Chapter 28 : You Better Run
Zianne’s POV
Nakatingala lang ako sa kisame habang nakahiga. Hindi ako kompratableng marinig ang mga alon mula sa labas, kung ano-anong pumapasok sa isip ko; Natatakot akong biglang lumubog tong yate o di kaya may shark gaya dun sa mga pelikulang pinapanood namin ni Kuya noon. Medyo nahihilo na ako kayat tumayo na lamang ako upang kunin ang maliit na trash can just in case masuka ako.
Nasa ilalim ng study table na natambakan ng mga libro ang trash kayat nang kinuha ko nito aksidenteng nalaglag sa sahig ang mga libro.
“Tokneneng kayong mga libro” mahinang bulong ko at muling humiga.
Wala akong balak na pulutin ang mga librong nalaglag. Ang mga libro ang tangang nalaglag at hindi ako kayat sila na ang pumulot sa kanilang mga sarili. Tamad mode ako ngayon.
Muli akong nakipagtitigan sa kisame. Nakakainis, Mayat-mayang bumabalik sa isipan ko si Reese at ang mga sinabi niya. May nararamdaman ako sa lokong yun, ngunit gustuhin ko mang maniwalang inosente siya natatakot parin ako sa posibilidad na baka tama nga sila. May mga bagay akong nakalimutan sa labis na takot at ngayon lang ito naaalala....
Naalala ko nung oras na nagtatago ako sa loob ng cabinet; Matapos kong mapagtantong wala na Ike ay pumikit nalang ako upang mapigilan ang paglabas ng hikbi ko sa takot na matagpuan ako ng killer. Naghintay ako ng ilang sandali at muling idinilat ang mga mata ko, muli akong sumilip sa crack ng aparador at labis akong natakot nang makitang nakatingin sa direksyon ko ang salarin. Hindi ko nakikita ang mukha niyang natatakpan ng maskara ngunit alam kong nakatingin siya sa akin. Buong akala koy katapusan ko na ngunit nagulat ako kasi imbes na lapitan ako, Itinaas lang niya ang hintuturo niya at inilagay ito sa pagitan ng kanyang labi na para bang pinapatahimik ako. Matapos nun wala akong ibang ginawa kundi pumikit nalang at magdasal.
Hindi kaya si Reese talaga yung killer?
Hindi niya ako pinatay kasi he's the Reese who cares for me.
Tumagilid na lamang ako mula sa pagkakahiga. Aish! Zianne stop thinking about the past! Tinatakot mo lang lalo ang sarili mo!
Napabuntong hininga na lamang ako at Unti-unti kong ipinipikit ang mga mata ko ngunit biglang nakuha ng atensyon ko ang isang libro.
Gumapang ako papunta dito at pinulot ito.
“Faces of Evil, Written by Robbie Chen” basa ko sa nakasulat. Teka Robbie Chen? Base sa pagkakatanda ko ito ang tatay ni Chase ah?
Binuklat ko ang libro at ang mga pahina nito at napansin kong punong-puno ito ng mga vandals at highlights na para bang may nag-aaral dito at nagte-take notes. Wow ha? Kina-career ang pagbabasa?
Natigil ako sa pagbubuklat dahil sa mga litratong nakaipit dito.
“Shet so pogi”mahinang bulong ko nang makita ko ang picture ng isang lalaking singkit. Medyo chubby yung cheeks niya pero napaka-macho parin niya. Kasama niya sa litrato ang isang lalaking may Pulang buhok na skinhead style. Di ko maiwasang matawa dahil dun sa lalaking may pulang buhok mukha kasi siyang isang posporong nagkatawang tao. Yung pangatlo namang lalaki sa litrato, Kung makangiti labas lahat ng gilagid.
Ibababa ko na sana ang libro nang mapansin ko ang nakasulat sa pinakaunang pahina ng libro. Isang dedication at pirma.
Enjoy reading and Always remember, Everything happens for a reason.
Ps, Sa susunod wag ka ng mag-gate crash sa mga kasal.
- Robbie oh so pogi
“Tulong! Tulong!”
Sa gulat koy agad akong napatayo nang makarinig ako ng tili. Sigurado akong boses yun ni Ashley! Teka bakit andito din sila?
Dali-dali kong binuksan ang pinto at laking gulat ko nang dumaan sa harapan ko ang tumatakbong si Ashley, Duguan ang damit na suot niya. Para siyang hanging dumaan, di man lang ako pinansin.
Humakbang ako palabas ng kwarto.
"Ashley sandali anong nangya--------"
Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko nang mapagtantong may humahabol sa kanya, at ito ay nakasuot ng isang tigre. Pakiramdam koy nanuyo ang laway ko at nanigas ang tuhod ko. Takot na takot ako nang makita siya. i..ibig bang sabihin nito? May pangatlong salarin maliban kay Reese at Belle?
"Zianne Takbo!" Napakabilis ng pangyayari, naramdaman ko nalang na hinihila ako ni Ashley hanggang tumatakbo na kami sa paliko-liko at masikip na pasilyo ng yate.
Lumiko kami sa isa pang pasilyo ng yate at labis kaming natakot kasi dead end na. Wala na kaming ibang mapupuntahan. Pumasok nalang kami sa isang kwartong nasa gilid lang namin.
Nang makapasok ay dali-dali naming pinatay ang ilaw ng kwarto at ini-lock ito sa takot na baka mahanap kami ng salarin. Tumayo ako upang maghanap ng daan palabas at di ako nabigo kasi nakita ko ang isang pabilog na bintanang patungo sa main deck ng yate at sa tingin koy kasya kami doon. Samantalang si Ashley ang umiiyak lang habang nakaupo sa likuran ng pintuan.
Oo takot na takot ako pero hindi ako tanga, gusto ko pang mabuhay kayat sinubukan kong buksan ang bintana sa abot ng aking makakaya.
"Shhh! Shhh!" Narinig kong sensyas ni Ashley kayat agad akong tumigil sa pagkilos at pinakinggan ang paligid.
Naririnig ko ang yabag ng kanyang mga paa. Nasa labas siya ng pintuan.
"♫You better run, Run, run, run, run♫"
Nakarinig kaming may kumakanta sa labas habang sumisipol. Nakikilala ko ang boses niya kayat naiyak nalang ako sa takot. Ibig bang sabihin nito isa rin siya sa pumapatay?
Alam kong mahahanap parin niya kami kayat muli ko nalang na sinubukang buksan ang bintana. Ilang sandali pay tuluyan ko itong nabuksan kayat dali-dali akong lumingon kay Ashley.
"Ash! Lets go!" Bulong ko ngunit tumingin lang siya sa direksyon ko.
Hindi ko siya masyadong maaninag kasi napakadilim kayat lumapit ako sa kanya upang tulungan siyang tumayo.
"Ash tuma--------" Nanlaki ang mga mata kot napahawak na lamang ako sa bibig ko. Kitang-kita ko ang pag-agos ng dugo mula sa bibig niya at kitang-kita ko rin ang dulo ng isang palaso na tumagos mula sa labas ng pintuan hanggang sa kanyang dibdib.
"Go" Ash mouthed the words kahit na hinang-hina kayat automatiko akong napahakbang paatras
"TAGOS-PUSO BA YUNG GINAWA KO?! HAHAHAHAHAHAHA" Napatili ako nang marinig ko ang sigaw niya mula sa labas, kasabay nun ang pagsipa niya sa pinto. Wala na si Ashley kayat kahit nanginginig ay dali-dali akong tumakbo papunta sa direksyon ng bintana.
"Zianne Takbo lang! Madadakip din kita!" Muli kong narinig ang sigaw niya kayat sa sobrang kilabot ay napatili ako.
"Mamatay ka na you son of a bitch!" Sigaw ko ngunit halakhak lang ang naging tugon niya.
Narinig kong umiikot ang doorknob,sinusubukan na niyang pumasok kayat dali-dali kong iniangat at inilusot ang katawan ko sa bintana.
Humahagulgol akong bumagsak sa sahig. Nandito ako sa deck ngunit walang ibang tao, Agad bumungad sa akin ang napakalamig na hangin at amoy ng dagat. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis dito, Nasa kalagitnaan kami ng dagat.
Tumakbo nalang ulit ako ngunit natigil ako kasi may nabangga ako, Si Gavin.
"Aray naman Zianne!" Sigaw niya sa akin na mistulang antok na antok.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Clark na sa lolo ni Gavin ang yateng ito. Maaaring isa rin siya sa kanila kayat dahan-dahan akong umaatras.
"Wag kang lumapit sa akin!" Banta ko sa kanya habang humahagulgol.
Nakunot ang noo ni Gavin at bahagya niya akong pinanlisikan ng mata. "As if naman lalapitan kita! Di kita type!" Sigaw ni Gavin sa akin.
teka ano daw?
"Hoy di pa ba tayo kakain? Alas-sais na ng gabi eh!" Agad kaming napalingon ni Gavin nang marinig ang boses ni Damon na may suot pang headset.
"Yun nga rin ang tanong ko eh, asan ba sila? Tong si Zianne naman nagd-drama pa!" Gavin
"Huh?" Tanong nito dahil di niya kami naririnig kayat agad niyang tinanggal ang headset niya "Anyare?" Muling Tanong ni Damon kayat napaatras din ako palayo sa kanya.
Isa-isa ko silang tiningnan, Hindi ko alam kung sino sa kanila ang pagkakatiwalaan ko. Natatakot ako, ayoko pang mamatay. Gusto ko pang makipag-ayos kay Kuya. Hindi pa ako pwedeng mamatay.
"Uy Chase!" Narinig kong sigaw ni Damon at turo sa likuran namin.
Naramdaman kong nagsitayuan ang balahibo ko sa takot at muli na namang nanginig ang mga kamay ko.
"Anyare Chase? Archer ka na ngayon? hahahaha!" Gavin.
Napalingon ako at nakita ko si Chase. Nakatayo siya sa likuran namin habang nakangisi, nakangisi sa akin habang hawak ang duguang crossbow. Naalala ko ang boses ng humahabol sa amin ni Ashley Kanina, Magkaboses na magkaboses sila. Shit....
Hindi alam ni Damon ang nangyayari sa amin nila Ashley kasi Nagsa-soundtrip siya ganun din si Gavin kasi natutulog siya. Isa lang ang ibig sabihin nito, Nasa panganib rin sila gaya ko.
"Guys..." mahinang bulong ko
"What?" Gavin.
"We have to get out of this place" Wika ko at bahagyang napaatras.
Humalakhak si Chase habang nakakunot ang noo. "Gusto mo ng umalis Zianne? Wag muna! Nasa kalagitnaan pa tayo ng laro eh. Alam niyo sa horror movies, Hinding-hindi bastang makakatakas ang mga biktima mula sa killer" Wika nito.
Naramdaman kong tumulo ang luha ko.
Napatingin sa akin si Damon "Zianne...whats happening" mahinang bulong nito na gaya koy napapaatras nadin.
"Chase, dugo ba yan?" Curious na tanong ni Gavin dito.
Bwisit ka Gavin! Baka ako makapatay sayo!
"Yup, Ashley's" walang kagatol-gatol nitong sagot sabay smirk.
Nanlaki ang mga mata ni Damon. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya ganun din kay Gavin. "Chase..... Where's Yohan?" Seryosong tanong ni Damon.
"Wag mo na ngang alalahanin ang babaeng yun, Alalahanin mo ang sarili mo" Wika ni Chase at itinutok sa amin ang crossbow na hawak niya.
Palakas ng palakas ang kabog sa dibdib ko.
Andami kong katanungan ngayon. Nag-aalala ako kung nasaan si Yohan at nag-aalala rin ako para sa buhay namin.
"Bro teka! chill! Peace tayo bro! wag mo yang itutok sa amin!" Sigaw ni Gavin habang itinataas nag dalawang kamay niya.
Sinubukan kong tumakbo ngunit laking gulat ko nang makita ko si Clark na nakatayo sa likuran namin. Gaya ni Chase ay naka-smirk rin siya habang nakabulsa ang kanyang dalawang kamay sa jacket niya. Teka wag mong sabihing......
"Clark?" mahinang bulong ko kayat napalingon rin sila Damon sa direksyon niya.
"Clark what the fuck is happening?!" Sigaw ni Damon na natatakot narin.
"Putangina! Di niyo parin ba naiintindihan ang nangyayari?!! Punyetang tipaklong! Para na akong isang sirang plakang paulit-ulit!" Sigaw ni Chase na mistulang galit na galit. "TWO WORDS! HORROR MOVIES!"
What the hell?
Horror movies?
"LUHOD!" biglang sigaw ni Clark gamit ang napakalakas niyang boses. Alam kong gaya koy takot na takot narin sina Gavin at Damon.
"ANG EENGOT NIYO! SABING LUHOD!" Sigaw ni Chase at pinakawalan ang isang pana kayat napasigaw ako sa takot ganun rin sila Damon. Mabuti nalang at sa sahig ito tumama. Wala kaming magawa kundi itaas nalang ang mga kamay namin at lumuhod sa sahig habang napapalibutan nila Chase at Clark.
"Fuck what the hell is happening? Pagkain lang naman ang gusto ko eh! is that too much to ask?!" Iyak ni Gavin
Napahagulgol nalang din ako, hindi ko na alam anong gagawin. Hindi ko na alam anong nangyayari. Kung mamamatay tao sina Chase at Clark, magkasabwat ba sila ni Reese?
Biglang bumukas ang pintuan sa hindi kalayuan sa amin.
Nakakita ako ng isang pares ng paang naglalakad palabas dito. Iniangat ko ang tingin ko at nakita ko si Yohan.
"YOHAN TAKBO!" Napasigaw kaming dalawa ni Damon
Napatingin sa direksyon ko si Yohan at nagtama ang tingin namin. Nanlaki ang mga mata niya, Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya. Napahagulgol na lamang ako habang paulit-ulit na sumisigaw ng "takbo"
Bahagyang bumuka ang labi ni Yohan. "Zianne" mahinang bulong nito at nakita ko ang pamumuo ng luha sa mata niya.
"YOHAN BILIS TAKBO!" Muling napasigaw si Damon ngunit hindi ito ginagawa ni Yohan.
Laking gulat namin nang biglang lumapit sa kanya si Clark at inakbayan siya nito. "Hannah, ano okay ka lang ba?"
Teka sandali, anong ibig sabihin nito?
Napakunot ang noo ko habang nagkakatinginan parin kami ni Yohan. Hindi ko mapigilan ang luha ko sa pagbuhos. Hindi maaari....
"Why is Zianne here?" Yun lamang ang mga salitang lumabas mula sa bibig ni Yohan habang nakatingin parin sa mga mata ko.
"What do you mean?" Agad nakunot ang noo ni Clark
"WHY IS ZIANNE HERE?!" Muling sigaw ni Yohan habang lumuluha.
END OF CHAPTER 28
- - - - - - - - - - -- -
Huehuehuehue.
Ano masasabi niyo?
Thanks for reading!
Vote and Comment ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro