Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Twenty Seven

Neko's note: sa past chapter aamin na talaga dapat si Zia kaso sumingit si Pia saying it's a prank to save Zia's ass hahahaha so kung 'di narinig ni Pia yung usapan nila ni Keanu then baka iba ang nangyari ;)

Chapter Twenty Seven

"Zia, date tayo," nakangiting sabi ni Kevin.

Whaaaat???!

"HUH?!" sabay-sabay na tanong naming tatlo.
"Why?" tanong ni Kevin.
"D-date?" nauutal na tanong ni Keanu.

BAKIT?!
"Friendly date lang kayo nama," natatawang sabi ni Kevin.
"Okay. Tara mamaya," sabi ko saka umakyat na... friendly date daw e. Ano bang masama do'n?

Kailangan ko rin kasi ng fresh air. Kailangan kong makalayo sa dalawang demonyo na nagpapahirap ng pagstay ko rito!

*****

'Wag kayo. Sossy si Kevin. nagda-drive. Sa passenger seat ako nakaupo kasi pag sa backseat daw nagmumukha s'yang driver.

Now Playing: Sugar We're Going Down (Fall Out Boy)

Nakatingin lang ako sa bintana.

Si Kevin nagha-hum.

Dead air. Tooooot.

Kung si Keanu kaya 'yung kasama ko dead air kami?

Ay Zia malamang, oo. Jusko. Suotin mo ba naman 'yung brief e. Syempre awkward 'yun kahit prank daw.

Ugh. Tigilan mo na nga kakaisip kay Keanu, Zia. Kalmahan mo muna. Para ka na namang gaga, e.

"Pasaan tayo?" pagbabasag ko sa katahimikan. Para you know? 'Di naman boring. Hahaha.
"Hmmm... sa Mall. Gusto sana kitang dalhin sa beach kaso baka 'di na natin maabutan 'yung sunset."
"Bakit mo 'ko dadalhin sa beach?" nagtataka kong tanong. Napalingon na ako sa kan'ya.
"Just because," nakangiti n'yang sagot.

Cute.

"May... may boyfriend ka na ba, Zia?" out of the blue na tanong ni Kevin.

Nasamid ako sa sarili kong laway. The fuck. Why are you asking that out of the blue??

"Wala. NBSB. Ikaw ba?" pagbabalik tanong ko sa kan'ya. Pero gusto ko na si Kean—STOP! MALANDI KA NA NAMAN!!!
"'Di ba nga may mahal akong babae na hindi ako makaamin? Hinihintay ko pa rin sya," nakangiti n'yang sagot sa akin

Shit! Ang swerte naman nun ni ate girl. Nakoooo kapag sinaktan n'ya si Kevin malaking kawalan.

Pogi na. Maalaga pa. Mahilig manlibre. Mukhang sweet. Mabait. Mahilig ngumiti. Mukhang masungit sa umpisa kasi nga 'yung features n'ya medyo strong unlike kay Keanu na sobrang amo ng mukha. Pareho sila na pogi 'yun nga lang mas pogi talaga si Keanu. Mukha ngang 'di naninilip ng zi—stoppppp!! STOP ZIA!

Jusq pinagco-compare mo na naman sila. Si Keanu na naman ang bida. Alam mo namang masamang mang-compare ng kapwa, e!

"Talaga? Sabi ko sa'yo umamin ka na, e," nakangiti kong sagot sa kan'ya.
"Yes. Soon. Not now. Confused ata sya. May nagugustuhang iba, e. Akala ko nga suportado ako nun pero 'di ko alam na gumagawa na pala ng move," pagalit na sabi ni Kevin.

"Mahirap yan no? Malayo s'ya sayo. 'Di mo mabakuran." Sayang naman 'yung friendship nila nung guy na masisira dahil lang sa girl.
"Sobra. Hindi ko magawang magalit sa kanya na na-fall sya. Di maiiwasan. Kahit sino namang maging close nun mai-in love talaga sa kan'ya. Kung malapit lang sana ako. Baka ako na gumagawa nun sa kan'ya." Napabuntong hininga s'ya.

The way he talks... it shows how he loves the girl. Alam mo 'yun, parang sobrang mahal nya yung girl na 'yun. Sobrang taas ng pagtingin n'ya. Parang isang babasaging bagay na ayaw n'yang magasgasan. Whoever you are, you should choose Kevin, he's worth it.

Ayan assumera ka nung nakaraan Zia ha? Akala mo talaga ikaw no? Ayan napapala ng kaka-assume.

Pero masaya ako na hindi ako 'yun..

"If you don't mind anong name nung girl?" Hindi s'ya nakasagot kaagad—parang nagiisip. Oops parang ang insensitive pala. "Actually nevermind—"
"Rina." Nakangiti na sagot n'ya. Pagbanggit pa lang ng name nung girl nakikita ko nang nagti-twinkle 'yung mata n'ya. Ano kayang itsura ni Kevin kapag kaharap si Rina? Malamang sobrang saya n'ya. Malamang parehas ng nararamdaman ko kay Keanu.
"Nice name." 'Yun na lang ang nasagot ko. Tumango s'ya. Totoo naman e. Maganda name n'ya.

Hindi ko naramdaman na nandito na kami sa Moa. Bumili kami ng fries at coke float sa Mcdo tapos chips sa hypermarket saka pumunta sa seaside.

Sa pang-sossy na restau nga dapat nya ko dadalhin eh. 'Yung gumagamit ng knife ganon. Ayoko dun. Nakakasakal. Feeling ko madaming nakatingin sa akin. Haha.

Ako nagbigay ng suggestion na sa seaside na ang tutal gusto n'ya ng sunset.

Humanap kami ng pwesto.. Madaming tao. Madaming lovers.

Kami kaya ni Keanu... pupunta rin dito? 'Yung parang couple?

"Bakit 'di mo 'ko kinakausap nung una?" tanong ko habang ngumunguya ng fries.

"Uhh... ano... feeling ko awkward, e."
"Sabagay. Pero ang balahura ng kapatid mo 'no?" sabi ko saka tumawa, "napaka-FC. Tapos ikaw bigla mo kaming nilayasan pagkapasok namin sa inyo." Natawa ulit ako.
"E hindi ko alam kung pano ko kayo kakausapin eh," sabi n'ya saka natawa rin. Nagkamot pa s'ya ng batok. Omg. That's so cute.
"Tapos... bigla mo 'kong ico-comfort kahit di mo alam 'yung dahilan." Tumingin ako sa kanya... "Salamat Kevin ha? For being a good company."
"Anything for my childhood friend," sabi n'ya saka kumindat.

Kapag si Kevin 'yung kasama ko, chill lang. 'Di tulad ng kay Keanu. Laging natibok nang malakas yung puso ko. Laging messed up ang senses at katawan ko. Hindi nagfa-function nang maayos.

Siguro next to Krista... si Kevin eh matuturing ko na best friend ko.

After namin manuod ng sunset niyaya ako ni Kevin na mag-arcade. Pumunta na kami sa Tom's world at bumili ng tokens.

Syempre libre ni Kevin!

Napaka-kapal talaga ng mukha ko. HAHA.

Hinila ako ni Kevin dun sa parang kotse na hinugulugan ng token tapos aandar. Tinitigan ko lang s'ya.

"Sakay na Zia!" sabi n'ya habang tumatawa.
"pakyu! Nakakahiya kaya!!"
"Dali na!" pagpipilit ni Kevin.
"Hmmm..." Aha! May nakita akong unicorn tapos katabi lang ng kotse.

Mweheheehehe evil laugh HEHHHEHE.

"Dun ka," sabi ko saka nginuso 'yung unicorn kaya napakunot 'yung noo ni Kevin.
"Zia!! Bat naman dyan?!"
"Wala e. HAHAHAHA dali! ako naman sasakay dito.." Nginuso ko naman 'yung kotse.
"Aish."

Priceless. HAHAHAAHAHA SUMAKAY SI KEVIN SA UNICORN HAHAHAHA OMG ANG CUTE!

JUSKO 17 YEARS OLD NA POGI NA MAPORMA NAKASAKAY SA GANON.. LOL! Kinuha ko ang phone ko saka patagong kinuhaan sya ng picture kaso di na patago kasi may flash pala.. Fail..

Nakasimangot si Kevin habang nakasakay sa unicorn. Aww. So cute naman. Hahaha.

Napalingon s'ya sakin dahil nga sa flash.

"Bat mo 'ko kinuhaan Zia?!" nagmamaktol na tanong n'ya
"Blackmailing purposes," sabi ko saka tinaas baba 'yung kilay ko. HAHA.

Syempre unfair naman kung s'ya lang sasakay 'di ba? Sumakay na rin ako sa kotse.

HAHA heyy this is kinda fun. Haha natuwa ako sa pag-alog alog ng kotse sa akin kaya pumikit ako at ngumiti. Ineenjoy at feel na feel ko 'yung ride nang may narinig akong shutter.

"Uhhh. Kevin pareho tayong tanga sa pagtake ng picture nang patago no?" sabi ko saka tumawa.

Natawa rin si Kevin...

Maya-maya natapos din. HALA isa pa pleaseeeeee.

"Tara na," sabi ni Kevin saka inabot 'yung kamay n'ya sakin para alalayan akong tumayo.

Wow ang gentleman pala ni Fafa Kevs kaso kay babes pa rin talaga ako at saka may Rina na yan e!

"Thank you." Inabot ko 'yung kamay n'ya. Ang lambot ha, in fairness. 'Wag ka. Haha.

After ko makatayo ay binitawan din ni Kevin 'yung kamay ko..

"Basketball tayo? Libre kita kapag nataasan mo score ko, pag talo ka may isa kong pabor." Napa-smirk naman ako. Pabor lang naman pala eh.
"SURE!" confident na sabi ko.

*****

AY

SABLAY!!

Putangina ba't gano'n dito?! Ang taas. Huhu pano naman kaming mga 4'11" lang?

Pota kapag naka-50 raw gagalaw na 'yung ring. Huhu punyemas. Ano ba 'yan 'di ko 'yan kaya, e!!

Napapadyak na lang ako sa inis nung sumablay ulit.

"Tangina naman, e! Namimili ata 'tong bola n'yo. Kapag dyosa 'yung humahawak ayaw mag-shoot." Kainis.

Natawa na lang si Kevin..

"Ugh. Tangina. Alam ko naman na ubod ako ng ganda pero ba't namimili 'yang bola n'yo?"

Okay naman ako sa shooting games (barilan) pero di sa pag-shoot shoot na ganito. Punyeta naman kasi 'to. Ang taas. Huhu.

Si Kevin naka 115 na tapos ako  tatlong tokens na 'yung nagastos hindi man lang umaabot ng 50!

"Ayoko na!" hinihingal na sabi ko.. Shet talaga. Napagod lang ako.. Kainis.
"Aww talo ka na Zia?" pang-aasar ni Kevin.

Pakyu times ten. Kingina ang sakit sa braso. Huhu.

"Nagpatalo lang talaga ako kasi alam kong lilibre mo pa rin ako," sabi ko saka dumila. "Ano na favor mo?" tanong ko.

"Mamaya na lang. Baka masira 'yung mood e."

Napakunot ang noo ko. Wat?

"Huh?"
"Nevermind.Tara sa House of the Dead 4!"
"TARA!!"

Ang mahal naman. 2 tokens isang game. Buraot! Huhu.

So dahil dalawa kami, 4 tokens na agad 'yun. Pero 1 naman 'yung revive.

So sa Chapter 1, medyo ez pa. Medyo nakakahilo lang kasi galaw nang galaw 'yung characters. Kung saan saan natingin. Tapos 'yung may mga zombies na nga pupunta pa. #TapangNamanPoNila

"Bubu netong mga 'to! Layas na d'yan!" sigaw ko sa inis. Aish.

Nadadala na ako.

Binaril ni Kevin 'yung zombie sa side ko. Aish!

"Kevin 'wag mo 'ko agawan! Tangina naman eh!" sigaw ko.
"Hahahaha. Sorry na Zia. Kalmahan mo lang." sagot n'ya.

"Fak! 'Yung dila! Ugh! Obvious na nga e. 'YUNG GRANADA! AY SHET POTA MADAYA," inis na saad ko kasi namatay. Dinaganan ba naman e. HAHAHA.

"Madami pang tokens Zia. Kalma ka lang."
"Kaasar kasi."

Kelangan mo lang talagang itutok sa dila para mamatay agad kasi pag 'di mo napatay agad dadaganan ka. Ikaw yung mamamatay. Punyeta.

Halos batuhin ko na ng sapatos 'yung monitor sa sobrang inis ko. Huhu. Ano ba naman 'yan.

Chapter Two. Medyo madilim 'yung place tapos minsan 'di mo kita 'yung zombies. Pag malapit na dun mo makikita. Nung nasa boss na. Kingina gagamba ampotek.

Napapamura talaga ako nang malakas kapag nababawasan 'yung buhay ko. Shet talaga!!

"Ay puta! Finally napatay din 'yung boss! Tangina naglalabas pa ng babies e. Tsk."

After namin mapatay 'yung boss kinalabit ako ni Kevin... saka binulungan.

"Alis na tayo."

Kinunutan ko s'ya ng noo para ipakita na ayaw ko pa at nag-eenjoy ako.

Pasimple s'yang tumingin sa paligid namin kaya tumingin na rin ako.

Napapalibutan na kami. Mostly guys nakangiti sa amin. May mga girls na kinikilig sa amin. Ata? O baka kay Kevin kinikilig.

Napatungo agad ako.

Anong nangyayari?

Hinawakan ni Kevin 'yung kamay ko tapos kaswal kaming umalis. Nagbigay naman sila ng daan kaya medyo natawa ako.

"Anong nangyari?" tanong ko. Seryoso 'di ko alam kung ano nangyari. HAHA.
"Uhmmm... ano... ano kasi..." Namumula n'yang sagot.

"Kevin ayos ka lang? Bat namumula ka?! Uwi na tayo?"
"H-hindi! Ayos lang ako." Ngumiti sya.

Saka ko narealize na hawak ko pa pala 'yung kamay nya.

"Hala sorry!" Sinubukan kong higitin 'yung kamay ko pero ayaw n'ya bitawan.
"A-ayos lang. Uhmmm... Ano Zia..."

Tinitigan ko lang s'ya.. Hinihintay 'yung sunod na sasabihin nya.

"Yung pabor ko.."
"Oh. Ano yun?" hindi ako magba-backout 'no. Deal 'yun.
"Baka ma-offend ka e." nakatungo na sabi n'ya.
"Bakit? Magse-sexy dance ba ako? Gagawin mo ba kong utusan? muchacha? O papasuot mo brief mo sa ulo ko habang natakbo sa mall?" Tangina NAALALA KO NA NAMAN YUNG BRIEF! Huhuhu.
"Baliw. Hindi."
"E ano?" Nakita ko na nag-aalangan s'ya "Ita-try ko na hindi," dugtong ko.
"Okay." Huminga muna s'ya nang malalim.

"Pwede ka bang maging substitute ni Rina?"

Napaisip ako.

pwede rin naman.

Actually 'di naman na masama dahil nanlilibre si Kevin. Hehehe.

"Paano?"
"Dates. Gawain nang nasa in rel. Uhh Parang pwede ka bang pagpraktisan? Hanggang sa umabot na sa point na confident na ako sa kanya?"
"Hmm. Hindi sa pagiging assuming ha? Pero hindi ka mafa-fall?" paninigurado ko.

Hindi sa nagmamaganda talaga ako pero ayoko lang masira 'yung friendship namin..

Kung masa-sacrifice 'yung friendship namin, wala akong pake kung masabihan ako na walang isang salita pero ayoko.

"Hindi ako mafa-fall." Ngumiti s'ya.

Cute. Pogi. Damn.

Kaso mas pogi si Keanu.

"Okay. Then deal. 'Yan ba 'yung favor mo?"
"Yup. Eto nga. Hindi ka na-offend?"

Tumango na lang ako. Hawak pa rin nya 'yung kamay ko at in-intertwine ang mga kamay namin.

Ewan..

Wala akong naramdaman..

Normal lang.

Walang ilang.

Walang discomfort.

Walang kilig..

*****

Bumili kami ng isang box pizza sa S&R. Huehuehue pizzaaaaa!

Quarter to seven na nung tumambay ulit kami sa seaside. Tangina 16" to e! Pero kaya ko 'to because pizza is hart!

May fireworks display kaya dito muna kami ulit. Dami talagang lovebirds.

Nakakapit ako sa braso ni Kevin. Naisip ko na okay na rin 'to para makaamin na s'ya kay Rina. Baka maunahan pa s'ya nung friend n'ya nako. Same ata kami ng attitude, baka gusto itry ni Kevin kung paano mag-handle ng babae.

Isa pa. Feeling ko kuya si Kevin sa akin kahit na mas matanda ako sa kanya. Haha.

"Ano ngang nangyari sa Tom's World kanina?" Hindi ko kasi natanong ulit eh. Natawa s'ya bigla. Malamang naalala n'ya. Waaaaah baka tumatalsik na pala laway ko, a.
"Mura ka kasi nang mura. At saka na-astigan ata sa iyo 'yung mga lalaki dun. HAHAHAHA. Lakas pa naman ng boses mo."
"Seryoso?!?! Ba't 'di mo ko sinaway?!"
"Sabi ko nga kalmahan mo lang eh. HAHAHA. pero ayos lang. 'Di ka naman nila maaalala. At saka pwede 'yun sa most embarrassing moment mo: Nagwala sa arcade dahil sa isang laro na umabot sa point na pumalibot ang mga tao sa akin," tumatawa n'yang sabi.

"Che," sagot ko na lang.

I'm so sorry Kevin. May mas nakakahiya dun. Ajujujuju.

"Pero ang angas mo kanina ha? Pinanggigilan mo 'yung baril eh. HAHAHAHAHA."
"Bwisit ka Kevin e kung itulak kaya kita pababa?!" Sa inis ko eh kumagat na lang ako nang marahas sa pizza.
"Haha. Joke. Pero sabi ng girls kanina m-mukha raw tayong couple."
"Psh. Haha. Sayo lang kinilig 'yun. Pogi ka raw kasi."

Napatingin ako sa kan'ya.

Nakatingin naman s'ya sa akin. 'Yung titig na naman na tulad nung nasa park kami.

"May isa pa kong pabor, Zia."
Kumunot naman ulit 'yung noo ko.

"Luh. Nawiwili ka na ah?" Sabi ko saka sinuntok ng pabiro 'yung braso n'ya.

"It's up to you if you'll grant this favor or not," seryoso n'yang saad.

Napatingin lang ako sa kanya.

Umilaw ang kalangitan.

"Please, pigilan mong ma-fall nang sobra kay kuya."

Nagsimula na ang fireworks display. Masyadong malakas ang putok na galing sa fireworks.

"HAAAA???!!!" tanong ko sa kanya. "HINDI KO NARINIG!" Sumigaw pa ako.

Ngumiti s'ya at umiling.

Napabuntong hininga ako.

Ano'ng ibig n'yang sabihin? Bakit 'wag sobra?!

Bakit Kevin... bakit?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro