Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24 : Scapegoat

Zianne's POV

Ilang sandali pay tuluyan ng nagsalibasan mula sa mga sasakyan ang maraming pulis. Maging ang ambulansyay dumating narin.

"Where's clark?" Tanong ni Yohan at napalingon ngunit hinila ko na siya papunta sa ambulansya. Panay ang pagdurugo ng sugat niya kayat kailangan na niyang magamot.

Nakatingin lang kami sa mga pulis habang nagsipasok sila sa loob ng mansion dala-dala ang mga armas nila. The nightmare is over, Thank God pero hindi parin mawala ang takot at kaba sa puso ko. Hanggang ngayoy nanginginig parin ang mga kamay ko.

"Guys okay lang kayo?!" Wika ni Gavin na galing sa loob ng isang police car. Basang-basa siya sa ulan at duguan rin siya. Ngunit bigla kong naalala si Reese.

"Wait where's Reese?!" Tanong ko. Hindi ko siya nakitang dumating kasama ang mga pulis. Nasaan ang loko-lokong yun?!

Napailing-iling si Gavin sabay angat sa dalawa niyang balikat kayat agad ko siyang nilapitan at hinigit ang suot niyang damit. "GG! Sumagot ka nasaan si Reese?!" Muli kong sigaw habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.

"I dont know! Hindi ko siya nakita!" Sigaw ni Gavin at agad naman akong hinila nila Yohan.

"Wait kung hindi kayo nagkita ni Reese? Paano nakarating dito ang mga pulis? Diba wala kang dalang cellphne?" Tanong ni Chase na naguguluhan gaya namin. Jusko nasaan na ba siya? Sabi niya babalik siya

"Hindi ko rin alam! Tumatakbo ako kanina sa kalsada nang bigla ko silang maaninag mula sa malayo. Yun lang yung alam ko" Gavin

Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapaiyak. "Nasaan si Reese?! D-diba dapat nandito siya? Sabi niya babalik siya diba?!" Niyakap ako ni Yohan kayat nagpatuloy na lamang ako sa pag-iyak.

"Wait this doesnt make sense... Imposibleng si Belle lang mag-isa yung knight" Narinig kong sambit ni Chase kayat agad akong bumitaw mula kay Yohan.

"Your theory was wrong chase.... There were no knights" I said as I was keeping myself from crying.

Nakunot ang noo ni Chase. "What do you mean?"

Napabuntong hininga ako at bahagyang napapikit. "Before Ike died he told me something" Mahinang bulong ko. 

"What?" Yohan

Muling bumuhos ang luha ko. Bumalik sa ala-ala ko ang nangyari bago mapatay si Ike. Nagagalit ako sa sarili ko, hindi ko man lang siya natulungan...

 “Ano?” Agad nakunot ang noo ni Chase.

| Flashback |

 

 

Tumatakbo ako nang bigla akong may mabangga kayat agad akong nadapa sa sahig.

 

“Sh-shit sino ka?” Bigla kong narinig ang boses ni Ike.

 

“Gago! bat mo ako binangga?!” Sigaw ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

 

“Tangina! Ang dilim tas hanggang ngayon hilong-hilo pa ako! Ikaw sana ang umilag! Tanga!”Muling sigaw ni Ike sa akin.

 

Kahit na takot na takot ako dito, aba! Hindi parin niya ako pwedeng sabihan ng ganun! Sisigawan ko pa sana siya ngunit bigla kong naramdaman ang pagdampi ng palad niya sa bibig ko.

 

Shhhhh!” He signaled me so tumango nalang ako.

 

Muling tumahimik ang paligid at dahil nun narinig ko ang mga yabag ng pang papalapit. Nanlaki ang mga mata ko at muling bumalik ang matinding kaba sa puso ko.

 

Inilayo ni Ike ang kamay niya sa bibig ko at bigla akong hinatak. “Tayo bilis!” Pabulong niyang sigaw kayat sumunod ako sa kanya.

 

Hindi namin alam kung saan kami pupunta kayat pumasok na lamang kami sa isang kwarto at agad na nagkulong.

 

“Anong nangyari sa inyo? Nasaan sina Kuya Jeffrey?!” Tanong ko sa kanya ng pabulong.

 

“I..I don’t know. Nagising nalang akong mag-isa tas ang dilim” Ike said.

 

Bigla kong naalala yung mock massacre…Si Ike yung gumawa ng papel. “Ike you have to tell me, Ilang Knight ang sinulat mo sa papel at sino ang nakabunot nun?! Kung sino ang nakabunot ng Knight ang siyang gumagawa sa atin nito ngayon” I asked him pero napakunot lang siya ng kanyang noo.

 

“Huh? Anong Knight ang pinagsasabi mo? walang knight”

 

“Gago! Yung papel na pinabunot mo sa amin noon! Sabihin mo ilang knight ang nilagay mo dun?!” I told him once again

 

Narinig ko siyang napabuntong hininga. “No, I mean wala talagang knight dun. Puro pawns lang ang isinulat ko sa mga papel, walang knights o kahit ano!" 

O_O

Wait what?!

"B-bakit?..Huh?...Ano?" hindi ko na alam ang sasabihin, litong-lito na ako sa lahat ng nangyayari.

"Wala lang, gusto kong mang-trip eh. hehehe" Ike

"Eh Gago k-----" Hindi ko na napagpatuloy pa ang sinasabi ko nang muli kaming ng mga yabag mula sa labas. Nagkatinginan kami ni Ike, pawang natatakot at kinakabahan. Ngunit nagulat ako nang bigla siyang humiga sa sahig.

"Hoy anong ginagawa mo?!" Bulong ko

"Naghahanap ng paraan para mabuhay, bilis magpanggap ka ring patay" Ike

"Nakalimutan mo na ba yung rule ni Chase! Di yan pwede!"

"Tsss. Bahala ka basta kung mamamatay ka, wag mo akong idadamay"

Napatingin ako sa paligid at nakita kong may aparador sa hindi kalayuan. Masyadong delikado ang pagpapanggap ni Ike na patay. Hindi ko yan kaya kayat dali-dali akong pumasok sa aparador.

"Ike bilis dito!" tawag ko sa kanya ngunit di niya ako pinansin.

Nagtago na lamang ako sa loob ng aparador at sumilip mula sa siwang ng pintuan nito. Ilang sandali pa ay narinig kong umikot ang doorknob. Sa takot koy dali-dali akong napatakip sa bibig ko.

Hindi tumigil ang kung sino mang nasa labas. Nang mapagto niyang nakalock ang pinto ay sapilitan niya itong giniba. 

Napayakap na lamang ako sa tuhod ko habang pilit na pinipigilang gumawa ng ingay ang sarili ko.

Narinig kong bumukas ang pintuang ngayoy halos magiba na. Nandito na siya.

Nanginginig, dahan-dahan akong sumilip mula sa siwang ng aparador. Nakita kong may isang maitim na pigura ang nakatayo sa harapan ng nagpapatay-patayang si Ike. Hindi ko siya masyadong maaninag dahil napakadilim.

Nagulat na lamang ako nang bigla akong makarinig ng kakaibang tunog at kasunod nuy isang pagsinghap at para bang pagsirit ng likido. Nanlaki ang mga mata ko at nilunok ko ang hikbing papalabas sa bibig ko. Nanginginig ako sa takot habang pilit na tinatakpan ang bibig ko nang makita kong may dugong dumadaloy sa sahig, papalapit sa kinaroroonan ko.

| END OF FLASHBACK |

"This doesnt make sense...." Mahinang bulong ni Chase at agad na nasapo ang ulo niya.

Wala akong magawa kundi maiyak na lamang.

"May survivor!"

Agad kaming nagkatinginan. Pakiramdam koy tumalon ang puso ko nang marinig ko yun. Dali-dali kaming nagtakbuhan pabalik sa mansion.

Nakita naming inilalabas mula sa stretcher ang walang malay na si Damon habang nasa likuran niya si Clark na alalang-alala. Dali-daling napatakbo si Yohan papalapit sa kanila.

"Damon you idiot! Damon!" Sigaw ni Yohan habang pilit na niyuyugyog ito para magising. Tumutulo ang luha mula sa mga mata niya pero nakikita ko ang pagkurba ng isang ngiti sa labi ni Yohan.

Niyakap na lamang ni Chase si Yohan. "I told you he'll be fine" 

Napatingin si Yohan sa direksyon ni Clark. "Thank you" Yohan mouthed those words kayat tumango lang si Clark.

Nagulat rin kami nang makitang may isa pang inilalabas na naka stretcher at ito ay si Noah na gaya rin ni Damon ay walang malay.

"B-buhay si Noah?" nagtatakang saad ni Gavin.

"Diba naiwan siya kanina?" Yohan

Napatingin ako sa paligid. Teka nasaan si Anika, Nandito siya lang siya kanina ah? Saan na naman kaya nagpunta yun?

"Medic! Stretcher dito bilis!" Biglang sigaw ng isa pang pulis at nakita naming akay-akay nila ang walang malay na si Ashley na duguan at puno ng sugat.

"Saan niyo siya natagpuan?"  Tanong nung pulis na mataas ang rank.

"Sa taas po! Chief masyadong malaki ang mansion nato. Nahanap namin siya doon sa office, yakap-yakap niya yung bangkay ng isa pang babae" Wika nung isang pulis.

Sinenyasan kami na lumabas na dahil crime scene na daw ang buong mansion, lalabas na sana kami nang biglang...

"Ibaba mo ang kutsilyo!"

"Back-up! Back-up!" 

Nagulat kaming lahat nang marinig naming nagkakagulo sa itaas na bahagi ng mansion. Ewan ko ba pero napatakbo na lamang ako paakyat.

Naririnig kong ikinakasa ng mga pulis ang hawak nilang baril at nagsisigawan sila.

Hingal akong nakarating sa taas. Naapula na ang apoy ngunit ramdam ko ang tensyon sa buong paligid. Napatingin ako sa direksyon ng pinagkakaguluhan ng mga pulis.Pakiramdam koy tumigil ang pag-ikot ng oras.

"R-reese" mahinang bulong ko.

Pakiramdam koy nanlambot ang mga paa ko sa nakita.

"Reese what the hell?!!" Narinig kong sigaw nila Chase.

Ayokong paniwalaan tong nakikita ko ngayon ngunit tanging pag-iyak lamang ang nagagawa ko.

Nakahiga sa sahig ang walang buhay na katawan ni Anika. Naliligo ito sa sariling dugo samantalang nakatayo si Reese sa harapan niya...Nakatayo si Reese sa harapan niya habang may hawak-hawak na isang duguang kutsilyo sa kaliwang kamay samantalang isang maskara ng tigre sa kanyang kanang kamay.

"Reese!" Tuluyan na akong napasigaw habang hawak-hawak ang bibig ko.

Napatingin sa direksyon namin si Reese.

Wala akong ibang nakikitang emosyon sa mukha niya. Nagkatinginan kami ngunit hindi ko na nakikita yung Reese na kinabaliwan ko sa mukha niya.

- - - - - - - - - - - -

Thanks for reading!

Vote and comment ♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro