Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30 : I really am in Zugzwang

Yohan / Hannah's POV

Para akong isang bangkay na naglalakad habang pinapanood ang pagkaladkad ni Clark sa walang malay at duguang si Damon. Nanginginig ang mga kamay ko habang ang mga mata ko naman, kahit na anong pilit kong gawin, hindi ko parin napipigilan ang luha ko.

Kailangan ba talagang umabot sa ganito?

Gusto ko lang naman magantihan si Jarrel at ang mga taong gaya niya pero bakit ganun? Pati mga inosenteng tao nadadamay....

Nakatunganga lang ako habang ipinapasok ni Clark si Damon sa pinakababang kwarto ng yate. Ipinwesto niya sa sahig si Damon at sapilitang ipinanahawak dito ang baril, kutsilyo at iba pang mga bagay upang malagyan ng mga finger prints niya nang sa gunun si Damon ang ituturo ng lahat ng ebidensya bilang may gawa ng krimen.

"Yohan are you okay?" Tanong ni Clark sa akin na mistulang nag-alala.

Nakatayo lang ako malapit sa pintuang nakasara. Napailing-iling ako. "Im not and I doubt if i'll ever be" mahinang bulong ko at tuluyan ng napahagulgol.

Dali-daling lumapit si Clark sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Gaya ng dati nag-aalala parin siya sa akin. "Hannah you have nothing to worry about okay? Wala na yung mga taong sumira ng buhay natin at pakatapos ng gabing to Sina Reese at Damon ang makukulong. Pwede na nating itigil ang pagpapanggap, Lalayo tayo sa lugar nato at magsisimula tayo ulit" Pagpapakalma niya sa akin pero kahit na anong salita ang gawin niya, hinding-hindi ako mapapanatag. The guilt is killing me. Biglang idinikit ni Clark ang noo niya sa noo ko. Laking gulat ko nang bigla niya akong hinalikan sa labi. Dali-dali akong napaatras sabay tulak sa kanya palayo. Gulat ako sa ginawa niya ngunit nakita ko rin ang gulat sa mukha niya nang itinulak ko siya.

"C-clark?" mahinang bulong ko habang nakakunot ang noo ko.

"Hannah I love you." Laking gulat ko nang bigla niya itong sinabi sa akin. Tiningnan niya ako sa mga mata na para bang nagsusumamo. "I always have loved you. After this, You and I will be happy together okay? Kakalimutan natin ang lahat ng alaala ng nakaraan tutal wala na yung mga nang-api sa atin" Akmang lalapitan niya ulit ako upang hagkan ngunit napaatras na ako ng bahagya.

"B-but Kate...you loved Kate, youre even doing this for her" Mautal-utal kong saad.

Hindi ako makapaniwala na sinabi ni Clark. Oo ramdam ko yung care at pagmamahal niya pero akala ko bilang kapatid o kaibigan lang yun...

"I was until I fell for you, Youre the reason why I kept going Hannah. Nang mamatay si Kate ay parang namatay narin ako pero nagbago ang lahat nang yun dahil sayo. I promised myself na kahit na anong mangyari pagbabayarin ko parin ang mga gumawa nun kay Kate, pagbabayarin ko rin yung umapi sayo..."

Nasapo ko nalang ang ulo ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Mahal ko si Clark ngunit bilang kapatid. May mahal ako ngayon ngunit ito ay si Damon.....

"Clark you dont know what your saying..." yun lamang ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

"But I know how I feel" Wika naman ni Clark at hinawakan ang kamay ko. 

Narinig kong bahagyang umungol si Damon kayat agad akong napatingin sa direksyon niya. Unti-unti na pala siyang nagigising.

"Siya ba ang dahilan?" biglang saad ni Clark habang nakatingin sa kawalan ngunit naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. "Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako magawang mahalin?!" Galit na galit niyang sigaw habang nanlilisik ang mga mata kayat mas lalo akong natakot.

"Clark...Clark youre scaring me" Iyak ko.

Binitawan niya ako at laking gulat ko nang bigla niyang nilapitan si Damon. Marahas niyang hinila ang ulo nito at itinutok sa sentido nito ang baril. "Putangina bitiwan mo akong baliw ka!" Damon screamed as he gritted his teeth. Napatingin sa direksyon ko si Damon at saglit na nagtama ang mga tingin namin. 

Napahagulgol ako "Damon Im sorry"  Yun na lamang ang lumabas sa bibig ko.

Alam ko imposibleng mapatawad ako ni Damon, sigurado akong galit siya sa akin ngunit laking gulat ko dahil isang ngiti ang naging tugon niya sa akin.

Hindi ko alam ang totoo niyang pangalan, Wala akong alam tungkol sa kanya pero isang bagay lang ang nasisigurado ko, Mahal ko siya...

"Before you kill me" saglit na napalunok si Damon at nakita kong unti-unting lumabas ang luha mula sa mga mata niya. "P-please make sure that you'll still pay me Clark, Kailangan parin ng pamilya ko ang pera, My sister needs to live" dagdag pa nito kayat mas lalo akong naiyak. "And Yohan o kahit na ano man ang pangalan mo, Mahal kita"

Ayoko na....

How can you play a game knowing every move you make is a mistake?

 

As a kid, Ive always been afraid of the monster that might be inside my closet.

But now i have come to realize that the real monsters are within ourselves....

 Jarrel made me a monster...

Chase's mom made him a monster....

What happened to Kate made clark a monster...

Siguro nga walang taong ipinapanganak na masama, Sadyang nagbabago lang ang tao, Change for the worst kumbaga.

Alex, Clark and I ; We made a game, we made a Pact but now i found myself, In Zugzwang....

Zugzwang nga talaga kasi kahit na anong gawin ko, Sa huli walang magandang mangyayari. Sa huli wala, impyerno parin ang kahahantungan ko kaso wala akong ibang masisisi ang sarili ko kasi pinili ko ang buhay nato. Nabulag ako ng matinding galit. Inakala kong paghihiganti ang makakapagpabuti ng buhay ko kaso hindi, May mga inosenteng nadadamay.

Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko kay Jarrel. Hindi ako hipokrito, hindi ako magpapaka-santa. She really got what she deserved. The hell, Nagbago ako ng pangalan at apelyido kaso hindi man lang niya ako tinanong tungkol dito. Through the years she knew me as Hannah Rodriguez kaso nang mag-college kami hindi man lang niya ako tinanong kung bakit nabago ang pangalan at apelyido ko. All she ever cared about was my status in life. 

Pero ibang usapan tungkol kay Zianne at Damon. Zianne was just like Hannah, the old me. She's innocent and naive. Samantalang si Damon... Noon akala ko gago talaga siya kaso tuluyang nagbago pananaw ko sa kanya nang malaman ko ang tungkol sa kapatid niya.

Makakaya kong gumawa ng masama sa mga taong masasama kaso hindi ko kayang gumawa ng masasama sa mga taong walang kasalanan....

Kung tutulungan ko sina Zianne, mawawala sa akin sina Clark at Alex sa akin at ayokong mangyari yun kasi simula't-sapul sila yung mga taong nagbigay sa akin ng pag-asang mabuhay. Malaki ang utang na loob ko sa kanila. At kung hahayaan ko namang may mangyari kay Zianne o Damon, hindi kakayanin ng konsensya ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero either way Sirang-sira na ang buhay ko. Hindi na ako yung dating Hannah na inosente at bulag sa lahat ng bagay.

Kahit na anong gawin ko alam kong sa huli iiyak lang ako at masasaktan.

Pwede kong sisihin si Jarrel at ang iba pa kaso alam ko sa sarili kong kasalanan ko parin to...

Kung sana nalaman ko lang noon na aabot sa ganito ang lahat, sana naging mas malakas at matapang nalang ako sa buhay at sana....sana hindi ako pumayag sa alok ni Alex na maghiganti sa mga taong mapang-api....

Huminga ako ng malalim at agad na pinunasan ang luha sa mga mata ko. Nakapagdesisyon na ako.

"Damon pinapangako ko sayo, your sister will live. Mamamatay ka pero sinisigurado ko, matatanggap ng pamilya mo ang perang ipinangako ni Clark. T-triplehin ko yun since mayaman ang totoo kong pamilya." I said in a cold tone. "Your life wont go to waste."

Napatingin ako kay Clark na kasalukuyan paring itinututok kay Damon ang baril.

"Give me the gun, ako na ang papatay sa kanya" Seryoso kong saad. Ilang sandali kaming nagtitigan ni Clark hanggang sa inilayo na niya ang baril mula sa ulo ni Damon. Marahas niya itong tinadyakan so Damon once again curled up in the floor trembling with pain.

Lumapit sa akin si Clark kayat inilahad ko ang kamay ko sa kanya upang makuha ang baril. Nakatingin lang ako sa palad ko, hinihintay na iabot niya ito sa akin. Ilang sandali akong naghintay ngunit wala siyang inabot sa aking baril. Iniangat ko ang ulo ko at muli kaming nagtitigan.

"Ganun na ba katanga ang tingin mo sa akin?" Mahinang bulong ni Clark.

Agad nakunot ang noo ko. "A-anong ibig mong sabihin?" mautal-utal kong saad "Just give me the gun!" Sigaw ko na lamang upang maitago ang panginginig ng boses ko.

"Mas pinipili mo ang putanginang kakakilala mo lang kesa sa amin ni Alexander?! Hannah ganun mo ba talaga ka-mahal ang Damon na yan para talikuran kami?!!" Sigaw ni Clark sa akin.

Napangiti ako na may halong pait. Muling tumutulo ang luha ko. Napatingin ako sa direksyon ni Damon. There's no use denying, siguro nga nahalata na ni Clark ang plano ko. Dahan-dahan nalang akong tumango habang nakatingin sa direksyon ni Damon. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Damon. "Mahal ko ang gagong yan" Sambit ko.

Hinawakan ni Clark ang magkabila kong braso at niyugyog ako. "Hannah paano ako?! Hannah mahal na mahal kita alam mo ba yun?!" Galit niyang sigaw. 

"I- I love you Clark...As a friend..." Agad kong hinawakan ang magkabila niyang pisngi. "C-clark s-sumuko nalang tayo sa mga pulis. Hindi ko nakaya" Iyak ko.

Napayuko si Clark at idinikit niya ang noo niya sa noo ko. Napapikit ako. "Clark, im so sorry" Mahinang bulong ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko ngunit laking gulat ko nang tumambad sa akin ang nakakatakot na mga mata ni Clark. Kitang-kita ko ang nag-aapoy na galit sa kanyang mga mata. Pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko, hindi ako makapagsalita. Hindi na siya yung Clark na kaibigan ko.

Laking gulat ko nang bigla niya akong inikot. Next thing I know nakapulupot na ang braso niya sa leeg ko.

- - - - - - - - - - -

[ Play the song on the multimedia box]

Third Person's POV

Nanlaki ang mga ni Damon nang makitang hawak-hawak na ni Clark sa leeg si Yohan. Gulat ang naka-rehistro sa mukha ng dalawa ngunit kay Clark, wala kang ibang makikita kundi malaking galit kasabay ng luhang tumutulo mula sa mga mata niya.

"I love you Damon" Yohan mouthed the words as she slowly closed her eyes out of fear.

"C-clark bitawan mo siya!" Sigaw ng sigaw si Damon. Gusto niyang tumayo ngunit hindi niya magawa. "Clark wag mo siyang sasaktan!"

Napangisi lamang si Clark. "Akin lang si Yohan at habang buhay kaming magkakasama hanggang sa kabilang buhay" Makabuluhang saad ni Clark at idinikit ang kanyang ulo kay Yohan.

Dahan-dahang iniangat ni Clark ang kaliwa niyang kamay na may hawak ng baril at itinutok ito sa kanyang sentido.

"CLARK WAG!" Napakalakas na sigaw ni Damon

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw.

Kaagad na bumagsak sa sahig sina Yohan at Clark.

"YOHAAAAAN!" Sigaw ni Damon habang humahagulgol, Hindi siya lubos makapaniwala sa nangyari. Dali-dali siyang gumapang papunta sa kinaroroonan ni Yohan. Dali-dali niyang niyakap ang duguan at halos wala ng buhay na katawan ni Yohan. May tama ng baril sa kanyang ulo si Yohan dahil tumagos ang bala mula kay Clark hanggang sa kanya.

Dali-daling inihiga siya ni Damon sa kanyang bisig. "Yohan! Yohan!" Patuloy na sigaw ni Damon. Unti-unting kumurba ang isang matamis na ngiti sa mukha ni Yohan ngunit tuluyan narin itong nawakasan ng buhay.

"Gising...Yohan gising...Yohan gumising ka!" Iyak ni Damon habang tinatapik ang ang pisngi ni Yohan ngunit balewala. Tuluyan na itong nalagutan ng hininga gaya ni Clark.

END OF CHAPTER 30

- - - - - - - - - -- 

Author's Note :

Yes it is possible to die the way Clark and Yohan did. Idinikit kasi ni Clark ang ulo niya sa ulo ni Yohan kaya ganun tumagos ang bala. Patay na talaga sila. 

The reason why Hannah reacted that way in Chapter 27 ay dahil nga nakokonsensya siya kasi nalaman niyang Good pala si Damon kasi nagpapanggap siya for the sake ng kapatid niyang may sa sakit. 

Yohan always calls Damon looks like an idiot at ang rason nun ay dahil nga alam ni Yohan na nagmumukha lang tanga si Damon kasi balewala ang pagpapanggap niya. Basta may mga word clues na nagkalat pero siyempre may mga scenarios din na panggulo,siyempre mystery eh. hahahahahahah XDD

Maraming salamat talaga sa inyong lahat na hanggang ngayon ay nagbabasa parin. Malapit ng matapos ang pact series, konting push nalang. Labyu guys! ♥

Ps, tambay tayo facebook add niyo ako. wahahahahaha XDD

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro