Chapter 13 : Deductions & Suspicions
CHASE'S POV
"Ba-bye!"
"Text-text nalang tayo ha?"
"Di na ba magbabago ang isip niyo?"
"Ba-bye"
Umagang-umaga ay nakakarinig ako ng mga pag-iinarte at busina ng mga sasakyan. Bakit parang andami yatang tao sa labas?
Idinilat ko ang mga mata ko at napaupo habang humihikab. Ang gulo-gulo pa ng buhok ko pero ang pogi ko parin talaga. ^_^
Napadungaw ako sa bintana at nakita ang maraming estudyanteng nagsisi-alisan habang may dalang napakaraming mga bagahe. Nasa labas din ang ibang staff ng school na mistulan silang pinipigilan pero balewala. Buo na ang desisyon ng mga estudyanteng tong lumipat ng university matapos pinatay si Sir Frank. And considering na hanggang ngayon gumagala parin ang killer niya.
"Ang mga duwag nga naman" mahinang bulong ko.
Okay, duwag din naman ako pero konti lang. ^_^
Napatingin ako sa cellphone ko just in case may chicks na nagpaparamdam sa akin pero nadismaya na lamang ako ng makitang one message lang ang natanggap ko at mula pa sa isang unknown number.
Sana maganda to! Please bro sana chicks to! wihihihi
From: +639.........
ZUGZWANG
"Aishhh!" Napakamot na lamang ako sa ulo ko sabay sipa ng kumot ko. Nagkalat na talaga ang mga adik na may cellphone ngayon!
"Chase maligo ka na, May bio class pa tayo" Paalala sa akin ni Clark habang nakaharap sa laptop niya. Bihis na bihis na ang gago. Tsk, tsk Iba talaga pag-inspired. Pero ako heto, Expired.
- - - - - - - - - - - - -
YOHAN’S POV
Nakakapagod sumali sa bio class ngayon, Papatanimin lang kami ng prof namin dun sa botanical Garden kayat umiskapo na ako papunta dito sa library. At isa pa wala rin naman akong ibang maririnig run kundi ang kaartehan ng mga babaeng coloring book kayat why bother?
Buti pa dito sa library makakapagbasa pa ako. FYI, hindi ako bookworm, gusto ko lang magbasa ng libro. And no, hindi ako nagbabasa nung mga korni love story, non-teen fiction ang trip ko.
Nakakapanibago, noong nakaraang araw marami akong mga nakikitang estudyanteng nagpupunta at nagkukumpulan dito kaso ngayon iilan nalang talaga. Mga duwag….
Habang naghahanap ng mga libro ay nahagip ng aking paningin si Anika. Mag-isa lamang siya at parang napakalalim ng iniisip habang nakadungaw sa bintana ng library. May hawak siyang papel at pasulyap-sulyap siya rito. Ako lang ba ang nakakapansin? O sadyang napaka-weird lang talaga ng kinikilos ng babaeng to ngayon.
At isa pa, classmates kami sa period nato at sa pagkakaalam ko grade conscious siya kayat di niya trip ang umabsent pero anong ginagawa niya rito?
Lumapit ako sa kanya.
“Hoy babae” sabi ko at bahagyang sumilip sa papel na hawak niya ngunit kaagad niya itong itinago mula sa akin.
“Uy Y-yohan” utal-utal niyang saad.
“Anong trip mo?” I asked with a cold tone at nginuso ang papel na hawak niya. Napadungaw ako sa bintanang tinatambayan niya, nagtaka ako nang makitang tanaw pala mula dito sa taas ang botanical garden sa baba. Kitang-kita ko mula dito ang kapogihan ni Damon, shet lang. Pero bakit ba sila pinagmamasdan ni Anika?
I stared at her for a while.
“What? Wala akong ginagawa” Tanong niya na mistula bang defensive.
I continued to stare at her and eventually stared back to the botanical garden.
“You have no idea whats happening don’t you?” Sabi ni Anika sa seryosong boses kayat muli akong napatingin sa kanya.
“I know whats happening, You are being creepy Anika” I told her straightly
Maglalakad na sana ako palayo nang bigla siyang nagbitaw ng mga salitang nagpatigil sa akin.
“Tss..Mag-ingat ka sa kanila Yohan….” She said as if she knows something
Napalingon ako sabay kunot ng noo ko.
“What do you mean?” Tanong ko
She crossed her arms at bahagya siyang sumandal sa ding-ding.
“One them killed Sir Frank…..” Napangisi si Anika sabay turo sa mga kaklase naming nasa botanical garden.
Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. “H-how could you say so?”
“Because Im Awesome…..” Anika
Humakbang ako ng mumunti palapit sa kanya.
“Who killed sir Frank?”
Bahagya siyang ngumiti at itinaas ang papel na hawak niya. Hindi ko ito maaninag dahil sa matinding sikat ng araw na nagmumula sa labas ng bintana.
“Nakasulat sa papel nato ang pangalan ng mga taong naka-schedule na makikipagkita kay Sir Frank nung gabi bago matagpuan siyang patay. Hence, Nandito sa listahang to ang killer. To be honest I want to thank him or her for getting rid of Sir Frank but because I love solving puzzles, Wala siyang kawala sa akin. “ Aniya.
“Im telling you Yohan… Be careful sa mga pinagkakatiwalaan mo. Sir Frank died in a violent way, Biruin mo pinugutan ng ulo ang gago tapos yung katawan niya ay di parin matagpuan. There’s a possibility na kaya niya ring pumatay ng iba” Dagdag pa niya. Ewan ko ba pero kinikilabutan na talaga ako sa kanya. Sa totoo lang gusto ko na siyang batuhin ng libro sa mukha para matahimik.
“Be careful sa mga pinagkakatiwalaan my ass. Then dapat di mo rin to sinasabi sa akin. Shunga ka rin no? Anika?” I said and sarcastically smiled.
She laughed a bit. “Just so you know… Tayong dalawa lang ang wala sa listahang to.”
Tuluyan na akong nakaramdam ng kakaiba.
Naglakad na lamang ako palayo.
No Yohan…
Wag kang magpapaapekto sa sinasabi niya. Napapraning ka lang, Nap-praning lang siya.
------------
ANIKA'S POV
Nang makaalis si Yohan ay inilapag ko sa mesa ang students profile ng lahat ng kasali sa class ni Sir Frank.
17 kaming lahat sa class.
Ako, sina Zianne, Yohan, Chase, Clark, Damon, Noah, Ike, Reese, Ashley, Fara, Jarrel, Jimmy, Gavin, Belle, Cherry at Erwin
Minus one since may topak tong si Gavin at never naka-attend ng class. And also Reese. Reese didnt join the pact to get rid of Sir Frank. But this doesnt make sense, If Reese didnt join the pact, how come ginusto niyang makipagkita kay sir frank the night before his head was found?
Napabuntong hininga na lamang ako at napa-halumbaba sa mesa.
Wait, Its possible rin naman na gumagawa din si Reese ng sarili niyang way para di siya ma-blackmail ni Sir Frank.
Ipinaglapit-lapit ko ang litrato naming lahat maliban lamang sa litrato ni Gavin, Yohan at sa akin. Gavin is dumber than hell, he's not capable of committing a complex murder and besides wala siyang alam tungkol sa problema namin. While si Yohan naman, kahit medyo weird I think di rin naman niya kayang pumatay. Pero hindi parin ako pwedeng maging kampante sa kanila. I have to keep an eye on them parin...
Kinuha ko ang litrato ni Cherry at Erwin.
Tong dalawang to.... Ilang araw ko na tong di nakikita.
What if these two killed sir Frank at nagtatago-tago na kaya nawala?
Bigla kong naalala yung paghy-hysterical ni Jarrel kayat medyo nagulo yung deductions ko.
If totoo nga yung sinabi ni Jarrel na nakita niya ang pagpatay kay Cherry mula sa webchat which is a miracle considering daig pa ni Jarrel si pinocchio. Does that mean na patay narin si Erwin?
Then if they are dead nasaan na ang mga katawan nila? Yung katawan ni Sir Frank nasaan na?
"Ugh! Nakakalitoooooo" Napasigaw na lamang ako sabay gulo ng buhok ko.
- - - - - - - -
Nang marinig ko ang school bell, I decided na pumunta na lamang ng cafeteria.
I no longer trust anyone kayat mas pinili kong mapag-isa na lamang.
Yung mga friends ko from other classes, nawi-wirduhan na daw sila sa akin pero wapakels ako. Trip kong lumutas ng mystery. This is my time to shine.
Nakita ko mula sa di kalayuan si Ashley. Ang layo-layo na niya mula sa ashley na maarte at bitchy. Ang ashley kasi na nakikita ko ngayon ay mukhang wala sa sarili. Yung para bang pasan ang mundo. Namumugto pa yung mga mata niya habang tinititigan lang ang pagkain niya.
"Ash you have to eat" Narinig kong sabi ni Fara sa kanya dahil sa pag-aalala.
"I told you something's wrong in this place" singit ni Jarrel habang nakaharap ang mukha sa compact mirror at ang mga kamay ay naglalagay ng kolorete sa kanyang mukha.
Edi umalis ka. Wala namang may nagsasabi sayong mag-stay ka. tsss.
"Ashley its not our fault okay? Walang may gusto ng nangyari" Sabi ni Noah na nagpatuloy lamang sa pagkain.
Napatayo si Ashley "Its not our Fault?" napasinghal ito sabay kunot ng noo niya. "We pade a pact to get rid of the guy! How sure are we na totoohanan yung pamb-blackmail niya? Alam niyo ba ang tanga ng ginawa natin! What if nagsisinungaling lang pala si Sir frank. What if di niya talaga alam yung sikreto natin?!" Asik ni ashley habang nangingilid na ang kanyang luha.
Dali-dali siyang pinaupo ulit nila Jarrel.
"Shhh. hinaan mo ang boses mo!" Noah
Bahagyang tumawa si Ike habang may burger pa ang bunganga. "So what if someone died because of us? Di pa kayo nasanay. Eh mas malala nga yung noon eh. tss" Ike
Saglit na nagkatinginan sina Noah, Fara at Ike. Samantalang si Jarrel mistulang walang kaalam-alam sa nangyayari at patuloy lang sa paglalagay ng make-up sa sarili.
Agad siyang binatukan ni Noah kayat naluwa ni Ike yung burger.
"Di ka ba talaga titigil sa pag-uungkat ng bagay na yan?!" Sigaw ni Fara kay Ike.
"Okay di na talaga. sorry. hihihi!" Sabi ni Ike sabay peace sign.
Napasandal na lamang ako sa upuan ko at nag isip-isip.
So si Ashley pala ang pinaka naapektuhan sa suicide nung girl na binully nila. Pero bakit ganun yung kinikilos ni Noah, the look in his eyes are weird. I dont know if im just imagining things, but yung actions niya kasi ay napaka-defensive. Para bang may tinatago.... The way Noah glared at Ike. The way Noah, Fara and Ike looked at each other...Parang may tinatago sila.
I crossed my arms. Dahan-dahan akong napailing-iling. Tsk.tsk. May tinatago yata ang mga to. Di yan pwede sa akin.
"Hi ate! " Biglang bati ng kararating lang na si Missy kay Ashley at sa mga kaibigan nito. Nginitian nila si Missy maliban lamang kay Ashley na mistulang badtrip na badtrip na.
Tumabi si Missy sa kinauupuan ni Ashley. "Ate nagpadala pala si Mommy ng cookies. Here's yours. She said you could share it with them too. hehehe" Masiglang saad ni Missy sa kapatid na mistulang naglalambing.
"Uy cookies!" Sigaw ni Ike at agad na kumuha ng cookies.
"Ako rin pahingi! haha" Jarrel
"Whatever. Get lost" Tugon ni Ashley at inisnaban lang ang siya ngunit hindi ito ininda ni Missy. Bagkus ay nagpatuloy lang ito sa pagngiti.
"Ate bakit di ka pa kumakain? Baka lumamig tong food mo oh?" Napansin yata ni Missy na di pa ginagalaw ni Missy ang pagkain niya.
"Shut. Up." cold na saad ni Ashley "Kung nasaan ka, nandun ang kamalasan. No wonder namatay si Sir Frank nang dumating ka. tss."
"Ashley!" Sita ni Fara at pinandilatan ito ng mata
"What?!" Nagmamaang-maangang wika ni Ashley. "It makes sense right?" Ashley
"Pwede ba! she's your sister!" Pagtatanggol ni Fara kay Missy.
"Unfortunately... Gusto mo ikaw nalang maging kapatid niya?" Ashley sarcastically said. Wow, that was harsh considering na nasa tabi lang niya si Missy at rinig na rinig niya ang bawat masasakit na salita nito.
Tumayo na lamang si Missy na hindi parin naaalis ang matamis na ngiti sa kanyang mukha. "Sige ate, mauna na ako. May class pa kasi ako. hehehe. Kumain ka ha?" Sabi nito at agad na naglakad palayo sa kanila.
Naglalakad papunta sa direksyon ko si Missy kayat kitang-kita ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya habang pinipilit parin ang sariling ngumiti.
Nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Kanina panay yung ngiti niya, yun pala nagpipigil lang siya sa luha niya.
"M-missy" I smiled and called out to her.
She didnt smile back. Instead, tumabi lang siya sa akin habang pinupunasan ang luha sa mga mata niya. "Ugh, My eyes are leaking" reklamo niya.
"Are you okay?"
Tumawa siya. But I know she's just faking it.
"Shit naman ate anika, sa tuwing nag-aaway kami ni Ate ikaw parati yung nagiging takbuhan ko. hahaha. But still mas gusto ko parin si Ate Ashley na maging kapatid. hahahaha" Her words doesnt make sense but I know dala lang yan ng emosyon.
"Kumain ka na?" Tanong ko ngunit di siya sumagot. Sa halip ay nakapako lang ang tingin niya sa pintuan na nasa likuran ko.
Napalingon ako at nakita yung kaklase kong kakapasok lang sa cafeteria. Teka siya ba yung tinititigan ni Missy?
Ibinalik ko ang tingin ko kay Missy at nagtaka ako kasi nagbago na yung aura ng mukha niya. Yung kaninang malungkot naging masigla na? Her genuine smile came back. Hindi na peke.
"Huy!" I snapped my fingers kayat mistula siyang nabalik sa katinuan. "Anyare? wag mong sabihing crush mo si.... si...." Aish ano nga ulit yung pangalan niya? Nakakainis! Nahawa na ako ng pagiging makakalimutin ni Gavin!
Dahan-dahang tumango si Missy na mistulang nahihiya ngunit panay parin ang sulyap niya sa kanya.
Wait... As far as I know highschool lang si Missy. Imposibleng maging kaklase sila ngayon dito sa Univ.
Does this mean na siya yung crush ni Missy mula highschool? Yung boyfriend nung girl na nagpakamatay?
"Missy... Siya ba yung highschool crush mo? Siya ba yung reason bakit ka lumipat dito?" Tanong ko.
Magkahalong gulat at pagkamangha ang rumehistro sa mukha ni Missy. Mistulang kumutitap yung mga mata niya. "Wow paano mo nalaman?" Tanong niya
Tch. Im awesome biatch.
But wait...So its true then.
He's the reason why missy is here.
"Silang dalawa ni Ate yung reason kung bakit ako nandito. Someone died nang dahil sa pagmamahal ko sa kanya, ngayon pa ba ako susuko? And besides I love my sister. Gusto kong mabalik yung dati naming pinagsamahan. Hitting two birds with one stone kumbaga. hehehe" Missy
Napabuntong hininga na lamang ako. Magaling din mag-isip tong isang to. kaso shunga lang sa pag-ibig.
"Guys! Guys!" Nagulat kami nang biglang dumating ang humahangos na si Jimmy. Anong meron may sunog ba?
Pinaandar ni Jimmy ang TV at nilakasan ang volume nito.
Lahat kami tumutok sa telebisyon.
"Kakapasok lang ho ng balita, Nahuli na ang taong walang-awang pumatay sa isang guro mula sa isang malaking unibersidad." Sabi ng reporter.
Nagtaka ako nang biglang nag-play ang footage kung saan naroon ang dean namin. Nagsasalita ito sa harap ng marami kasama ang mga pulis. Parang press conference kumbaga.
tumayo ako at bahagyang lumapit sa tv upang marinig ng maayos ang balita.
"Sinasabing isang lalaking lango sa pinagbabawal na gamot ang siyang pumatay sa biktima. Ayon sa suspek layunin lamang niya ang magnakaw ngunit nanglaban umano ang guro kayat napatay niya ito." Reporter
Biglang inilipat ang anggulo ng camera papunta sa dean namin habang nagsasalita. "The killer has now been apprehended. Sir Frank Torevallo is a great loss for us and now we are delighted that Justice has been served. May Frank Torevallo rest in peace. Atleast now, we can move on." Pahayag ng dean.
"Wohooo!"
"Salamat sa diyos nahuli na ang killer!"
Nagpalakpakan ang lahat ng mga estudyante, Maging ang mga gurong nanonood ng tv.
Hala bakit ganun? Mali yung deductions ko?
"This doesnt make sense"
Agad akong napalingon sa likuran ko at nakita si Chase na nakakunot ang noo at mistulang napakalalim ng iniisip. Gaya ko ay mistulang hindi siya makapaniwala sa narinig na balita.
Humakbang ako patungo sa kanya.
"What do you mean?" tanong ko.
"In horror movies, Matagal pa bago malaman sino ang killer. This...This is too easy" Wika ni Chase na mistulang naguguluhan.
"Dude were not in a movie. This is real life." Giit ko.
"Trust me, Life is like a horror movie. Tanungin mo pa Dad ko" Sabi ni Chase at agad na lumabas mula sa cafeteria.
END OF CHAPTER 13
- - - - - - - - - - - - - - -
Clues are all over the place. You just need to read between the lines <3
Thanks for reading!
Vote and Comment! ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro