Twenty Four
Chapter Twenty Four
Paggising ko bumaba na agad ako tapos nakita ko si Keanu at si Pia sa sala.
"Andito na pala si Zia e. May tatanong ako Pia," sabi ni Keanu.
"Ano 'yun?" nakakunot noo n'yang tanong.
"'Yung susi ng bahay n'yo?" tanong ni Keanu. Jusko. Jusko Pia. Sumakay ka! Para 'to sa labstori ng ate mo!!
"Huh?" sagot ni Pia.
Tumango-tango na lang ako kay Pia. Tangina Pia. Matalino ka.
"Ahh." Ngumiti s'ya ng nakakaloko. Pia. Umayos ka. "Bakit?"
"Yung boxer ni Zia. Kukunin namin."
Lalong ngumiti si Pia. Tumayo na ako. Kingina. Natatakot ako sa sasabihin ng gagong 'to.
"Nasa bag—"
"Ikaw talaga Pia. Nasa bag mo 'yung susi 'di ba? 'Di baaa? Kunin na natin sa taas." Pinanlakihan ko na s'ya ng mata saka lumapit sa kan'ya.
Tumawa si Pia.
"Oo. Tara na ate. Para makuha n'yo na 'yang BOXER mo." Binigyan n'ya pa ng emphasis ang boxer. Jusko. Gagong Pia.
Hinila ko na s'ya pataas.
"Anak ka naman ng tatay Pia eh."
"Ano 'yun? May move ka na agad? Ang bilis mo, Zia," natatawa n'yang sabi.
"Nasa brief ni Keanu 'yung susi," tumatawa n'ya pa ring sabi.
"ANO???"
"Nakalagay sa sulat na nasa brief n'ya 'di ba?"
Omerghed. Mahahawakan ko ang—ANG PERV KO.
"Namumula ka na naman Zia. Anong iniisip mo?" nakangisi n'yang sabi, "assumera. Nilagay ko sa damitan n'ya. Tanga."
"Paano mo nailagay??" nagtataka kong tanong.
"Who knows?" sabi n'ya.
"Psshh.. Sasabihin ko na lang kay Keanu na nandun."
"Hmmm," nakangiti n'yang sabi. "Ayaw mo bang makakuha ng souvenir na brief?"
Umakyat na naman 'yung dugo ko sa mukha. Putang sheeeeettttt.
"G-gustooooo," nakatungo kong sabi. Waaaah nagiging perv na ako. Ajujujuju.
"Pumasok ka na sa kwarto n'ya," sabi ni Pia. Jusko anak ng tatay. Alien na ako. Kelangan kong ibalik ang dating Zia.
"Pano pag bigla s'yang bumalik?" tanong ko. Na-eexcite ako na kinakabahan!
"Lilibangin ko s'ya. 'Pag hinanap ka n'ya sasabihin ko na tumatae ka."
Putspa. Bahala na.
Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto n'ya.
"Andy'an yung phone mo?"
Tumango ako.
"Tatawagan kita 'pag hindi ko na s'ya mapigilan. Buklatin mo lahat ng brief n'ya ha?"
"Bakit?"
"Eh sa nakatupi ko 'yun tinago eh. Sana nga 'di n'ya pa nasusuot," tumatawa n'yang sabi.
"Good luck." 'Di ko alam kung paranoid lang ako or what pero nanggagago 'yung ngiti ni Pia.
Sinara ko na 'yung pinto. Nagbubutil-butil 'yung pawis ko sa noo. Punyeta. Back-out na ako. Pero hindi! Para sa souvenir!
Winelcome ako ng amoy ni Keanu. Ang bango n'ya talaga.
Inilibot ko ang tingin ko. Andun 'yung walk-in-closet n'ya. Edi agad akong dumerecho doon.
Sa baba agad ako tumingin kasi baka nandun sa mga drawers. Nagbukas naman agad ako ng drawer n'ya.
Wala. Wala. Wala. Ayun. Haha
Waw. Hehehehehe itatago ko 'yung brief n'ya na pinaglalagyan ng susi. Bahala na kung malaman n'ya na kulang 'yung brief n'ya.
Nagsimula na akong magbuklat. Jusko medyo awkward pala 'to. Kainis. Tinutupi ko rin pagkatapos. Dapat kasi talaga kumuha na lang ako ng brief ngayon tapos pinakuha ko 'yung susi sa kan'ya. Pero andito na, e. Hays.
Pinagpatuloy ko ang pagkuha ng brief. Mga 20 pieces yata 'to. Dami n'ya namang brief. Pwede namang side A side B. Hahaha
Natawa ako sa iniisip ko. I'm so funnehhh.
Hanggang sa natapos na ako wala pa rin. Saka ko na-realize na pinagti-tripan lang ako ni Pia. Pusang kireeeee.
Kumuha ako ng brief na kulay black at binulsa. Kaso wala pala akong bulsa. Kaya isusuot ko na lang. Putspa natatawa ako sa sarili ko.
Tinext ko si Pia ng "Tangina mo Pia. Mahal na mahal kita. Wag kang papakita sa'kin."
May banyo pala s'ya. Pumasok ako sa banyo at... malinis ito. Hehe amoy lalaki. Amoy n'ya. Tumingin-tingin pa ako. May shampoo s'ya. May conditioner. May pang-hilod. May pang-ahit. May puti na para sa pang-ahit. May... hmm. Maisuot ko na nga. Jusko. Nakakahiya 'to. Sinuot ko 'yung brief ng mahal ko. Syempre sa ibabaw ng panty ko. May nakagawa na ba nun? Ako pa lang. Kayo t-shirt, sa'kin brief na. Mwahahahahhaa.
Medyo maluwag sa'kin. Ajujujuju medyo inipit ko na lang. Hinigpitan ko 'yung palda ko. Jusko patayan 'to. Sana 'di malaglag.
Naku Keanu babes. Mahal na mahal na talaga kita na gustong sumabog ng puso ko.
'Di ko alam kung ilang oras o minuto na ako sa banyo kaya lumabas na ako. Baka magtaka si babes.
Nakatingin ako sa cellphone ko hinihintay ang reply ni Pia nang bumangga ako sa isang bagay. 'Di ko alam pero hindi naman pader. Nag-angat ako ng tingin para alam ko kung saan ako—the fuckkkk!!!
Literal na nanlaki ang mata ko at napanganga ako. Shit. Shit
"Bakit galing ka sa banyo ko?" gulat n'yang sabi.
Nawala 'yung dila ko. Kingina. 'Di ako makapag-salita. Baka malaman n'ya na suot ko 'yung brief n'ya!!!
'Yung dila ko. Nalunok ko na. Ajujuju inikot ko yung mata ko. Nakita kong tumatawa si Pia. HINDI N'YA NGA PALA AKO TINAWAGAN. TRAYDOR! TAKSIL! MAMAMATAY TAO!!!
"I'm asking you. Why are you here?"
Ehem. Umubo ako ng konti para malabas 'yung boses ko.
"A-ahh... k-kasi ano." Napayuko ako. Putanginang banyo 'to. Hayup na Pia 'yun. Putangina pinagtripan ako.
"Ano?" nedyo pagalit n'yang sabi.
WAAAHH. NAGALIT KO SI BABESSSS.
"S-si Pia kasi." Sabay turo ko sa kan'ya.
"Sabi n'ya dito raw ako mag-cr. Kasi nag-poopoo raw s'ya sa banyo. Tapos ayaw lumubog. Eh ayoko namang puntahan kasi mabaho poopoo n'ya. Sabi n'ya s'ya 'yung magpapaalam sa'yo."
Huehuehuehue maniwala ka babes. Maniwala ka. Hehe
Nanlaki 'yung mata ni Pia. It's payback time, bitch.
"Ohh. Okay. Naiintindihan ko. Si Pia talaga ang lakas mang-trip."
Napahawak ako sa brief n'ya kasi nararamdaman kong bumababa. Hehe pero isa lang para hindi masyadong halata. Weird pag dalawa, ayt?
"Tara na nga." Nagulat ako nang hilahin ni babes 'yung kamay ko. At worst dun sa nakahawak sa brief n'ya. Putangshet!!
Naramdaman kong dumausdos pababa 'yung brief ni babes. Napapikit ako. Shit. I'm dead.
Nakita kong nanlaki 'yung mata ni Pia at tumawa ng napaka-lakas. As in 'yung sobrang saya na tawa.
"Putangina Zia. HAHAHAHAHAHAHAHA"
Shittttt. Nakakahiya. Nakakahiya talaga.
Unti-unting napalingon si babes. Slow mo pa nga eh. Putek ang pogi n'ya talaga. Napatitig pa ako sa kan'ya.
"Why the hell are you wearing my underwear???????" gulat na sigaw ni Keanu babes. Sabay napabitaw sa akin na parang diring-diri s'ya.
Halaaaaaaa. Ajujujuju
"Keanu, Pia. May spaghetti monster oh."
Hinubad ko ang brief ni babes sa mabilis na paraan na kaya ko at saka tumakbo palabas. Pumasok agad ako sa kwarto ko at nag-lock ng pinto. Hinarang ko pa 'yung cabinet. Wag n'yo na tanungin kung pano ko nabuhat 'yun. Kahit ako walang idea.
Napaupo ako sa kama ko.
"I'm dead!!!!!"
Grabe. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Puta.
Nasayang ang effort ko. Wala na ngang brief tapos nasira pa ang poise ko. Tongue in a!!!!
*****
Nakahiga ako sa kama. Nagugutom na ako. Kingina. Ang panget ng araw na 'to.
May bago na akong ilalagay sa slam book na most embarrassing moment. "Nakita ako ng taong mahal ko na suot ang underwear n'ya."
Nag-ring 'yung phone ko at nakita kong si Pia ang caller. Tangina n'ya.
"Tangina mo Pia. Katakwil-takwil ka. Hayup ka!!!"
"HAHAHAHAHAHAHAHA" Puta. Sinagot ako ng tawa. Shit lang. Leche.
"Tangina mo. Traydor ka. Ipapabaril kita kay Heneral Luna!"
"Tangina Zia. 'Di ko ineexpect na suot mo 'yun. Puta nakakahiya ka. HAHAHAHAHAH comedy. Laugh trip!!!"
"Hayup ka. Trinaydor mo ko."
"Hindi naman! Hahahaahaha tanga ka lang talaga." Tinatawanan ako ng kapatid ko. Putangshet. Nakakaiyak.
Binabaan ko s'ya. Leche. Napatingin ako sa orasan. Alas-sais na. No wonder gutom na ako.
Natulog na lang ako para maibsan ang gutom. Mamayang 12am ako lalabas para wala nang tao. Jusko. Ayoko nang magpakita sa sobrang kahihiyan.
*****
Alas-una na. Gutom na talaga ako. Shit.
"Hussh lang baby. Makakakain ka rin." Tumunog kasi 'yung tyan ko. Waaah gutom na s'ya.
Triny kong buhatin 'yung cabinet pero ang bigat. Waaaah mamamatay na yata ako sa gutom.
Actually di ko s'ya binubuhat. Tinutulak ko s'ya. Hehe kunwari strong ako kaya buhat.
Konting tulak pa. Jusko. Ginusto ko 'to eh. Tangina dahil sa kagaguhan ni Pia. Nagkaganito ako.
Makalipas ang ilang pagtulak ay naalis ko rin s'ya sa pinto. Waaah pagod at gutom na ako!!!
Magdadala ako ng madaming food sa kwarto ko bukas para mabuhay na ako.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ko. Kabado na baka nasa labas si panot, si manika, o si babes. Pero clear. Wala naman. Lumingon-lingon pa ako sa paligid na parang spy. Naririnig ko tuloy 'yung background music ng kay James Bond. Hahaha. Wala ring epal. Success! Mabubuhay na ako ng gan'to.
Tahimik akong bumaba sa hagdan. Pilit na hindi gumagawa ng ingay. Success!
Punta sa kusina ng tahimik. Derecho sa ref. Kahit ano na lang kukunin ko. Mabubuhay na ako. Mangunguha na ako ng pagkain nang biglang bumukas ang ilaw. Puta sana si Manang 'to!!!
"Kanina pa kita hinihintay."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro