Twenty Two
Neko's note: no April Fools thing. HAHAHA. Huli na ng marealize ko.
Chapter Twenty Two
Lumipas ang ilang araw.
Lumalayo sa'kin si Keanu. 'Di n'ya talaga ako kinakausap. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako o ano? Nakakainis. Miss ko na s'ya.
Lagi na lang s'yang napasok sa utak ko. Nakakaasar. Kingina lang. Tapos tuwing malapit s'ya gusto kong tumakbo para umiwas. Pero gusto ko ring tumakbo sa kan'ya at yakapin s'ya. Napaka-gulo ng utak ko. Tapos isama mo pa 'yang mga butterflies sa tyan ko na mahilig lumipad. Gusto ko nang putulan ng pakpak eh. Tapos minsan pa... sobrang bilis ng tibok ng puso ko pero napaka-bagal ng paligid pag dumadaan s'ya. Nababaliw na ata ako kay Keanu.
Gabi-gabi na lang akong puyat kakaisip. Plus 'yung sinabi ni Sui. Posible bang mahal ko na s'ya? Kahit ako nabibilisan. Mahigit isang linggo pa lang kaming magkakilala. At sa isang linggo na 'yun. Ilang araw pa lang kami nag-uusap.
Hindi ko na alam. Ayokong ma-in love kung gan'to naman pala kasakit sa ulo 'to. Punyeta. Sabi pa naman sa wattpad masakit din sa puso.
Ibinagsak ko 'yung mukha ko sa kama. Hindi ko na alam. Miss ko na si Suiiii! S'ya 'yung makakausap ko pag tungkol dito.
Tinawagan ko s'ya. Hindi sinasagot. Nasa bahay 'yun malamang.. Imposibleng hindi n'ya hawak 'yung phone n'ya. Tinawagan ko ulit. Isang ring pa lang ay sinagot na n'ya.
"KINGINA ANO BANG PROBLEMA MO?" Bismod s'ya kaya natawa ako.
"YOU CALLED JUST TO LAUGH AT ME??? BITCH I'M WATCHING AN IMPORTANT SHOW RIGHT NOW. SO SPILL WHAT YOU WANT TO SAY!"
"Wait anong pinapanuod mo?" Baka kasi mahalaga talaga. Tapos magtatanong lang ako ng kalandian sa kan'ya.
"We Bare Bears. Ang cute cute ni Ice Bear. Gusto ko s'yang i-hug. Para s'yang si Ferb. WAIT. ANO BANG KELANGAN MO?" Okay. Her mood changed again. At hindi mahalaga ang pinapanuod n'ya.
"Well.. In love na yata ako kay Keanu."
"Yata? I-sure mo nga muna. Kingina naman eh," iritang sagot n'ya.
"'Di ko nga alam kaya magtatanong ako sa'yo."
"Anong tanong?" sabi n'ya.
Ano nga bang itatanong ko?
"Hehe," tawa ko.
"Wag mo kong i-hehe. Ano nga?" Feeling ko babatuhin na n'ya ako.
"Ehhh." Natatakot na naman ako kay Sui. Momma help meh. Sui's gonna eat meeee.
"Ehh pa. Ayusin mo o sasampalin kita ng napkin. 3rd day ko ngayon ah. Madugo 'to."
"Eew," sabi ko sabay tawa, "nakalimutan ko ehh."
"Leche ka."
Wala nga yata akong itatanong eh. Gusto ko lang na s'ya na mismo magsabi kung oo o hindi.
"Feeling ko alam mo na yung sagot eh."
"Panong alam?" nagtataka kong tanong.
"Aware ka nang mahal mo s'ya pero you keep on denying that you don't."
"Ewan?"
Bumuntong-hininga s'ya. Mukhang kukunin na n'ya ako mula sa telepono. Scaryyyy!
"Sagutin mo ako ng oo o hindi." Mabilis at pagalit n'yang sabi. Ajuju 'kala ko kakainin na n'ya ako.
"Nag-dodoki doki ba ang kokoro mo tuwing nakikita mo s'ya?"
"Wtf. Anong lenggwahe yan?"
"Sorry." She laughed. "Weeaboo kasi ako. Anyway. Nagpapump ba ng madaming blood yung heart mo—"
"Oo," derecho kong sagot.
"Edi pa-check up ka. Baka may rheumatic heart disease ka na," tumatawa n'yang sabi. Abnormal ba s'ya?
"Joke lang. Tumawa ka. Leche," dugtong n'ya.
Pero 'di ako tumawa.
"Tatawa ka o ibababa ko 'to?"
Natawa talaga ako dahil sa sinabi nya. Gagung 'to.
"Ayun, may pyesta ba ng mga paruparo d'yan sa tyan mo? Tapos minsan nakikiliti ka dahil dun pag nakikita s'ya?"
"Oo."
Tumawa s'ya.
"Feeling ko love expert na ako a Haha angas ko. Anyway, pumogi ba s'ya sa tingin mo?"
Biglang tumibok ng mabilis 'yung puso ko nung maisip ko 'yung mukha n'ya. Oo. Pumupogi talaga s'ya. Ewan ko kung bakit!
"Oo. Ang weird nga eh."
"Pang-apat. Hmm... tumitigil ba 'yung paligid dahil sa kan'ya? At parang sa kan'ya lang 'yung paningin mo at nirereject ng senses mo 'yung paligid mo?"
Napaisip ako.
"Oo. Pano mo nalaman?"
"Who knows?" sabi n'ya.
"Last."
Halos tumigil na 'yung paghinga ko. Halos malapit na..
"Mahal ka ni Keanu."
Narinig kong sabi n'ya. Hindi ko alam kung bakit pero biglang tumibok ng sobrang bilis 'yung puso ko. Biglang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Hindi ko alam pero parang natatae ako. Pero nakangiti ako. Gumalaw mag-isa 'yung lips ko. Tapos nag-pyesta na naman yung mga butterflies. Pero mas madami na sila ngayon. Bakit???
"Kung malapit ka nang mamatay kasi nangingisay ka... mahal mo na s'ya." Narinig kong sabi n'ya. Saka ko na-realize na ginagago ako ni Sui.
"Hindi totoo????"
Tumawa s'ya.
"Who knows??" Sabi n'ya saka binabaan ako.
*****
"Bey!"
Ito naman si Krista, nagiging ewan na since nung isang isang isang repeat chorus isang araw. 'Di na pumupunta kila Keanu.
Si Kevin naman mas nagiging close ko na. Halos kuya na 'yung turing ko sa kan'ya. Pero 17 lang s'ya at 18 ako. Kung umasta s'ya kuya ko na eh. Palagi kaming nasa treehouse.
Si Pia... ayaw pa rin sa'kin. Sila ni Keanu ang palaging nag-uusap. Hays. Baka si Pia at Keanu na?
Hindi pwedeeee. Gusto ko kami. Ajujujuju aamin na ako sa kan'ya. Eh kung umamin na kaya ako ngayon? Oo. Aamin na ako ngayon.
Tumayo ako pero may pumigil sa'kin.
"Galit ka ba bey?!"
Ay. Oo nga pala. Kasama ko pala s'ya.
"Hindi," sagot ko.
"Eh bakit 'di ka umiimik? Tapos lalayasan mo pa ako?"
"May iniisip ako," sabi ko saka inuntog ang ulo ko sa table.
Nasa mall na naman kami. Oo. Dito sa mall na unang pinagkakitaan namin ni Keanu. Sa mall na una ko s'yang nakita.
"Ano bang iniisip mo beeey? 'Di mo ako pinapansin."
"Aamin na ako kay Keanu!"
"Anooooo?" gulat na tanong n'ya.
"Aamin na ako."
"Go bey! Teka alam na ni Kevin 'to?"
Umiling ako. Never akong nagkwento kay Kevin. Awkward eh.
Kinain ko yung fries.
"Ano pala yung aaminin mo bey?"
"Hindi ko pa ba nasasabi sa'yo?" nagtataka kong tanong.
"Hindi," nakangiti n'yang sabi.
"May pa-cheer cheer ka pa 'di mo naman pala alam."
"Oo na. At saka supportive nga ako 'di ba? So anyare?"
"Nag-usap kami ni Sui. Feeling ko kasi nababaliw na ako. Ayun, I found out na mahal ko na s'ya."
"Seryosooo? Andaya mo. Papalitan na yata ako ni Sui sa buhay mo. Sino ba ang bestfriend mo mula sperm cells?"
"Gago. Nawawala ka kasi. Tsaka mas maalam si Sui sa ganun."
"So ako hindi?"
"Yep!" natatawa kong sabi.
"Sabagay. Tatawanan nga lang kita," sabi n'ya. Abno na si Krista.
"Gagu ka talaga."
Pasimple kong kinukuha 'yung madaming fries. Hehe #Jamming
"Wag mong ubusin 'yan aba."
"Oo na. Teka aalis na ko."
"Bakit?"
"Aamin na nga ako," sabi ko saka tumakbo.
"Wait lang beeeyyy!" sigaw ni Krista pero hinayaan na ako kasi madami pang fries. First time kong iniwan ang pinakamamahal kong fries. Dahil pa sa lalaki. Ajujuju
Sumakay na agad ako sa jeep. Anak ng tatay. Naalala ko na naman 'yung scene sa jeep dati. Iyak kaya ulit ako. Hehehe
Tinext ko si Keanu na wag umalis kasi may sasabihin akong sobrang importante.
Nagreply s'ya ng "ok."
Ajujujuju miss ko na si Keanu babes.
Nung nasa tapat na ako ng village namin, nag-para na ako. Saka sumakay sa tricycle. Nung nasa gate na ako, saka ko lang naisip na aamin na ako? Walang practice? Now na talaga? Now na now na now na???
Nagpapawis 'yung mga palad ko. Kinakabahan ako. Natatae ako. Tae muna kaya ako? Ajujuju atras na kaya ako? Ayokong umamin. Puta naman eh.
Eh kaso nasabi ko na. Hindi ko mabuksan 'yung pinto. Puta talagaaaaa. Ano ba 'tong pinasok ko?
Nagulat ako nang may nagbukas ng pinto—si Pia. Nakangiti.
"Eto na pala si Zia eh," sabi n'ya ng nakangiti.
Nakakatakot 'yung ngiti n'ya. May meaning. Tangina natatakot ako sa kapatid ko ah.
Alam mo 'yung minsan lang s'ya ngumiti pero pag ngumiti s'ya nakakatakot.
"Anong sasabihin mo?" bungad n'ya. Keanu ha??? 'Di pa nga ako nakakapasok pero seryoso 'yung boses ni Keanu. Nasa sala s'ya. Bakit ganun? Hindi na masigla 'yung boses n'ya? Ayaw na ba n'ya sa akin?
"P-Pia, si Kevin?"
Tanong ko. Puta nauutal ako. Kinakabahan talaga ako. Ajujuju
Pano 'pag nareject ako? Kakagatin ko na lang si Keanu para makabawi.
"Nasa kwarto n'ya."
"Ahh," sagot ko na lang.
"'Di ka pa ba papasok, ate?" sabi ni Pia ng nakangiti. Wtf?? Tinawag n'ya akong ate. Kill me now. May pinaplano talaga 'to eh. Kingina naman.
"P-papasok na," nauutal pa rin ako. Waaaah mommehh ano ba 'tong pinasok ko?
Umupo na ako sa upuan na malayo kay Keanu. Pero 'di n'ya katapat.
Bakit ba kasi basta-basta 'tong utak ko? 'Di ako nag-isip. Sana kumakain pa ako ng fries ngayon.
"P-Pia. Alis ka na muna?"
"No."
"Please?"
"Ayoko," nakangisi n'yang sabi. Tangina ano bang problema mo Pia? Nakakatakot ka.
Bahala na nga.
"Ano nang sasabihin mo, Zia?" Tiningnan ko si Keanu. Nakatingin lang s'ya sa akin. Pero walang ekspresyon 'yung mukha n'ya. Bakit ganun? Nagpalit na ba sila ni Pia? Ibalik mo 'yung dating Keanu babes kooooo.
Bahala na! Napakuyom ako ng kamao habang nakaupo.
"K-kasi ano.." Napayuko ako. Nawawala yung sasabihin ko. Pano ko ba sasabihin? Tangina padalos-dalos eh.
"Ano?" sabi ni Keanu.
"A-ano yung sasabihin ko eh..." paputol-putol kong sabi..
"Sasabihin mo ba o hindi? Kasi kung hindi aalis na lang ako," pagalit na sabi ni Keanu. Y???
Bahala na. Huminga ako ng malalim at...
"MISS NA KITA WAG MO NA AKONG IWASAN!"
Nakapikit kong sabi.
"WHAT THE FUCK ZIA?"
Ano'ng nasabi kooooooo????
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro