Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Twenty One

Neko's note: Dedicated to olanmanalo 💕💕 grabe yung support n'ya sa story guys. Comment kung comment. Vote kung vote. Thank you Alexandra. 😘😘 love youuuuu.

This is one of my favorite chapters kasi ang angas ni Sui. Hahaha. 💕

Chapter Twenty One

Paggising ko... walang Keanu na nakabungad sa pinto. Hays

Nag-eexpect kasi ako eh. Kingina naman.

'Yan kasi Zia, nasampolan lang ng isang beses akala mo talaga.

Naligo na ako. At dinala ang mga maruruming damit. Pinagalitan ako ni Pia kagabi kasi iniwan ko raw 'yung mga damit ko. Lecheng 'yan. S'ya yata 'yung ate sa'min, e.

Paglabas ko ng banyo, ineexpect ko na may Keanu na naka-bungad sa pinto at naka-sad face. Pero wala.

Bakit ba kasi ako nag-eexpect??

Nilagay ko na sa kwarto 'yung maduduming damit. Saka lumabas ulit.

Inaantok pa ako. Napatagal 'yung usapan namin ni Sui kagabi eh.

Alas-onse na pero inaantok pa rin ako. Bakit ganun? Hinang-hina ako.

Kumain na ulit ako ng brunch at napansin ko na walang tao... wala si Pia. Pero nasa harap ko si Krista na nakikikain.

Kapal din ng mukha neto e. Hahahaha.

"Asan sila?" tanong ko kay Krista. Bigla s'yang tumayo at umupo sa tabi ko.

"Sinong sila? Yieee. Hinahanap n'ya si Keanu," aniya saka sinundot-sundot yung tagiliran ko. Agad naman akong napa-kislot. Kingina malakas kiliti ko dun eh.

"Si Kevin?" sabi ko na lang. Pag si Keanu 'yung binanggit ko malamang may issue na naman.

Napatigil sandali si Krista at agad na bumalik ang ekspresyon n'ya kanina. Yung masaya.

Weird.

"Nandun sa kwarto n'ya. Guluhin natin bey, you want?"

"May problema ba Krista?"

"Problema? Anong problema bey? Ikaw talaga. Mga pinag-iisip mo. Kakaisip mo lang 'yan kay Keanu. Yieee." Ang galing neto mag-change topic pero pilitin natin!!

"Sure ka Krista? You know you can count on me."

"I'm okay. Thank you bey. Love na love mo talaga ako." Nakangiti n'yang sabi saka ako hinila paakyat.

Tekaaaa 'di pa ako tapos sa pagkain ko eh.

"Demonyitong Kevin! Buksan mo ang pinto. Napapaligiran ka namin," sigaw ni Krista habang naka-pormang check 'yung mga daliri n'ya. Yung pogi. Ganun. Pero 'yung pormang baril.

Napahagalpak ako ng tawa sa kan'ya. Baliw talaga.

"Wag ka nga bey. Baka marinig n'ya tayo "

"Maririnig ka n'ya kasi sumigaw ka. Abno!"

"Oo nga pala!" Natawa s'ya. Saka kumatok.

"Mr. Fuentes. Inuutusan kita na buksan mo ang pintong nakaharang sa pagitan ng dalawang mundo."

"Jusko. HAHAHAHAHA."

"Ano bang ingay 'yan?" Narinig kong sabi ni Kevin at binuksan ang pinto.

Niluwa si Kevin na nakaboxer at topless. Bagong gising. Hot. Napatitig ako sa abs n'ya.

"Such abs." 'Di ko namalayan na nasabi ko 'yun ng mahina.

"Err. You guys didn't hear any word." Nahihiya kong sabi nung narealize ko na nasabi ko 'yun.

Hindi makatingin si Kevin ng deretso at constipated yata si Krista.

May narinig akong nag-beep. Kay Krista yata since chineck n'ya 'yung phone n'ya.

"B-bey. The monster's angry. Gotta go! Bye," kabadong sabi ni Krista saka biglang tumakbo.

"Sige Krista! Ingat!" Sumigaw na lang ako tapos nag-thumbs up s'ya.

Naramdaman kong nagwawala 'yung tyan ko. Si Krista kasi eh. Hinila ako bigla.

Naglakad na ako paalis.

"P-pasaan ka Zia?"

"Kakain. Hinila ako ni Krista dito eh."

"Tara. Kain tayo sa treehouse?"

Magandang idea!

"Tara!"

*****

Pinadala n'ya sa ibang maid 'yung pagkain namin. Wowwww. Parang picnic.

Kumain lang ako nang kumain pero s'ya napansin kong nakatingin sakin.

Nahiya ako bigla.

"Err. Hehehe bakit?"

"Wala lang," sabi n'ya sabay ngiti.

Nakakatunaw ang ngiti n'ya preeee.

"Pwedeng ano..."

"Hmm?"

"Wag kang tumingin? Naiilang kasi ako ehh."

"Sorry Zia. Automatic kasing tumitingin sa mga magaganda yung mata ko eh," sabi n'ya saka yumuko. Nagba-blush.

Nanlaki 'yung mata ko. Did he just... humagalpak ako ng tawa. Hindi bagay kay Kevin.

"Hindi ba bagay?"

"Hindi. So gay!" natatawa kong sabi.

"Nagpa-practice kasi ako, e."

"HAHAHA teka! Kabaro ko ba 'yan?"

"Oo. Naalala mo 'yung sinabi kong taga-America?"

"Yeah."

"I'm planning to confess to her."

"Then tigilan mo yung mga gan'yan. Hahampasin ka lang nun ng sapatos."

"Ganun? I thought it's effective?" nagtataka n'yang tanong.

"Kanino mo ba tinanong?"

"I asked Google. Because Google knows everything."

"Para sa simpleng babae yun Kevs eh. Para sa mga babaeng-babae. You know. Pag kabaro ko matigas ang puso," sabi ko sabay pukpok sa dibdib.

"Ganun?"

"Oo! Pero kapag feeling mo may something na... edi konting landi na lang yan," sabi ko at kumindat.

Parang kay Keanu. Feeling ko... konting push pa mahal ko na s'ya. Siguro kung si Keanu 'yung nagsabi nun mamatay-matay na ako sa kilig. Napailing ako.

Landi Zia ha? Maharot.

"Nga pala Kevin, asan kuya mo?"

"Kasama si Sui na pumunta ng Rizal."

"Seryoso?" tanong ko. Pumunta talaga sila for band merchs?

"Yep. Baliw kasi sa banda yun si Sui. She'll do anything just to buy shits."

"A hardcore fan?"

"Yeah. Best words."

Tinuloy ko na ang pagkain ko. Busooooog. Sarap pa ng hangin. Sarap tuloy matulog. Pero ayoko namang matulog lang sa buong storya na 'to.

"Si Pia pala, Kevin?"

"Ewan ko. Wala ba sa kwarto n'ya?"

"Ewan ko rin. Laging naka-lock yung pinto n'ya eh."

Nakatingin ako sa ulap. Mukha silang bulak. Gusto ko tuloy ng cotton candy.

"Isang cotton candy~ Dalawang cotton candy~ gusto ko ng cotton candy~"

Naglalaway talaga ako sa Cotton Candddyy. Ano ba naman 'yaaaan.

"Wait lang Zia ha? May pupuntahan ako," biglang sabi ni Kevin sabay biglang tumakbo pababa.

"Pasaan ka?" Hindi na n'ya ako sinagot at tumakbo na lang bigla. Najejebs siguro. Hehe

Nag-soundtrip na lang ako para hindi boring. Ang lamig dito. Ang sarap ng hangin.

Naka-15 minutes na s'ya ah. Madami sigurong nilabas 'yun. Hehe

After 15 minutes and 1 sec. Lol.

May dala na s'yang cotton candy, Ice cream, kwek-kwek, at chicken balls. Agad na kumislap 'yung mata ko.

Hindi pa ako busog!

"Tekaaa.. Bakit bumili ka?"

"Kasii... uhm... ano... Kakasabi mo ng gusto mo ng cotton candy.. Nag-crave din ako. Sinamahan ko na n'yan kasi baka magreklamo ka pa."

"Ungas," sabi ko sabay hampas sa braso n'ya. Waw. Maskels. 17 pa lang si Kevin pero may maskels na.

"Pero thanks," sabi ko sabay nginitian s'ya.

*****

Halos maubos ko na 'yung pagkain na dala n'ya pero halos hindi naman s'ya kumukuha.

"Ayaw mo?"

"'Di ba dapat 'gusto mo?'" tanong n'ya at ngumiti ng nang-aasar.

"Pareho lang yun"

"Sabi mo eh," sabi n'ya saka nagbigay ng tingin na nang-aasar. Kaya tinawanan ko na lang ulit sya.

Pogi e.

Biglang kumanta si Kevin. Sumabay naman 'yung hangin. Shet. Parang gusto kong mag-stay ng ganito buong araw. 'Yung walang iniisip.

"Will you stay awake for me?
I don't wanna miss anything,
I don't wanna miss anything.
I will share the air I breathe,
I'll give you my heart on a string.
I just don't wanna miss anything."

Libre na nga 'yung food may libre pang harana. Paano kaya kung si Keanu 'yung gumawa sa'kin neto? malamang tumalon na ako sa treehouse. Nako Zia, tigil tigilan mi na kakaisip d'yan kay Keanu.

Nag-usap lang kami hanggang mag-dapit-hapon na. Ang dami n'yang kwento. Hindi maubusan. Ang daldal ni Kevin. Parang si Keanu.

*****

'Di ako makatulog kaya lumabas ulit ako at pumunta sa garden.

"Ineexpect ko na pupunta ka." Nagulat ako nung nandun si Sui.

"Paano?" sabi ko habang umuupo sa tabi n'ya.

"Ewan ko."

"Weird ka talaga Sui."

"I know."

"Bakit kasama n'yo sa Rizal si Pia?"

"Ewan ko ba sa kapatid mo. Biglang sumakay sa kotse. Abno. Napansin na lang namin nung malayo na."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan.

"Magkwento ka naman."

Pagbabasag n'ya sa tahimik na paligid.

"Anong ikukwento ko?"

"Sa'kin mo talaga itatanong?" pambabara n'ya.

"Aish. Eto na lang. May tanong ako sa'yo."

Hinintay ko s'yang sumagot pero wala...

"Ano na? 'Di ka man lang ba magiging interesado yun kung ano yun?"

"Magtanong man ako o hindi itutuloy mo."

"Psh. Ayun nga. Is it possible to love someone..."

Itutuloy ko ba?

"Puta naman eh. Ituloy mo 'yan o ipapahila ko sa daga 'yang dila mo."

"In just a short period of time? yung parang kakakilala mo lang sa kan'ya?" Dugtong ko agad. Nakakatakot. Namimigay ng death threat si Sui.

"Hmm.."

Saka s'ya tumingin sa stars.

"Sa totoo lang, I find love at first sight uhh.. mababaw."

"Mababaw?"

"Yeah. Kasi you're just basing on how he looks."

Napaisip ako. She's right.

"You didn't even bother to know his name, his personality, his past. His everything. Then you found yourself in love with him. That's actually absurd," dagdag pa n'ya

Pero... kilala ko na s'ya. Nakilala ko s'ya ng isang gabi lang.

"I didn't ask about that.. But you're right."

"Epal ka," naka-poker face n'yang sabi, "panimula pa lang 'yun."

Natawa ako. Daming alam eh.

"Tutuloy ko na ha?" Tumango ako. "Good."

Tumawa s'ya.

"Love doesn't measure how long you've known each other. It measures your feelings. How deep it is."

Iginalaw n'ya yung paa n'ya na parang naglalaro sa tubig.

"Even though you've just met an hour ago, if there's something inside you that saying 'this is it' then maybe you're in love. Sometimes destiny also moves."

"Nagko-contradict 'yung sinabi mo kanina." Medyo magulo kasi talaga eh.

"I mean. Love at first sight is for those who think that appearance is better than attitude. Those people that would find him in the sea of crowd because she saw that he's cute or something and that's it, she'll claim that she loves him. How did that happen?"

Again, she has a point. I spotted him in the sea of crowd but destiny moved.

"Dun sa isa, nakita mo s'ya, attracted ka lang pero nagkakilala na kayo. You have a chance to know him better. Dahil sa gestures n'ya, the way he talks, his attitude. Those little things that you won't notice at first glance and you're loving it from time to time. 'Di ba? You can't love someone just because you just saw him. That's bullshit for me. Tbh, maniniwala pa ako kung attracted ka sa kan'ya tapos nakilala mo sya in few hours then you discovered na mahal mo s'ya because that actually makes sense."

So... In love na ako sa kan'ya?

"Anyway, I don't know why I'm saying these to you. It's actually your hypothalamus who knows if you love Keanu or not. Maybe you're just denying it but the answer is already in your front." Inirapan pa n'ya ako. "Im taking my leave now." Tapos pumasok na s'ya sa bahay. Sumunod na ako. Bagong pala-isipan na namaaaan!

*****

"Aalis ka na ba talaga Sui?" sabi ni Pia, hugging Sui. Ang clingy naman nito ni Pia.

"Slut. Your hands are dirty so don't touch me," sabi ni Sui while rolling her eyes.

Kakatapos ko lang mag-toothbrush at ilang oras lang ang tulog ko nang ginising ako ni Pia na Sui's leaving.

Si Sui kasi. Kung anu-anong pinapaisip sa'kin.

"But... I'll miss you bitch," aabi ni Sui while hugging Pia, "I'll visit sometimes."

Pia giggled. Why? Sui's whispering something.

Wala si Krista kasi maaga pa at baka 'di rin pumunta 'yun ngayon kasi sinermunan 'yun kahapon malamang.

"Bansot, kumuha ako ng isang T-shirt, huh?"

"Okay. No problem!" sabi ni Kevin.

"Be proud." Then may binulong si Sui that made Kevin shocked.

Sui then kissed Kevin's cheek.

"My lovessss. I'll miss you," she said hugging Keanu. 'Di pa rin ako kinakausap ng ungas na 'yan. Bahala s'ya sa buhay n'ya. Bigla s'yang nagkaganyan. May binulong s'ya kay Keanu. Napakunot 'yung noo ni Keanu. Ano ba 'yung binubulong n'ya?

"Don't be stupid. Okay?"

Kiniss n'ya rin si Keanu sa pisngi! Grrrrr akin lang 'yan e.

Finally... sa'kin. Kinakabahan ako sa ibubulong n'ya. Baka dasal tapos mangkukulam pala s'ya. Tapos paghihiwalayin n'ya kami ni Keanu.

'May kayo ba?'

Oo na, wala na.

"I'll miss our late night conversation. And that secret. Don't say it to anyone kasi I'll be back to kill you." Death threat na naman.

"Oo na," sabi ko. Walang magawa eh.

Lumapit na 'yung bibig n'ya sa tenga ko.

"I'm their cousin," she giggled. Nanlaki mata ko at napanganga ako. Natawa silang dalawa ni Pia sa reaction ko. Hayup 'yung dalawang 'yun.

Magpinsan lang sila?

Kaya pala ang saya saya ni Krista nung sinabi ko 'yung tungkol kay Sui. AKO LANG PALA DI NAKAKAALAM??????

"ALAMIN MO YUNG NASA PUSO MO," she yelled then sumakay sa kotse.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro