
CHAPTER 31: The Coolest Blow
Author:
Sensya muna po, kung di ko muna ipapakita si Harold Garcia ah. May nangyaring di ko inaasahan dun sa lokong yun eh :3 Salamat po!
Bianca's POV
Hmmmmmm.......... Kelan yung huling POV ko? Yung totoo?
(A/N: Ewan ko sa'yo. Mag-kwento ko na lang diyan!)
Tsk! Anyways, may kinuwento si Soliva sa akin about Leandros. Natunaw daw yung apple sa kamay niya! Hmmm..... I guess he have his power now! Nandito ako ngayon sa kusina, nagluluto ng chopsuey. Requested by Niel and Soliva. Favorite kasi nila eh. Kaya ako nagpakuha ng mga prutas kina Sol at Karen kasi nga, wala nang fruits dito. Oranges for Fey para healthy pa siya and her dessert, fruit salad graham! xD
"BADTRIP!!!!!! BAKIT AYAW UMILAW NG ELECTRIC STOVE???!!!" sigaw ko. Walang ilaw eh. Naka-saksak naman siya.
"Ate Bianca, ano nanaman ang problema mo?" tanong na lang bigla ni Soliva.
"Walang ilaw yung e-stove (electric stove)" sagot ko.
"Tinignan mo na yung ref kung may ilaw? Baka kasi walang kuryente eh." suggest niya. So, sumilip ako sa ref, walang ilaw.
"Walang ilaw, Sol. Pa'no na yan? Kailangan ko mag-luto."
"Tara. Punta tayo sa generator room." yung room na yun, du'n binalance ng kambal ang hangin para sa tangke na yun. O__o?? Ano naman ang gagawin namin dun?
"Teka, Sol. May permisso ka na ba kay Dorothea?" tanong ko.
"Ate, ang sabi niya sa atin, pwede tayo pumasok basta wag na natin ilo-lock ang pinto. Dahil may magic daw yung pintuan na yun na, hindi mabubuksan ng Land Element." paliwanag niya.
"So it means....... Hindi kaya nina Troy, Rico at Leandros i-open ang door once na na-lock na yun?" tanong ko then nag-nod lang siya. Dangerous door yun ah.
So, pumunta na nga kami sa generator room na yan! WERE WIDELY OPEN THE DORR, sabay kami pumasok AT HINDI NAMIN NI=LOCK!!
"Ok. Nakita ko na yung problema. Aayusin lang ng konti tapos konting linis, okay na!" sabi ni Sol habang naka-tingin siya sa mga buhul-buhol na mga wires.
"Teka, pa'no mo nalaman ang mga yan? Electrician ka ba?" tanong ko.
"Hindi. Si Papa kasi eh, tinuruan ako kung pa'no ayusin yung mga wires. Palagi kasi nawawalan ng kuryente eh, siya ang nag-aayos kaso, nasa ibang bansa siya kaya yun!" kwento niya sa akin.
*dug*
O___O
Piuntuan ba yun?
"A-ate Bianca."
"Bakit?" hindi ako lumingon sa kanya.
"Naka-sara yun pinto." saka na ako lumigon sa kanya. Tapos tumingin na ako sa pinto. Naka-sarado na siya.
"Hiindi naman naka-lock yan di ba?" sabi ko tapos lumapit si Soliva sa pinto. Hinawakan niya yung door knob, sliding door kasi yun eh.
"Ate.. Naka-lock."
"WHAT THE F!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
*booom*
"Ay!" sigaw ko. "Ano yun?" tanong ko then lumapit kami sa isang malaking oven na may lumalabas na usok.
"Wag mong bubuksan, Soliva." warning ko habnag siya, malapit na i-open.
"Ate, alam mo yung feeling ko ngayon? Ang init." sabi niya sabay pinunasan niya yung pawis sa noo niya. Kahit ako rin, pinag-papawisan na ako.
*tok tok*
O______O Sa wakas, may kumatok!!
"May tao ba diyan?" boses ni Dorothea yun. Tumakbo kami sa pintuan.
"Dorothea!" sigaw namin dalawa.
"Bianca? Soliva?" tanong niya. Shocks, umiinit na yung sahig at naliligo na kami sa pawis.
"Kami nga 'to!" sigaw ko. "Buksan mo na ang pintuan!!!"
"I can't do that! Kahit ang mga Earth Element dito, di kayang sirain ang pinto na yan!" shocks, ang init!!!
"Ate, di mo ba magagawa ang Water Puppet mo?" tanong ni Soliva.
"Hindi! Una sa lahat, walang tubig dito! Ang init talaga promise!" sabi ko.
"Tatawagin ko lang yung kambal para subukan nilang sirain yung pinto!" sabi ni Dorothea.
"Ate.......... Di ko na kaya......" pahina na ng pahina ang boses niya tapos napa-upo na siya sa sahig.
Huminga siya ng malalim ng ilang beses para lang hindi siya mainitan.
Matignan nga........
After 1 minute, yan pa rin ang ginagawa nya. Literal na naliligo na kami sa pawis. Basa na ang damit at buhok ko!
"Sol, Bianca. Lumayo kayo sa pinto!" sigaw ni Kevin sa pinto.
"Gawin niyo na. Malayo na kami sa pintuan." sabi ko.
Tinignan ko si Soliva ulit....... At...
Ano yung lumalabas sa bibig niya?
Niel's POV
"Niel! Nakita mo ba ang kamabal?" bigla na lang tinanong sa akin ni Dorothea nang malapit ko na isubo yung kanin.
"Ang sabi nila, dadaan sila sa generator room. Nandun daw kasi sina Bianca at Sol kaya pinuntahan nila."
"Teka, teka. Pa'no nila nalaman na nandun sina Sol at Bianca?" ano ba ang nangyayari sa kanya?
"Sinabi sa kanila ni Fey na, malo-lockan sina Sol at Bianca kaya pinuntahan nila. Teka, ba't natataranta ka diyan?"
"Kasi ano........" sabi na lang niya.
After niya magpaliwanag.......
"Bakit ngayon mo lang sinabi Dorothea sa amin tungkol kina Sol at Bianca?" nagmamadaling tanong ni Uni habang tumatakbo kaming lahat, except kina Secret at Fey, papuntang generator room. Malapit siya sa garahe sa backyard. Nakita na namin ang kambal, ginagawa na nila yung bolang hangin ang dating..... Magkatapat yung dalawang kamay nila.
"Guys........" may tinuturo si Sab sa pinto... Nung tinignan namin....
O___O
O____o???
Bakit may usok????
"TEKA, BAKA NASUSUNOG NA SILA!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Sabrina.
Tinira na nina Karen at Kevin yung pinto.... Of course, may usok...
Nung sumilip kami sa loob...... Ba't puro........ ice? I mean, puro mga frost ang nakikita namin. Gets niyo ba yung ibig kong sabihin?
Nakita namin si Bianca at.......
"HOY! Di ba dapat, naliligo ka na sa pawis? Ba't nanginginig ka na diyan?" tanong ni Dorothea. Nanginginig na sa ginaw si Bianca, medyo maginaw nga dito.
"Yung totoo, anong nangyari?" tanong ko.
Hindi siya nagsalita. May tinuturo siya.
"Sht, si Soliva!" panic ni Paulo. Pa-upo yung pwesto niya at nawalan siya ng malay. Pinuntahan namin siya, ang lamig ng katawan niya.
"Uni, kumuha ka ng 2 towel. Kailangan maka-alis ang dalawa dito." utos ni Dorothea. Si Uni, lumabas na ng room. Binuhat ni Troy si Soliva habang si Sabrina, inalalayan si Bianca.
____________
"Inumin mo muna 'to para mainitan ka." sabi ko kay Bianca nung binigay ko ang green tea sa kanya. Nandito kami sa kwarto ni Soliva, nanginginig pa rin sa ginaw si Bianca habang naka-balot na siya ng makapal na towel. Binigyan namin siya ng oras para inumin yung green tea.
"Almost 10 minutes na kaming nasa loob ng room na yun. Since na-lockan na kami, dun na siya nag-simula mag-inhale-exhale ng paulit-ulit. Hinayaan ko na lang siya dahil init na init na siya siguro. Pero, napansin ko na lumalabas na usok sa bibig niya, Tinapat ko yung kamay ko, malamig. Syempre, nag-stay ako dun. Maya-maya, sinabi ko na tigilan na niya yung ginagawa niya. Pero, ang sabi niya 'I can't stop doing this.' nung sinabi niya yun, unting-unti na nagfro-frost ang buong paligid. Habang nangyayari iyon, giniginaw na ako. Nung nabalot na ng puro frost na ewan ang buong generator room, dun na siya nawalan ng malay. Ilang beses ko na siya ginigising pero wala rin." paliwanag niya sabay tumingin siya kay Soliva at hinaplos yung buhok niya.
"It's getting weird. Kay Leandros, mga bagay na mahahawakan nya, natutunaw. Kay Soliva naman, yung hininga niya ang nagpapa-frost sa paligid. What is that mean?" tanong ni Sabrina.
"Ibig sabihin lang nung, nalabas na ng dalawa ang kapangyarihan nila. Ang kailangan gawin nila, ay kontrolin ang kapangyarihan nila." sagot ni Dorothea. "Kaya nga, wala si Leandros ngayon eh. Nasa kwarto na siya ngayon at pinag-aaralan ang power niya. Same thing rin kay Soliva, kailangan niya kontrolin ang kapangyarihan niya kung ayaw niya maulit ang nangyari sa kanya."
Oo nga nuh, di ko napansin yun. Teka.........
"Kung ganun, lahat na tayo may kapangyarihan na!" sabi ko.
"Hindi. Isang Protector na lang ang di pa napapalabas ang kapangyarihan niya." sabi na lang ni Dorothea.
"Ha? Sino namna?" tanong ni Paulo.
"Si Fey." oo nga nuh! Di namin naisip yun.
*hachoooooooooo!* Hoops, si Soliva. "*sniff* Ang ginaw~~~~~" sabi na lang niya.
"Ako na lang ang magbabantay sa kanya." sabi na lang ni Bianca.
"Teka, magpahinga ka rin, Bianca." sabi ni Uni.
"I can handle myself. Inagaw kasi ni Secret yung alaga ko eh." tapos hinaplos niya yung buhok ni Soliva.
Alam niyo ba na, di ko feel si Secret dito. Although, close ko na siya pero, may mali sa kilos niya pero normal lang naman siya. Hindi kaya, kalaban namin siya? Pero, ang dami na niyang tulong na ginawa niya sa amin. Di naman siguro. Heh!! Ayoko na mag-isip!!
=============================================================================
HELLO PO!!! SORRY PO ULIT SA SUPER LATE NA UD AH!!!! DI LANG AKO NAKAPAG-INTERNET EH. BUSY MASYADO SA PROM NA YAN!!!! XD
VOTE - KUNG OK PO ANG CHAPTER NA ITUUUU :3
COMMENT - KUNG MAY GUSTO KAYONG SABIHIN! :)
FOLLOW - KUNG OK LANG NAMAN PO SA INYO ^___^
ARIGATOU! :*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro