kami nang biglang binatukan ni Damon si Chase.

"Aray! Paker bakit mo ako binatukan?!" Sigaw ni Chase na gulat na gulat habang hawak ang ulo niya.

"Ikaw na mismo ang may sabi, Everything happens for a reason." Sabi ni Damon sabay tawa

"Baliw" mahinang bulong ni Chase at tumawa na lamang.

"Kkkkkkkkkk"

Nagulat kaming lahat nang bigla kaming makarinig ng isang kakaibang tunog. Its like parang may humihilik! At parang nanggagaling ito sa sofa kung saan nakapatong ang napakaraming tela at kurtina. 

"Naririnig niyo yun?" tanong ko at tumango silang lahat.

Lumapit si Damon sa nakatambak na tela sa sofa. Kinuha niya ang mga ito at inilapag sa sahig ngunit laking gulat namin nang makita namin ang isang lalakeng natutulog sa sofa. Nakanganga pa ito at may laway pang tumutulo sa gilid ng bibig. Yung braso naman niyay ginagamit niya bilang unan.

"Adik" mahinang bulong ni Yohan

"Hoy gising! Hoy!" Sigaw ni Damon sabay hatak ng braso ng lalaki upang magising ito.

Kanina pa siya dito natutulog. Hindi lang namin siya napapansin dahil sa mga telang nakatakip sa kanya. Langya narinig kaya niya yung tungkol sa pact namin?

Agad na napabalikwas ang lalaki na mistulang isang ninja. Pulang-pula pa ang mga mata nito tanda na napakahimbing ng kanyang tulog tapos yung buhok niya daig pa yung buhok ni Ike na mistulang nakuryente. Gwapo sana siya kaso kitang-kita parin namin yung natuyong laway sa gilid ng bibig niya.

Sabay-sabay kaming natawa maliban na lamang kay Yohan.

"Kanina ka pa dito?!" Tanong ni Yohan sa lalaki.

Napakamot ito sa kanyang ulo. Litong-lito parin ito at halatang wala pa sa sarili. Naalimpungatan yata.

"Hoy sagot!" Yohan

"H-ha? n-n-naiwan ang susi sa kwarto ko kayat dito nalang ako nakitulog" mautal-utal na saad ng lalaki.

Tiningnan ko ang pangalan sa i.d na suot niya... GAVIN GERALDO

"May narinig ka ba sa usapan namin?!" Tanong naman ni Damon na mistulang nakaraos na sa kakatawa.

"ha? W-wala? Teka nagugutom ako mauna na ako!" Sabi ng lalaki sabay ngiti at dali-daling umalis.

Nagkatinginan kaming apat...

May kakaiba sa lalaking yun...

 - - - - - - - - - - - -

ASHLEY'S POV

"Sis ano nabunot mo?" Tanong ni Jarrel sa akin but i just rolled my eyes.

"Hindi mo talaga kayang magsikreto no?" I said sarcastically

"Di naman, gusto ko lang talagang malaman. hehe" Jarrel

Shit kung hindi lang talaga dahil kay Fara baka napalamon ko na to ng gucci bags ko.

"Alam niyo ba last year nakagawa rin kami ng ganitong pact, nag-mock massacre din kami tapos isa ako sa mga knights. Like its so nakakatuwang mag-act as killers! Target namin yung kaklase naming freak. Nang dahil sa takot nag-drop out siya! hahaha" Taas-noong kwento ni Jarrel 

Damn! I really want to slap this girl's face!

She's such a liar!

Noong nakaraang araw ikinwento niya sa amin na naging prom queen daw siya at nasa honor roll but nung tinanong ko yung pinsan kong schoolmate niya di naman daw totoo! 

Tanga lang ang maniniwala sa pinagsasabi at pinagmamayabang ng babaeng to!

"Talaga Jarrel? So you mean this plan will work?" Fara

Napa-facepalm na lamang ako dahil sa pagkadismaya.

Tsk. tsk.

Tumayo ako at nagsuot ng jacket at beanie sa ulo ko.

"Ash where are you going may biology class pa tayo at about 20 minutes?" Jarrel

I smirked.

"Punta lang ako sa Canteen kukuha ng kutsilyo para isasaksak sa bunganga mo Jarrel. hahahaha! Kidding! Hahanapin ko muna si Noah ko" Sigaw ko sabay kiss sa cheeks nilang dalawa bilang paalam.

Malapit na sana ako sa pintuan.

"Ashley knight ba yung nabunot mo?" Fara asked while smiling... Weird...

I smiled back.

"I dont know" tipid kong sagot sabay angat ng mga balikat ko.

Sheesh! These people! Di ba nila naintindihan yung sinabi namin kanina na dapat hindi ipaalam yung role na nabunot. Andaming risk! Sa mga ganitong sikreto dapat maingat sila!

I kept on walking until I saw a familiar face....

May isang babaeng nakatalikod mula sa akin. Marami itong dalang mga maleta. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Oo likod palang niya ang nakikita ko pero kilalang-kilala ko na kung sino ito.

"Missy!" I shouted and she immediately turned around.

Kumurba ang napakalapad na ngiti sa mukha niya.

"Ateeeee!" Sigaw ng nakababata kong kapatid sa akin at yumakap sa akin. 

Truth be told, nag-boarding school ako dahil sa kanya. I grabbed the offer to study here dahil alam kong ito ang paraan pa kahit papaanoy makalayo sa kanya.

Ayoko siyang makita.

Dahil sa tuwing nakikita ko siya naalala ko ang mga nangyari noon.

Kasalanan niya ang lahat...

"Anong ginagawa mo dito? Missy sa lahat-lahat ng skwelahang pwede mong tuluyan bakit dito pa?!" Asik ko sabay hatak sa kanya papalabas ng campus.

"Bitiwan mo nga ako!" Sigaw niya sabay wakli ng kamay niya. "I am going to study here and there's nothing you can do about it!" Sigaw niya.

Fourth year highschool pa lang siya.

May highschool dito sa university at ayokong dito siya mag-aral. 

Pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit sa lahat ng skwelahan dito pa niya gustong mag-aral?

Imposibleng ako ang dahilan. Kilala ko ang kapatid ko.

Ano na naman kayang balak niya?

Ayoko siyang madamay dito pero kung ipagpipilitan niya ang sarili niya, kakalimutan kong magkapatid kami at ipaparanas ko sa kanya ang hirap na pinagdaanan namin ng mga kaibigan ko magpa hanggang ngayon dahil sa kanya...

- - - - - - - - - - -

 

Jarrel's POV

Nasa kalagitnaan kami ng History class namin and what the eff lang talaga dahil its so boring! Like why would i bother to study history, theyre dead anyway? Its not like pagnamatay ka iq-quiz ka sa langit tungkol sa mga namatay bago makapasok.

Masyado talagang boring tong discussion to i decided to kill time by texting.

"Jarrel itago mo nga yang cellphone mo! May teacher sa harapan!" As usual sinisita na naman ako ng goody too shoes na si Anika.

"Talk to the hand anika" I said in a monotonous tone and raised my hand to level her face.

"Bitch" mahinang bulong niya na mistulang nainis.

"Why thanks my dear!" I said and smirked without removing my sight in my phone.

Nagulat ako nang biglang ng deadbat yung phone ko. Shet lang! Andami ko pang ka-text! huhu! kawawa naman me! Paano na to?!

I looked around the classroom at nabuhayan ako ng loob ng makitang kaklase ko si Yohan. Yesss! May mahihingan ako ng cellphone!

"Pssst." i tried to get her attention but di niya yata ako naririnig.

"Pssssst!" I tried again but di parin.

"Yohan!"

Alam kong naririnig niya ako pero nagbibingi-bingihan lang siya. Nakakainis lang! Noong highschool kami para siyang tutang sunud-sunuran tapos ngayong college na kami akala mo kung sino na maka-asta! If i know kaya siya nagtatapang-tapangan dahil kasama niya yung mga pogi. 

Pero wow lang, amazed ako sa power ng kalandian ni Yohan biruin mo tatlo na yung lalaking parati niyang kasama. 

But I am not giving up....Ibabalik ko ang Yohan na useful....

I will remind her of what she is...

Of what she should be....

Trash...

When the bell rang agad na akong tumayo at bumalik sa kwarto ko upang kunin ang laptop ko, dun nalang ako magco-continue na makipagkwentuhan with my other friends.

Tinatamad akong lumabas ulit ng dorm kayat I decided to stay on our bedroom nalang. Wala pa sina Fara at Ashley kayat solong-solo ko ang room ngayon. I love it!

I turned on the cam and made sure na maganda parin ako just incase may cute guy na online.

Nadismaya ako nang makitang iisa lang ang online sa chatroom for students ng university but what the hell mas mabuti ng may kausap.

"Hi!" Bati ko agad kay Cherry nang mag cam to cam kami.

"Oh hey Jarrel! What's up?" Cherry

What's up? Here i am pinagtatyagaan kang kausap and super nandidiri dahil your pimples are so showing na!

I smiled. "Nothing just bored. Vacant period pa kasi. Wow cherry you look so pretty talaga!"

"Thanks ikaw din!" Cherry

Shit naniwala pa ang bruha.

 but me pretty, That is so effin true. Kahit di pa nila sabihin lutang parin naman ang kagandahan ko.

"Alam mo ba, my mom called and she said na nangungulit na naman daw yung modeling company na matagal na akong gustong i-hire" Taas noo kong saad.

"Whoa really? Thats good! Anong company?" Cherry

"Ah eh... uhm..." Jarrel think! think!" I forgot na eh, napakarami kasi nung companies na naghahabol sa akin" Dagdag ko pa.

"Nice. Nga pala ano yung nabunot mong paper kanina?" I asked her.

"Pawn" she said as if she was bored sabay pakita sa camera ng papel niya.

Biglang may kumatok sa pinto kayat agad akong tumayo upang tingnan kung sino ito.

"Gago" mahinang bulong ko nang makitang walang tao. Shit may nangt-trip yata sa akin. tsss.

Bumalik ako sa harapan ng laptop at muntik akong mapatalon sa gulat nang makita ang screen. "Holy shit!" sigaw ko sabay hawak ng dibdib ko dahil sa gulat.

 - - - - - - - - - - -- 

Cherry's POV

Pag minamalas ka nga naman, sa lahat ng pwede kong maka-chat si Jarrel pa na daig pa ang isang writer sa pagiging story maker.

Tumayo siya kani-kanina lang tapos di man lang nagpaalam.

Saan kaya nagpunta yun?

Narinig kong sumara ang pintuan ng kwarto ko, may dumating yata.

Biglang nalaglag yung notebook sa sahig kayat agad ako yumuko upang kunin ito.

"Holy shit!" Bigla kong narinig na sumgaw si Jarrel sa kabilang linya kayat muli kong iniangat ang mukha ko sa screen ng laptop.

"Oh bakit?" tanong ko sabay taas ng kilay ko nang makitang parang gulat na gulat si Jarrel.

"Ch..cherry sino yang n-nasa likuran mo?" mautal-utal niyang tanong.

Bigla akong nakaramdam ng kaba ngunit agad naman itong nawala nang maalala kong si Jarrel nga pala ang kausap ko. Ang babaeng daig pa si pinocchio sa pagiging sinungaling.

"Ha-ha-ha alam mo jarrel di na yan uubra sa akin" I smirked.

"Ch..cherry..." mahinang bulong niya ulit na at nakapako lang ang tingin sa screen ng laptop at hindi sa camera. 

Napatingin din ako sa screen ng laptop ko.

Nagtaka ako nang maaninag ang isang itim na pigura sa likuran ko mismo.

Dahan-dahan kong ikinusot ang mata ko at mas inilapit pa ang mukha ko sa screen.

"Cherry may tao sa likuran mo" Jarrel

Mistula akong tinakasan ng katinuan ng mapagtantong totoo nga ang sinasabi ni Jarrel dahil ako mismo, kitang-kita ko sa screen ng laptop ko na may tao ngang nakatayo sa likuran ko at hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nakasuot siya ng maskara...maskara ng hayop.

Dala na rin ng takot ay agad akong napalingon ngunit bigla kong naramdaman ang isang bagay na tumama sa ulo ko kayat agad akong tumilapon sa sahig.

Napakasakit ng ulo ko. Hilong-hilo ako at takot na takot, hindi ko alam anong gagawin ko.

"Cherry! Cherry takbo! Cherry takbo!" Naririnig kong sumigaw si Jarrel.

"T..tulong" mahinang bulong ko.

Bigla kong naramdamang may tumapak sa tiyan kong napakabigat na bagay. Pagtingala ko ay mas lalo akong natakot nang makita ang isang taong nakasuot ng itim samantalang ang ulo nito ay natatakpan ng Maskara ng isang tigre.

"P..parang awa mo na... W..wag mo akong sasaktan" iyak ko habang pilit na nagpupumiglas kahit hinang-hina na.

"Tulong! Tulong!" Pinipilit ko ang sarili kong sumigaw at tumakbo ngunit di ko kaya.

Bigla niyang hinawakan ng marahas ang buhok ko at inihampas ito ng ilang ulit sa sahig. Nagpupumiglas ako ngunit sadyang mas malakas siya.

Nararamdaman ko ang dugong tumutulo sa ulo ko.

Hilong-hilo ako ngunit ramdam na ramdam ko ang sakit...napakasakit...

Bigla niya akong binitawan kayat pinilit ko ang sarili kong gumapang.

Nahawakan ko ang paanan ng study table. Inipon ko ang lahat ng natitirang lakas ko at kahit hilong-hilo ay pilit kong itinayo ang katawan ko.

"T-t-tulong!! T-tulungan niyo ako!! "Sigaw ako ng sigaw, umaasang may makakatulong akin. Ibinuka ko ang mata ko at naaninag kong nasa harapan ko ang laptop. "T-tulungan mo ako!!!" Iyak ako ng iyak sa pag-asang tutulungan ako ni Jarrel ngunit gaya koy sigaw lang siya ng sigaw.

"Shhh..walang makakatulong sayo" Bigla ko siyang narinig na nagsalita.

Yung boses na yun.... Kilala ko ang boses na yun...

Tili ako ng tili lalong lalo na nang makita sa screen ng laptop na may hawak ng kutsilyo ang taong nasa likuran ko.

Bigla niyang ipinulupot ang braso niya sa leeg ko.

Bigla akong nakaramdam ng magkahalong init at hapdi sa leeg ko. Kasunod nitoy isang tunog ng pag-agos at pagsirit ng likido.

Nakita ko na lamang sa screen ng laptop na may malaki na akong laslas sa leeg at napakaraming dugo ang lumalabas dito.

Pilit akong humihinga ngunit tanging dugo lamang ang nalalanghap at nalalasahan ko...Lumalabas ito sa bibig ko na parang isang gripo.

Napakatinding sakit ng naramdaman ko hanggang sa dumilim na ang lahat.

END OF CHAPTER 8

- - - - - - - - - 

Thanks for reading!

VOTE AND COMMENT ♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro