Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17 : Sisterhood

Ashley's POV

"Narinig mo yun?" tanong ko kay Noah nang makarinig ako ng malabong sigaw mula sa taas ng mansion.

"Ang ano?" Noah

Napailing-iling na lamang ako at hinila si Noah papasok ng mansion. "Lets go I need to talk to Fara, I never should have said those to her" Nakakainis, kung ano-ano nalang talaga ang lumalabas mula sa bibig ko. Nasabi ko lang naman yun kay Fara kanina kasi uminit yung ulo ko.

"Matagal ang pinagsamahan niyo ni Fara. Dont Siguradong magkakabati kayo" Noah Assured me so I just smiled as he kissed my forehead. 

Nagtataka na talaga ako sa kinikilos ni Noah.

Minsan para siyang naiilang sa akin up to the point na hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko. Pero minsan naman napaka-sweet niya. He really did changed but I know that he's still the guy who i loved and who loved me inspite of my rotten attitude...

 "I love you Ashley, I always will" Bigla niyang saad.

Nakunot ang noo ko at ngumiti ako. "Anong meron?" I asked  because he's being weird again.

He smiled at naglakad papasok ng mansion kayat siyempre sumunod ako habang hawak-hawak ang kamay niya.

"Anong ginagawa niyo dito?" Nagulat kami nang bigla kaming sinalubong ni Kuya Jeffrey na tumatakbo mula sa taas ng hagdan.

"Bakit bawal ba?" sarcastic kong tanong.

"Kakausapin lang namin si Fara" Noah

Ngumiti si Kuya Jeffrey. "Nakita ko kanina si Fara parang mainit ang ulo. Alam niyo mas mabuti pang bukas niyo na siya kausapin kapag lumamig na ang ulo niya. Kapag kasi galit, kung ano-ano ang lumalabas sa bibig natin kayat mabuti pang hayaan nalang muna nating lumipas ang ilang oras."

May point nga naman si Kuya Jeffrey.

Baka kung ano na naman ang mangyari kapag pinilit ko siyang kausapin.

"Kuya jeffrey please make sure that she's okay" I asked. Fara is like a sister to me and ayokong magdamag siyang umiyak dahil sa sama ng loob dulot ng nasabi ko.

"I will" aniya.

"Teka nasaan si Mrs. Romulo?" Tanong ni Noah.

"Natutulog na. Balik na kayo sa campsite. Matulog na rin kayo" Kuya Jeffrey.

Wala kaming magawa kundi bumalik nalang ulit kami ni Noah sa campsite.

 - - - - - - - -- - -- -

YOHAN'S POV

Madaling araw na, napakatahimik ng paligid. Tulog na ang lahat at ang tanging naririnig ko lamang ay ang mga kuliglig na nagkalat sa gubat. Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Napakabigat ng mga mata ko pero bakit ganun hindi parin ako makatulog ng maayos?

Tiningnan ko si Zianne na mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Mabuti pa siya...

Shorts at tank top lang ang suot ko kayat kinuha ko ang jacket ko at isuot ito. Hindi ako mapalagay dahil andami kong iniisip. Naisipan kong lumabas nalang upang magpahangin, baka sakaling makapag-isip ako ng maayos.

Paglabas ko sa tent namin ay nagtaka ako nang makita ko si Damon na nakaupo sa harapan ng bonfire. Parang anlalim ng iniisip niya.

Babalik ulit sana ako sa loob ng tent namin ni Zee kaso nakita ako kay Damon. Ang awkward naman kayat tinabihan ko nalang siya sa harapan ng bonfire.

"Di ka makatulog?" Tanong niya sa akin kayat napailing-iling na lamang ako sabay yakap ng tuhod ko habang pinagmamasdana ng nagbabagang apoy. 

"Ikaw?" I asked him back.

Narinig ko siyang napabuntong hininga. "Nakaramdam ka na ba ng matinding pagkakonsensya?"

Nanlaki ang mga mata ko at dahan-dahang tumango. Pareho ba kami ng nararamdaman?

Gaya ko ay humarap din si Damon sa bonfire "Ang hirap pala no? Kahit na anong gawin mo, sa huli may masasaktan parin." Sambit niya at muling tumingin sa akin at saka ngumiti.

"Zuzgwang" mahinang bulong ko at bahagyang isinandal ang ulo ko sa tuhod ko. We are all in zugzwang.

"Bakit ang seryoso mo ngayon? Ang weird mong gago ka" I said in a cold tone.

Napailing-iling si Damon at bahagyang tumawa. "Nakagawa lang ng matinding kasalanan" 

Nakunot ang noo ko. "Nakapatay ka?!"

Tumawa siya at ginulo ang buhok ko na para ba akong isang bata. "Oo andami through my killer looks!"

Binatukan ko siya at hindi ko maiwasang matawa. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa pero nagtatawan lang kaming dalawa. Lintek nabaliw na.

"Yohan, do you want to know a secret?" He asked

Napailing-iling ako. "Ayoko, masyado ng madaming sikreto nakakasawa na." I answered.

"I like you Yohanna."

His words made me happy and at the same time frustrations. Napabuntong hininga na lamang ako. 

"Idiot, its silent H." I corrected him.

"okay YOANNA." He said and laughed a bit "Whatever happens, I like you. Kahit na anong malaman mo sana wag kang magagalit sa akin. Sana lagi mo akong paniniwalaan tungkol sa nararamdaman ko sayo"

Tumango ako at pilit na itinatago ang lahat ng emosyong nangingibabaw sa kaloob-looban ko.

"Why do you like me? You dont even know me that much" I said while trying to stop the other words that might come out of my mouth.

"Hindi ako makakabigay ng rason kung bakit gusto kita. Ang alam ko lang gusto kita." Damon

Napapikit na lamang ulit ako at isinandal ang mukha ko sa tuhod ko.

Ang emosyon ko ang dahilan ng pagiging mahina ko noon. I made a wall and created a cold aura in order to protect myself from the pain people would bring. I guess damon is slowly breaking that wall and I cant let that happen. I dont want to get hurt again...

- - - - -- - ---- --

ANIKA’S POV

Tirik na tirik ang araw at kung ano-ano ang pinapagawa sa amin ni Kuya Jeffrey. Biruin mo yun! Inatasan niya kaming mag-tree planting dito sa isang bakanteng lote! Dafuq!

Wala kaming magawa kundi sundin na lamang ang pinapagawa niya dahil wala si Ma’am Romero. Langya sa lahat ng pwedeng I chaperone yun pang matanda.

Kanya-kanya kami ng paghuhukay para may mapagtamnan ng mga seedlings. Nang mapansin kong hindi nakatingin sa direksyon ko si Kuya Jeffrey ay pasimple akong umalis papuntang mansion. Mahaba-haba ang lalakarin pero okay lang naman kasi napakapresko ng hangin.

Habang naglalakad sa mabatong daan ay may naririnig akong nakasunod sa akin kayat agad akong napalingon.

"Hi Nika!" Bati ni Belle sa akin habang nakangiti. "Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Malamang sa mansion" I saracastically answered with a smile para naman di siya ma-offend.

Di ko alam kung ano ang pakay niya pabalik ng mansion pero buti nalang to atleast may kasama ako. Nagpaalam siya sa akin na aakyat muna samantalang ako, hinanap ko si Mrs.Romulo sa kusina kaso wala. Takte nasaan kaya si Ma'am?

Habang naglalakad-lakad sa ground floor ng bahay ay bigla kong nakita ang isang maliit na opisina. Jackpot! Nandito yung fax machine!

---

Nang makuha ko na ang lahat ng mga dokumentong ko ay bumalik na ako sa living room upang abangan si Belle para sabay nalamang kami bumalik ng campsite. Aksidente kong nasagi ang isa sa mga backpack na naroroon kayat dali-dali ko itong pinulot kaso tanga masyado yung may-ari nito kasi di niya sinara ng maayos kaya heto nalaglag yung ibang gamit niya sa sahig.

Nagulat ako nang bigla akong makakita ng baril mula sa bag...

Totoong baril na may totoong bala...

Kaninong bag to?

Shit. 

- - - - - -

Nakabalik kami ni Belle sa campingsite nang walang nakakapansin na nawala kami.

Napatingin ako sa relo ko. Its 3pm.

I have a bad feeling about everything...I have to leave this hellbound place ASAP.

"Kuya Jeffrey, Pwede po bang bumalik na ako sa school? Yung committments ko kasi dun medyo napapabayaan ko na" Pagd-drama ko.

Nagtinginan ang lahat sa akin na para bang nagtataka.

"Ha? Isang araw nalang ang natitira. I suggest I-enjoy mo nalang tong last day niyo anika" Ma-otoridad na saad ni Kuya Jeffrey.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Shit! Isang araw? Marami ang maaaring mangyari sa loob ng isang araw!

Sana lang hindi totoo tong kutob ko. Sana nap-praning lang ako.

- - - - - - - - - - - - -

Yohan's POV

Gabi na and as usual nagtipon-tipon kaming lahat sa harapan ng bonfire upang kumain. Lahat kami ay pagod na pagod dahil sa mga pinaggagawa namin sa araw nato.

"Sayang naman malapit na tayong umuwi!" Reklamo ni Reese.

"Extend dapat!" Ike

"Duh! wag na! Nangingitim na ako dito!" Jarrel

"Nga pala bakit parang di ko yata nakikita si Mrs. Romulo?" Tanong ni Anika.

"Nagmumukmok sa kwarto gumagawa ng lesson plan. Masyadong busy ang kawawang matanda" Kuya Jeffrey.

"Eh si Gavin?" Tanong naman ni Chase.

"Andun tulog na naman" sagot ko sabay turo sa tent niya. Grabe yung lalaking yun, Tulog lang ng tulog. Kung ako yan, di ako matutulog kasi pag namatay ang isang tao poreber yang matutulog.

"How about Ashley?" Tanong naman ni Jarrel.

"She's not feeling well." Sagot naman ni Noah sabay turo sa tent. Siguro wala parin sa mood si Ashley dahil sa alitan nila ni Fara. Yan kasi mga bitch. tss.

"Alam niyo ba napakaswerte ng mga taong nakakatagpo ng tunay na kaibigan" Wika ni Kuya Jeffrey na may napakalapad na ngiti sa kanyang labi ngunit nakikita kong may itinatago itong kalungkutan.

"Oo naman! Maswerte ako sa mga Bro kong to!" Sigaw ni Chase sabay akbay sa amin nila Clark at Damon.

"Were not friends who you?" Wika ni Damon.

"Wow damon nahiya ako sayo pramis! Hiyang-hiya ako!" Sarcastic na saad ni Chase kayat natawa na lamang ako.

Narinig ko si Zee na napabuntong hininga "I have no true friend" mahinang bulong nito.

Agad ko siyang binatukan. "You idiot" mahinang bulong ko sabay turo sa sarili ko. Kumurba ang napakalapad na ngiti ni Zee sa labi niya at parang kumislap pa ang mga mata nito. Akmang yayakapin niya ako kayat pabiro akong napa-cross sign. "Get away you freak" i said in a serious tone.

Napatingin ako sa direksyon ni Jarrel.

Saglit na nagtama ang tingin namin. Awkward!

True friend... oh yeah, I once treated that bitch like a true friend but she only used me. God knows how much I cared for her, I treated her like a sister but she betrayed me and made my life a living hell... Nakakalungkot isipin na sinayang niya ang lahat...

Siguro naman hindi kagaya niya si Zee.

"Ikaw Kuya Jeff? Nagkaroon ka rin po ba ng totoong kaibigan?" Tanong naman ni Reese

Bahagyang napayuko si Kuya Jeffrey ngunit bahagya siyang napangiti. "I had many true friends. But may limang taong naging napakalapit sa akin kaso napunta lang sa wala ang lahat."

"Ha? ano pong nangyari?" Tanong ni Jarrel.

"Baka nagka-trayduran? Diba Jarrel?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong magpasaring. Akala ko gaganti si Jarell ng masamang tingin o masasakit na salita ngunit tiningnan niya lang ako.

"I was a jerk...Well worst than a jerk. Huli na ang lahat para ayusin yung gulong dinulot ko so wala akong magawa kundi tanggapin nalang ang kinahinatnan ng lahat. Kaya kayo habang may oras pa, ayusin niyo yung mga nagusot niyong mga samahan. Hindi totoo ang second chances lalong-lalo na kung makikisali si kamatayan." Makabuluhang saad ni Kuya Jeffrey.

Napabuntong hininga na lamang ako. 

Naramdaman kong hinawakan ni Chase ang braso ko.

"Hanna... what happened to us?" Gulat na gulat ako nang marinig ko ang mga katagang yun mula kay Jarrel.  Matagal na mula nang may tumawag sa akin ng Hanna. Ngunit mas nagulat ako nang makita ko ang mga mata niya.. Kitang-kita ko ang lungkot at sinseridad nito.

Muling bumalik sa isip ko ang lahat ng mga masasamang alaala ng nakaraan kayat bago pa man ako tuluyang madala ng emosyon ko ay tumayo na ako. "Nakaka-jebs mukha niyo" mahinang bulong ko at agad na naglakad palayo.

Nagtungo ako sa lake. Mag-isa ako dito kayat malaya kong nailabas ang lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Nangako ako sa sarili kong hindi na ako iiyak dahil sa mga nangyari noon pero hindi ko parin mapigilan ang sarili ko.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko.

"Gago bitiwan mo nga---" Natigil ako sa pagsasalita nang makitang ito pala ay si Clark at hindi pala si Damon.... 

"Hey are you okay?" Nag-aalala niyang saad kayat agad akong napailing-iling. Sa lahat ng tao, si Clark ang siyang may alam at nakakaintindi sa lahat ng mga pinagdaanan ko. Napayakap na lamang ako sa kanya.

"Shhh. Dont cry okay? You're yohan. You're no longer a cry baby. Akala ko ba di ka na iiyak?" sabi ni Clark ngunit alam kong pinapalakas niya lang ang loob ko. 

"Andali niyang nakalimutan ang lahat pero ako, bakit hindi ko magawang makalimutan yung ginawa nila sa akin noon? and now she acts as if parang nakokonsensya siya!" Sambit ko sa pagitan ng aking mga hikbi.

 Ginawa ko ang lahat para lang makasundo ko ang lahat noong higschool ngunit balewala dahil kung ano-anong masasamang salita ang ipinukol nila sa akin. Jarrel, The person who I treated like a sister bullied me along with my other so called friends. They made my life a living hell and now she acts as if wala siyang alam..... My parents once told me that there are bad people. I didnt believe them back then, But after seeing Jarrel's true colors... Naniniwala na ako sa mga sinasabi ng parents ko.

"Hey people might hurt you but I wont. Kind words are temporary but believe me when I say you can trust me..." Clark

Bahagya akong tumango.

"Nandito kami ni Chase para sayo. We are your true friends always remember that" paalala niya ulit.

- - - - - - - - - - -

ASHLEY’S POV

Magha-hatinggabi na. Tulog na yata ang lahat dahil naghahari na ang katahimikan. Nakahiga lamang ako sa loob ng tent kasama si Noah. Kagaya ng iba’y natutulog na rin siya samantalang heto ako, hindi makatulog dahil sa pag-iisip.

Naiinis ako.

Buong araw ay hindi ko nakausap si Fara. Hanggang ngayon ayaw parin raw niya akong makita sabi ni Kuya Jeffrey. It’s bad enough that I’m not in good terms with my sister tas ngayon pati naman ang bestfriend ko.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko ngunit patuloy parin na naglalaro sa isipan ko ang alaala ng nakaraan kung saan maayos pa ang samahan namin ni Missy. Sabay kaming nagdusa at nasaktan ng kapatid ko nang maghiwalay ang mga magulang namin. We both suffered pero nakayan namin ang lahat dahil kasama namin ang isa’t-isa.

Napabuntong hininga ako. Nakakabwisit, si Fara ang may kasalanan nito eh… Pinapakonsensya ako ng bruha.

Kinuha ko ang cellphone ko. Baka sakaling gumaan tong konsensya ko sa pagbabasa ng message ni Missy. Damn nami-miss ko ng makipag-away sa kapatid kong loka-loka.

From:  Missy

 

HELPME!!1!!

 

Nakunot ang noo ko nang mabasa ko ang mensaheng yun. Hindi ko maiwasang kabahan. Anong nangyari sa kapatid ko?

Natatakot akong basahin ang iba pang mga mensahe kayat mas minabuti kong pakinggan na lamang ang voicemail na ipinadala niya kagabi.

Nanginginig ang mga kamay ko habang dahan-dahang inilalapit ang cellphone sa tenga ko.

 

“Ate..Ate si..Si Missy to.” Mahinang bulong niya. Naririnig ko siyang umiiyak ngunit pilit niya itong pinipigilan. “Ate alam kong ayaw mong marinig ang boses ko pero ate takot na takot na ako. Pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Ate natatakot ako… Ate please puntahan mo ako dito sa park… Ate please pu--- AAAAAHHHHHHHHH! Bitawan mo ako!”

 

 

“Missy! Missy!” Tuluyan nang bumuhos ang luha ko nang marinig ko ang takot na takot na boses ng kapatid ko habang sumisigaw.

Natapos na ang voicemail ngunit sigaw parin ako ng sigaw sa pangalan ng kapatid ko.

Nakita kong nagising si Noah dahil sa sigaw ko ngunit di ko siya pinansin. Sa halip ay tumakbo na agad ako palabas ng tent. Wala akong pakialam kahit na nakapaa lang ako. Wala akong pakialam kahit masugatan man ang mga paa ko sa pagtakbo papaalis sa gubat nato. Wala akong pakialam kahit tinatawag ako ni Noah. Kailangan kong makaalis dito sa lalong madaling panahon. Those messages were sent two days ago and I can’t just sit here not knowing what happened to my little sister.

Nararamdaman kong nasusugatan na ang mga paa ko ngunit wala akong pakialam. Patuloy parin akong tumatakbo pabalik sa mansion sa kabila ng dilim na bumabalot sa buong lugar.

Malapit na ako sa pintuan nang mansion nang maabutan ako ni Noah na gaya koy hingal na hingal.

Bigla niyang hinigit ang braso ko. “Ashley ano bang nangyayari sayo?! Calm down will you!” Sigaw niya.

 

 

“M-my sister! I have to leave this fvcking place! My sister needs me! I need to leave right now!” Sigaw ako ng sigaw sa pagitan ng mga hikbi ko

 

“Okay ash please calm down. Sasamahan kita. Titingnan ko kung may sasakyan sa garahe. For now dun ka muna sa taas kasama si Fara, Tatawagin kita pag ready na” Sambit ni Noah kayat tumango na lamang ako sa kabila ng labis kong takot at hinanap ang kinaroroonan ni Fara.

Naririnig ko ang malalakas na kulog na nagbabadya ng malakas na ulan. Tumatakbo ako sa ikalawang palapag ng mansion. “Fara! Mrs. Romulo! Fara!” Sigaw ako ng sigaw sa kabila ng luhang tumutulo mula sa mga mata ko.

Natigil ako sa pagtakbo nang marinig kong may bumukas na pintuan. “Fara?!” Sigaw ko at agad na pumunta sa kwartong yun. Bumungad sa akin ang napakadilim na kwarto kayat agad kong binuksan ang ilaw.

Napakalaki ng buong kwarto ngunit hindi ko parin ito maaninag ng lubos. Napatingin ako sa malawak na kwarto. The lights were dimmed but I was sure of what I saw…Of whom I saw..

“M..missy” Mahinang bulong ko nang makita ang kapatid ko sa pinakadulo ng kwarto. Malapit siya sa bintana nakaupo ngunit may busal ang kanyang bibig at mistulang nakatali ang kanyang mga kamay sa upuan.

Andami kong tanong sa isip ko. Paano nakarating dito ang kapatid ko?

Hindi ako makagalaw dala ng labis napagkagulat.

Iniangat ni Missy ang ulo niya kayat saglit na nagtama ang tingin namin. Awang-awa ako nang makita ko ang namumugtong mga mata ng kapatid ko. Bakas ang matinding takot sa mukha niya.

Nanginginig ang mga paa ko nang humakbang ako papalapit sa kanya. “Missy” mahinang bulong ko ngunit natigil ako sa paglapit sa kanya nang bigla siyang sumigaw. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin ngunit paulit-ulit niyang iniling-iling ang ulo niya na para bang may gustong sabihin. Para bang pinipigilan ako…

Bigla akong nakarinig na may pumalakpak.

Gulat at takot ang namayani sa puso nang makakita ako ng isang pares ng kamay na pumulupot sa leeg ng kapatid ko. Nakakita ako ng isang taong nakasuot ng maskara ng tigre… Kahit na madilim ay naaaninag ko parin ang hawak-hawak niyang napakatalas na kutsilyo. At ang masaklap, Nakatutok ito sa leeg ng kapatid ko.

Bigla akong naalala ang sinabi ni Jarrel tungkol sa tigreng pumatay kay Cherry.

“Missy!” Sigaw ko at dali-daling tumakbo papalapit sa kanila.

iilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang bigla akong makaramdam ng kakaibang kirot sa paa ko. Bigla akong nadapa at tuluyan akong bumagsak sa sahig. Pakiramdam koy tumigil ang oras; nanlaki ang mga mata ko nang makitang duguan na ang mga paa ko ganun rin ang mga braso ko. Napakarami palang bubog ang nagkalat sa sahig at ngayoy nakatusok na ang karamihan nito sa akin.

“Sh-shit! shit! Help me!!” Sigaw ako ng sigaw dahil sa matinding sakit at hapdi. Gumagalaw ako upang makalayo sa mga bubog ngunit balewala, Mas lalo lang akong nasusugatan at nagsisilabasan ang napakaraming dugo.

"Ashley Anong ginagawa mo? Akala ko ba ayaw mo sa kapatid mo?" Narinig ko siyang sumigaw ngunit hindi ko nakikilala ang boses niya.

"Hayop ka! Pakawalan mo ang kapatid ko! Layuan mo siya! Noah! Fara! Tulungan niyo kami!" Sigaw ako ng sigaw hanggang sa napapahagulgol at napapatili na ako dahil sa matinding sakit. 

"Scream all you wnat but no one can help you but teka, Akala ko ba ayaw mo sa kapatid mo? Wait Ashley Hipolito, give a reason why i should let your dearest sister live" Sambit niya.habang idinadampi ang kutsilyo sa pisngi ni Missy.

Muli akong napahagulgol habang pilit na gumagapang sa kabila ng mga bubog na tumutusok sa akin. "She's my sister! Oo parati kaming nag-aaway but she's important to me! Parang awa mo na wag mong sasaktan ang kapatid ko!" Sigaw ako ng sigaw.

Tinanggal niya ang busal sa bibig ni Missy. 

"Ate stop moving! Ate!" Sigaw siya ng sigaw habang humahagulgol.

Napakasakit sa aking marinig na umiiyak ng ganito katindi ang kapatid ko. Wala akong ibang gustong gawin kundi yakapin siya at sabihin sa kanyang magiging okay lang ang lahat ngunit hindi ko kaya. 

"Who the hell are you? Why are you doing this to us!" Sigaw ko sa pagitan ng mga hikbi ko. Mas lalong lumalalim ang mga sugat ko kayat unti-unti na akong nahihilo.

"Introductions are lame but Missy's life is in your hands. Wait, are you sure you want to save your sister? Im doing you a favor here?" 

"Ako nalang ang saktan mo wag ang kapatid ko! Ako lang ang pwedeng manakit sa kapatid ko kasi ako lang naman ang magmamahal sa kanya ng matindi! If you want money, i'll give you money! Please im begging you dont hurt my sister!" Pagmamakaawa ko habang umiiyak.

"Ate.." Iyak lang ng iyak si Missy kayat pilit ko siyang tinitingnan sa kanyang mga mata.

"Shh. dont cry you ugly brat! I am here dont be fucking scared!" I screamed inspite of my tears because I know this is the only way to calm her. Kahit na ilang beses kong sabihing ayoko sa kanya, nangingibabaw parin ang pagmamahal ko sa kapatid ko.

"Wow feisty. Pasalamat ka mabait ako, Ashley I am giving you 10 seconds to go to your sister. If di mo yun magawa sa loob ng 10 seconds, goobye missy" Ma-otoridad nitong saad.

Hindi ko alam kung sino siya o kung bakit niya to ginagawa sa amin pero sa ngayon kailangan kong protektahan ang kapatid ko. 

"10" Bigla siyang nagsimulang magbilang.

Napapikit na lamang ako at napasigaw habang pilit na iniaangat ang katawan ko. Dumidikit ang mga bubog sa balat ko at pagkuway natutusok na naman ng bago. Andami nang dugo at sugat ng buong katawan ko ngunit binabalewala ko ito. Kailangan ko ni Missy...Hindi ako pwedeng maging mahina..

"9"

"Ate I love you! Ate please wag! Ate dont move!" Sigaw ng sigaw si Missy.

"8"

"Shit... Shit.." Patuloy lang ako sa pag-iyak.

Idinilat ko ang mga mata ko at nakitang malapit ko ng malagpasan ang mga bubog sa sahig at malapit na ako sa paanan ni Missy.

"5...Sorry ash im not good at counting"

Nanlaki ang mga mata ako. "Wait N----"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko. Pakiramdam koy tumigil ang mundo ko nang bigla kong nakitang may tumulong dugo sa sahig. 

Iniangat ko ang ulo ko at nakita kong wakwak na ang leeg ng kapatid ko. Bigla siyang bumagsak sa tabi ko. Nakadilat ang mga mata niya ngunit nangingisay na siya.

Napatili na lamang ako at napahagulgol. Lumabas ang salarin mula sa bintana kayat naiwan lamang ako na sigaw ng sigaw.

"Missy! Missy no! no! stay with ate! Missy!" Pilit kong tinatakpan ang sugat sa leeg niya. "Look at me! Look at ate!" Nanginginig ang mga kamay ko habang tinatapik ang pisngi niya. Wala na akong pakialam sa mga sugat ko. Wala akong pakialam sa mga bubog na nakatusok parin sa balat ko. Ang kapatid ko lang ang nasa isip ko.

"A..ate... I love you..." Pinilit niyang magsalita kahit halos walang boses ang lumalabas mula sa kanya.

"No! Dont fucking say that! Were sisters! Were supposed to hate each other! Wag mong iiwan si ate!" Napahagulgol ako "Somebody help us! Parang awa niyo na!" 

"Ate...."

Napahawak na lamang ako ng bibig ko.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Noong araw na maipanganak siya, Nangako ako sa mga magulang namin na hindi ko pababayaan ang kapatid ko kaso ngayon..

"Dont leave me please im begging you" Nakita kong hindi na siya gumagalaw. Napahawak ako sa pulso niya at dinikit ito sa pisngi ko. "Missy wag mo akong iiwan.. Missy!" Ngunit di na talaga siya gumagalaw. "Missy mahal na mahal ka ni ate please wag mo akong iwan. Missy say something! Missy!"

Napayakap ako sa kanya humahagulgol. Hindi ko na naririnig ang pintig ng puso niya.

"Missy!"

Ang kapatid ko....

END OF CHAPTER 17

- - - - - - - - - - -

Nahirapan talaga akong isulat ang chapter nato lalo na ang last part. Lechugas mukha na akong adik dahil sa pula na ng mata ko. wahahahaha. Ang hirap magsulat T_T

RIP missy .

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro