Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10 : Desperate Measures

YOHAN'S POV

♫ Whoops kiri whoops kiri whoops everytime i see you ♫

Naririnig ko naman ang putapeteng kantang yun kayat dali-dali kong itinakip ang unan sa ulo ko. Antok na antok na ako pero nakakadistorbo tong cellphone ni Zianne.

"Zee pakshet sagutin mo na ang phone mo! di ako makatulog!" Sigaw ko ngunit patuloy parin na tumutunog ang cellphone niya.

Hindi na ako nakatiis at bumaba na ako sa kama ko. "Zianne ano ba?! Ka-" natigil ako sa pagsasalita nang makita ko siyang nakatitig lang sa cellphone niyang nasa sahig.

Nakapako lang ang tingin niya sa cellphone niya na para bang napakalalim ng iniisip.

"Zianne what the hell is wrong?" tanong ko at agad siyang tinabihan.

"H-he's calling again..." mahinang bulong niya and nahahalata kong she's holding back her tears.

"Who's calling?" tanong ko ngunit umiling-iling lang siya at isinandal ang ulo niya sa braso ko. Umiiral ang pagiging isip bata niya.

Napabuntong hininga na lamang ako. "If you dont want to answer the phone atleast patahimikin mo tong korni mong ringtone" 

"Sorry" Zianne

Tumayo ako at pinulot ang cellphone sabay pindot ng ignore key.

Muli akong umupo sa tabi niya.

"Ex mo?" tanong ko

napailing-iling siya. "Ex family" mahinang bulong niya at tuluyan ng tumulo ang luha niya. Di ko alam na may ganitong side din pala si Zianne, akala ko di siya marunong umiyak. "He promised that he would never leave me but he still did and now he wants to see me again" pinilit niya ang sarili niyang ngumiti habang pinupunasan ang luha niya. "Tokneneng ayokong umiyak nagmumukha akong pwet"

Ngumiti na lamang ako. "Pogi ba? May picture ka?" pag-iiba ko ng usapan upang matigil siya s apagd-drama.

Bigla niyang kinuha ang isang photo album sa cabinet niya. Hala tinotoo nga.


Ipinakita niya sa akin ang isang lumang litrato,Ang bata pa ni Zianne sa litrato tapos yung katabi naman niya na lalaki ay sobrang pogi. 

Saglit akong napatitig sa mukha ng lalaki. Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan. Langya bakit ganun? Bakit parang familiar yung mukha ng lalakeng katabi ni Zianne sa litrato.

"Pogi ng kuya ko no?" She slightly laughed "Kaso sinungaling yan, bigla akong iniwan" dagdag pa ni Zianne.

Napabuntong hininga na lamang ako. I know the feeling.

- - - - - - - - - - - - - -

 

Kinabukasan ay napakaaga kong nagising kayat matapos akong mag-ayos ay dumiretso na ako sa cafeteria.

Pagdating ko doon ay naabutan ko si Clark na nakatanaw sa bintana.

Nasa third floor kasi ng dormitory building yung cafetiria.

"Aga mo ah?" pambungad ko sa kanya.

Gaya ng dati ay nginitian lang niya ako. Napapansin ko ang pagbabago kay Clark ngayon, madalas na siyang ngumingiti di gaya ng dati.

"Humihilik na naman si Chase di ako makatulog ng maayos." tugon ni Clark kayat bahagya akong natawa. Si chase nga naman.

"Yung roomate mo musta? Napapansin kong close kayo ah?" Clark

Napangiti ako ng bahagya. "Di ko alam pero magaan ang loob ko sa kanya...She's not like the other's clark.  She reminds me of the old me. I like her" 

"Are you sure about that?" Clark

Dahan-dahan akong tumango.

Bilang lang ang mga taong pinagkakatiwalaan ko at aminado akong isa na si Zianne sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.

"Hey do me a favor, Make sure reese wont hurt her?" I asked clark

Tumango siya at pinat ang ulo ko na parang bata.

"Sure thing yo...Gaguhin mo ang isa at gagaguhin ka naming lahat. Thats our motto right?" Clark

"Shit nagiging korni ka na!" Biro ko sa kanya.

"Nahawa ako kay Chase" Clark

- - - - - - - - - - - - --

Third Person's POV

"Jarrel kumain ka na nga" Paalala ni Fara sabay abot kay Jarrel ng plato nito. Kasalukuyan silang pumipila upang pumili ng pagkain sa cafeteria.

"Why wouldnt you believe me?!" Muling pagpupumilit ni Jarrel

"Because you lie alot and isa pang hirit I swear to God im gonna rip your head off " Singit naman ni Ashley sa malambing na boses.

Napabuntong hininga si Jarrel dahil sa labis na sama ng loob.

"Girl relax! Okay lets say na hindi ka nagsisinungaling, malay mo that was just part of the act. Remember our pact?" Fara

"And besides we checked the whole dorm, walang bangkay o dugo man lang ang nahanap. Yes no one has seen Cherry but you know...Common sense Jarrel" Ashley

Saglit na napaisip si Jarrel at sa huli ay napabuntong hininga na lamang. "Wow ang dali ko palang nauto" mahinang bulong niya at bahagyang tumawa. "But damn convincing na convincing talaga yung pagpatay kay Cherry. My God muntik akong mabaliw!" Sabi ni Jarrel na mistulang nabunutan ng napakalaking tinik sa dibdib.

"Now focus on whats important... Boys and being fab" Paalala ni Fara sabay turo kay Reese na kasalukuyang pumipili ng pagkain sa di kalayuan.

"Whoa hottie spotted" Mahinang bulong ni Jarrel sabay smirk.

"Goodluck with that" mahinang bulong ni Ashley at nagpatuloy lang sa pagpili ng pagkain.

Lalapitan na sana ni Jarrel si Reese ngunit naunahan siya ni Clark.

"Bro" pasimpleng bati ni Clark at agad nakumuha ng pagkain sa tabi ni Reese.

"Uy hello!" Bati ni Reese sabay ngiti ng napakalapad.

"Di na ako magpapaligoy-ligoy pa, Kung gaguhin mo lang si Zianne tumigil ka na. Binabalaan kita." Clark said firmly without even looking at Reese. Patuloy lang si Clark sa pagpili ng pagkain habang nagsasalita samantalang si Reese naman ay mistulang nagulat.

"Look Clark...I like Zianne. Crush ko siya aminado ako diyan."

"Crush lang?" Clark

"Malamang! Eh ilang araw pa lang kaming magkakilala. Ang korni kung sasabihin kong higit pa to sa paghanga. Hardcore kpop fan ako Clark and Zianne's a kpop fan too. Nakita ko siyang tumutugtog ng kpop song at dun may instant connection! hahaha" Reese

"Baliw..." mahinang bulong ni clark at agad na naglakad palayo.

Napangiti si Jarrel nang marinig ang usapan ni Reese at Clark kayat nang umalis na si Clark ay pasimple naman itong sumunod kay Reese sa pagpili ng pagkain.

"Uy kpop fan ka pala!" Bati ni Jarrel kay Reese.

Napalingon agad si Reese kay Jarrel ngunit halata ang pagtataka sa mukha niya.

"Paano mo nalaman?" tanong ni Reese at bilang respeto ay ngumiti na lamang ng tipid.

"Hindi naman sa pagiging chismosa pero narinig ko kasi yung usapan niyo ni Clark kanina. hehehe" Jarrel

Tss. type siguro ako ng babaeng to. bulong ni Reese sa sarili.

"Alam mo ba masaya ako, akala ko kasi ako lang yung kpop fan dito!" Jarrel

Napangiti si Reese. Wow kpop fan din pala siya?

"Talaga kpop fan ka rin? Ano fandoms mo?" Tanong ni Reese.

Agad nawala ang ngiti sa mukha ni Jarrel. "H-ha?" saad nito na walang kaide-ideya sa tanong ni Reese.

"Favorite kpop groups!" Reese

"Ah! hehehe. Sensya sa dami kasi ng paborito kong kanta at grupo nakakalimutan ko na yung iba. mahirap pumili eh" Jarrel

Napasmirk si Reese na mistulang may napagtanto.

"Im sure paborito mo yung grupong EXO. Halos lahat ng babaeng kpop fan gustong-gusto yung Exo! Im sure favorite member mo si Ranz!" Sabi ni Reese at napangiti ng nakakaloko.

"Oo! Ang pogi ni Ranz! Siya ang favorite kong member ng EXO! Ang galing niyang kumanta grabe! Tapos yung kanta nilang----" Masiglang saad ni Jarrel na kumikislap-kislap pa ang mga mata ngunit di nito matapos ang kanyang sasabihin dahil wala itong alam na korean na kanta.

"Yung gangnam style! Ang ganda ng kanta nilang yun!" Sarkastikong sabi ni Reese na patawa-tawa pa.

"Oo yun! Yun! Anggaling talaga ng EXO sa kanta nilang Gangnam Style! " Masiglang tugon ni Jarrel.

"HAHAHAHAAHAHAHHAHA Shit! Shit!" Panay ang paghalakhak ni Reese sabay hawak ng tiyan nito.

Nakakaramdam na yata si Jarrel na pinagt-tripan lang siya ni Reese kayat ngumiti na lamang ito. "S-sige una na ako" paalam nito sabay pacute

"Nga pala. Dont talk when your mouth is full.......of lies." Pahabol pa ni Reese sabay smirk

- - - - - - - - - - -

Nilibot ni Anika ang kanyang paningin at nakita si Missy na mag-isang kumakain sa isang mesa sa loob ng cafeteria.

Napangiti si Anika at agad na tumabi rito.

"Loner yata peg mo? Bakit di ka tumabi sa ate mo?" Sabi ni Anika sabay turo sa table na ino-okupa nina Ashley.

Napangiti na lamang si Missy at nilaro ang kanyang pagkain.

"Nah, ayokong uminit na naman ang ulo ni Ate kapag nakita niya ako." Missy

"Nga pala im Anika, If you have any problems or questions about dito sa school im here to help" Pakilala nito.

Napangiti si Missy dahil sa wakas ay nakaramdam siya ng pagtanggap.

"Missy nga pala" Bati rin nito.

"Hindi naman sa pagiging chismosa ah, pero bakit parang hindi kayo magkasundo ng ate mo?" Pasimpleng tanong ni Anika na mistula bang binibitag ang sagot ni Missy.

Bahagyang ngumiti si Missy. "Diba ganyan naman talaga yung magkapatid? minsan hindi nagkakasundo?" 

"Yes pero not like this na parang invisible na ang turing niya sayo" Anika

Napabuntong hininga si Missy. "She hates me...I know...Its my fault din kasi" matamlay na sabi nito.

"You know what missy? If you need someone to talk to, im all ears. Mapagkakatiwalaan mo ako" Pangungumbinsi ni Anika sabay ngiti.

"Talaga?" Sabi ni Missy at agad namang tumango si Anika bilang tugon.

Napabuntong hininga ulit si Missy.

Gotcha. Bulong ni Anika sa kanyang isip dahil alam nitong nakuha na niya ang tiwala ni Missy.

"My sister loves me... Maagang naghiwalay yung parents namin kayat naging magkaiba yung highschool na pinasukan namin. Pero di yun naging hadlang sa pagiging malapit namin sa isa't-isa. She always protected me." Napangiti si Missy at pinagmasdan mula sa malayo ang kapatid "I loved a guy when I was in highschool, I loved him but he didnt love me back. May iba siyang mahal. Nakita ni Ate Ashley kung gaano ako nasaktan kayat she offered to help me..." Natigil sa pagsasalita si Missy nang maalala ang mga nangyari sa nakaraan.

"Missy tapos?" aligagang tanong ni Ashley na bitin na bitin...

"Madaming ginawa si Ate at yung barkada niya para layuan nung girl yung crush ko. But after few months...Nagulat na lamang kami nang mabalitaan naming nagpakamatay yung girl...." Missy

Gulat, tumango na lamang si Anika. "So the girl committed suicide because your sister and her friends bullied her?" Pagkukumpirma nito.

Dahan-dahang tumango si Missy na mistulang nahihiya.

"It wasnt their fault, It was mine...Kung hindi nila ako tinulungan, edi sana hindi nakagawa ng kasalanan ang kapatid ko..." Missy

"So bakit ka nandito?" Anika

Ngumiti lamang si Missy at kumain na para bang ayaw nang sagutin ang tanong na yun.

 - - - - - - - -

Kinagabihan ay napagdesisyunan ni Anika na magpunta sa faculty building kung saan naroroon ang opisina ni Sir Frank.

Napangiti si Anika nang makitang iilan lang ang mga taong nandito. Napakatahimik ng paligid sa kadahilanang nag-siuwian na ang mga guro at yung iba naman ay may klase pa.

Makakapasok na sana si Anika sa opisina ng guro nang bigla na lamang may tumawag sa kanya.

"Anika? Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ng isang lalaking mahigit bente anyos na ang gulang. Napakaamo ng ngiti nito na mas lalo pang nagpapa-gwapo sa kanya.

Biglang kinabahan si Anika. Her eyes darted from left to right thinking of an excuse. "Ah..eh...Hi Kuya Jeffrey!" Bati nito upang maiba ang usapan.

Si Jeffrey ay isang working student. Nagtatrabaho ito bilang assistant kay Sir Frank.

"Wala ka bang klase ngayon?" 

Pilit na ngumiti si Anika at nag-isip ng rason.

"W-wala. Pabalik na sana ako ng dorm kaso naalala ko may nakalimutan akong i-submit na assignment kay sir" Palusot ni Anika

"Naku, malas yata Anika may naka-schedule na kasing makikipag-usap kay sir mamaya pagbalik niya. tsk tsk" Sabi ni Jeffrey at tiningnan ang isang maliit na clipboard na may nakalistang mga pangalan.

"Wow indemand pala si sir ngayon? At may scheduled list pa! hahaha" Anika

"Gusto kasi ni Sir Frank, maayos at organisado ang lahat kayat kahit na mga estudyante lang ang makikipag-usap sa kanya ay pinapalista parin niya" Kuya Jeffrey

"I-schedule mo ako diyan kuya, gusto ko siyang makausap" Utos ni Anika.

"O sige pero baka matagalan ang paghihintay mo, madami-dami kasing mga estudyante dito" Kuya Jeffrey.

"Babalik nalang ako mamaya." Paalam ni Anika sabay sulyap sa pintuan ng opisina nito.

Sayang pero mamaya may pagkakataon pa naman ako. Sabi nito sa kanyang isipan.

- - - - - - - - - -

Yohan’s POV

 

 

 

Napakalamig ng simoy ng hangin sa hapong ito. Hindi gaanong mainit ang sikat ng araw kayat hindi kami nahihirapan dito sa soccer field ng school. Maulap ang kalangitang tanda ng nagbabadyang buhos ng ulan.

Napangiti ako.

Mas gusto kong maglaro kapag ganito ang panahon….

Sa totoo lang ayoko naman talagang maglaro ng putapeteng soccer nato. Langya tong PE class namin, pinipilit kaming maglaro. But oh well, a game is a game and I hate losing.

“Shit naman ang sikip-sikip ng uniform nato! Magkaka-rashes ako nito! Huhu” Daing ni Fara

 

Leche! sarap ihulog sa bangin tong social climber nato!

“Let’s get this over with girls” Ashley said with a smirk

At Kung suswertehin ka nga naman teammates ko pa ang tropang coloring book.

“Go Yohan! Go Yohan! Yo-Yo-Yohan!” Narinig kong sumisigaw mula sa bleachers sina Chase at Damon tapos may pasayaw-sayaw pa ang mga baliw. Leche daig pa nila yung cheerleaders ni Rokawa.

Buti pa si Clark kalmado lang na nakaupo sa malapit sa kanila. Ngumiti ito ng magtama ang tingin namin at nag thumbs up sign sa akin.

"GO YOYO!" Narinig kong sigaw ni Zianne sabay talon-talon pa sa bleachers. Ito yung pinakaayaw ko sa PE class nato eh, Di ko kaklase yung mga itinuturing kong kaibigan...

Tiningnan ko silang lahat, handang-handa na silang maglaro tapos with outfit pa kaso ang tanga lang dahil wala pang bola.

Ang hirap ng buhay kapag iisa ka lang na matalino.

Nilapitan ko ang isang malaking plastic basket na natatakpan ng pulang tela. Malamang dun nakalagay yung mga bola.

Nagulat kaming lahat nang biglang kumulog at kasabay nito ang biglang pag-ambon. Tas yung mga langyang babae nagtilian sarap batuhin ng sapatos. Ang aarte bwisit!

Bahagya kong hinawi ang isang bahagi ng tela upang makahuha ng bola.

"GO YOHANNA! GO YOHANNA!" Napalingon ako sa Sigaw parin ng sigaw na si Zianne kayat nainis ako lalong-lalo na nang marinig ko ang pronunciation niya nito, YO-HA-NA daw. Punyeta! Ang jejemon! Its YO-ANNA not Yo-ha-na! silent H Dapat!

Habang kinukuha ang bola mula sa basket ay bigla akong may nakakapang kakaiba, Bakit parang may mga hibla? Hiblang mamasa-masa pa.  Ano ba tong bolang to? 

Ngunit wala akong pakialam. Nab-bwisit na ako sa pag-murder ni Zianne sa pangalan ko!

Iniangat ko ang bolang nakuha ko mula sa basket at tiningnan ng napakasama si Zianne.

"HOY ZIANNE SERRANO! TATAHIMIK KA O TATARGETIN KITA NG BOLA?!" Napakalakas kong sigaw kay Zianne na nasa bleachers sabay atras ng kaliwa kong paa bilang paghahanda sa pagbato sa kanya ng bola.

Nagulat ako nang biglang tumahimik ang lahat...

Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Zianne...

Napatayo si Clark at natahimik ang dalawang gagong sina chase at damon....

Yung mga teammates ko naman nakanganga.

Lahat yata silay nakatingin sa akin at mistulang gulat na gulat...

Teka ganun ba talaga kalakas ang boses ko?

Pero bakit ganun yung tingin ng iba sa akin? Bakit parang natatakot sila?

Bigla kong naramdamang may kung anong likido ang dumaloy mula sa palad ko hanggang sa braso ko. Tapos may naramdaman din akong tumulo sa mukha ko.

Teka..di pa naman masyadong malakas ang ulan ah?

Napatingala ako at tiningnan ang kamay kong nakataas na may hawak na bola.

Pakiramdam koy tumigil ang tibok ng puso ko dahil sa gulat at takot nang makitang hindi bola ang hawak ko.

Hindi bola kundi isang pugot na ulo!

Narinig kong nagsigawan at nagtilian ang lahat pero pakiramdam koy nanigas ako sa kinatatayuan ko. Biglang naging malabo ang pandinig ko at nakapako lang ang atensyon ko sa kahindik-hindik na hawak ko. Unti-unting nanginig ang kamay ko at tuluyan ko itong nabitawan.

Gumulong ito ng bahagya at nang dahil dito ay nakita ko ito ng maayos...

Nanlambot ang tuhod ko, pakiramdam koy nawawalan ako ng lakas hanggang sa tuluyan na akong pabagsak na napaupo.

Punong-puno ng dugo ang mukha nito samantalang dilat na dilat ang kanyang mga mata. Mistula itong takot na takot ngunit mas lalo akong kinilabutan dahil mistula rin itong nakatingin sa akin.

"S...sir Frank...." Mahinang bulong ni Fara na nasa likuran ko.

Unti-unting tumulo ang luha ko dala ng labis na takot at pagkabigla.

Tama si Fara....

Ang pugot na ulong ito....Ay walang dudang si Sir Frank...

END OF CHAPTER 10

- - -- - - - - - - - - - 

 Kung may Chicser at kpop fans dito, PEACE tayo guys. Binanggit ko lang po sila for reference. And for those who are not aware, EXO is a korean group. While Ranz is a member of a filipino group. And Gangnam Style is sung by PSY. PURELY SARCASM LANG PO YUNG PINAGSASABI NI REESE.

Guyz i really need feedbacks. hehehehe :)

Thank you for reading!

VOTE and COMMENT ♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro