Twenty Three
Neko's note: sorry guysss ngayon lang. Ang busy namin sobra. :( hope you enjoy this!!
Chapter Twenty Three
"WHAT THE FUCK ZIA?" biglang sigaw ni Pia.
Nagulat din ako. Napatakbo ako papunta sa kwarto ko. Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ko ay napaupo agad ako.
Dama ko ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa pagod, kay Keanu babes, o doon sa kaba ko.
"Shit. What have I done?"
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Krista. Halos hindi ko ma-dial nang ayos kasi nanginginig ako.
Ilang ring ang nakalipas saka n'ya sinagot.
"Hello bey? Kayo na ba? Omygod. Congrats. Kelan kasal?"
"K-Krista..."
"Bakit bey? 'Di ka makapagsalita sa sobrang kilig nu?"
"'Di ko nakaamin."
"Huh???"
"I said hindi ako nakaamin."
"Ohh. Sinabihan ko pa naman si Pia," kaswal na sabi nya.
"Sinabihan mo s'ya?" Hindi ko alam kung magagalit ako or what, e.
"Oo. Kasi feeling ko papalpak ka eh. 'Di ka rin pala n'ya naayos. Sayang beyyy!"
"Nakakatakot kaya 'yung ngiti ni Pia kanina," paiyak na sabi ko. Huhu totoo naman, e.
Nanghihina ako. Feeling ko jelly na 'yung mga tuhod ko. Simula ng makilala ko si Keanu babes ay palagi nang failed ang pag-function ng parte ng katawan ko.
"Wait lang Krista," sabi ko saka humawak sa doorknob para sa suporta kasi feeling ko anytime babagsak na ako.
Dumerecho ako sa kama ko. Nanginginig pa rin 'yung mga tuhod at kamay ko. Punyeta naman.
"Bakit mo sinabi kay Pia?" Nakakainis. Kung nakita n'ya ngumiti si Pia, ay nako.
"'Yun nga, tinatawag kita kanina kasi sasabihin ko na mag-practice. Eh kaso ayaw mo lumingon. Mas mahalaga ang fries kaya tinawagan ko si Pia saka sinabi 'yun. Napasigaw pa nga s'ya eh."
"Huwaaaa. Ajujujuju ba't 'di mo 'ko tinawagan?!"
"Para exciting! Hehe. Bakit? Ano bang nangyari? 'Di ka naman umamin kaya imposibleng na-reject ka!!!" Nagpapanic na rin yata si Krista.
"Eh kasi!! Nakakahiya ako!"
"Bakit? Nag-sexy dance ka ba, bey?"
"Tunge! Eh kasi naman. Sabi ko namimiss ko na s'ya saka wag na n'ya akong iwasan. Ajujuju"
Pero 'di naman ako umiiyak. Nag-iinarte lang.
"Hala bey. Nakakahiya nga 'yan. 'Di na kita best friend magmula nung sperm cell pa tayo!"
"Grabe ka!"
"Joke lang bey. Pero ayos na 'yan. At least nasabi mo rin 'yung nasa puso mo."
"Pero 'di ako nakaamin. 'Yun 'yung mas gusto kong sabihin."
Napabuntong-hininga ako.
"Oo nga. Pero nabawasan naman. Kaysa naman dinadala mo 'yan. Na miss mo na s'ya. Totoo naman diba? Jackpot pa kung nag-assume s'ya. Syempre bakit mo nga naman s'ya mamimiss 'di ba?"
"Hindi nakakatuloooong!! Si Sui na lang kakausapin ko." Binabaan ko na s'ya agad.
Hays. Nag-facewall na ako kung pwede eh. Ang tanga kooooo.
Narinig kong nag-ring 'yung telepono ko. Malamang si Krista lang 'to kaya hinayaan ko na. Matutulog na lang ako.
Dumapa ako at ibinaon ang mukha sa unan. 'Di ako makatulog kaya ganun lang 'yung pwesto ko. Hindi ko alam kung ilang oras na yung lumipas. Pero ring pa rin nang ring 'yung phone ko.
Biglang may pumasok sa kwarto ko.
"Zia!!!"
Si Pia pala. Inangat ko 'yung mukha ko.
"Hmm?"
"Tangina akala ko nag-bigti ka na. 'Di mo raw sinasagot 'yung tawag ni Sui. Sabi ni Krista tatawag ka raw kay Sui pero hindi mo sinasagot yung tawag n'ya. Gago."
"Sui?"
"Ay Zia wag kang tanga. Ibabato kita palabas ng bintana."
"Welcome back kapatid!!!" sabi ko sabay yakap sa kan'ya.
"What the hell Zia. Lumayas ka. Tuko ka ba?"
"Akala ko nabaliw ka na kanina eh. You're scaring me."
"Whatever. Tawagan mo na si Sui. Baka mapatay ka nun."
Pagkakuha ko ng phone... 69 miscalls. Ilang oras ba akong lutang???
Tinawagan ko na s'ya.
"Jusko Zia. Nakakagago ka. Akala ko uminom ka na ng madaming tubig para sumabog ang tyan mo. Naku talaga."
"Bakit tumawag ka?"
"Ay oo nga pala. Ehem." Bumwelo pa. Patay ako. "TANGA KA BA?" Omerghed. Nagugulat pa rin ako sa pagbabago ng mood n'ya.
"Bakit na naman?"
"Why did you decide to say that you love him when you have no plans at all? Hey bitch, you're not in anime wherein you'll say that 'Daisuki senpai. Please go out with me.' and he'll go out with you and your love story ends there. Bitch pa'no kung nireject ka n'ya? Pa'no kung 'di s'ya nakapag-salita. Wala kasi sa hulog eh. Puta."
Hinihingal n'yang sermon sa'kin.
Naalala ko tuloy si Bretman Rock sa kan'ya kaka-bitch n'ya huhu.
"Ehh ka—"
"Stop!" Sabi ko nga eh. "'Wag kang bobo ha? Padalos-dalos ka eh. Hirap kumausap ng tanga," sabi n'ya saka binaba.
Okay. Ajujuju binubully nila ako.
"Anong nangyari pagtaas ko?" tanong ko kay Pia pagkahagis ko ng phone ko sa kama.
"Ba't ko sasabihin? Sinong tumakbo paakyat?"
Napabuntong-hininga ulit ako.
Bumalik sa kama at dumapa.
"Okay. Ako nga."
"Let's rub salt and lime in your wounds," aniya saka tumawa.
"Nahh. Labas ka na," walang gana kong saad.
"'Di mo man lang ako pipilitin?" gulat na tanong ni Pia.
"Pinipilit na kita. Pilit. Pilit. Pilit," walang buhay kong sagot. Aish bakit ba gan'to ako? Dapat mag-plano na ako kung kelan ako aamin ng totoo kay Keanu babes.
"Pshh. Kunwari pinilit mo ako. Nagulat si Keanu. Tapos napa-what the fuck s'ya. Then napailing. Tapos nakita ko s'yang..."
Nabuhay ang dugo ko. Anong nakita ni Pia? Napabangon ako. Nakatayo pala s'ya sa gilid ng kama.
"Ano?"
"Hmm.."
"Pia!"
"Pilitin mo muna ako," nang-aasar n'yang sabi.
"Waaahh Pia. Chikka mo na. Pleaseeeeee."
"Hmmm..."
"Piaaaaa!!! Sabihin mo na sa'kin!"
Natawa s'ya.
"Ewan ko ba kung aware s'ya na malapit ako, nagtatanga-tangahan s'ya o tanga talaga s'ya pero sabi n'ya... 'She's really weird, so she missed me, huh?' Tapos nakita kong ngumiti s'ya. Kita gums."
Bigla akong napangiti at napatalon.
"Ehhh. Pia naman eh. Baka ginagago mo ko," sabi ko habang namumula at pinapaypay 'yung kamay ko sa pisngi ko sa sobrang kilig.
"Ginagago nga kita," tumatawa n'yang sabi, "ang cute mo pag gan'yan. Mukha kang tanga."
Napatigil ang pagce-celebrate ko at feeling ko namatay ang lahat ng organs na nagfa-function. Napatigil ako sa pagtalon at napangiwi.
"Niloloko mo lang akooooo? Ang bad mo. Umasa ako Pia. Napaka-bad mo."
Tumawa s'ya.
"Siguro oo, siguro hindi." Nag-shrug s'ya saka naglakad palabas ng pinto. Pero tumigil s'ya.
"Magplano ka na sa pang-seseduce kay Keanu. Para I like you na rin at matanggap ko nang kapatid kita."
Narinig kong sumara na ang pinto. Hays pano ko ba gagawin 'yung pangseseduce kay Keanu babes? Eh flat nga ako at wala akong pwet. Jusko.
*****
Kinabukasan, gumising ako nang maaga para maligo at magtoothbrush saka tumambay sa harap ng pinto ni Keanu babes. Gusto ko kasi ako 'yung unang maganda n'yang makikita. Eh pano kung wallpaper n'ya ako? Mas maganda! Jusko sasabog yata ako sa kilig pag ganon.
Kapag sa loob ako ng kwarto ko naghintay baka hindi ko marinig kaya kahit mag-mukha akong tanga kahihintay ay okay lang. Para naman sa kan'ya.
Medyo nag-ayos ako nang konti kasi nakakahiya. Hindi ako nag-boxer. Nag-skirt ako! Oo! Skirt. Para sa pagpapapansin. At maayos na t-shirt. At hindi shirt ni papa. Lol
Hawak ang phone ko para maglibang. Chineck ko muna 'yung kusina. 'Di pa raw s'ya bumababa. So... positive andito pa s'ya.
I've waited for hours pero 'di pa rin s'ya lumalabas. Nag-soundtrip na ako pero wala pa rin. I'm already hungry pero nahh. Ginawa sa'kin 'to ni Keanu babes dati. Kinikilig tuloy ako ekekekeke. Though I don't know kung ginago n'ya lang ako at nasaktuhan lang na sabay kaming lumabas.
Siguro, kung ganoon na nga masasaktan ako. Hehehe. #UmasaEh
I heard footsteps.
"What are you doing here Zia?" May bahid ng pagkasurpresa ang mukha n'ya. Ang ganda ko siguro. Hehe
Ohh... si Kevin.
"Basta. Kain ka na? Una ka na lang dun." I smiled.
"Okay?" patanong n'yang sabi. Saka bumaba.
Naghintay pa ako ng isang oras. Hays... Baka nagbigti na si Keanu babes. Hindi pwede. Magpapakasal pa kami!
"Zia, ano bang ginagawa mo sa tapat ng pinto ni kuya?"
"Wala. Basta." I smiled.
"You waiting for him?"
"Yeah," nahihiya kong sagot.
Nagkaron ng konting pagbabago sa mukha ni Kevin. Pero mabilis lang din.
"Wait lang!" sabi n'ya saka bumaba ulit.
Pagkabalik n'ya may dala s'yang sandwich. Malaking tulong 'to.
"Salamaaaat!"
"Sige. Tawagin mo na lang ako sa kwarto kung kelangan mo ng kausap."
Tumango ako at nag-thumbs up. Dumerecho na s'ya sa kwarto n'ya.
Ayoko mag-assume pero... aish. Assuming lang ako. Tama! Imposibleng magkagusto sa'kin si Kevin. Braders kami nun at may iba s'yang gusto. Tama. Assuming lang ako.
After ng ilang sandali ay dumaan si Pia!
"Mukha kang tanga. Seryoso ka d'yan?"
Tumango na lang ako. Umalis din s'ya agad.
11:30 naaaa. Gutom na talaga ako. Buti na lang dinalhan ako ni Kevin ng sandwich kung hindi 'di ko na s'ya hinintay.
Kung 'di ko lang s'ya mahal eh. Witwiwww landi ng utak ko. Pero... hindi! I can wait forever. Lol
Nakarinig ako ng footsteps. Malakas kasi pandinig ko. Charot. Nasa labas kasi ako. Hehehe. Binuksan ko 'yung pinto ko at nagkunwaring kalalabas lang.
MAHINHIN NA ZIA ACTIVATED!
At sa wakas bumukas na rin ang pinto. Sinuklay ko nang kaunti 'yung buhok ko gamit ang daliri ko. Baka kasi mukha akong tanga. Hehe
Tumibok agad ng mabilis ang puso ko. Bakit ganun?
Unti-unti na s'yang lumabas. Natatae na naman yata ako. Bakit may mga flowers sa background n'ya? Bakit ang bagal ng paligid. Tanging mabigat na paghinga at malakas na pintig ng puso ko ang naririnig ko.
"Uy. Good morning Keanu," nakangiti kong sabi. Gusto ko sanang dugtungan ng babes kaso next time na. Pag kami na. Hehe. "Kagigising mo lang?" I asked stating the obvious
Bakas ang gulat sa mukha n'ya. At tiningnan ako mula ulo hanggang paa at napangiti s'ya
"Ohh. Good morning," nakangiti n'yang bati sa'kin. Pero ramdam ko na medyo awkward pa rin.
Ang pogi ng boses n'ya. Nakakakilig. Bakit ganun? Mas kinikilig ako sa kan'ya ngayon?
"Kain na tayo," yaya n'ya sa akin at naunang naglakad.
Napa-yes ako! Effective ang pagpapapansin. Huehue.
Hindi ko na s'ya pinaghila ng upuan pero ako 'yung naglagay ng pagkain sa plato n'ya and he's wearing a WTF is happening face.
Kumakain na kami. Wala akong masabi. Ajujujujuju bakit gan'to. Dati nakaka-pagsalita ako kahit puno ang bibig ko. Napaka-pabebe ko ngayon. Leche.
"So... close na kayo ni Sui?"
Nagitla ako sa bigla n'yang pagsasalita kaya nalaglag ko 'yung kutsara na may laman. Isusubo ko na sana ehh.
Narinig ko ang tawa n'ya. Ang pogi ng lahat sa kan'ya. Ang sarap pakinggan ng tawa n'ya.
He snapped.
"Nakatulala ka, Zia. Hanggang ngayon clumsy ka pa rin."
Nagising ako. The fuck. Natulala ako sa harap n'ya.
Turn off!
I tucked my hair behind my ear.
"Kahit dati naman clumsy ako eh," sagot ko nang medyo mahinhin. Pabebe na kung pabebe. Basta dapat cute ako.
"Naalala ko tuloy nung nauntog ka sa pinto ko dati," sabi n'ya saka tumawa nang malakas.
Naaalala ko pa 'yun babes. Jusko nakakahiya. Pero tumawa ako. 'Yung mahinhin.
"O? Ehehehe ako rin." Gan'yan 'yung tawa ko. Jusko parang manananggal, e. Pero para kay Keanu babes!!
"Zia?"
"Yes?" Keanu babes? Gusto kong isunod. Papakasalan mo na ba ako? Hehehehehe. At.. kinikilig ako tinawag n'ya ako sa pangalan ko.
"Aalis ka ba ngayon?" tanong n'ya
Omerghed. Yayayain n'ya ba ako na makipagdate? Ihhh naman kasi ihh.
"Uhmm. H-hindi. Bakit?" medyo pabebe kong sagot.
"Nasaan ang boxers mo? Bakit gan'yan suot mo.. And you're creeping me out."
"Huh???"
"I mean... you're not wearing boxer and you combed your hair. You're not Zia," he laughed.
Binato ko s'ya ng kutsara sa inis.
"Gago!" Natatawa kong sabi
"That's the Zia that I know." He winked.
Omergheeedddd! Hindi na s'ya mukhang may epilepsy. Ang pogi n'ya. Labs ko na talaga s'ya. Haysssss.
"Walang, mukha kang may epilepsy?"
"Huh?"
"Yun yung lagi mong sinasabi sa'kin pag kumikindat ako eh. Or iniirapan mo ako. Ngayon ang saya ng mukha mo. High ka ba, Zia?"
"Hoy! Gago ka talaga. Minsan lang 'to. Pagbigyan mo na," sabi ko saka tumawa ng malakas. Kaso narealize ko kaya tumigil ako. Shet. Wa poise. Dapat mahinhin lang Zia. Activated si mahinhin na Zia ngayon.
"But seriously, where's your boxers? 'Di bagay na naka-gan'yan ka. Mukha kang babae."
"Akala mo ba talaga hindi ako babae? Lecheng 'to."
Isip ng palusot Zia. Umisip kaaaa!
"So where's your boxers?"
"Ahh? Nasa bahay. Tatlo lang 'yung nadala ko. Si Pia kasi puro gan'to yung pinag-eempake. Iniwan lahat ng boxers ko. Sadnu?"
Maniwala ka! Juskooooo.
"Oh. Nasa kan'ya pa rin 'yung susi?"
"Oo. Gago talaga 'yun."
"Kunin natin mamaya."
"Sure."
Mwehehehehhehe
After namin kumain nagpaalam na ako na aakyat ako para matulog muna sandali kasi masyado akong maaga nagising kanina. Kung alam ko lang na tanghali magigising si babes edi sana nagpa-late din ako ng gising.. Tsk tsk.
Gumulong-gulong muna ako sa kama kasi kinikilig ako. Hihi.
Pero buti na lang. Pinapansin na n'ya ako.
Masaya na ako dun.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro