Chapter 4 : Blackmailed
Zianne's POV
Few Days later....
"One, two, three and Bend! One, two! arabesque!" Sinusunod namin ang bawat sigaw ng ballet trainor.
Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko ang katawan kong kaaya-ayang sumusunod sa saliw ng musikang mula sa harp.
"Seranno stop smiling focus sa facial expression!" Paalala ng trainor naming si Ms. beth kayat muli akong umayos.
"Opo Ms. Beth!" sigaw ko sabay salute
*BLAG*
Bigla na lamang natumba si Fara sa sahig kayat agad kaming natigil sa pagsasayaw.
"Fara akala ko ba balerina ka since elementary? Get up and get your ass back together!" Sigaw nito sa kanya kayat dali-daling tumayo si Fara.
Kahit papaanoy naawa ako kay Fara. Halata kasi sa mukha niya na parang problemado siya. Kanina pa siya aligaga, parang hindi mapakali?
Pinatayo kami ng trainor namin sa harap ng isang horizontal pole. Humawak kami sa pole habang patuloy na nagbe-bend ng paa namin.
Nagulat ako nang biglang lumapit sa amin ang trainor. "Nice Serrano! Kailan ka pa nagsimulang mag-ballet? Keep up the good work" tanong ng di pa ganun ka-tanda naming guro.
My aunt and uncle had this ballet studio at doon ako natuto kaso something happened to them kayat pansamantala akong natigil.
Kayat nang malaman kong may ballet classes na ino-offer ang univ, grab agad ang peg ko. Nakakapanghinayang lang dahil si Fara lang yata yung kilala ko dito tapos di pa kami magkasundo dahil sa ugali nila ng mga friendshits niya.
Biglang tumunog ang bell hudyat na dismiss na ang class.
Kahit papaanoy nakakausap ko ang iba kong mga kasama doon maliban na lamang kay Fara na nakayuko lang at parang wala sa sarili.
- - - - - - - -
Mag-isa akong naglalakad sa pasilyo. Yung mga kasabay ko kasi kanina sa ballet class ay may mga pasok na tapos ako lang yung vacant kayat I decided to roam around the building nalang.
Nakita ko ang karatulang may nakalagay na music department at di naglaoy isang kwarto...Isang piano room.
Pumasok ako doon at pinagmasdan ang piano.
Its been years since the last time i played.
Playing the piano is my first love but I gave up on it and moved on to ballet.
Hindi ko alam pero may kung anong nag-uudyok sa akin na umupo sa harapan nito.
I decided to play EXO's Baby Dont Cry on the piano.
Nagustuhan ko kasi ang kantang yun lalong-lalo na yung melody.
I softly pressed the keys while embracing the breezy air coming from the opened windows. Napapapikit ako sa ganda ng musikang tinutugtog ko.
♫ Baby don’t cry tonight – after the darkness passes
Baby don’t cry tonight – none of this will have happened
It’s not you who will become short-lived
So baby don’t cry cry – because my love will protect you♫
I felt tears streaming down my face.
Naalala ko kung bakit ko itinigil ang pagtugtog....
Eventually i felt uneasy.
Not because of the painful memories flooding in my head ngunit dahil sa pakiramdam koy para bang may nakatingin sa akin...
I opened my eyes and stopped playing.
Napatingin ako sa pintuan at nagulat ako nang makita kong nakatayo doon yung kaklase kong si Reese. Nakatingin ito sa akin at para bang nakatulala.
Ayaw na ayaw kong may makakita sa aking tumugtog ng piano kayat dali-dali akong tumayo at tumakbo papaalis doon.
- - - - - - -- - - -- -
Fara's POV
Huminga ako ng malalim at pilit na inaalis sa isip ko ang lahat ng mga bumabagabag sa akin.
Ballet is the only thing that keeps me in this school.
Pagpumalpak ako dito, goodbye college na ako.
Mag-isa lang ako sa kwarto.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa malaking salamin habang sumasayaw sa saliw ng musika.
Pilit kong ibinabalanse ang mga paa ko sa sahig ngunit sadyang hindi ko ito kayang gawin ngayon. Paupo akong bumagsak sa sahig at napasigaw na lamang ako nang dahil sa galit.
Tuluyan nang bumuhos ang luha ko nang maalala ko ang text message na natanggap ko kanina mula kay Sir Frank.
"Pumunta ka sa motel mamaya kung ayaw mong kumalat ang tungkol sa kasalanan mo"
Yung lalaking yun... Hayop siya.
He's blackmailing me and I cant do anything.
Hindi ko inakalang gagawin niya ito sa akin.
Hindi ko alam na ikakapahamak ko ang pagsusulat sa papel na yun.
I cant take risks.
Walang ibang pwedeng makaalam sa sikreto ko...Sa sikreto namin...
Oras na kumalat yun, Para narin akong namatay....
- - - - - - - - - - - - -
Third Person's POV
Kinagabihan ay naglalakad ang trainor na si Ms. Beth sa madilim at di gaanong mataong parking lot. Inabot siya ng hating gabi sa unibersidad dahil may ipinasa pa siyang assessments sa dean.
"Whoops kiri whoops kiri whoops" mahinang bulong ng guro upang matago ang kilabot na nararamdaman nang dahil sa di kaaya-ayang katahimikan.
Gumaan ang pakiramdam ng guro nang tuluyan siyang makapasok sa kanyang kotse. Matapos mai-lock ang pintuan ay agad siyang nagsuot ng seatbelt.
Wariy hindi komportable ang guro sa kanyang itsura kayat bahagya siyang tumingala at ibinaba ang salamin mula sa itaas ng driver's seat. Ngunit imbes na mukha niya ang kanyang makita sa salamin ay laking gulat niya nang makita ang isang taong gumalaw sa backseat.
Hindi na nakapalag pa ang guro nang bigla na lamang siyang sinunggaban ng misteryosong tao na kanina pa pala naghihintay sa kanya sa loob ng sasakyan upang iparamdam sa kanya ang impyerno.
Biglang ipinulupot ng salarin ang isang sinturon sa leeg ng guro at agad itong hinigpitan upang hindi makasigaw o makagawa ng ano mang ingay ang guro.
Ubo ng ubo ang guro at pilit na tinatanggal ang pagkakasakal sa kanya ng sinturon.
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang salarin at bigla na lamang isinaksak sa naka-ngangang bibig ng guro ang napakatalim at nakatikom pang grass-cutter. Wari'y masyado yatang nalakasan ng salarin ang pagsaksak ng grass-cutter sa bibig nito kayat hindi na naiwasan pang mapunit ang bibig ng guro at masaksak ang kanyang ulo.
Napakaraming dugo ang lumalabas mula sa ulo't bibig ng guro. Nagkaroon ng napakalaking wakwak ang mukha nito, kitang-kita ang pagkalaglag ng kanyang mga ngipin sa sahig at ang kanyang mga laman. Tumitirik na ang mga mata nito at bahagyang nanginginig na ang katawan tanda na malapit na itong mawalan ng buhay.
"Walang sino man ang pwedeng pumahiya kay Fara ko" mahinang bulong ng salarin at dahan-dahang tinanggal ang grass cutter sa mukha nang ngayoy walang buhay ng si Ms. beth.
END OF CHAPTER FOUR.
- - - - - - - - - - -
Ahihihihi, I missed writing death scenes. hahaha.
Thank you for reading!
Vote and Comment ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro