
ANNOUNCEMENT!
The Zodiac Protector Book I is finished. Pero pero pero! Ayokong mag-end sa ganun ah -.- Dahil mahal ko kayo, papaikutin ko pa ang mga utak este.. Imagination niyo (sensya na, Pisces eh).
Behind Their Constellation. Yan ang pangalan ng Book 2 ng Zodiac Protectors so.. Yiieee! Can't wait for that. FYI, in my notebook, chapter 17 na po ako :3 Sadyang ang bagal ko lang mag-type dito. Haahahahaha XD
Una, bakit ba kasi 13 ang main characters ko dito di ba dapat, 12 lang kasi 12 lang ang Zodiac Signs? Kaya ko ginawa yun para maiba naman -.- Para sa una pa lang, magtataka na kayo (kahit ako rin nagtaka na) kung bakit ganern ang characters.
Pangalawa, bakit nasa Libra Protector yung kambal? Di ba dapat nasa Gemini kasi "dual" personality yun? Actually, sa book 2, I am willing to introduce to you, their ancestors. Sana masagot na yung tanong niyo :D
Teka teka teka! Masyado nang spoil ba? Anyways, sa loob ng 3 years (to be exact), lubos po akong nagpapasalamat sa mga taong namangha, natawa, nabwiset, kinilig (may kinilig daw eh), sa mga na-bored? (Well, may nabasa ako na, medyo di maganda sa mata ko pero, I'll accept it) at higit sa lahat... Sa HABA NG PASENSYA SA PAGI-HINTAY sa pag-update ko. Busy na si Inhinyera eh XD
Para mabawi naman kahit papano, bibigyan ko kayo ng teaser sa book 2 ^_^
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Waaaag! Nakiki-usap ako sa inyo! Ibalik niyo na siya sa amin!" mangingiyak sigaw ni Fey sa kanilang kalaban.
"AHAHAHAHA! Anong tingin mo sa akin, Pisces Protector, maawa ako sa'yo pagkatapos niyong patayin ang aming Ama?! Dapat lang na bayaran niyo ang kasalanang ginawa niyo! Sige! Patayin mo na ang mga Zodiac Protectors!" utos nito sa kanyang kanang-kamay. Mabalis ito kumilos papunta sa kanila.
Habang ang mga Protectors, nahigop at wala nang sapat na lakas para makatayo. Ang iba sa kanila ay nawala na ng malay, at ang iba rin sa kanila, tila parang pawis na lang sa kanila ang dumadaloy na dugo sa kani-kanilang katawan.
Ang kanyang kanang-kamay naman ay mabilis ito tumakbo papunta sa mga Protectors. May binuo na malaking bolang apoy na tila, malayo pa lang, ay ramdam na ng mga Protectors ang init ng galit mula sa apoy.
Sa kanilang tantsa, ang tanging magagawa nila ay kumapit at pumikit at hinanda ang kanilang sarili sa kamatayan.
Dinilat ni Fey ang mga mata niya at tumingin ng diretso sa kanang-kamay ng kalaban. Tumayo ito at pumunta sa harapan ng mga Protectors. Nagsilbi siyang harang mula sa pag-atake ng kanang-kamay ng kanilang kalaban.
"Fey! Anong ginagawa mo?!" tanong ni Bianca.
"Wag mong gawin yan dahil sabay-sabay rin tayong mamamatay!" sigaw ni Niel na hawak niya si Uni.
Pero, nagmistulang bingi ito. Tinignan lang niya ang taong malapit na umatake.
"Itigil mo na ang kalokohan itong at bumalik ka na..." - Fey
"Humanda ka naaaaaa!"
"ITIGIL MO NA 'TO HAROLD!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hayun... Hahahahaha... Lam na this. Okay, naka-published na ho and completed na siya. Hahahaha.
See yah in Book 2.
Ingat, God bless :)
> kleriita
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro