Chapter 29 : Family Ties Part 1
Robbie's POV
Nakaharap lang ako sa vending machine habang sumisipsip ng mainit na kape. Niluwagan ko ng kaunti ang kurbata ko at inisandal nalang ang ulo ko sa salamin. Nakakainis, Nalilito na ako sa kaso.
"Detective Chen?" Narinig kong tinawag ako ng pulis kayat agad akong umayos.
"Reese Marion Romano-Sanchez's lab results are here. Grabe! Haba pala ng pangalan ng lalaking to! Positive po pala siya sa test at may nahanap kaming trace ng hallucinogens sa system niya." Balita sa akin ng bagitong pulis kayat tumango nalang ako at nagpasalamat. Okay so kumpirmado ngang inosente tong binatilyong to. Hanep, nag-level up na pala ang spraypaint nila ngayon. Imbes na pampatulog dinagdagan pa nila ng hallucinogens; Ang drogang nagdadala ng hallucinations. Aalis na sana ako ngunit biglang bumalik yung detective. "Muntik ko nang makalimutan, Sa skwelahan kung saan nag-aaral ang mga biktima ay nagkaroon din ng pagpatay, yung pangalan ng biktima ay isang guro, Frank Torrevalo ang pangalan. Pamilyar po diba?" Wika pa niya.
Teka... Frank Torrevalo?
"Finnley Torrevalo" mahinang bulong ko.
Tumango yung bagitong pulis. "Binggo! Magpinsan po ang dalawa, Diba po ilang taon ng wanted yung Finnley? Eh kasi chineck namin yung files at may nakita kaming kamukha niya sa mga temporary employees. Sige ho mauna na ako" Paalam nung pulis at agad na binigay sa akin ang resume ng isang lalaking nagngangalang Jeffrey...
Nanlaki ang mga mata ko.
Unti-unti ko ng naipagtatagpi-tagpi ang mga tuldok sa misteryong to.
Napabuntong hininga nalang ako at agad na nilagok ang natitirang kape sa baso ko pagkuway agad itong initsa sa basurahan.
Bigla akong may naramdamang humihila sa pantalon ko "Tito gurang! Tito guwang!" At gaya ng inaasahan naririnig ko naman ang nakakainis niyang tawa sa akin.
Napakamot nalang ako sa ulo ko, "Hoy kutong lupa wag mo akong tatawaging gurang, cant you see that im hotter than hell?!" Wika ko at bahagyang yumuko upang maging magkalebel kami ni Damon; Ang anak nila Natalie at Pula.
Napailing-iling siya at napangiti ng nakakaloko. As usual nasa mood na naman ang batang tong mangulit.
"You look like a monkey already! have some lollipop!" Masigla at bulol niyang wika niya at ipinasok sa bibig ko ang lollipop na may wrapper pa. Jusko! Bakit ko ba natatagalan ang batang to?!
"Your dad is the monkey" pang-aasar ko sa kanya at agad na binalatan ang lollipop.
Tumawa lang siya at napailing-iling. "He's not a monkey! Mama Natnat said Papa P is a gorilla!" Sagot nito at napahagikgik. Ay oo nga pala, Natatagalan ko ang pagbe-babysit sa batang to kasi nakakaliw siya at napaka-cute pa. Agad kong ginulo ang buhok niya. Kahit kailan nakakaaliw talaga ang kutong lupang to.
Nasa bakasyon pa yung mag-asawa, masyado kasi silang stressed. Sina Mack at Peter naman busy daw kasama ang isa't-isa. Ang busy naman din kasi ng dalawang yun, Parati silang di nagkakasama dahil sa trabaho kayat heto ako nalang ang nag-volunteer kahit may trabaho rin ako. Naks ang bait ko talaga!
I saw him yawn kayat agad ko na siyang kinarga. Inaantok nato panigurado.
"Teka saan ka ba nagsusuot? Bat inaantok ka?" tanong ko at agad na pinunasan ang pawis sa likod niya gamit ang panyong ipinadala sa akin nila Nate.
"I helped ugly" Tipid niyang sagot at agad na isinandal ang ulo niya sa balikat ko tanda na inaantok na nga siya.
"Punta muna tayo ng hospital ha? May dadaanan kasi dun si tito, okay lang sayo?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya.
- - - - - - - -
"Hoy Robbie asan anak ko? Pakausap naman oh! Wag mo ngang solohin yung anak namin!" - Red
"Oo nga! Oo nga! Pag yang baby ko nagalusan humanda ka talaga!" - Nate
Kung hindi ako nagd-drive marahil tinakpan ko na tong tenga ko dahil sa lakas ng boses ng mag-asawang to. Sinagot ko na yung tawag nila, baka kasi nag-aalala na talaga siya sa anak niya.
"Tulog yung anak niyo. Wag kayong mag-alala may Dinaanan lang ako dito, pagkatapos nito balik agad kami sa manila. Choppy ka red Ma--kkkk---maya---kkk--mamaya nalang!" Saad ko habang pinipeke ang pagiging choppy ng reception. Mahal ko pa ang tenga ko eh.
Nang makarating kami sa hospital ay agad kong tiningnan ang police report.
It says here ang isinugod sa hospital nato ay sina Anika Olivio, Gavin Geraldino, Ashley Hipolito, Noah Cortez, Zianne Serrano pero bakit ganun sabi sa police report walo silang isinugod dito pero nasaan yung apat na pangalan? Teka Zianne Serrano, bakit parang napakapamilyar ng pangalang yan? Parang narinig ko na...
Biglang nagising si Damon kayat ibinaba ko na siya sa sahig upang maglakad. Magkahawak kami ng kamay kayat bawat taong nadadaanan namin ngumingiti at nagsasabing cute daw kami pero ang nakakainis akala nila Anak ko siya. Langya di ko siya anak! Kanina pa to sa police station, nakakasawa na!
Nag-aalala akong baka may marinig si Damon na di kaaya-aya tungkol sa kaso, after all bata lang siya. Nilibot ko ang aking paningin at naghanap ng mapagkakatiwalaan na pag-iiwanan sa batang to.
Searching...
Searching...
Searching....
Ayun! Hot nurse spotted! Jackpot! hehehehe
Inayos ko ang necktie at buhok ko. Siyempre mahirap ng mapahiya sa harap ng babae.
I flaunt my sweetest smile and charming eyes. "Uhm miss" Tawag ko sa nurse.
"Ano pong maitutulong ko?" Tanong sa akin ng nurse at nag-smile rin siya sa akin, Konti lang. Dumako yung tingin niya kay Damon. "Hi baby boy!" Masigla niyang bati kay kutong lupa gamit ang maliit na boses. Nyeta inaagaw ng batang to ang atensyon huhuhu! Unfair!
"Hello lady!" Bati naman ni Damon sabay kaway kayat di napigilan nung nurse na pisilin ang pisngi niya.
Tiningnan ko ang nametag nung nurse, Alyssa.
"Uhm Alyssa right? Pretty name, Pretty face" I smirked.
"Yeah, whatever" Tipid niyang tugon at bahagya akong tinaasan ng kilay at napa-smirk din. Whoa! Is she playing hard-to-get?
Napailing-iling nalang ako sabay tawa "Im Robbie Chen...Detective Robbie Chen, pwede bang pakibantayan muna siya sandali? Medyo pribado kasi yung sadya ko dito alam mo naman, bata lang siya hehe" Malambing kong saad sabay pa-cute ngunit ngumiti lang siya at tumango. Nyeta! Di ba siya kinilig sa charms ko?! T_T
"Baggage counter ganun? oh well since cute naman ang batang to, Ako nalang pong bahala sa anak niyo" Wika niya at agad na hinawakan ng kamay ni Damon.
Bahagya akong tumawa upang di mapahiya. "Nga pala, Di ko siya anak at Wala akong anak, Im still single and very very available" I winked at her
"WEH DI NGA?!" Biglang sigaw nung Nurse Alyssa na parang di makapaniwala habang tumatawa.
Napayuko nalang ako sabay buntong hininga. "Mukha na ba talaga akong tatay?!" asik ko
"Gusto mo ba talagang sagutin ko yan?" Sarcastic na saad ni Alyssa habang nakangiti ng nakakaloko. Shit naman, ang alaskador naman ng chick nato!
"Number mo nalang, hehehe" Wika ko sabay labas ng cellphone ko.
"Youre cute but sorry im not interested." Sabi niya sabay karga kay Damon, samantalang ang kutong lupang batang anak ng posporo, Binelatan lang ako. huhuhuhu.
Pero teka! Yung pakay ko nga pala. "Alyssa sandali!" sigaw ko kayat agad siyang napalingon.
"Yung mga isinugod ditong survivers sa massacre? Nasaan sila?" Tanong ko.
Bahagyang nakunot ang noo niya "Ah yun, ah eh yun nga rin ang pinagtataka namin maging ng mga pulis. Bigla kasi silang nawala, yung si Ms. Anika Olivio yung natira" Paliwanag ni Nurse Alyssa.
Shit! Saan ba sila nagpunta?!
"Anika Olivio, I need her room number"
Bahagya siyang napailing-iling. "I doubt na may makukuha kang information galing sa kanya, She's on coma" Nasapo ko na lamang ang ulo ko nang dahil sa sinabi ni Alyssa. Pag minamalas ka nga naman! "But if it helps, Isa ako sa mga unang rumesponde sa kanya and that time ay may kaunti pa siyang malay-tao."
My face lightened up abit. "Did she say anything?!" Aligaga kong tanong.
Nakunot ang noo ni Alyssa na para bang may pilit na inaalala. "When we were treating some of her wounds, she kept on mumbling something. Parang isang pangalan" Saglit siyang natahimik but seconds later she snapped her fingers. "Cla?--Clark? Oo nga! Clark Adriano! Paulit-ulit niya yung binabanggit!"
Clark Adriano?
Nyeta bat nasali dito ang future anak nila Pula? Coincidence nga naman.
Agad nakunot ang noo ko. "Sinong clark?"
"Im not sure but kanina parang may kasama silang isa pang Clark na survivor din?" Alyssa
Tumango na lamang ako. Magpapasalamat na sana ako sa kanya nang bigla na lamang umalingawngaw ang napakalakas na sigawan.
"SIR BITAWAN MO YANG SCALPEL! SIR!" Mga doktor yata yung sumisigaw. Teka anong nangyayari?!
Inilabas ko ang baril ko at dali-daling tumakbo patungo sa pinanggagalingan ng sigawan. Malayo pa lang ay mas lumalakas na ang naririnig kong sigawan.
"LUMAYO KAYO! KAILANGAN KONG UMALIS DITO! KAILANGAN KO SILANG MABALAAN! WAAAAA! UTANG NA LOOB TAWAGAN NIYO ANG MGA KAIBIGAN KO! WAAAA! AYOKONG MAKATULOG!"
Nanlaki ang mga mata ko.
Kilala ko ang boses na yun!
- - - - - - - - - - - - --
Zianne's POV
Nakaluhod lang kaming tatlo nila Gavin at Damon habang nakapalibot sa amin ang tatlong inakala naming kaibigan na nagbabalat-kayo lang pala. Pilit kong pinipigilan ang luha ko ngunit di ko talaga kaya, Napakasakit kasing malaman na all this time mga halimaw pala sila.
"Hannah, Zianne's a pawn she has to be here." Wika ni Clark kayat napapikit nalang ako dahil hindi ko na kayang makipagtitigan pa sa mga mata ni Yohan.
"But we talked about this! Hindi natin isasali si Zianne!" Sigaw ni Yohan kayat bahagya akong napadilat. Mamamatay tao siya pero bakit niya ako ipinagtatanggol?
Nagkatinginan kami ng bahagya nila Damon.
"No cant do Hannah" kaswal na sambit ni Chase at laking gulat ko nang lumapit siya sa akin at marahas na hinigit ang buhok ko. Napatili ako sasakit, maging sina Damon din at Gavin ay napasigaw kay Chase na layuan ako.
"Chase let go of her! She has nothing to do with this! She's not one of them! Hindi siya kagaya ng iba na makasalanan!" Muling sigaw ni Yohan at akmang lumapit sa amin ngunit agad siyang hinila ni Clark.
Itinulak ako ni Chase sa sahig kayat napahagulgol nalang ako. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari.
"Nagbayad na ang mga makasalanan, tapusin na natin to!" Yohan
"Pinatay mo lang si Jarrel, Nagbago ka na. Ano ka ba Hannah! Tayo yung mas matagal ng magkaibigan kumpara sa kanila! Dapat sa amin ka kakampi!" Sigaw ni Chase na galit na galit.
Napahawak nalang ako sa bibig ko, Hindi ako makapaniwalang nakagawa ng ganun si Yohan.
All this time, binabalaan niya ako tungkol sa mga masasamang tao when in fact siya lang pala yun.
Parati niyang sinasabi sa akin na dapat wala akong pagkatiwalaan, Kasama pala siya dun.
"Wait so all of this is because of revenge?!" Biglang sigaw ni Gavin at walang katakot-takot na tumayo at napaatras.
"Gavin lumuhod ka dito!" agad na sita ni Damon kay Gavin sa takot na baka saktan siya nila Clark.
Napailing-iling lang si Gavin na halatang inis na inis na "Hindi! Ayoko! Mga tangina kayo! Gusto ko lang kumain at matulog kaso isasali niyo lang pala ako sa kabaliwan niyo! Eh mga engot pala kayo eh! Ngayon lang kaya tayo nagkakilala! Bat niyo ako ida--------"
Napatili ako sa takot at gulat. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, ganun din si Damon.
Bigla kasing umalingawngaw ang isang napakalakas na putok ng baril at ang kasunod noy pagkaglag ni Gavin sa napakadilim at napakalawak na dagat. As he fell we heard a loud splash.
Napalingon ako kung saan nanggaling ang putok na yun at nakita ko si Clark na may hawak na baril na umuusok pa. "Sensya masyado siyang maingay" Sabi nito sabay ngisi.
"GAVIN!" Sigaw ni Damon at dali-daling dumungaw sa dagat. Maging akoy tumakbo narin sa railings ng deck. Gabi na kayat halos wala kaming makita sa baba.
"GAVIN! GAVIN!" Patuloy lang kami sa pagsigaw ngunit balewala kayat nanlumo kami.
"Sayang di man lang narinig ni Boy laway ang totoong pagpapakilala namin." Napalingon kami ni Damon sa kanila "Nga pala, Ako si Alexander Romano, Siya si Clark Hamilton at siya naman si Hannah Rodriguez" Wika ni Chase sabay tanggal ng baseball cap niya.
Naguguluhan ako, bakit sila nag-iba ng pangalan?
pero teka Romano?
Sa pagkakaalam ko mula sa pangfa-facebook stalk, Middle name ni Reese ang Romano.
"K-kaano ano mo si Reese" Mautal-utal kong saad habang pilit na pinipigilan ang luha ko.
Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Chase. Muli niya akong sinamaan ng tingin at nakita ko ang pagkagat niya sa labi niya tanda ng matinding galit. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin kayat agad akong hinila ni Damon at pinatayo sa likuran niya. Nanginginig akong nagtago sa likuran ni Damon samantalang si Damon naman ay taas noong nakipagpalitan ng masasamang tingin kay Chase.
Gaya ko natatakot rin si Damon ngunit pinipilit niya lang magpakatatag.
"PFFFFFT! HAHAHAHAHAHAHAHAHA" Laking gulat namin nang tumawa si Chase.
"Nababaliw ka na" Mahinang bulong ni Damon kasabay ng pagkunot ng noo niya.
Biglang may kumalansing "Mamamatay ka na" Mahinang bulong naman ni Chase at itinutok sa sikmura ni Damon ang cross bow.
"CHASE DONT HURT HIM!" Laking gulat namin nang muling sumigaw si Yohan.
"Kill joy" mahinang bulong naman ni Chase at binaba ang cross bow.
"Well to answer your question Zianne, Yes. Unfortunately ako ang half brother ng may putanginang si Reese. Puta ang ina namin, literally. hahahah" Chase
Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman.
Alam rin kaya ni Reese na magkapatid sila?
"Hindi magsusumbong sina Zianne at Damon! Guys lets just leave them alone! Reese is already in Jail we can get away with this! Jarrel and the others deserve to perish and die a violent death pero sila hindi sila makasalanan!" Muling sigaw ni Yohan este Hannah kayat hindi ko magawang magalit sa kanya. She still cares for me like she always does pero ngayon takot lang ang nararamdaman ko sa kanya.
"Hannah wag ka ng makialam! Matagal na nating pinlano to! Sa dami ng paghihirap natin basta-basta ka nalang bang titiklop? Hannah Ako at si Chase ang totoong kaibigan mo! Yang si Zianne nasisigurado mo bang hindi ka niya tatraydurin?! Yang si Damon nasisigurado mo bang hindi ka niya lolokohin?! Kasi kami hinding-hindi namin yan gagawin sayo! Ako, ako yung t-totoong nagmamahal sayo" Sigaw naman ni Clark kayat napayuko nalang si Yohan.
Laking gulat ko nang bigla na lamang hinablot ni Chase ng marahas ang buhok ko at kinaladkad ako. Sinubukan akong tulungan ni Damon ngunit tinutukan siya ni Clark ng baril.
"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako! Yohan! Yohan tulungan mo ako!" Sigaw ako ng sigaw habang kinakaladkad ako ni Chase. Nakatingin lang ako sa direksyon ni Yohan sa pag-asang tutulungan niya ako ngunit napailing-iling lang siya at napayuko habang umiiyak. "Yohanna! Yohanna!” Napahagulgol nalang ako sa takot.
END OF CHAPTER 29 PART 1
- - - - - - - - - - -
Thank you pala sa lahat ng nagparticipate sa Round 2 ng Facebook game sa SerialGroup Page! Alyssa's cameo appearance was the prize ^_^
Thanks for reading!
Vote and Comment ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro