Twenty Six
Chapter Twenty Six
Hahalikan na ba n'ya ako? Omygossshhhh ang lapit na ng mukha n'ya sa'kin kaya napapikit ako at—
"PFFFFFT. HAHAHAHA."
Napadilat ako bigla. Napalayo agad yung mukha ko kay Keanu. Ilang inches na lang 'yung mukha namin sa isa't isa!! Bad timing naman o!!! Joke. Harot Zia ah.
Narinig ko 'yung tawa ni Pia..
"We've pranked you!" malakas na sigaw ni Pia tapos ang saya-saya pa n'ya. Tawa s'ya nang tawa na parang baliw.
Uhhh...?
Sinong prinank?
Ako ba?
Wow mali?
Asan 'yung camera?
"Ang galing-galing umarte ni Zia! Napabilib ako sa acting skills mo! Laftrip kaya! HAHAHAHA," tumatawang sigaw ni Pia.
Huh? Anong nangyayari?
Binigyan ako ng tingin ni Pia na "makisakay ka na lang" look
"Ha ha ha ha ha yay! Ang galing kooo? Hehe," pilit 'yung tawa ko at patanong pa 'yung statement ko.
TANGINA I'M LOST.
Nakatingin lang si Keanu sa amin. Nakakunot ang noo.
"Prinank ka lang namin Keanu! Hihi. Sabi kasi ni Zia kagabi kelangan ka raw naming i-prank kasi nga 'di mo s'ya pinapansin.. ganti n'ya ba."
Okay... I think gets ko na kung ano'ng nangyayari.
Pia is trying to save me sa kagagahan na ginawa ko.
Pia...
"HAHAHA ano Keanu? Napaniwala ka na ba? Tangina nakakahiya 'yung pagsuot ko sa brief mo," sabi ko saka hinampas-hampas 'yung braso n'ya. "Awesome ko no? Pwede na ba mag-artista?" Sinundot-sunot ko pa 'yung braso nya. Ayayay. Maskels!
Shet. Pwede na ko mag-artista on the spot.
Napailing si babes saka tumawa.
"Baliw na magkapatid. Matulog na nga kayo!" sabi n'ya saka tumayo.
"Susunod kami! Magse-celebrate kami ng success ng prank na to!"
Tumango na lang si babes saka naglakad paalis.
Nang makasiguro na si Pia na wala na si babes agad n'ya kong kinotongan.
"Tangina Zia! Padalos-dalos ka na naman! Bwisit! Pa'no kapag nireject ka?! Hindi talaga nakikinig samin ni Sui eh! Ano kabobohan over na? Twice in a row na aamin ka na failed naman?"
"E ba't kahapon suportado mo 'ko?" tanong ko sa kan'ya.
"KASI ALAM KONG 'DI MO NAMAN MAGAGAWA!" pagalit na sigaw n'ya sa'kin. "Ugh kainis. Baka masira yung ship ko!" Napapadyak si Pia sa inis.
"Ibig sabihin nakikinig ka sa usapan namin?"
Napa-roll eyes na lang si Pia.
"Gaga! Hindi naman ako chismosa tulad mo. Hahatiran sana kita ng pagkain kasi nakonsensya ako, pagkabukas ko ng pinto wala ka edi dumerecho ako rito. 'Di ko alam na maaabutan ko ang pathetic na pagco-confess mo kay Keanu."
Huhu malapit na niya akong i-kiss e.
" Teka!! Iki-kiss n'ya sana ako kanina!!"
Napa-facepalm naman si Pia.
"Ugh. E pa'no kung bugso lang ng damdamin 'yun tapos pagtapos ka nya halikan e sorry na lang? Aish! Ang stupid mo talaga Zia."
Aray ha? Pang-ilan na yan.
Teka...
"E IKAW NAMAN TALAGA MAY KASALANAN KAYA NANGYARI 'TO EH!"
"Ako nga," masungit na sabi n'ya. Pero kita mo na proud pa rin s'ya sa ginawa n'ya. Huhu.
Bwisit. S'ya pa magsusungit d'yan. S'ya naman may kasalanan kung ba't ako umamin kanina.
"Kainissss! Ba't mo ba kasi ginawa yung kanina?"
"Para masaya," tumatawa n'yang sabi.
"Tangina Pia, nahawa ka na kay Sui."
"Eew," sagot n'ya saka nag-roll eyes.
"Aish. Matutulog na nga ako!" sabi ko saka tumayo.
"Okay. But you know what? You'll be thankful because i did this."
"Yah. I know. I should be. Niligtas mo lang naman ako sa pag-amin sa kanya," sabi ko saka napabuntong hininga.
"Yeah. Pero may iba pang rason," sabi n'ya saka ngumiti.
"Ano?"
"You'll find out soon," makahulugang sabi ng abnoy.
*****
Nahirapan ako makatulog kagabi. Feeling ko alas kwatro na ako ng madaling araw nakatulog kasi ini-invade ni babes 'yung panaginip ko.
Alam n'yo naman 'yung ganong feeling 'di ba?
'Yung patulog ka na tas maaalala mo 'yung mukha n'ya.
O kaya na nakakahiya 'yung nagawa mo.
Ugh. Shit! Tanga tanga ka kasi Zia e. Huhu. Stupid ka nga talaga.
Lumabas na lang ako ng kwarto. Mag aalas onse na pala. Pero feeling ko kulang pa rin 'yung tulog ko.
'Syempre kulang 'yun kasi anong oras ka na natulog kagabi'
Singit ng isang bahagi ng utak ko.
Ugh. Masyado akong lutang para makipagtalo pa sa inyo.
Naligo na lang ako. Naisip kong 'wag na lang lumabas sa kwarto. Pero 'di pwede syempre kasi baka maghinala si babes na totoo pala 'yung kagabi at hindi lang prank.
Shit. Nagiging complicated na life ko.
Bumaba na lang ako para kumain. Habang papunta ng kitchen eh naririnig ko 'yung boses ni babes at Pia kaya agad na nagising diwa ko.
PAANO KO NGA PALA SYA HAHARAPIN?
A. Kalimutan mo na kasi wala kang hinaharap.
B. Ayos lang 'yan lagi ka namang nakatalikod.
C. Talikuran mo at kapag tinanong ka kung bakit sabihin mo nakaharap ka naman talaga.
D. All of the above
UGHHH FUCK YOU BRAIN! NOT HELPING!!
Halos iuntog ko na 'yung ulo ko sa pader pero nagulat ako nang makita ko si Pia.
"Oy Zia gising ka na pala," malakas na bati n'ya sakin. Ngiting-ngiti pa s'ya na parang walang nangyari.
Pakyu Pia. Alam kong sadya 'yan. Huhu.
"Uy Zia! Tara kain na tayo," masiglang sigaw ni babes.
Ugh puta. Napangiti na lang ako nang pilit...
"Sure."
Ay taena andito rin pala si Kevin. BAKIT BA NASA LABAS KAYO? DUN NGA KAYO SA KWARTO NYO HUHU. SHOO SHOO. Hahaha bahay namin to e. Lol
Pagkaupo namin ay agad kong minurder si Pia sa pamamagitan ng mata ko. Tinitigan ko s'ya hanggang sa malusaw s'ya! Bwisit.
"Zia, wala sakin ang pagkain. Wag ka tumitig sakin," pang-aasar ni Pia.
"Tsk," sagot ko na lang.
"Pero tangina Zia, solid 'yung prank nyo sakin," biglang sabi ni Keanu.
Nanlaki 'yung mata ko dahil sa gulat. AY TANGINA AYOKO NA NGA NA MAY MAKAALAM.
ANO BANG PROBLEMA NG WORLD SA AKIN? HUHUHU.
Narinig ko naman na tumawa si Pia. Alam ko na to. Shit. Pota talaga.
"Galing ba umarte ni Zia, Keanu?" tanong ni Pia.
Si Kevin naman mukhang lost. Malamang ano ba namang malay n'ya sa nangyayari sa'min.
Pero 'di s'ya nagsalita. Nakikinig lang s'ya at patuloy na kumakain.
"Oo! Tangina paniwalang-paniwala ako dun sa nagpaganda ka pa para mapansin kita pati dun sa 'Oo! Oo in love na ako sayo Keanu Fuentes.' HAHA shit di ko alam kung ano ire-react ko dun e." Ginaya pa n'ya 'yung pagkakasabi ko. nakakahiya!!
Shit. Napakagat ako sa labi ko sa sobrang hiya.
Oh gaaawwwdd kill me now.
"What happened?" tanong ni Kevin.
"Uhmm..." Hindi ako nakapagsalita.
"Kahapon kasi Kevin, prinank namin si Keanu," nakangiting sabi ni Pia.
Tangina Pia. Natatakot na naman ako sayo!
"Si Zia 'yung nakaisip nun... 'Di ba Zia?" tanong ni Pia sabay tingin sakin nang nakakaloko. Wala akong magawa kundi sumang-ayon. Huhuhu.
"Ang plano namin eh magpapaganda raw s'ya tapos magpapapansin kay Keanu tapos susuotin n'ya 'yung brief ni Keanu—"
"Ughh Tangina mo Pia! Hayup ka. Nahihiya na ako!!" sigaw ko. Huhu pota talaga.
"Tapos magtatago s'ya sa loob ng kwarto ng ilang oras tapos sasabihin ko kay Keanu na di mabubuhay si Zia nang walang pagkain para hintayin s'ya ni Keanu. Tapos aamin si Zia! Gano'n 'yung nangyari kagabi," nakangiti pa ring pagpapatuloy ni Pia.
Fuck you to the moon and back. Huhu
"Paano napunta 'yung pagsuot ng brief sa pag-amin?" nagtatakang tanong ni Kevin.
"Ewan ko nga d'yan bro eh. May saltik na ata yan si Zia. Pero napaniwala talaga n'ya ako! 'Yung mga mata n'ya kasi parang sinasabi na... 'Mahal talaga kita Keanu.' Muntik na talaga akong maniwala."
"Sa sobrang gusto mong maniwala hahalikan mo na nga dapat s'ya, e," natatawang sabi ni Pia.
Oh. My. God.
Dead air...
Toot. Toot.
I died.
"Zia, date tayo," nakangiting sabi ni Kevin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro