Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 54: Face His Fears

(A/N: It's time for you to shine, gwaping! [Troy] XD)

Paulo's POV

"Bilisan niyo! Malapit na tayo sa King's Village." sabi na lang ni Dorothea sa amin habang tumatakbo kami papalabas dito sa Virgin's City. After kasi mag-blow ni Dorothea kay Diemon, lahat kami, kasama si Karen lumutang sa ere at heto, napadpad kami sa city ni Troy at tumatakbo ngayon papalabas...

"Teka Dorothea, ano ba ang nangyayari?" tanong na lang ni Rico. "Sa pagkaka-alam ko kasi, nabagsak ako. Tapos pagka-dilat ko, lumulutang na ko." sabi niya habang tumatakbo.

"Mamaya ko sasagutin ang mga tanong niyo pero sa ngayon, kailangan mailabas ni Troy ang kapangyarihan niya." sagot niya

"Nagulat si troy pero hindi siya tumigil sa pagtakbo niya. Ano ba meron?

"Teka," si Leandros, "Uma-ambon." sabi niya sabay bumuhos ang malakas na ulan.

"Sa'n tayo ngayon pwede sumulong?" tanong ni Karen.

"Du'n!" sigaw ni Fey sabay may tinuro siyang isang kweba. Lahat kami, tumakbo papunta du'n.

"Hay... Basang-basa na ang buhok ko." sabi ni Sabrina sabay piniga niya ang buhok niya. Pambihira ang mga babaeng 'to, bakit ba ang daming ka-artehan sa katawan?

Si Dorothea, gumagawa ng apoy sa inipon naming mga kahoy. Yung iba, kangyang-kanya asikaso sa mga sarili. Ako naman, hinubad ko lang yung jacket ko kasi yung lang naman ang basa.

"Ngayon bata (Dorothea), magpaliwanag ka ngayon kung ano nangyari at mangyayari." sabi ni harold.

After niya gumawa ng apoy, lahat kami pumunta kay Dorothea at the same time, du'n sa apoy na ginawa niya, nagpapa-init kaming lahat. Ngayon lang namin namalayan na malalim na ang gabi.

"Kaya ako umalis dahil, bumalik ako sa Passage River. Umuwi ako sa mundo namin. Binisita ko yung mga nakatira du'n kinamusta, binigyan ng pagkain at mga iba pang nilang kailangan kapag wala na ako. Pasensya na, kung iniwan ko kayo." paliwanag niya.

"Ah okay lang Dorothea. Ang importante lang naman ay ligtas sila at ligtas ka rin." sabi ni Karen.

"Speaking of ligtas, alam mo ba na, nakita ko ang lolo niyo." bigla na lang niya sinabi iyon, na kinagulat ng kambal.

"Talaga? Sa'n mo siya nakita?" tanong ni Kevin.

"Hindi ko muna pwede sabihin kung nasaan siya dahil masyadong private. Ang sinabi niya, sa lugar ni Fey mangyayari ang totoong laban natin. Pero, may weirdo sa kanya. Nung tinanong ko kung ano ang susunod na mangyayari, hindi na siya nagsalita. And, alam niyo yung expression ng mukha niya, parang..." nag-iisip pa si Dorothea. -__-

"Parang?" tanong ni Niel.

"Yung mukhang, may mawawala sa atin."

O__O

Weh?

"Baka naman, nagjo-joke lang yung lolo nina Karen at Kevin." sabi ko.

"Hindi marunong magbiro ang lolo namin simula nung nagkaroon siya ng kapangyarihan na, makita ang hinaharap." seryosong sagot ni Kevin sa akin. Parang, wrong move ako ah.

"Ah... Pasensya na." sabi ko sabay ngumiti silang dalawa (Karen at Kevin)

"Nga pala Niel, Bianca, Fey, nakuha niyo na yung Crystal Stones niyo?" tanong ni Dorothea.

"Hindi eh." sagot ni Bianca.

"Dapat nga tayo bumalik sa mansyon para kunin niyo ang Crystal Stones, hindi ko rin makukuha iyon dahil hindi naman Water ang Element ko."

Troy's POV

"Zzzzzzzz..... Zzzzzzzzzzz..... Umalis ka diyan!" Ano ba to! Ingay naman ni Harold matulog! AT katabi ko pa siya. Great! -__-

Bumangon na lang ako, may choice pa ba ako? Tumingin ako sa grupo ng mga babae na natutulog. May isang pwesto malapit kina Bianca at Sol ang bakante. Sino ba ang kulang diyan?

Ah... Fey.

Hinanap ko siya, hayun! Nasa labasan ng kweba. naka-tingin sa langit. Mapuntahan nga.

Mapuntahan nga.

"Bakit gising ka pa?" tanong ko bigla sa kanya

"Bakit gising ka pa?" tanong ko bigla sa kanya saka siya lumingon sa akin. Umupo ako sa tabi niya :)

"Ingay kasi ni Harold eh. Hindi ako maka-tulog. Eh, ikaw?" sabi niya.

"Same reason, Harold Garcia." sagot ko saka siya nag-nod. Then binalik niya yung tingin niya sa langit.

 "Ang daming stars noh." sabi niya tapos tumingin ako sa langit.

"Oo nga. Ang dami, tapos full moon pa." sabi ko.

"Alam mo ba na, Virgo's time ngayon?" sabi niya.

"Talaga? Ba't di ko naisip yun?"

 "Magta-trace lang ako ng sign ng Virgo." after niya sabihin yun, nag-point siya ng stars then nag-trace siya ng sign ng Virgo.

"Na-trace ko na siya! Ikaw naman!"

Ako?

Hell...

"Ayoko."

Bigla na lang siya tumayo. "Bakit?"

 "Batas kasi sa lahi namin na, kapag may iguguhit kami sa stars, mamamatay. Yung lolo ko, nangyari na sa kanya yun. After niya mag-trace ng isda sa starts, kinabukasan, habang nasa biyahe kami papuntang Palawan, natamaan siya ng ligaw na bala."

Bigla na lang niya hinawakan yung kamay ko. "Troy, walang masama kung susubukan mo. Malay mo, nagkataon lang yung nangyari sa lolo mo. Ba't ba, ayaw mong i-try?"

"Dahil ayokong harapin ang mangyayari sa akin."

"Bakit naman?"

"Dahil natatakot ako!" Hala... Ba't ko ba nasabi ko yun?

Tumapat siya sa aki9n, "Kung hindi mo haharapin ang takot mo, ano na lang ang mangyayari sa'yo? Tatakbo ka na lang?"

"Hindi ko alam."

Lumuhod siya sa akin habang ako, naka-yuko. Nakakahiya. Inangat niya yung ulo ko at tinapat niya sa kanya. Kumbaga, face-to-face na kami. "Ang problema, hindi na tinatakbo yan. Lumingon ka kahit saan, nandiyan na yan. Ngayon, kapag hinarap mo na ang takot mo at nilabanan mo, protektahan mo na ang dapat mong protektahan. Di ba, yan naman talaga ang misyon natin?" sabi niya then nag-smile siya sa akin. I simply give her a nod then nag-smile na din ako sa kanya.

Kinabukasan......... ^_^

Bumangon na agad ako, akala ko umalis na sila. Heto pa pala sila at tulog.

Sumandal muna ako sa dingding ng kweba at..

What the...

Ba't may lagusan dito?

At du'n na nga ako nahulog.

"Aray! Ang sakit naman!" sigaw ko after ko mahulog. Pagka-dilat ko, ang dilim.

"Mas matalino ako kaysa sa'yo..." Teka, boses yun ng nakaaway ko nung grade 4 ako ah.

"Hindi mo ako pinag-tanggol sa nanay ko! Ayoko na sa'yo!" Teka, boses ulit yun ng unang girlfriend ko ah. Siya pa naman yung pinaka-mahal ko.

"Troy! Wala kang kwentang kaibigan!" Ano ba meron?

"Troy!"

"Troy!"

"Troy!"

"Troy!"

Troy!

Tama na!!

"Virgo Protector!"

O__o? Sino yun?

Pag dilat ng mga mata ko, ang daming paniki na colour red ang eyes. Kaya pala ang liit ng boses. At... Naka-palibot sila sa akin, ang dami nila!

"Wala ka nang takas!" ang tinis naman nun!

Ano na ang gagawin ko?

"Protektahan mo na ang dapat mong protektahan."

 Fey's POV

"Fey..." Mamaya ka na ate Bianca.

"Fey, gising."

"Hmm... Maaga pa, ate Cancer."

"Alam namin na maaga pa..." napadilat ako sa 'namin'. "Pero, may problema tayo..."

Tumingin ako sa kanya. Tapos, may tinuro siya. Nakita ko na silang lahat, gising na. Ako na lang ang late na nagising. XD

Pag lingon ko, may lagusan...

Pinuntahan ko agad yun, ang dilim. Di ko makita yung dulo ah.

"Ano ba'ng nangyari?" tanong ko.

"Ewan namin. Ngayon lang namin nakita yan." sagot ni Harold.

"Nasa'n si Troy?" bigla na lang tinanong ni Sab sa amin.

"Uy!!~~ Hinanahanap na niya si Troy!" pangasar ni Rico kay Sab. Teka...

"Shut up, bull fighter." sagot naman ni Sab.

"Oo nga nuh, nasaan si Troy?" tanong ni Karen.

Nasa'n na kaya yun..... Sana naman, walang nangyari sa kanya na masama...

"Aaaahhhhhhh~~~~~~~!!!!!!!!!!"

O___O

Boses ni Troy yun!

"Galing du'n sa lagusan... Or bangin. Ewan ko kung anong tawag diyan! Basta, du'n sa butas na yan." sabi ni Leandros.

Ano'ng nangyari sa kanya?

=============================================================================

HEY GUISE!!! MUSTA BAKASYON? XD AT DAHIL NAG-BAKASYON, HAYAAN... AMBAGAL MAG-UD. :3 BUSY LANG SI MISS AUTHOR KAYA GANYAN.

VOTE - KUNG OKAY BA? :D

COMMENT - KUNG MAY REKLAMO KAYO SA BUHAY :)

FOLLOW - SA MGA HINDI PA ^^ 

ARIGATOU :*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro