Chapter 15 : Welcome to Mayhem
Zianne's POV
"Yannie soundtrip tayo! hehehe" Sabi ni Reese at nilagay sa tenga ko ang kaliwang bahagi ng headset niya. Yannie daw oh! Tokneneng binigyan niya pa ako ng nickname. Nakakainis tong si Reese, kinikilig ako bwisit.
Napasandal na lamang ako sa nakasarang bintana ng bus para maitago ang ngiti na kumukurba sa labi ko.
Reese konti nalang at bibinggo ka na talaga sa bias list ko :">
Exo's song "Growl" is currently being played in his ipod kayat siyempre as kpop fans, sumi-sing along rin kami lalong-lalo na't english version to.
"♫ Now dark shadows are woken inside me,
When I look at you flames are all i see,
Im warning you back away, you better flee,
If you wont leave him im getting angry.
Im growlin' growlin' growlin' now ♫
Nakakatuwa, minsan lang ako makakilala ng kpop fanboy eh. hihihi. Dagdag pogi points to kay Reese.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lamang na bumigat ang braso ko, nakita kong nakatulog pala si Reese at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.
Tokneneng! Diba dapat ang babae yung matutulog sa balikat?! >_<
Waaaa! Reese gising! Ako dapat matutulog sa balikat mo huhubells!
Yung feeling na pigil ka ng pigil sa ngiti mo tapos sa huli magmumukha kang baliw na kamatis. Shet into yun eh! Ito yun eh! Reese baka tumulo laway ko sa kilig! :">
"Landi moves 101 : Tulog daw eh yung ngipin halos lumuwa na sa kakangiti"
Narinig kong nagsalita si Chase kayat napatingin ako sa kinauupuan niya. Itinuro niya sa reese kayat bahagya kong iniyuko yung ulo ko para makita ko kung anong meron sa mukha ni Reese.
Nagulat ako nang makitang nakapikit nga yung mga mata ni Reese pero yung ngiti niya parang abot tenga!
"PFFTTT!" Biglang umayos ng umayos ng upo si Reese habang tumatawa. "Crush naman eh! Wag mong tingnan ang mukha ko kinikilig ako!" Sigaw niya sabay takip ng mukha niya.
Tokneneng! Yung totoo sino ba sa amin ang babae?! >_<
"Hoy Zianne wag mong hahayaang dumamoves sayo yan, sasayangin mo lang kinabukasan mo" Chase
Nakita kong pinanlisikan ng mata ni Reese si Chase at halos maging ala-kingkong ang paglaki ng butas ng ilong niya. "Hoy Chen! Wag kang epal bwisit!" Asik ni Reese na mistulang inis na inis ngunit tinawanan lang siya ni Chase.
"Hoy reese wag kang mag-highblood, Lumalaki ang butas ng ilong mo! Baka mahigop kami! hahahahahahahaha!" Biro ko sa kanya
"Kumapit ka sa kulangot! hahahahahaha!" Sigaw naman ni Damon. Shet lang, ang lakas ng pandinig ni Demon at nakikisali pa sa asaran.
"YUCKS!" sabay-sabay na nagsigawan ang lahat kayat mas lalo akong natawa.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Reese at laking gulat ko dahil nakatitig lang ito sa akin habang walang ekspresyon ang mukha niya. Nasasapian ba siya ni Yohan?
"Hoy umayos ka baka masapak kita. hahahaha" Banta ko sa kanya pero nakatitig parin siya sa mga mata ko.
Tokneneng! Walanjo! Hudas! Impakto! Ang ayoko sa lahat ay yung tumititig sa mga mata. huhubells. Napaka-awkward makipagtitigan sa ibang tao! E di nga ako makapagsalita ng maayos kapag nakatitig ako sa mata ng tao eh.
Pero yung mga mata niya! Nakakatakot yung titig niya! Para akong hinihigop! Shet ang pogi niya! Mapapatay ko siya!
*POK*
Hindi talaga ako mapakali kapag may tumititig sa mga mata ko kayat otomatiko kong napalo ang noo niya gamit ang powerful palad ko.
"Araaaay!" Sigaw niya sabay hawak ng mukha niya.
Napatakip ako ng bibig ko. Tokneneng! Ang lakas nung pagkakapalo ko sa kanya. "Sorry! Omo! Reese sorry talaga!" Sigaw ako ng sigaw.
"Students mamaya na muna ang landian" Biglang tumigil ang bus at tumayo sa harapan si Mrs. Romulo. Whatdafudge?! Hindi kaya kami naglalandian! Tong matandang to! "Malapit na tayo sa campsite but unfortunately, Hindi pa ganun kalawak yung cell sites dito kayat sana ngayon pa lang, Make your calls na dahil pagdating sa campsite, wala ng magiging signal dun" Dismayado man, wala kaming magawa kundi tanggapin na lamang ito. Mas okay yung walang signal, atleast focus at walang takas sa bonding activities. ^_^
Nagsibabaan kaming lahat mula sa bus.
Napangiti ako nang matanaw ko ang paligid. Wala akong ibang makita kundi mga puno't halaman. Napakasariwa ng hangin, malayong-malayo sa gulo ng siyudad.
"Reese kamusta crush mo?" Narinig kong tanong ni Damon kay Reese. Napakalakas ng boses ni Damon kayat alam kong pinaparinggan niya ako.
"Ayun, sinapak niya ako" Sagot naman ng tukmol.
"Masakit ba?" Damon
"Konti lang" Reese
Pakiramdam ko tutulo na ang laway ko sa pagpipigil na tumawa kayat lumingon na ako sa kanila. "Sige magparinig lang kayo!" Sigaw ko.
"Kausap ka ba namin?!" Sarcastic na tanong ni Reese kayat otomatic na na sumimangot ang mukha ko at halos magsalubong na ang kilay ko.
Gaganti pa sana ako ng pang-asar ngunit napansin kong biglang tumahimik si Damon at sumeryoso yung mukha...Parang naiinis?
Tiningnan ko ang direksyon kung saan siya nakatingin.
Nakita ko si Yohan. As usual magkasama sila ni Clark and this time, pilit na kinukunan ni Yohan ng litrato si Clark ngunit panay ang pagtakip niya sa mukha niya. Ang cute nila tingnan!
"Selos ka brad?" Tanong ni Reese kay Damon
"Pssh! Ako nagseselos? hahahahahaha" Sagot ni Damon
"Konti lang!" Sabay naming sigaw ni Reese sabay high five.
Naningkit lalo ang mga mata ni Damon at nabuntong hininga ito. "Langya kayo" mahinang bulong nito.
"Ma'am wala bang internet dun?" Aligagang tanong ni Anika kay Ma'am Romulo. Sa lakas ng boses niya rinig na rinig namin ito. Bakit ganun si Anika parang di mapakali na naman.
"Wala but there's a fax machine at the cabin. Its a bit old but I guess gumagana pa yun"
Nakita kong napabuntong hininga si Anika at muling may kinausap sa cellphone niya. Ano ba talagang nangyayari sa babaeng yun? She gets weirder by the moment.
Nangangalay na yung mga paa ko sa kakatayo kayat aakyat pa sana ako pabalik sa bus kaso naunahan ako ni Ashley at Fara sa pag-akyat.
"Ash milagro, di mo yata binuksan phone mo?"Fara
"Why would I? Iinit lang ang dugo ko pag pinansin ko ang phone ko. Bwisit kasi si Missy, Kagabi pa tawag ng tawag sa akin. Nakakairita. nag-iwan pa ng mga voicemail tss." Ashley
Ang sama naman ni Ashley sa kapatid niya.
Pasalamat siya may kapatid siya, ako wala nakakalungkot :(
"Ash baka may emergency?" Fara
"Like I care.." Ashley
- - - - - - - - - - -
"Yannie..Psst Yannie, gising nandito na tayo" Naririnig ko ang boses ni Reese dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.
Nagtaka ako nang sumakit ang leeg ko. shet stiff neck na ba ito?
Na-realize ko, kaya pala masakit kasi nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Reese the whole time na natutulog ko. At ang loko-loko namang si Reese parang timang na nakangiti.
"Napanaginipan mo ako? hehehe" Reese
Bahagya akong napahikab at nag-stretch ng kamay ko. "Nanaginip ako ng isang unggoy, malamang ikaw yun" Asar ko sa kanya.
Tuluyan ng huminto ang bus kayat nauna na kaming tumayo ni Reese upang kunin ang mga gamit namin na nasa likurang bahagi ng bus.
Kukunin ko na sana ang bag ko ngunit laking gulat ko nang makitang ginagawa na pala itong unan ng isang lalakeng nakaupo sa sahig. Bale nakaupo siya sa sahig pero yung ulo niya yung ipinatong niya sa upuan. "Shit!" Napamura ako sa gulat eh kasi naman natatakpan siya ng mga bag kayat wala akong kaide-ideya na may natutulog dun.
"Ayo Gg!" Narinig kong sigaw ni Chase habang nakangiti.
Gumalaw yung lalaki at dun ko napagtantong, Si boy laway na naman pala ito.
"Bakit gg?" Reese
"Gavin Geraldino. haha" Chase
"Teka diba wala ka dito kanina?" Belle
Naghikab muna si boy laway atsaka as usual pinunasan ang laway sa bibig niya.
"Nandito kaya ako! Di niyo lang ako pinansin kasi abala kayo sa pakikinig dun sa litanya ni Chase" Gavin
"Ha? Eh bakit dito ka sa likuran?" Sabat naman ni Mrs. Romulo na gaya namin hindi makapaniwala na all this time, nasa byahe din pala tong shungang to.
"Madaming bag dito eh, Madaming pwedeng unan. hehehe. Im so matalino" Proud na saad ni Gavin.
- - - - - --- - -
Lahat kami ay manghang-mangha habang pinagmamasdan ang napakalaking bahay sa harapan namin. Oo may kalumaan ito lalong-lalo nat yari lamang ito sa kahoy pero napakalaki kasi nito. Yung parang antique house, so classy!
"Akala ko ba camping bakit may mansion?" Jarrel
"Dito natin iiwan ang ibang mga gamit and kapag umulan pwede tayong dumito muna." Mrs. Romulo.
"But yung campsite?" Chase
"We have to hike to get there" Kuya Jeffrey
Huwat?! Hiking? huhubells nakakapagod yan eh.
Since wala naman kaming magagawa, pumasok na lamang kami sa loob ng bahay at kumuha ng mga supplies gaya ng tents at flashlight upang dalhin sa campsite.
Ayos tong mansion nato, Kahit mistulang napakatanda na, ang laki-laki parin. Biruin mo, May three floors tapos andaming mga kwarto sa bawat pasilyo!
Siyempre isa-isa kami ng mga kwarto. Sa third floor kami samantalang sa second floor ang boys area. Napaka-useless ng malaking bahay nato kasi sabi nila doon daw talaga kami sa gubat maglalagi. Kumbaga, for emergency lang to.
- - - - - - - - -
Anika's POV
Hindi ko alam saan pupunta. Napakalaki ng mansion nato tapos amoy luma talaga. Nakakapangilabot pero wala ng mas nakakakilabot pa sa mga nalaman ko kagabi.
Napahikab ako. Ilang oras lang yung tulog ko kasi panay yung pagri-research ko. Kung sino-sino yung mga tinawagan ko para lang kumuha ng impormasyon. Oo kulang pa yung ibang mga impormasyon pero sapat na ito upang masabi kong mga halimaw ang iba sa mga kasama ko dito.
Lahat sila may kanya-kanyang kasalanan...
Lahat kami...
Hindi ko alam pero pakiramdam ko may hindi pa ako natutuklasan kaso yun nga, minalas na ngayon pa kami nag-camping kayat mahihirapan ako sa pagkuha ng files mula sa mga taong hiningan ko ng tulong. Buti nalang may fax machine dito, Maaari kong matanggap yung mga impormasyon kinalap at pinahanap ko. Kaso nasaan kaya ang fax machine? kaninapa ako hanap ng hanap.
Natigil ako sa paglalakad.
May narinig akong kakaiba ngunit hindi ko alam kung ano yun.
Nagpatuloy ako sa paglalakad kasi baka guni-guni ko lang yun.
Muli kong narinig ang kakaibang tunog pero ngayoy bahagya ko na itong naririnig ng maayos.
Bakit parang ganun? Parang may umiiyak?
Tumigil ulit ako sa paglalakad.
Pumikit ako upang mapakinggan ito ng mabuti.
Hindi ako nagkakamali, may naririnig nga akong umiiyak.
Nakakapanindig balahibo pero pilit kong sinundan kung saan ito nanggagaling.
Natigil ako sa isang kwarto. Malayong-malayo ito mula sa mga kwarto namin kayat kahit papaanoy nakakaramdam ako ng takot.
Dahan-dahan kong inilapit ang ulo ko sa pinto. Gusto kong kumpirmahin kung dito nga ba sa kwartong to nanggagaling ang naririnig ko.
"Ms. Anika what are you doing here?"
Napabalikwas ako sa gulat. Napahawak ako sa dibdib ko at pinilit ang sariling ngumiti.
"Whooo! Ma'am Romulo wag ka namang manggulat!" Sigaw ko.
Kinabahan ako dun ah!
"Ms.Anika nasa baba na silang lahat,papunta na sila sa campsite baka maiwan ka?" Mrs. Romulo.
"Hinahanap ko po kasi yung fax machine.Medyo naligaw lang. hehehe. Di ka po ba sasama sa campsite?"
Napailing-iling si Ma'am at bahagyang ngumiti. "Medyo may edad na ako iha, di ko na yata kakayanin ang mag-hike eh. hehe" Mrs. Romulo.
Tumango na lamang ako.
Oo nga naman, Medyo matanda na si Ma'am, kawawa naman.
"Nga pala ma'am ano pong nasa loob nito?" Tanong ko sabay turo ng pinto.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni ma'am gaya ko. "I dont know. Ms. Olivio bumalik ka nalang dito mamaya or bukas, ibibigay ko nalang sayo ang kung ano mang darating sa fax machine." She assured me kayat tumango na lamang ako at agad na nagpaalam.
- - - - - - - - - -
Third Person's POV
Tumatakbo si Anika palabas ng mansion upang maabutan sila ngunit huli na yata siya dahil malayo-layo na ang mga ito ngunit may isa siyang taong nakasalubong.
"Anika ano pang ginagawa mo dito?" tanong niya na papasok ng mansion.
"Eh ikaw nga rin eh. haha" Anika
"May utos si Mrs. Romulo eh. Bilis sundan mo na sila, baka maligaw ka pa sa gubat pag di mo sila maabutan" Paalala niya kay Anika.
Ngumiti na lamang si Anika at agad na tumakbo.
- - - - - - -
Umakyat siya patungo sa palawang palapag ng bahay.
Di gaya ng iba ay mistulang kabisado na niya ang bawat pasikot-sikot nito.
Kinuha niya ang susing kanina niya pa tinatago.
Natigil siya sa paglalakad nang makita niya si Mrs. Romulo, Nakatayo ito sa harapan ng pintuang pinagtuunan ni Anika ng pansin kanina. Ngayon ay si Mrs. Romulo naman ang nakakarinig sa pag-iyak.
"May tao ba diyan? Sino ka?" Tanong ng guro nang marinig ang impit na iyak na nanggagaling sa loob ng kwarto.
Naikuyom niya ang kanyang kamao nang makitang inilapat ni Mrs. Romulo ang kanyang tenga sa kwarto.
"Pakialamerang matanda" mahinang bulong niya.
Hindi namalayan ni Mrs. Romulo ang paglapit niya.
Umalingaw-ngaw ang isang kakaibang tunog; tunog ng Mistulang isang sangang naapakan at nabali.
Ngunit ang tunog na ito ay hindi nagmula sa isang sanga.
Nagmula ang tunog na ito sa leeg ni Mrs.Romulo. Hindi na nakapanglaban pa ang guro nang malagot ang kanyang leeg sa pamamagitan lamang ng kamay ng salarin.
The killer snapped her neck which caused her death.
Bumulagta sa sahig ang walang buhay niyang katawan.
Walang kahit na anong bahid ng dugo ang lumabas mula sa kanya ngunit bakas ang pagka-palinsarin ng kanyang leeg.
END OF CHAPTER 15
- - - - - - - - - - -
Author's Note : Gravity, kailangan ko na itong bilisan. Huhu tambak na naman ang to-do-list kowwww T_T
Thanks for reading!
Vote and Comment ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro