
CHAPTER 4: The Moody Cancer
[Edited]
Bianca's POV
"Ineng! H'wag masyado magsipag, ah!"
"Naku, ang swerte naman mapapangasawa ni ate."
"Dapat talaga ganyan ang mga babae ngayon. Hindi 'yon panay ang pagce-cellphone sa kwarto habang kausap ang mga boyfriend nila."
"Anak, gusto ko ganyan ka paglaki mo, ha?"
"Alin po, Mama?"
"Maging masipag."
Ano, may magsasalita pa?
Hmm, mukhang wala na.
Nag-unat muna ako ng mga buto habang hawak ko ang walis ting-ting. Wala naman ako niwawalis dito. Kung hindi sila sunud-sunod na nagsalita, malamang kanina pa ako tapos dito.
Familiar sa akin ang mga boses na 'yon, e. Tuwing may gagawin ako rito sa bakuran, maririnig ko sila. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.
E, unang-una sa lahat, kailangan ko maging masipag dahil nagligpit ako ng kwarto. Siyempre, idadamay ko na 'tong bakuran na palagi may tuyong dahon na nalalaglag dito.
At saka, bakit ba? Gustong-gusto ko kumilos lalo na kapag magluluto na.
"Hay naku!"
Hayan na lang ang nasabi ko nang maupo ako sa sofa habang naghihintay ng oras. Oras para sa trabaho
Tinignan ko ullit ang buong living area, malinis naman kaya hindi na ako sisigawan ni tita. Sem-break naman namin kaya papasok na lang ako trabaho. Ayoko rin na umaasa ako kay tita para lang may pambili ako ng mga bagay na gusto ko.
Binibigay naman niya sa akin ang needs ko; pagkain, pagpapa-check up kapag nagkakasakit ako at pag-aaral. Kaya lang, kailangan ko na umextra ngayon dahil first year college na ako. Nagpapasalamat talaga ako dahil wala siyang anak.
Okay, narinig ko na ang door bell. Agad naman ako tumayo para buksan ko siya ng pinto. Malamang, may bitbit na naman siya.
"Tita, ba't ang tagal mo naman?" tanong ko nang makapasok na siya sa bahay.
"Sorry naman! Traffic sa daan, e! Init ng ulo, ah!"
Agad ako lumingon sa kanya, mainit ba ulo ko ngayon? "E, kasi ang tagal-tagal mo!" sinisigawan ko na pala siya.
"Okay fine! Just chill your head, okay!"
Hindi ko na lang siya sinagot dahil papunta na siya sa kusina ngayon. Humarap muna ako sa salamin malapit sa c.r. at nagsuklay ng buhok.
Kailangan ko na umalis. Baka pagalitan pa ako ng boss ko.
~~
"Hoy!"
Nahinto na lang ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya na hindi malalim, parang hindi siya pinatuli noon e.
Hindi ako lumingon pero tumingin ako sa relo, shit talaga, malapit na mag-12:30!
Countdown tayo, Bianca, ha? Sige.
3
2
1
Takbo!
"Huli ka!"
"Ay!" Muntikan pa ako madulas pero, mabuti na lang nakakapit ako sa payat niyang mga braso. "Siomai ka, Justin!"
Yah, you heard it right! Si Justin, not Bieber. Childhood friend ko siya and first year college na rin pero, ibang campus ang pinapasukan namin. Kaya ayoko na magkasama kami ngayon dahil palagi iniisip ng mga kapitbahay namin na may gusto ako sa kanya.
I was like, yuck kadiri! Dami-dami ibang lalaki, e. Papatulan ko 'tong manok na 'to?
"Ano na naman ang kailangan mo?" Grabe, ang lalim ng paghinga ko nito. At, heto na naman ang nakakalokang mood ko. Hindi na ko kumalma.
"Eto! Ba't di ka lumingon no'ng nag-hoy ako sa'yo?"
"E, ayoko nga lumingon sa'yo!"
"Ba't ang init ng ulo mo sa akin?"
Oo nga, bakit ba ang init ng ulo ko sa kanya?
"E, ayoko sa'yo!" For the nth time, nasabi ko na naman 'yan.
Bumitaw na lang ako sa kanya, tumayo nang maayos at naglakad na ulit. Lumingon ako sa kanya at... naka-ngiti siya.
Bigla na lang niya ako tinuro, "hinding-hindi ako magsasawang kulitin ka. Tandaan mo 'yan, Bianca Lester!"
Anak ng tupa, kailangan talaga isigaw niya pangalan ko? Shete siya! Feeling ko, nagbu-blush na ata ako.
"Bahala ka nga sa buhay mo!" Hayan na lang ang naisigaw ko.
Mabilis ako tumakbo nang biglang..
"Aray!"
Hay naku talaga, Bianca! It's not your day, ha?
Napa-upo ako at tumingin sa kanya. Mahaba ang buhok, perohindi ko gaano nakita ang mukha kasi sinag ng araw ang nakikita ko. Babae siguro 'to.
"HOY! CANCER PROTECTOR! WAG NA WAG MONG GAGAMITIN ANG PAGIGING MOODY MO PARA LANG MATALO ANG KALABAN MO!"
Ano po?
Pinikit ko uit ang mga mata ko dahil tumama na sa mata ko ang araw. Kaso, nang maidilat ko na, nawala na lang siya. Was that my imagination?
Agad naman ako tumayo at lumingon sa kanya. "Justin?"
"Na-nakita mo ba 'yon babaeng bumangga sa akin, nakita mo siya?" tanong ko.
Agad naman niya ako nilapitan. "Hindi. Bakit? Ayos ka lang?"
Tumango naman ako, "Kasi may nabunggo akong babae. Sabi niya 'wag na wag kong gagamitin ang pagiging moody mo para matalo ang kalaban, gano'n." Hinilot ko tuloy noo ko.
"Teka, baka nahawa ka na."
Nahinto naman ako at tumingin sa kanya, "Ha? What do you mean na nahawa?"
"'Di mo ba alam? 'Yong mga 'aliens', may nilalabas na masamang hangin. Kapag nalanghap mo 'yon, may makikita ka na lang ibang tao na hindi naman nakikita ng ibang tao na, hindi pa nakakalanghap no'n."
Um, kung sa ibang tao, medyo magulo siya mag-explain. Pero, gets ko na siya.
"Teka, sa'n na ba nagkalat ang mga 'yon?" tanong ko.
Pinitik na lang niya ang noo ko. "Hindi ka na yata nanood ng TV. All over na sa Visayas at Mindanao na sila! Nood nood din ng TV 'pag may time, ah!"
"Punyeta, ano ba ang ginagawa ng mga scientist ngayon sa mga 'yan? Kumikilos ba ang mga 'yon o tumatambay lang sa mga lab nila? Hay naku!"
WAG NA WAG MONG GAGAMITIN ANG PAGIGING MOODY MO
Teka, ba't yan ang nagse-seek in sa utak ko?
HOY! CANCER PROTECTOR!
Ha? Cancer Protector? Ako?
Cancer?
"Justin, 'di ba may alam ka sa mga zodiacs?"
"Um... oo, bakit?"
"Anong zodiac sign ko ulit?"
"Cancer."
Napalingon ako sa sagot niya.
"To-totoo?"
"Well, yes kasi July 2 po ang birthday mo. Teka, 'di ba may trabaho ka?"
"Ay punyeta! Oo nga pala!" Lalayas na sana ako pero nahinto ulit ako at lumingon sa kanya. "Teka, kasama ka ba?"
"Oo naman!" sagot niya pagkatapos pinuntahan ako saka siya umakbay sa akin.
"Tse! Kadiri ka! 'Wag mo nga akong akbayan! Manok ka talaga!"
Nakarating naman kami sa bahay ni boss. Kaso, mukhang sisigawan na naman kami. Kaya naman...
"WHY ARE YOU LAAAAAAAAAAAAAAAATEEEEEEEEEEEE!!!!!!!???????!!!!!!"
Yuck, kailangan talsikan ng laway niya sa mukha ko?
"Ba't ba kayo late?!" sigaw ng babae naming boss. Actually, ang trabaho lang namin ay mag-linis at magbantay ng bahay in 2 days. But, libre na ang lahat. Naka-wifi rito at maraming pagkain. Lahat libre basta malinis lang ang bahay pag dating nila.
"O, hayan! Nasa table na ang tanghalian niyo, ah!" sabay turo sa dining table kaya napatingin ako. Ang dami namang pagkain na hinanda niya.
"Basta!" lumingon ako sa kanya, "H'wag kayo gagawa ng kababalaghan dito sa pamamahay ko, maliwanag?!" Ah, bwisit, naninigaw na naman siya. 'Yon laway niya!
"Pwede ba, boss? Uuwi naman siya mamaya. Makiki-kain lang siya rito!" sigaw ko habang pinupunasan ko ang buong mukha ko gamit ang panyo ko.
"Okay sige, ikaw na ang bahala rito." Pagkatapos, lumingon siya kay Justin.
"Justin, pakihanda ang kotse ko," aniya sabay hagis ng susi sa kanya.
Medyo nahihilo ako pero, gutom lang 'to siguro.
===========================================================================
^Anna Ishii cast on
*Shigatsu wa Kimi no Uso (Tsubaki Wasabe)
*Girls Step (Azusa Nishihara)
Vote - If you like this gurl ^*^
Comment - Feel free
Follow - Kung gusto niyo lang
Arigatou! :*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro