Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Twenty Five

Chapter Twenty Five

Bumukas ang ilaw kaya nagitla ako. Muntik ko pang maibagsak 'yung hawak ko.

Shit. Sana si Manang. Sana si Manang.

"Kanina pa kita hinihintay." Gumuho ang aking pangarap at pag-asa nang marinig ko ang poging boses na galing sa mahal ko.

Agad na tumibok nang mabilis ang puso ko. Hindi ko lang alam kung dahil ba sa kaba o dahil kay... dahil kay babes.

Unti-unti akong lumingon...

"May flying spag—"
"Laos na 'yan."

Ajujuju kanina ko lang ginamit laos agad. Grabe.

"Sinabi sa'kin ni Pia na..."

Tangina Pia. Ano bang plano mo sa'kin? Kung anu-anong pinagsasabi mo kay babes.

"Na?"
"Na... hindi mo kayang mabuhay ng walang pagkain. At sa case na 'to... I know that you'll sneak on midnight to get foods. So I've been waiting since 11pm here."

Hmp. Mas matagal naman akong naghintay kanina.

"Kakain muna ako."

Wala akong pake kung nahuli n'ya akong suot 'yung brief n'ya. Nakita na rin naman ako kaya kakain na ako. Gutom na talaga 'yung alaga ko. Ajujujuju.

Sorry baby, ha? Ginutom kita. Si Pia kasi ehh.

Kumuha na ako ng kanin saka ininit sa microwave 'yung ulam. Naglalaway na ako. Tanginaaaa.

Feel at home din ako rito e. Hahahha

Nung mainit na, kumain na agad ako. Sunod-sunod 'yung subo ko kasi gutom na talaga ako. Asar lang.

"Woah. Hinay-hinay," sabi ni Keanu sabay nag-abot ng tubig.
"Eh sa gutom ako eh. Imagine? Nagtago ako sa kwarto ko ng ilang oras at walang kain. Para akong drug pusher na wanted," sabi ko kahit may laman bibig ko. May tumatalsik pa nga na kanin eh.

Turn off na kung turn off. Wala nang mas nakakahiya sa ginawa ko kanina. Putangshet talaga.

"Sino ba kasing—" Binato ko s'ya ng kutsara sa mukha. Derecho sa noo n'ya.
"Ituloy mo 'yan at kutsilyo ang tatarak sa noo mo."

Tumawa s'ya nang tumawa.

"Okay I'll save it later. We'll talk."

Napa-lunok ako sa sinabi n'ya. Paano ako tatakaaaasss???

*****

"BUSOOOOOGGGGG!!!!" sabi ko sabay taas ng kamay.. Pero masakit tyan ko. Nalipasan kasi ng gutom ehh!!!

"Mag-uusap na ba tayo?" tanong ko. 'Di na ako tatakas. Ayoko nang matakot lumabas bukas eh. Bahala na.
"Yeah."
"Now na?"
"Uhh huh."
"Mamaya na. Maglalabas ako ng hangin. If you know what I mean," sabi ko sabay tinaas-baba ang kilay ko.

Tumawa naman s'ya.

"Okay. 'Yan kasi. Lamon nang lamon."
"Eh sa gutom ako eh!" sabi ko saka dumapa sa sofa.

"Layas dito. 'Di ko na kakayanin ang kahihiyan na nangyari at ayoko nang dagdagan."
"Nahh..."
"Layas. Shoo."
"Ayaw."
"Bahala ka d'yan," sabi ko saka nagpakawala ng hangin. 'Yung malakas at mahaba.

"Oops. I farted," natatawa kong sabi sa kan'ya.
"Ang baho Zia," sabi n'ya sabay takip ng ilong gamit ang index finger.
"Asa ka. Hangin lang 'yan. Walang amoy 'yan."

Masakit pa rin kaya naghintay pa ako ng ilang segundo at... nagpakawala ulit ng hangin.

"Ayaw mong umalis eh. Hehehe," nakangisi kong sabi sa kan'ya.
"Yaan mo na. Practice 'yan."
"Practice?"
"Basta!"

Practice ba 'yan pag kami na?? Ihh. Eh kese nemen kese. Weg nge eke.

Umalis s'ya. Akala ko pa naman mag-uusap kami? Nagpatuloy lang ako sa paglalabas ng hangin hanggang sa bumalik s'ya na may dalang dalawang mug.

Okay na kaya umupo ako.

"Tara na sa garden." Sabi n'ya.

Ay... akala ko dito. Hayaan na nga. Sumunod ako sa kan'ya sa garden. Hawak n'ya pa rin 'yung dalawang mug. Gusto ko rin ng kung ano mang 'yuuun. Gawa ni babes ehhh.

Habang sumusunod ako sa kan'ya, nararamdaman ko na naman ang kaba, ang butterflies, and slow motion ng paligid.

Nauntog ako kaya nagising ako. Napailing pagkatapos nun.

"Absentminded ka!" sabi n'ya sa'kin sabay duro sa noo ko.
"Sorry," sabi ko sabay peace sign.

"Ayan," sabi n'ya saka nilapag 'yung dalawang mug. Hot chocolate pala 'yung laman. Tapos may marshmallows 'yung isa.

"Akin 'yung may marshmallow." Hehe assuming ako. Pa'no kung sa kan'ya pala 'yung dalawa? Ay basta. Kukunin ko 'pag 'di binigay sa'kin. Hehe
"Sa'yo nga. Sabi kasi ni Pia gusto mo ng hot chocolate na may marshmallow."

Akin daaaawwww? Yieeee. Omerghed. Hehe matitikman ko ang gawa ni babesssss. At tekaaaa. Andami n'yang nalalaman ha?

"Inumin mo 'yan ha? 'Yung una ko kasing ginawa 'di mo ininom. Nakakatampo."
"Huh?"
"Aish. 'Yung first night n'yo tapos nakitulog ka... natulog ka na lang bigla."

Inisip ko 'yung sinabi n'ya at oo nga pala! Bakit 'di ko nainom 'yun? Nagawan na pala n'ya ako dati. Ajujuju sayang!

"Ohhh." 'Yun na lang 'yung nasabi ko.

Kinuha ko 'yung baso and took a sip. Sarap!

"How is it?" excited na tanong n'ya.
"Hmmm. Masarap," nakangiti kong sagot.
"Buti naman. Pinag-praktisan ko talaga 'yan eh."

Shit. Para sa'kin? Waaaaahhh!!!! Omergheeedddd nararamdaman ko na naman ang pagtaas ng dugo ko sa mukha ko. Babesss wag mo akong pakiligin. Tayong dalawa lang dito. Baka kung ano magawa ko sa sobrang kilig!

"Sooooo..." panimula n'ya.

Nagsimula na namang tumibok nang sobrang bilis 'yung puso ko. Eto na... bahala na kung saan magtutungo ang usapan na 'to pero bahala na. Kingina.

"Bakit suot mo yung..."

Hindi n'ya tinuloy. Buti na lang. Baka kasi tumalon na ako sa building sa sobrang hiya.

Bumuntong-hininga muna ako..

"Sabi ni Pia nasa brief mo raw 'yung susi," panimula ko.
"What????"
"Yeah. Gago yun. Naalala mo 'yung Mcdo scene?"
"Yep."
"Nakalagay sa mailbox namin 'yung sulat. Pinalitan n'ya 'yung padlock tapos nag-iwan ng note. Sabi n'ya kung gusto ko raw kunin 'yung susi nasa brief mo."

Tumawa s'ya.

"Pia's full of jokes."
"Yeah. Pag-akyat namin, sinabi n'ya na wala sa bag n'ya 'yung susi."

Konting edit ng kwento para hindi mabuking. May tamang oras para sa pag-amin.

"And then?" tanong n'ya.
"She said nasa brief mo raw. Akala ko nga nasa suot mo eh. Natatawa ako," sabi ko habang tumatawa .
"Baliw. Edi sana binigay ko na sa'yo."
"Oo nga. 'Di ko naisip 'yun," sabi ko. "Kinakabahan kasi talaga ako. Wala na ako sa wisyo nun," dugtong ko pa.

Sabi ko then took a sip again. Ang sarap talaga ng hot chocolate n'ya.

"And then?"
"Ayun, sabi n'ya kelangan ko raw buksan lahat ng briefs mo para makuha 'yung susi. Ang hassle kaya nun." Natatawa kong sabi. "Bubuksan mo tapos tutupiin. Nakakangalay."
"Para sa susi ginawa mo talaga yun?" tanong n'ya

PARA SA BRIEF MO KAYA BABES. HEHEHE

Tumango na lang ako.

"Then nakarating na ako sa last brief mo... wala pa ring susi. Gago si Pia. She tricked me."
"Nagtiwala ka kasi agad sa baliw mong kapatid."
"Sorry na. Ayun. Hindi totoo 'yung sa banyo at poopies ni Pia."

Tumawa s'ya. Ang ganda ng tawa n'ya. Ang sarap pakinggan. Natulala na naman ako sa kan'ya.

"Zia? Zia!!"
"Ohh. Sorry. Hehe"
"Ayun. You're back."

Nakakahiya. Palagi na lang akong natutulala sa harap n'ya. Punyeta naman ehhh.
"So... you're wearing my... because? Hindi mo sinagot."

Ohh... Shit. Nakalimutan ko 'yuuuun. Hala. Hala. Isip ng dahilan Zia. Umisip kaaaa!!!

Failed. Wala akong maisip. Nagpapanic ang utak ko. Hindi ako handa! HINDI! Kulang na lang ay may lumabas na usok sa utak ko kasi overheat na s'ya.

Pero may isang choice...

Kelangan ko yata talagang umamin. Pero ayoko paaaa. Bakit hindi ko naisip na aamin din ako sa huli???

'Gusto mo. Go na!'

Epal na naman 'yung utak ko. Punyeta.

"Are you gonna answer me or not?"
"Pwedeng 'wag na lang?" tanong ko.
"Nope. Bakit nga?" Nagbigay ka pa ng choice.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Kingina naman, e. Ayoko sa sitwasyon na 'to.

Napabuntong-hininga ako. No choice. It's now or never. 'Pag 'di pa ako umamin, hindi na talaga ako aamin. Magmu-move on na ako.

Tumayo ako. Humarap sa kan'ya. Tiningnan ko s'ya sa mata.

"The truth is..." Bumibilis ang tibok ng puso ko. Ituu na ba ituuu?? Sa ilalim ng buwan at mga tala?

Eto na ba ang right time?

Kinuha ko yung hot chocolate at ininom ito. Mainit pero pwede nang pampatibay ng loob!

"What?" Nakakunot ang noo n'ya.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Natutunaw ako sa mga mata n'ya. Ang magaganda n'yang mata. Nakaka-in love.

"Hey. Napapansin ko lagi kang natutulala sa'kin. In love ka na ba sa'kin, Zia?" naka-smirk na sabi n'ya.

"Oo. Oo! In love na ako sa'yo Keanu Fuentes. Kahit na nakita mong bukas 'yung zipper ko. Kahit ako nabibilisan din sa nararamdaman ko." Nawala ang smirk sa labi n'ya. Napayuko ako at napa-pikit. Hindi ko na kita yung reaction ng mukha n'ya.

"Nagpaganda para sa'yo kanina. Hinintay kita ng ilang oras sa tapat ng pinto mo kasi gusto ko ako 'yung una mong nakita. Nag-palda pa ako, nagsuklay, naging mahinhin pero inokray mo lang ako. Ajujujuju tapos dumating si Pia. Hinanap mo 'yung susi kinaladkad ko s'ya pataas. Sabi n'ya nandun 'yung susi sa brief mo. Tapos sinulsulan ako na pwede raw akong makakuha ng souvenir. Ako naman si tanga naniwala. Kaya ko suot 'yung brief mo... kasi ano... walang bulsa 'yung palda ko. Gusto ko talagang kumuha." Nakayuko pa rin ako nun.

Nasabi ko? NASABI KO? OH MY GOSH.

Naramdaman kong hinawakan n'ya ang kamay ko. At unti-unti n'yang nilapit ang mukha n'ya. Unti-unti. HAHALIKAN NA BA N'YA AKO? AGAD AKONG NAPAPIKIT. NAMUMULA. KINAKABAHAN!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro