Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22 : Unmasked

Third Person's POV

"We have to find the others" Wika ni Chase. Muli siyang lumapit sa bangkay ni Ike. Nag-aalinlangan siyang hawakan ang bakal na fire poker kayat napapikit na lamang siya. Napangiwi na lamang si Chase nang dahan-dahan niya itong hinugot mula sa ulo ni Ike.

Hinawakan ni Yohan ang magkabilang pisngi ni Zianne at pinunasan ang luha nito. "Listen to me, im here okay? As long as im here no one can hurt you I promise. Get your shit together" 

Napabuntong hininga si Chase habang hawak-hawak ang napakatalim na bakal na fire poker. Napatingin ito sa kawalan."Rule number five. Stop running and fight back. Tonight....All hell will break lose. They want war, I'll give them hell" mahinang bulong ni Chase.

- - - - - - - -

Maingat silang tatlo sa bawat daang tinatahak nila. Si Chase ang nasa unahan at sumesenyas siya kay Yohan at Zianne kung maayos ba ang kanilang dinadaanan. Bakas ang pagka-pursigido sa mukha ni Chase habang winawasiwas ang fire poker at isang flashlight na mumunti na lamang ang inilalabas na liwanag.

"Y-yohan natatakot ako" iyak ni Zianne na hanggang ngayoy nanginginig parin sa takot.

Hinawakan na lamang ni Yohan ng mahigpit ang kamay ng kaibigan at hinihila ito upang wag maiwan.

"Shhhh" Sita sa kanila ni Chase. Napansin ni Chase na ano mang oras ay tuluyan ng mamamatay ang flashlight kayat iniabot nalang niya ang kanyang kaliwang kamay kay Yohan upang di sila magkahiwa-hiwalay.

Lakad sila ng lakad hanggang umabot sila sa isang malapad na hagdanang di pa naabot ng apoy. Napalingon si Chase kay Yohan at nagpalitan sila ng makahulugang tingin.

"Lets go this way" Wika ni Chase at naunang humakbang pababa ng malapad na hagdan na may paliko-likong daanan.

"Zianne what the hell! Lets go!" pabulong na sigaw ni Yohan dahil mistulang hindi humahakbang si Zianne na nasa likuran niya. Hindi maiwasang mainis ni Yohan dahil pinangungunahan na ng takot ang kaibigan.

"Sino ka?! Anong ibig sabihin nito?!"

Gulat ang dalawa nang bigla nilang narinig ang sigaw ni Chase. Kasunod nitoy isang malakas na kalabog.

Bakas ang matinding gulat at pagkalito sa mukha ni Yohan lalong-lalo na nang makita niya si Chase na bumagsak sa sahig. Nalaglag ang flashlight na hawak ni Chase kayat hindi naaninag ni Yohan kung ano ang nangyari dito.

"Chase!" Sigaw ni Yohan. Dali-dali siyang napabitaw kay Zianne at napatakbo upang saklolohan si Chase ngunit ang hindi alam ni Yohan, May isang tao palang nakatayo sa gilid ni Chase.

"Yohan takbo!" Babala ni Chase ngunit huli na nang marinig niya ito. Walang ano-anoy biglang may tumulak kay Yohan na naging dahilan ng pagtilapon nito ng malakas sa sahig. Tumama ang ulo ni Yohan bahagya siyang duguan at nahilo.

"Yohaaaaaan!" Sigaw ni Chase habang namimilipit sa sakit samantalang si Zianne naman ay napanganga lamang at mistulang nanigas sa kinatatayuan nang dahil sa gulat at takot.

"Sorry guys" Wika ng taong nakasuot ng black hoodie sa kanyang ulo. Kumaway ito habang may hawak-hawak sa kaliwa niyang kamay na isang baseball bat.... Baseball bat na may nakapulupot na barbedwire at may tumulo ng dugo mula rito...Dugong mula kay Chase.

Napangisi siya habang pinagmamasdan si Chase na sigaw ng sigaw dahil sa sakit dulot ng pagkakahampas sa kanya.

Muli niyang iniangat ang baseball bat at inihampas ulit ito sa direksyon ni Chase ngunit nakailag siya sa pamamagitan ng pag-gulong sa sahig.

Tumawa siya "Nice one Chen." Mapanukso nitong saad at bigla na lamang tinadyakan si Chase sa sikmura ng walang tigil hanggang sa makasuka na ng dugo si Chase.

"Get a-away from him" mahinang bulong ni Yohan na nanlalabo pa ang paningin "You son of a bitch!" Sigaw ni Yohan at paika-ikang tumakbo upang matulungan si Chase ngunit  pinagtawanan lang siya nito at hinampas ang kakaibang baseball bat sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Yohan nang maramdaman ang napakasakit na sensayong dulot ng pagtusok ng napakaraming barbedwire sa braso niya. Tumumba siya hindi kalayuan kay Chase. 

"Yohan!" Napatili si Zianne nang makita ito sabay takip sa tenga niya gamit ang nanginginig niyang mga kamay.

Marahas na binunot ng misteryosong tao ang baseball bat mula sa braso ni Yohan kayat napakaraming dugo ang nagtalsikan mula dito.

"Papatayin kita!" Sigaw ni Chase at kahit na hirap na hirap ay sinubukang gumapang upang makaganti sa taong gumagawa nito sa kanila.

Tumawa lamang siya at marahas na hinila ang ulo ni Chase.

"Do you know what your Dad really hates?"  Wika niya kay Chase na mistulang nanunukso.

Nanlilisik ang mga mata ni Chase. Napakabigat na ng kanyang hininga kasabay ng pagtulo ng dugo mula sa kanyang labi.

"He really hates stairs and since isa kang chen diba? you deserve this" pagpapatuloy nito at akmang itutulak si Chase pababa ng hagdanan nang biglang...

"Bitawan mo siya!"

Banta ni Zianne na ngayon palay nahimasmasan na. Nanginginig ang kanyang kamay habang hawak-hawak ang fire poker at itinututok ito sa kanya. 

Napangisi na lamang siya. "You suck. BythewaytellyourparentsIsaidHiBye!" Sarcastic at mabilis  na saad nito at bigla na lamang binitawan si Chase at dali-daling tumakbo palayo na para bang hinahabol ng daan-daang aso. Gulat na gulat sila sa nangyari lalong-lalo na si Zianne. Hahabulin niya sana ito ngunit agad siyang pinigilan ni Yohan.

"Yohan Okay ka lang?!" Sigaw ni Chase at kahit na hinang-hinay dali-daling gumapang papunta sa direksyon ni Yohan.

Namimilipit sa sakit at hapdi si Yohan ngunit inilalabas niya lamang ito sa pamamagitan ng pagmumura. "Yohan oh my god! Yohan kaya mo yan!" Iyak ni Zianne at dali-daling hinubad ang jacket na suot niya at itinali ito sa brasong tadtad ng sugat.

"Yohan, are you okay?" Muling tanong ni Chase na halatang nag-aalala.

"Alalahanin mo ang sarili mo bobo!" Sigaw ni Yohan kayat tumango na lamang si Chase. Napagtanto niyang okay lang ito sa kabila ng nangyari.

"Who was that?!" Iyak ni Zianne.

"I-i dont know but we have to leave right now." Seryosong saad ni Chase at napapikit sabay punit ng isang sleeve ng suot niyang damit. Lumapit sa kanya si Zianne at tinulungan siya nitong talian ng damit ang kanyang sugat upang magkaroon ng pressure bilang paunang lunas. "Lets go" Wika ni Chase at sinubukang tumayo.

Bugbog sarado at hinang-hina si Chase Kayat nagtulungan silang tatlo sa paglalakad. Akay-akay ni Zianne ang kaliwang braso ni Chase samantalang kay Yohan naman ang kaliwa.

Hindi na sila tumuloy sa hagdan sa takot na baka sugurin na naman sila ng taong yun at baka sa susunod na pag-atake nito ay tuluyan na silang mapatay nito. 

"Paano na sina Clark at Damon?!" Alalang sambit ni Yohan ngunit hindi kumibo si Chase. Unti-unti ng nagbabago ang plano sa isip ni Chase. Gusto na niyang maialis sina Zianne at Yohan mula sa mansion sa takot na baka mapahamak pa ang mga ito.

"Chase whats happening?! we have to look for Damon and Clark!" Wika ni Yohan at tumigil sa paglalakad kayat napatigil rin sina Chase at Zianne.

"Yohan we have to leave!Just trust me okay! Ilalayo ko kayo rito at babalikan ko sila!"

"GUYS!"

Natigil sa pagtatalo nang biglang sumigaw si Zianne habang nakaturo sa kanilang harapan.

"WHAT?!" sabay na sigaw nila Yohan at Chase at napatingin kung saan nakaturo si Zianne.

Nanlaki ang mga mata nila nang makita nila ang isang taong naglalakad papalapit sa kanila mula sa isang pasilyo. May mumunting apoy sa dingding kayat nagawa nilang maaninag na nakasuot ito ng isang maskara...Maskara ng isang tigre at ang mas lalo silang natakot nang makitang may hawak itong isang pakol na may bahid ng mga dugo.

Naglalakad ito at mistulang hindi alam kung saan pupunta. Paika-ika ito.

Napalunok si Chase at bahagyang napaatras sabay hatak kay Zianne at Yohan.

"Layuan mo sila!" 

Biglang may sumigaw at umalingawngaw ang isang napakalakas na putok ng baril. Otomatikong napayuko ang tatlo.

Bumagsak ang taong nakamaskara sa sahig --tinamaan ito

Nang dahil sa lakas ng putok ng baril ay mistulang lumabo ang pandinig nila.

Napalingon si sila kung saan nanggaling ang baril at laking gulat nang makita si Clark. Duguan rin ito habang hawak-hawak pa ang baril. Paupo itong bumagsak sa sahig at mukhang hinang-hina.

"Clark!" Napasigaw si Yohan at dali-daling nilapitan si Clark.

"I-I thought you were gone. Pinuntahan ko kayo at nakita kong sunog na ang kwarto. Akala ko wala na kayo. A-akala ko wala ka na" Mangiyak-ngiyak na saad ni Clark at dali-daling napayakap kay Yohan ng napakahigpit ngunit tanging sigaw ang naging tugon ni Yohan dahil nasagi niya ang sugat nito.

"W-what happened?" Gulat na tanong ni Clark at pinagmasdan ang mangiyak-ngiyak na mukha ni Yohan. 

"Shit happened" mahinang bulong ni Chase at biglang tumayo. Dahan-dahang lumapit sa taong nakasuot ng maskara. Napalingon siya sa tatlo.

"S-sino?" Yun lamang ang lumabas mula sa bibig ni Zianne na mistulang kinakabahan sa kung sino man ang nasa likod ng maskara.

Tinanggal ni Chase ang maskara sa mukha nito.

"Belle?!"

Gulat na sigaw ni Chase nang makitang ang walang buhay na si Belle ang nasa likod ng maskara. 

END OF CHAPTER 22

- - - - - - - - - -

Supposed to be three chapters nalang ang Zugzwang but now I am officially announcing that  mae-extend na ito ng iilan pang chapters! *SABOG PLORWAKS*

I know most of you nalilito na sa takbo ng story but kapit lang! hahahaha. XDDD

Nga pala, please naman yung iba wag puro demand ng updates. Nakaka-offend na kasi, parati na nga akong nag-aupdate tas demand parin ng demand :(((( Its okay to ask when will be the next update just please do not pressure or pre-empt me. Just trust me on this okaaay? :)) CHILLAX LANG ~~~

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro