Chapter 25 : Miracles
Zianne’s POV
“Reese tell me you didn’t do this! Reese answer me!” Sigaw ako ng sigaw habang sapilitan siyang itinutulak ng mga pulis papunta sa police car. Nakaposas na ang kanyang duguang mga kamay. Hindi siya sumasagot, sa halip ay tinitingnan niya lang ako at paminsan-minsay ngumingisi. Panay ang pag-ugoy ng kanyang ulo na para bang nakikinig ng musika.
Pilit akong hinihila nila Yohan papalayo sa kanya ngunit di ko sila pinapansin. Nakatuon lang ang atensyon ko kay Reese.
“Reese tokneneng! Anong nangyayari sayo!” Muling sigaw ko ngunit this time ang mga pulis na mismo ang humarang sa akin upang di ako makalapit sa kanya.
“Geurae wolf”
Biglang saad ni Reese ng pabulong habang nakatingin sa kawalan kayat agad na nakunot ang noo ko. What the fuck?
“Ipasok niyo na yan” Wika nung isang pulis at agad naman itong sinunod ng iba pang pulis. Ipinasok nila si Reese sa likurang bahagi ng police car.
“Naega wolf…Awoo!” Biglang sigaw ni Reese habang tumatawa kayat agad akong humakbang paatras. Natatakot ako sa kanya. Wala akong ibang magawa kundi maiyak na lamang.
Isinara nung mga pulis ang bintana ngunit muli akong lumapit dito. “Reese! Reese what the hell is wrong with you?! Reese what did you do?!” Sigaw ako ng sigaw habang kinakalabog ang bintana ngunit pinagtatawanan niya lang ako.
Nabasa ko ang mga salitang lumalabas sa bibig niya… “We are one, We are One Direction” pagkuway bigla siyang tumawa sabay turo sa akin. Nanlaki ang mga mata ko, hindi ko magawang makapagsalita dahil sa gulat at pagkalito. Nababaliw na siya, hindi siya yung reese na kilala ko.
Wala akong magawa kundi mapaupo na lamang sa putikang sahig habang pinagmamasdan ang paglayo ng police car na sinasakyan niya.
Akala ko mabait siya…
Akala ko gusto niya talaga ako…
Ang sakit pala matraydor, tama si Yohan hindi ako dapat nagtiwala…
Nagmahal ako ng isang baliw…
“Zianne we have to go to the hospital” Wika ni Yohan kayat napapikit na lamang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.
--------------
“Sigurado ba kayong wala ng iba pang tao doon sa mansion?” Narinig kong tanong ng mga pulis ngunit hinayaan ko lang na sina Clark ang sumagot sa kanya.
Nandito kami ngayon sa hospital. Putting-puti ang buong paligid at abala ang lahat ng mga taong nakikita ko ngunit ako heto, Nakahiga lang sa hita ni Yohan habang pinipigilan ko ang mga luha ko at sinusubukang tanggapin na isang walang kwentang mamatay tao ang unang taong minahal ko. Oo minahal ko na akong baliw na reese na yun. Tokneneng.
Nandito kami sa waiting area. Hinihintay namin na lumabas ang mga doktor upang magbalita tungkol sa lagay ni Damon. Hinihintay rin namin na payagan kami ng mga pulis na umalis dito. Andami pa nilang tinatanong.
"May napansin ba kayong kakaiba kay Reese kanina?" Wika ni Gavin kayat agad akong napaupo. Naririnig ko pa lang ang pangalan ni Reese, kumakabog na ang dibdib ko.
"Oo, nakita natin ang totoong kulay niya" Wika ni Chase habang nakatingin sa kawalan.
Napailing-iling si Gavin sabay kamot ng batok niya. "Hindi eh. May kakaiba talaga. Isipin niyo nga, Dakilang kpop fan ang lalaking yun pero bakit niya nabanggit ang one direction? Di yun kpop diba?"
Napabuntong hininga si Chase. Akala ko babatukan na naman niya si Gavin kayo tinapik niya lang ang balikat nito. "Gavin pasalamat ka nanghihina ako ngayon, di kita mababatukan"
Bigla akong napaisip nang dahil sa mga sinasabi ni Gavin.
Kakaiba ang Reese na nakita ko kanina kumpara sa Reese na minahal ko atsaka yung kilos niya ibang-iba. Para siyang wala sa sarili....
"Zianne, anong iniisip mo?" Tanong ni Yohan.
"Reese..." napakagat ako sa kuko ko. "I-its possible that he's just drugged right? He wasnt acting himself...Its possible din na napo-possess lang siya diba?"
"Nadagdagan na naman po ang residente sa bayan ng mga baliw" Mahinang bulong ni Chase kayat agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"Zianne after what happened you cant trust him anymore. What if masamang tao talaga siya? What if all this time pinagt-tripan o niloloko ka lang niya?! Itigil mo na ang pagpapakatanga!" Wika ni Yohan sabay hawak ng balikat ko ngunit agad ko itong iwinakli.
"You keep on telling me not to trust anyone pero ikaw? Mapagkakatiwalaan ba kita?!" Hindi ko na napigilan ko ang sarili kong mapasigaw. Naiisip ko pa lang na niloko lang ako ni Reese, mababaliw na ako sa galit.
Tiningnan ako ni Yohan na mistulang gulat na gulat ganun din sina Chase.
Napayuko na lamang ako.
"S-sorry" I whispered. "I..i need to be alone" dagdag ko pa at agad na naglakad palayo.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko sa hospital nato bahala na basta ang gusto ko lang ngayon ay ang mapag-isa. Bigla akong natigil sa paglalakad nang umabot ako sa isang payphone.
Kailangan kong masabihan sina Lolo at Lola tungkol sa nangyari sa akin. Ayokong mag-alala sila kung sakaling mabalitaan nila ang massacre. Kaso di ko memoryado ang number nila. Buong buhay ko, number lang ni Kuya ang naging memoryado ko.
Lumapit ako sa payphone at inilagay ang reciever sa tenga ko.
Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa araw nato, maswerte akong buhay pa ako. Siguro nga pangalawang pagkakataon nato para ayusin ang buhay ko, siguro kailangan ko ng makipag-ayos ngayon kay Kuya at kalimutan nalang ang galit ko nang dahil sa pang-iiwan niya sa akin noon.
Napapikit ako saglit at isinandal ang noo ko sa booth. Pinindot ko ang mga numero nang bigla akong makarinig ng napakalakas na sigaw at pag-iyak pamilyar ang boses na yun kayat agad kong sinundan ang pinanggagalingan nito.
Sumilip ako sa isang nakabukas na pintuan at nakita ko sa loob si Ashley. Nagwawala siya habang humahagulgol. Siguro hindi parin niya matanggap ang pagkawala ni Missy at ng mga kaibigan niya. Samantalang si Noah naman, luhaan na rin habang niyayakap at pilit na inaawat si Ashley.
Hindi ko na maiwasan pang mapaluha.
Kahit na gaano pa kabigat ang kung ano mang nagawa naming kasalanan, hindi parin namin deserve ang ganitong parusa.
"Shit!"
Napabalikwas ako nang biglang may humawak sa likod ko.
Napahawak nalang ako sa dibdib ko nang mapagtantong si Clark lang pala.
"Tara kailangan na nating umalis" Wika ni Clark kayat agad nakunot ang noo ko.
"Why saan tayo pupunta? Kararating lang natin dito"
"The police already contacted our parents. Mags-stay daw muna tayo dun sa isang Inn habang hinihintay sila." Sagot niya at dali-daling naglakad na para bang nagmamadali. Napabuntong hininga na lamang ako.
Muli siyang lumingon sa akin. "May nakausap ka bang police kanina?" Napa-iling ako biglang sagot sa kanya.
Tumango siya. "Good"
Ano daw?
"Grabe yung pasyente naming babae kanina. Akala namin patay na kaso buhay pa pala, Her teenage body helped her survive, She suffered a major head injury tapos nakatamo siya ng ilang saksak tapos buhay parin kaso yun nga lang comatose na siya at maliit lang ang chansa niyang makaligtas." Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang usapan ng mga nurse.
Napalingon ako sa kanila.
Hindi ko alam pero may kung anong nag-uudyok sa akin na makinig sa kanila.
"Zianne lets go" Wika ni Clark na tumigil rin sa paglalakad ngunit di ko siya pinansin. Sa halip ay nilapitan ko yung mga nurse.
"Y-yung pasyenteng sinasabi niyo? Nasaan siya?" Mautal-utal kong saad. Tiningan ako ng kakaiba nung mga nurse ngunit itinuro parin nila ang isang kwarto sa hindi kalayuan.
Dali-dali akong napatakbo papunta sa kwartong yun. May maliit na salamin sa pintuan kayat nakita ko agad ang walang malay niyang katawan. "Anika" mahinang bulong ko at kumurba ang isang ngiti sa labi ko.
"What the fuck?" Narinig kong nagsalita si Clark sa likuran ko kayat napalingon ako sa kanya. Gaya ko hindi rin siya makapaniwalang buhay pa si Anika.
- - - - - - - - - -
"Darating daw yung parents ni Anika paghumupa na tong bagyo, ganun rin yung sa atin" Wika ni Yohan habang sinusuklay ang buhok ko gamit ng kamay niya.
Napabuntong hininga na lamang ako at muling pinagmasdan si Anika. Naaawa ako sa lagay niya, May mga tubo pa kasing nakakabit sa kanya at mistulang malubha ang lagay niya.
"Pumunta na kayo sa inn, magpahinga na kayo. Ako na muna ang magbabantay sa kanya habang wala pa ang parents niya" Wika ni Clark ngunit agad akong napailing-iling.
"I dont want to leave her. Baka magising siya, Kailangan ko siyang tanungin kung si Reese nga ba ang may kagagawan nito. Alam kong siya ang makakasagot sa mga tanong ko" I answered.
"But Zee, lets face it. Its impossible for Anika to wake up. Ang mga doktor na mismo ang nagsabi, 30% nalang yung chance niya" Wika ni Yohan kayat bahagya akong napayuko.
Nagulat ako nang biglang hinampas ni Clark ang dingding. "Si Reese ang gumawa nun sa kanya! Zianne wag mo na ngang paasahin ang sarili mo!" Bigla niyang sigaw kayat bahagya akong napaatras.
Kami lang tatlo ang nandito sa ICU kung saan nakaratay si Anika, sinamahan yata nila Chase sina Damon.
"Clark stop acting weird will you?! Pagod tayong lahat pero pwede ba wag kang ganyan!" Sigaw naman ni Yohan. "If ayaw ni Zee na umalis dito hayaan nalang natin siya please?!" Tiningnan ni Yohan sa mga mata si Clark. Biglang natahimik ang paligid napaka-awkward. "Please?" muling saad ni Yohan sa kalmadong tono.
Nakita kong napabuntong hininga si Clark at dahan-dahang tumango.
"Sure ka ba talagang dito ka lang?" Tanong ni Yohan sa akin kayat tumango nalang din ako. Bigla niya akong nilapitan at niyakap. "Take care of yourself" wika niya.
Lumapit si Yohan kay Clark. Akmang lalabas na sila nang biglang lumingon na naman sa akin si Clark. Napakasama ng tingin niya sa akin, ewan ko ba.
END OF CHAPTER 25.
- - - - - - - -- -
Kashungaan all over the place XD
Thanks for reading!
Vote and Comment ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro