Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11 : Hypocrisy

Third Person's POV

Nagsigawan at Nagsitilian ang lahat habang tumatakbo palayo sa soccer field. Lahat silay takot na takot dahil sa pagkadiskubre ng pugot na ulo ni Sir Frank.

Ang ibang mga usyosera at usyusero ay nakuha pang tumakbo palapit sa ulo upang kunan ito ng litrato. Ang ibay hindi na kinaya ang pandidiri at tuluyan nang nasuka.

"Yohan!" Biglang sigaw ni Clark nang maaninag si Yohan na walang malay sa lupa.

Mistulang nabalik din sa katinuan sina Damon at dali-dali nilang pinuntahan si Yohan.

Kakargahin na sana ni Damon si Yohan ngunit naunahan siya ni Clark kayat sumunod nalamang sila sa clinic.

- - - - - - - - - -

"She's okay, Maybe she passed out dahil sa sobrang takot" Sabi ng nurse sa school clinic matapos nitong masiguradong maayos si Yohan.

Nakahinga ng maluwag sina Chase, Clark, Damon at Zianne nang marinig ito.

"May contact number ba kayo ng parents niya?" Nurse

Napailing-iling agad si Clark.

"Di na po kailangan."

tumango ang nurse. "Well okay after all ayos lang naman siya." Biglang may dumating na mga pulis at lumabas ang nurse sa clinic upang makibalita kayat sila-sila nalang ang natira dito.

Kinuha ni Zianne ang basang bimpo at idinampi ito sa noo ni Yohan. "Guys we need to tell her parents what happened" giit nito.

"Yohan will get mad. At isa pa hindi mo kilala ang parents niya, Oras na nalaman nilang naisugod sa clinic si Yohan, siguradong maho-homeschool siya. Di mo alam gaano ka-praning at over protective ang parents niya." Chase

Napatingin si Clark sa direksyon ni Chase. "You..." Tumayo siya sa harapan ni Chase at tiningnan ito ng masama. "This is all your fault!" Galit na sigaw ni Clark sabay tulak ng kay Chase at akmang susuntukin niya ito.

nagsigawan sina Damon at Zianne at dali-daling inawat si Clark.

"Clark pwede ba?! Walang may kasalanan!" Sigaw ni Damon na tumayo sa harapan ni Clark upang mailayo siya kay Chase.

"Isa ka pa!" Clark

Napaupo si Chase sa paanan ng kama ni Yohan. Nakayuko ito at mistulang hindi mapakali at napakalungkot. "Clark's right....k-kasalanan ko ang lahat ng to" 

"Chase wag ka ngang mag-inarte!" Sigaw ni Zianne.

Iniangat ni Chase ang kanyang ulo at tiningnan silang lahat. "Dont you guys get it?! Kung si Sir Frank nga talaga yung ulong yun ibig sabihin naging totoo yung laro! May knight na pumatay sa kanya ng totohanan!" Chase

Natahimik sila.

Naiintindihan nila ang ibig sabihin ni Chase.

"Wag kang praning Chase! Masamang tao si Sir Frank, nakuha niya tayong lokohin at gawan ng masama, ang ibang tao pa kaya? Siguradong may iba pang taong galit kay Sir Frank" Giit ni Damon.

"Oo nga malay niyo may ibang naghiganti lang kay Sir Frank" Zee

Napabuntong hininga si Chase at agad na sinapo ang ulo niya. Mistula itong hindi mapakali. "Sana nga."

"Ano ba ang ingay niyo" Napalingon silang lahat nang marinig nilang biglang nagsalita si Yohan. Di nila napansin na kakagising lang nito.

"Yohan okay ka lang ba?" tanong nilang lahat at agad itong nilapitan.

"Wait what happened bakit ako nandito?" Tanong nito sabay hikab. Halatang gusto pa nitong matulog.

"You passed out in the soccer field" Clark

Natulala si Yohan nang marinig ito.

Nakumpirma nitong hindi niya panaginip ang nakita kanina sa soccer field.

"Yohan may masakit ba sayo? Okay ka lang?" Tanong naman ni Chase na alalang-alala.

"I held a decapitated head. Sino ang matinong magiging okay? No. I. Am. Not. Okay" Matigas nitong saad at agad na tumayo. 

"Saan ka pupunta?" Damon

"Maliligo ako hanggang bukas. Papakululuan ko ang sarili ko sa tubig at magsho-shower ako ng alcohol." Sabi ni Yohan na napakaseryoso. Wala kang ibang makikitang emosyon sa kanyang mukha kundi inis. Pagkuway agad itong umalis.

 - - - - - - - - - - - -

Nagkita-kita silang lahat sa classroom matapos makaalis ang mga pulis sa eskwelahan.

"W-what the fvck happened?" Mahinang bulong ni Ashley na maluha-luha pa at nanginginig pa sa takot. Agad siyang niyakap ni Noah at hinalikan sa noo.

"Dont be scared, its not our fault...its not our fault..." Pag-aalo ni Noah dito.

"Ashley" mahinang bulong ni Fara na nag-aalala sa inaasal ni Ashley.

"There were Fifteen of us in the game, Who do you think did it? Clark, Chase, Damon, Yohan, Zianne, Ashley, Jarrel, Noah, Fara, Anika, Jimmy, Belle, Cherry, o si Erwin?" Tanong ni Ike sabay patong ng kanyang paa sa mesa na para bang hindi apektado sa nangyayari.

"Ike shut the fuck up!" Sigaw ni Noah

"What bro? sheesh" Bahagya itong tumawa sabay hawak ng kanyang buhok upang patulisin ulit ang pagkakatindig nito. "Di pa kayo nasanay...May kasalanan din tayong ganito noon" mahinang bulong nito.

Bigla na lamang sinugod ni Noah si Ike sabay hablot ng kwelyo nito. Punong-puno ng galit ang mga mata ni Noah kayat natakot si Ike. "Nananadya ka ba?!" Gigil na saad nito

Ito ang unang beses na nakita niyang nagalit sa kanya ang kaibigan. Agad napahawak si Ike sa pulso ni Noah upang pigilan ito. "B-bro nagbibiro lang naman ako! huy chill lang!" Pagpapakalma ni Ike sa kaibigan at pilit na tumatawa.

Binitawan na lamang siya ni Noah ngunit hindi parin maalis ang masamang titig nito kay Ike. 

 Kahit na hindi sabihin, Halata sa mukha nilang Lahat sila'y takot na takot at kinakabahan matapos matagpuan ang pugot na ulo ng lalaking kinamumuhian nila. Madami silang katanungan ngunit alam nilang walang makakasagot nito.

"Ikaw Ike? baka naman ikaw ang pumatay sa kanya?" Singit naman ni Jimmy na kanina pa nagtitimpi.

Napasinghal si Ike. "Baka nga no?" sarkastikong saad nito.

"Ikaw Zianne? As far as i know Ikaw yung walang kakilala dito since highschool....Ikaw yung pinaka stranger? What if youre a psychopath in disguise?" Nakataas ang kilay habang sinasabi ito ni Jarrel.

Mula sa pagkakatulala ay napatingin si Zee sa kanya. Bigla itong napasmirk. "Jarrel baka naman ikaw ang killer, backstabber ka eh!" Palaban na wika ni Zee.

Napasinghal na lamang si Jarrel.

"This is pointless, So what if Sir Frank is dead? hindi naman ibig sabihin nun na isa sa atin ang pumatay sa kanya. What if madami ang galit sa kanya? Imbes na magbintangan tayo dito dapat maging payapa nga dapat tayo!" Singit ni Damon.

"What about what Jarrel said, na nakita niyang pinatay si Cherry? Alam niyo ba...Wala daw nakakita kay Cherry mula kahapon" Pahayag naman ni Belle.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Jarrel nang maalala iyon.

"Shit naman wag sabi kayong magpapaniwala sa kasinungalingan ni Jarrel!" Giit naman ni Ashley sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

"But I wasnt lying!" Jarrel

"Jarrel I love you but you are such a freaking liar." Pahayag ni Fara

"S..si Erwin nasaan pala? Di ko siya nakita mula noong nakaraang araw ah?" Biglang sabat ni Ike.

"Oo nga no?" Jimmy

"Sina Anika at Yohan nassan sila?" Fara

"Nagpapahinga si Yohan" Sagot ni Clark at muling bumalik sa pagdungaw sa bintana.

"E si Anika?" Tanong ni Fara ngunit walang sumagot sa kanya dahil walang nakakaalam kung nasaan ito.

"Guys...S-sino sino ang nakabunot ng KNIGHT?" Biglang nagsalita si Chase na kanina pa tahimik.

Nagkatinginan silang lahat at walang nagsalita....walang sumagot...

"Does it even matter? Sir Frank is dead our secrets and sins are safe. Yan naman yung gusto nating lahat diba? Itigil niyo na ang pagiging hipokrito dahil aminin niyo sa mga sarili niyo, masaya kayong wala na siya...." Biglang singit ni Clark at agad na lumabas ng kwarto.

"Ganyan ba talaga ka weird ang kapatid mo?" Tanong ni Zianne kay Damon sa mahinang boses.

"I dont know" tugon naman ni Damon.

- - - - - - -- - - - - -

YOHAN'S POV


I wiped the steam that covered the mirror.

Ilang oras na ako dito sa banyo at kahit papaanoy gumagaan na ang pakiramdam ko.

Isinandal ako ang mga kamay ko sa lababo at naghilamos. Pag-angat ko sa ulo ko ay pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin.

I am Yohan Vincento...I am strong...I am not weak.

I kept saying it in my head. I should be strong...I should not be weak.

Huminga ako ng malalim at pinilit ang sarili kong ngumiti.

"You are Yohan Vincento and You are not a coward" I said in a monotonous tone as a way of reminding myself of who and what i am.

- - - - - -- -

Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Zee na natutulog na sa kanyang kama.

Teka anong oras na pala?

Wait 9 pm na?! Ang tagal ko pala sa banyo tapos to namang si Zee ambilis makatulog.


Matapos magbihis ay lumabas ako ng kwarto upang pumunta sa cafeteria. Gutom na gutom na ako.

Nagtaka ako ng maabutan ko sa cafeteria si Chase na nag-iisa at mistulang concentrate sa kanyang binabasang libro.

"Habol" Bati ko sa kanya sabay subo ng leche flan.

"Yohan!" Masigla niyang bati ngunot kasama sa mukhang yun ang lungkot. "I- im sorry" mahinang bulong nito.

Ngumiti na lamang ako at ginulo ang buhok niya. "Im okay chase. Forget about what Clark said..It wasnt your fault" Nagtaka ako nang makitang may tinitingnan pala si Chase na isang yearbook. "Teka Kaninong yearbook yan?" Tanong ko at nakitingin narin sa mga mukhang nandun.

"Our parents" Sarkastiko niyang saad at ipinakita sa akin ang mukha ni Robbie sa yearbook.

"Teacher pala daddy ko dito, langya. hahaha" Chase

"Shet ang gwapo ni Tito" mahinang bulong ko habang pinagmamasdan ang singkit na mga mata at mataba niyang pisngi.

"Heto yung mommy at daddy mo! hahahahaah" Sabi naman ni Chase at inilipat ang yearbook sa ibang pahina.

Napangiti ako ng makita sila sa yearbook, ngunit may isang litrato rito na umagaw sa aking atensyon. Ang larawan ng isang lalaki...

Pakiramdam koy nagsitayuan ang balahibo ko.

Ang lalaking nasa yearbook, ay ang kuya ni Zianne.

Ngayon alam ko na kung bakit napa-kapamilyar ng mukha ng lalaking yun. Siya si -----

"Yohan anong nangyari sayo? Bat bigla kang natahimik?" tanong ni Chase.

"H-ha?" mahinang bulong ko.

"Oy namumutla ka ah?" Tanong ulit ni Chase.

"Natatae lang. hehehehe" Palusot ko.

Agad napasimangot si Chase. "Yohan naman eh! Mawawalan ako ng ganang kumain nito!" Reklamo niya.

END OF CHAPTER 11.

- - - - - - - - - - --

Official list of suspects ay nasa right side --->

So how are your deductions?

Sino sa tingin niyo ang killer?

Sino sa tingin niyo ang pinakapogi?

Sino sa tingin niyo ang magbibigay sa akin ng plorwaks?

Okay nababaliw na naman ako. sensya. HAHAHAHAHAAHAHHA XDD

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro