
CHAPTER 20: The Thing That They Need To Do
[edited]
Fey's POV
Nang sumapit na ang dinner, lahat kami nagpuntahan sa lamesa. Kaso, napansin namin na dalawang tao ang wala pa. Sina Dorothea at Soliva. Nasaan na kaya ang dalawang 'yon?
"Oh, si Soliva?" tanong ni Bianca nang nilapag niya ang pitsel sa tapat ko.
"Nasa kwarto pa yata," sagot ni Harold.
"Yes. Nakita ko siya. Susunod na lang siya kapag tapos na 'yon ginagawa niya," dagdag ni Sab.
"Okay. E, nasaan si Dorothea?" sunod na tanong ni Bianca.
"Ay. 'Yan ang hindi ko alam," sagot ni Sab.
"What do you mean hindi mo alam?" tanong ni Uni.
"Hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ko siya nakita sa kwarto."
"You mean, nawawala siya?"
"I don't know! Wala naman akong sinasabi na nawawala siya." Hindi naman agad nakasagot si Uni dahil sa wakas, dumating na si Soliva, na halatang nagmamadali dahil naghahabol siya ng kanyang paghinga.
"Guys, I can't find Dorothea. Wala siya sa second floor! Lahat ng kwarto kinatukan ko na pero, walang sumasagot."
"Ano?!" napasigaw na kaming lahat. Hindi pwede 'to.
"Hanapin natin siya sa buong mansyon na 'to after natin kumain," utos ni Harold. Nag-agree naman kaming lahat.
After namin mag-dinner, sinimulan na namin ang paghahanap kay Dorothea. Ang iba sa loob ng mansyon naghahanap. 'Yung iba, nandito sa labas. S'yempre, kasama na ako. Hinanap ko siya sa fountain, wala siya roon. Na inabot siguro kami ng thirty minutes.
"Guys, wala siya sa labas," sabi ni Troy.
"Kahit din dito sa loob, wala siya," sabi ni Kevin.
Lumingon-lingon ako sa paligid dahil kulang kami ng isa, "Teka, nasaan si Soliva?"
"Guys!" sigaw ni Soliva mula sa hagdanan, "I found a letter from Dorothea! Nagkakalat sa kwarto ko!"
Sa'n na naman siya pumunta ng dis-oras ng gabi?
"Basahin mo," utos ni Harold nang makarating si Soliva sa kinatatayuan namin.
"Soliva, pakisabi kina Bianca at Leandros na eto ang magiging hamon nila: ang hanapin ako. Sinabi ko na pagsikat ng araw, sila ang magkalaban. Kaya, once na sumikat na ang araw, paunahan na hanapin ako. Nandito lang naman ako sa buong mansyon. Don't worry, walang time limit 'to at specific na rules sa paghahanap sa'kin.
Kaya lang, kapag hindi nila ako nahanap, walang magbabantay sa inyo kaya, good luck. Dorothea."
Huminto si Soliva at, "Wait lang, may pahabol pa siya. P.S. Sa kwarto nila magsisimula ang paghahanap. Kapag nakita na nila ang sinag ng araw, pwede na sila mag-start. Walang tutulong sa kanila, ah! Salamat again!"
"Kung gano'n, ang tanging magagawa lang natin dito ay panoorin or hintayin sila na mahanap si Dorothea," sabi ko saka sila sumang-ayon sa akin.
Kinabukasan, lahat kami, except kina Bianca at Leandros, nasa living room. Hinihintay ang pag-sikat ng araw.
"If I'm not mistaken, five thirty in the morning ang sunrise," sabi ni Sabrina.
"Yup. And it's already five twenty-nine na. Sino kaya ang unang makakahanap kay Dorothea?" nag-aalalang tanong ni Karen. Lumingon na kami lahat sa bintana. Nakita na namin ang sikat ng araw.
Narinig na naming sabay nagbukas ng pinto ang dalawa. Anong paraan ang gagawin nila?
Bianca's POV
"Shit happens dre!"
Hayan ang nasabi ko. Para naman kaming maga bata. Naglalaro ng hide and seek! No'ng nakita ko na ang pagsikat ng araw, lumabas agad ako ng kwarto. Kaso kasabay ko si Leandros.
So, ang paraan ko ay pasukin kada kwarto. Buti na lang, hindi naka-lock ang rooms nila. Pero ang idea ko, baka naisip din 'yon ni Leandros.
Ang huling kwarto na papasukin ko ay ang kwarto ni Dorothea. Hmp, alam kong galing do'n si Leandros.
As I entered the room, I saw a piece of paper sa kama niya, with a note. Heto ang nakalagay:
HINATAK KITA PAPUNTA SA _________
"Hinatak niya ako papunta sa?" inulit ko. Hmp, sa'n nga ba?
Aha!
Sa kitchen! Do'n niya ako hinatak papunta sa kitchen! Kailangan magmadali!
Leandros' POV
'Di ba siya marunong mag-isip? Bakit siya maghahanap sa ibang kwarto kung hindi naman do'n natutulog si Dorothea? Heh. Shunga niya!
Nang pinuntahan ko ang kwarto ni Dorothea, hindi siya naka-lock. Pero inopen ko ang pinto, may nakita akong letter. Heto ang naka-lagay:
LUGAR KUNG SAAN PINAG-USAPAN NATIN ANG SIKRETO MO.
S'yempre, pumunta na agad ako sa living room. When I get there, walang tao. Malinis at tahimik. Pa'no ko siya mahahanap dito? Nilibot ko na lang ang paningin ko sa living room. At...
Bakit may naka-slant 'yon picture frame? Bago ko ayusin, tinignan ko muna ang naka-display. May bata na nasa ilalim ng puno tapos may malaking bubuyog na paparating sa kanya. Kaso, isang tupa ang humarang sa tapat ng bata. Naka-pencil sketch lang 'to, sana kinuluyan man lang 'to ng artist.
Wait. May mirror sa lower left ng naka-slant na frame.
Nang inalis ko ang frame, may nakasulat sa mirror mismo, I think she used lipstick para makasulat siya. Heto ang message:
PUMUNTA KA SA TRAINING AREA NATIN
S'yempre, diretso na agad ako. Pero teka, aayusin ko muna ang frame. Baka kasi makita niya 'yon clue. Mahirap na! Hihi.
Bianca's POV
Nang makarating ako sa kitchen, walang tao roon. Nakita ko ang ref, wala sa position niya. S'yempre, inayos ko. Kung sino man ang nag-dislocate nito, sasakalin ko siya mamaya.
Pero, huminto ako dahil may nakita akong lagusan. Pa'no nagkaroon ng lagusan dito na pababa? May mga secret passage pala ang bahay na 'to.
S'yempre, bumaba ako dito. Pero, walang pinto sa dulo ng stairs, tapos may note na naman akong nakita. I think she used ketchup. Amoy ko kaya!
PUMUNTA KA SA TRAINING AREA.
Umalis na agad ako dun sa nakaka-takot na passage na yun. Of course, hinarang ko na yung ref, baka matakot pa kami kapag may nagparamdam sa amin dito, ako pa ang sisisihin. Mahirap na. Before ako umalis ng kitchen, nakita ko si Leandros sa bintana, on the way papuntang training area.
NAKAKA-ASAR! Ma-uunahan na niya ako!
Leandros POV
I'm on my way sa training area. Kaso, wala naman tao rito! Pero, may napansin akong note nakasulat sa buhangin.
PUMUNTA KA SA PABORITO MONG LUGAR DITO SA MANSYON.
After kong basahin iyon, tumakbo na agad ako papunta sa may duyan, 'yon place na sana matutulog na si Fey kaso inistorbo ko. Bigla na lang lumakas ang hangin, nabura 'yong note na nakalagay do'n. Kailangan ko pa maghanap ng notes kaya tumakbo ako pabalik sa loob ng mansyon. THAT'S NOT MY FAULT! 'Yung nature na ang nagbura ah! Sana hindi niya ako batukan mamaya.
Speaking, nakasalubong ko ngayon si Bianca, halatang na-iinis na sa akin.
Sorry, I guess I'm going to win this time!
Bianca's POV
FREAKING ME OUT! I REALLY HATE THIS GAME! Alam niyo ba no'ng bata pa ako, ako ang laging taya sa hide and seek na yan! I really hate this game forever! Now, I have no clues! Ano na ang gagawin ko?
Napunta ang tingin ko sa bato, basa siya. May nabubuo at...
PUNTAHAN MO ANG PABORITO MONG LUGAR DITO SA MANSYON.
Favorite place sa lugar na 'to?
Since I entered this place, lagi na lang sa kitchen ang punta ko. Kung hindi sa kitchen, sa greenhouse. Try ko lang sa kitchen. Baka may mangyaring himala.
-KITCHEN-
"Wala naman, eh!" sigaw ko. Ang sakit na sa ulo! Hindi pa 'ko nag-a-almusal!
Aaayy! Sorry!
May nasanggi at nakabasag ako ng pitsel, natapon pa 'tong tubig. Linisin ko muna, walang oras naman sa paghahanap, eh.
Dadamputin ko na sana ang basag na pitsel nang may napansin akong mga footstep. Nagkakaroon ng footsteps dito! Shit! May multo ba dito?!
Wait!
Kilala ko 'to!
Kilala ko kung kaninong mga paa 'to!
"Huli ka," sabi ko na lang sa kanya.
Paulo's POV
Ano na kaya ang nangyari sa dalawang 'yon? It's almost lunch na. Kumuha na lang kami ng biscuit sa ref kasi hindi nagluto si Bianca ng breakfast. Nagkanya-kanya muna kami ng kain.
"Nahanap na ba nila si Dorothea?" tanong ni Karen.
"Tara, puntahan natin sila sa living room." As Niel suggested, pumunta na kami sa living— teka! Amoy adobong manok!
"Nagluluto na si Bianca?" tanong ni Fey. Maya-maya, nakita namin si Leandros, hingal na hingal habang papasok dito sa living room.
"Oh. Anyare? Nakita mo na si Dorothea?" tanong ko.
"No, Bianca found me through water." Pag-lingon namin, nakita namin si Dorothea kasama si Bianca.
"Bianca win this challenge!" anunsyo niya.
"Pa'no nangyari iyon?" tanong ni Leandros habang nakakunot ang noo niya.
"Salamat sa isang basag na pitsel, nakita ko ang mga footsteps ni Dorothea," sagot ni Bianca na nakangisi pa.
"At saka, hindi mo ba naramdaman ang mga yapak ko?" tanong ni Dorothea. S'yempre, umiling si Leandros. Ngumiti lang si Dorothea sa kanya.
"Okay. So sa challenge na 'to, kay Bianca ang Element na lumabas," sabi niya.
Sa challenge na iyon, paano napalabas ni Bianca ang Element niya? Sana man lang napanood namin.
"Wag ka magagalit sa akin ah!" sigaw ni Bianca kay Leandros.
"Oo naman," sagot naman ni Leandros then lumapit siya kay Bianca, "Friends?" tanong niya kay Bianca na ready na makipag-shake hands.
"Yah. Friends." sagot ni Bianca then nakipag-shake hands siya.
"That's what you called, sportsmanship," sabi ni Sabrina.
"Sab," si Dorothea, syempre lumingon si Sab sa kanya.
"Mag-usap tayo. Sumunod ka sa akin," sabi niya.
=========================================================================
VOTE, COMMENT AND FOLLOW NA RIN (KUNG GUSTO NIYO :3)
ARIGATOU! :*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro