Chapter 26 : A blast from the Past
{ Robbie's POV }
Kakalapag lang ng eroplanong sinakyan namin. Hindi ang lugar nato ang destinasyon namin kaso nagka-emergency daw kasi dito at kailangan ng expertise ko kayat bigla akong pinapunta sa lungsod nato. Ano kayang klaseng emergency? Nak ng bwisit naman andami ko pang inaasikaso ngayon, wrong timing!
Sa kalapit na lungsod sunod-sunod ang pagkamatay ng mga babaeng prostitute. Linggo-linggo may prostitute na natatagpuan patay sa mga motel tapos ngayon dito naman. Teka ano kayang emergency sa lungsod nato at pinapunta pa ako dito? Jusko sana wag namang massacre.
Nagd-drive ako sa maulan na daan nang biglang tumunog ang cellphone ko kayat agad kong isinilid sa tenga ko ang isang bahagi ng headset. Nyeta, wrong timing tumawag.
Redentor na mukhang labrador calling
Ay nyeta. Kung sasagutin ko tong tawag nato for sure sisigawan lang ako nito at kukulitin tungkol sa anak niya kayat wag nalang.
Pinundot ko nalang yung ignore. Bahala na.
Muling tumunog ang cellphone ko. Pipindutin ko na naman sana yung ignore kaso nakita kong si Mack to. Sasagutin ko na nga lang. tsss.
"O anong meron?" tanong ko.
[Robbie there's been a problem, chippy's missing!] Bakas sa boses ni Mack ang pag-aalala. Tae, wrong timing mambwisit ni Chippy.
"Mack calm down. You said it yourself okay na si Chippy. Wag kang mag-alala baka saglit yung itinakas ni Kessler, alam mo naman yung mga loko-lokong yun" I said as i tried to calm her down.
[Last week sabi niya may surprise daw siya sa akin, Robs Masama talaga ang kutob ko dito, please find him.] Muling wika ni Mack kayat napabuntong hininga na lamang ako.
"Okay, i'll find him dont worry. Im driving baka mabangga kami, i'll just call you later" Paalam ko at agad ko ng binaba ang tawag.
- - - - - - - - - - -
Napatingin ako sa relo ko, Its 2:34 pm pero ang napakadilim parin ng kalangitan. Nyetang bagyo.
"Sir" Wika nung mga sumalubong sa akin at agad na nag-salute. Tumango lang ako at agad na nagtungo sa interrogation room kung saan naghihintay yung pai-imbestigahan nila sa akin.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa pulis na nasa likuran ko habang pinagmamasdan ko mula sa two-way mirror ang isang binatilyo. May highlights yung mga buhok niyang natatakpan ng hood ng jacket niya. Hawak-hawak rin niya ang ulo niya na para bang napakasama ng pakiramdam niya.
"One word, Horrible. That kid killed his classmates pati yung teacher niya. Camping trip gone wrong, parang sa horror movies. Sound familiar?"
Nanlaki ang mga mata ko.
Ganito yung examples ng mga massacre sa libro ko noon. Ngayon alam ko na kung bakit ako ang pinatawag nila dito.
"Nga pala Detective Chen nasaan yung anak niyo?" Tanong niya sa akin ngunit di ko siya nasagot o kinorrect dahil alam kong maayos lang yun.
"What's his name? Nag-confess na ba siya sa krimen?" Tanong ko.
Napailing-iling ang pulis at kinuha ang isang clipboard.
"Reese Marion Sanchez. 17 years old. Wala siyang kahit na anong crime record, normal na estudyante lang. 4am siya dumating dito sa presinto, Wala siyang ibang bukambibig kundi--- uhhm" Tiningnan niya ang clipboard na para bang nahihirapan sa pagbabasa "Suho, Chanyeol, Kai, Sehun at Ace tas umaalulong-alulong rin siya, Detective alam mo naman sigurong karamihan sa mga kriminal ay nagbabaliw-baliwan lang para makalusot sa batas kayat paiguradong nagbabaliw-baliwan lang ang isang to para makalusot sa krimen. Pagkatapos nun bigla siyang nakatulog, kagigising nga lang yata niya ngayon" wika ng pulis kayat agad Kaagad nakunot ang noo ko.
"Na-drug test niyo na ba siya?!" Tanong ko.
"Parang nagbabaliw-baliwan lang naman kayat di na kami nag-abala"
"Ano?!" agad kong nasapo ang ulo ko sa inis. Ito ang dahilan kung bakit wala masyadong nareresolbang krimen! Panay ang pag-assume! "Pulis ba talaga kayo?! Get him a urinalysis bilis! Madaming posibilidad sa kasong ganito!" Mandar ko sa kanila.
Natakot yata sa akin yung pulis kayat dali-dali nilang ginawa yung utos ko.
"Teka may listahan na ba kayo ng mga biktima o survivors?"
"Wala pa po pero nasa hospital pa sila panigurado" wika nung isa pang pulis.
- - - - - - - - - -
Dala ang isang kape ay pumasok ako sa loob ng interrigation room. Umupo ako sa tapat nitong Reese at inilapag ang kape. "Uminom ka muna" Wika ko sa malamig na boses.
Bahagya niyang iniangat ang ulo niya na para bang nasisilawan. Pulang-pula ang mata niya at mistulang hindi siya mapakali. "W-wheres Zianne? I-have to see her" Aligaga niyang saad.
"Who's Zianne?" Tanong ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Look, I dont know why Im here but Zianne needs me right now. Ano okay lang ba siya?" Tanong niya sa akin. Ewan ko ba pero may nakikita akong sinseredad sa mga mata niya. Sa tinagal ng pakikipaghalubilo ko sa mga mamamatay tao, halos nagiging kabisado ko na ang kilos nila ngunit ni katiting ay wala akong nakikitang ganung kilos kay Reese.
"Ako ang detective dito, Ako ang magtatanong. Bakit mo pinatay ang mga kaklase mo?" Diretsahan kong tanong.
Binigyan niya ako ng What-the-f-look. "Lamok lang ang pinapatay ko, wala akong alam sa sinasabi mo! Biktima rin ako dito!" Giit niya kayat tumango lamang ako. Inilapag ko sa harapan niya ang litrato ng isang duguang babae. Ito yung babaeng natagpuang kasama niya.
"What did you do to her?" Tanong ko.
Kumunot ang noo niya at kitang-kita kong naguguluhan siya. "I didnt do anything! I swear to God! Wait where's Zianne?! Tell me she's okay!" Sigaw niya at agad na napatayo.
"Kung wala kang ginawa bakit may hawak kang kutsilyo?" Tanong ko.
"I dont know! baka may nagframe-up sa akin! O ewan! Basta wala akong ginawa!" Giit niya.
"May kilala ka bang maaaring gumawa nun sayo?" Tanong ko. "May tao bang galit sayo?"
Bigla siyang napatingin sa kawalan. "M-my brother...."
"Who's your brother?"
"I..I never met him. Half brother ko siya, since last year nakakatanggap na ako ng mga banta mula sa kanya kaso binabalewala ko lang."
"Why would your brother hate you?" tanong ko ngunit hindi siya sumasagot.
Wala yata siyang balak na sagutin ang tanong ko kayat Napabuntong hininga na lamang ako at iniba ang usapan. "Tell me what happened? Ano yung huli mong naaalala?" Tanong ko at pilit siyang pinaupo ulit.
Pinunasan niya ang kanyang mukha gamit ang dalawang kamay. Napaungol siya sa inis at dahil narin siguro sa sakit ng ulo niya. "Ang tanging naalala ko lang ay lumabas kami ng mansion! Nag-volunteer ako na tumawag ng pulis tapos..." Bigla siyang natahimik. Iniyuko niya ang ulo niya at para bang nahihirapan sa pag-alala. Hayy, kailangan niya ng tulong ko.
"Close your eyes, It will help you remember" Utos ko at agad naman niyang sinunod.
"Reese, Sundin mo ang sasabihin ko. This might help you but you have to focus." Seryoso kong saad at kaagad naman siyang tumango habang nakapikit.
"Imagine what happened yesterday. Lumabas ka ng mansion. Umuulan ng gabing yun diba? Anong nakikita mo sa paligid ng oras na yun" Tanong ko.
Mariin siyang napapikit, ilang sandali pay nagsalita na siya "N-napakadulas ng lupa...N-napakadilim" Mahinang bulong niya habang pilit na inaalala at ini-imagine ang nakaraan sa isip niya.
"Ano yung naririnig mo?" Malumanay kong tanong upang hindi ko maabala o masira ang pag-aalala niya.
"M-mga kulog....sigawan..." Napansin kong natigil siya sa pagsasalita. "Lata...P-arang may naririnig akong tunog ng latang iniyuyugyog.... t-tapos may lamang bato sa loob"
Agad nakunot ang noo ko sa narinig. Lata? Latang parang may lamang bato sa loob?
"Spraypaint" mahinang bulong ko
Biglang idinilat ni Reese ang mga mata niya. "Oo! P-parang spraypaint...Y-yun lang ang naalala ko" Wika niya.
Agad akong napatayo. Shit.
Dali-dali kong kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko at iniabot ito sa kanya. "I am giving you a chance to call someone. Call your parents nang sa ganun mapuntahan ka nila dito. At kung maaari, tanungin mo kung ano ang pangalan ng kuya mo o kung nasaan siya." Ma-otoridad kong saad at naglakad palabas.
"Teka sandali detective! K-kung ganun naniniwala kang inosente ako?" tanong niya na parang naiiyak.
Napailing-iling ako. "I dont believe you, I believe myself. I believe on my judgements about you" wika ko.
"Teka detective isang tanong nalang! Nasa hospital ba yung mga kaklase ko? Anong numero ng hospital dito?" tanong niya.
ang kulit bwisit.
- - - - - - - - - - - -
Zianne's POV
"Miss..Miss" Nagising ako nang may narinig akong boses. Nagulat ako nang makita ko ang isang nurse sa loob ng kwarto kung saan naroroon kami ni Anika.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Ikaw ba si Zianne? May tumatawag kasi sayo?" Tumango ako at agad na tinungo ang teleponong nasa labas.
"H-hello?" Wika ko sa kabilang linya ng telepono.
["Thank God youre safe! Alam mo bang pinag-alala mo ako! okay ka lang ba?" ]
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang boses niya. Unti-unti na namang tumulo ang luha ko.
"R-reese?" mahinang bulong ko habang pilit na pinipigilan ang paghikbi ko.
[Look I dont know what happened but please believe me, Wala akong kasalanan. Naniniwala naman sa akin diba?"] Reese
"H-hindi ko alam kung ano ang papaniwalaan ko" Mahinang bulong ko.
[Its okay just please dont believe anyone!]
"Zianne"
Nagulat ako nang biglang may tumawag sa akin kayat agad akong napalingon.
[Zianne? hoy nasaan ka? Sino yang kausap mo]
"C-clark" mahinang bulong ko sabay layo sa telepono mula sa akin.
"Yohan's worried about you, pinasusundo ka niya sa akin" Clark
"But anika? sinong magbabantay sa kanya?" Tanong ko
"Nakita ko yung parents niya sa ground floor, nagbabayad lang sila ng hospital fees pagkatapos nun pupunta narin sila dito para sa anak nila" Nakahinga ako ng maluwag dahil sa ibinalita ni Clark. Siguro nga kailangan rin ako ni Yohan ngayon kayat tumango na lamang ako.
Muli kong inilapat ang telepono sa tenga ko.
"I'll be going, Im sorry" mahinang bulong.
[Zianne sandali! Maha-------]
Napapikit na lamang ako at agad na ibinaba ang telepono.
"Let's go?" wika ko kay Clark habang pinupunasan ang luha ko.
Bigla siyang ngumiti at tumango.
- - - - - - - - - -
Nagulat ako nang mapansing huminto ang sasakyan sa harapan ng isang pier.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko kay Clark.
"Babalik na kami ng school, mas convinient mag-barko kaysa mag-roadtrip o eroplano. Nasa sayo kung gusto mong magstay sa lugar nato" Wika ni Clark at agad na naglakad papunta sa isang malaking yate. Namangha ako nang makita ko ito, ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaki at kagarang yate.
"Kaninong yate to?" Tanong ko.
"Sa lolo ni Gavin." Clark
Wala na akong ibang magagawa kundi sumakay nalang din sa yate. At isa pa di naman delikado dahil kahit papaanoy humuhupa na ang malakas na ulan at hangin.
Agad na hinanap ng paningin ko si Yohan.
Nakita ko siya sa upper deck, kasama niya si Damon at mistulang napakaseryoso ng pinag-uusapan nila sa taas.
"Magpahinga ka muna sa kwarto mo" Wika ni Clark at iniabot sa akin ang isang susi para sa kwarto.
"Thanks..."
Kahit papaanoy medyo palagay na ako.
- - - - - - -- - - -
Reese's POV
Nakahiga ang ulo ko sa mesa. Pilit kong inaalala ang mga nangyari ngunit hindi ko talaga magawa. Andami kong tanong sa isip ko, kalakip nun ang tanong kung kasali ba dito ang kapatid ko.
Biglang bumukas ang pintuan kayat agad akong napaangat ng ulo ko sa pag-aakalang si Detective yun kaso hindi, isa lang palang pulis na may dalang kahon. Bigla niya itong ibinagsak habang napakasama ng tingin niya sa akin.
"Hindi ko alam kung anong ginawa mo kay Detective Chen at pinaniwalaan ka niya. tsss. Sa susunod wag kang mag-droga para di ka makagawa ng kabulastugan" asik nung pulis at agad na lumabas.
Droga? Hindi ako nag-droga!
Wala akong ibang ginawa kahapon!
Nagulat ako nang muli na na namang bumukas ang pintuan ngunit mas nagulat ako nang makita ang isang batang lalaking may lollipop sa bibig. Isinara niyang muli ang pintuan nang makapasok siya.
"Hi" Kaswal niyang wika at agad na umupo sa harapan ko.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Napakabata pa niya, anong ginagawa niya dito? Wag mong sabihing may bata na ring pulis.
"Aircon kuya ugly" Sabi niya at agad na itinuro ang aircon sa dingding.
Ang weird ng batang to pero oo nga naman, masarap ang aircon dito kahit papaano. Pero tae! Ugly daw ako?! -_-
"Di ka takot sa akin?" Tanong ko at umiling-iling lang siya.
Bigla niya akong inabutan ng isang lollipop. "Papa P said that i should give food to ugly people like you" Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o itatapon ko sa bintana tong batang to -_-
"Ilang taon ka na?" Tanong ko sabay lagay ng lollipop sa bibig ko.
"Twee" sabi ng bata sabay taas ng apat na daliri niya.
"Bobo" mahinang bulong ko. "Anong pangalan mo?" Sabi ko sabay gulo sa buhok niya. Oo kahit nilalait niya ako, natutuwa parin ako sa kanya. Nakakagaan ng pakiramdam ang presensya niya.
"DAMON!" Masigla niyang saad.
At talagang magkapangalan pa talaga sila ni Damon. What a paking coincidence.
I chuckled abit. "Kaano-ano mo si Clark?" biro ko.
Bigla niya akong tiningnan ng kakaiba. "Tito Manyak told me, Papa P and Mama Natnat will make baby clark next christmas"
Nawala ang ngiti sa labi ko. Ano daw?
"Ano ba full name mo?" Tanong ko.
"My name is Damon Nathaniel Adriano, Im twee yearsh old!" Masigla niyang saad.
Wait what the fuck?!
END OFCHAPTER 26
- - - - - -
Thanks for reading!
Vote and Comment ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro