Thirty Three
Chapter Thirty Three
Pia's Point of View
Tinawagan ko si Krista saka pinababa. Bakit ba? Tamad ako ih. Hihi.
"So...?" pagsisimula ko.
"Saan natin s'ya hahanapin?" Napakunot ang noo ko dahil sa tanong ni Keanu. Gagu 'to mamaya maging permanent pa 'to dahil sa kanya. Always nang nakakunot noo ko dahil sa katangahan n'ya huh?
"Uhh... are you aware na ikaw may kasalanan kaya nawawala si bey?" nagtatakang tanong ni Krista.
Parang natauhan naman si Keanu.
"E pero... pa'no kung may mangyari sa kan'ya? Pa'no kung... pa'no kung na-holdup, nakidnap, na-carnap, nabudol-budol? Na-akyat bahay s'ya?" nagpapanic na sabi ni Keanu.
"Huh?" sabay naming tanong ni Krista.
"Wag nga kayong tanga!" inis na sigaw n'ya. Ginaya pa line ko. #KeanuIsGagu
Hala s'ya. Bubu neto, e. Carnap at akyat bahay amputa HAHAHAHA. LT.
Jusko Keanu naprito ata utak mo. Hahaha.
"Well, may suggestion ako," sabi ko na pa-chill chill lang.
"Ano?" sabay nilang tanong.
"Uhh? Hayaan s'ya? Kasi eto mga bes ha? Bakit s'ya aalis at iiwan ang cellphone kung ayaw n'ya mag-isa? At saka may lakas ka ng loob na hanapin 'yung ate ko e ikaw naman 'yung nan-reject?"
"E ano gusto mong gawin ko? Um-oo? Sabihin na gusto s'ya kahit na hindi naman talaga? Tsk," inis na sabi ni Keanu.
Oh. Sounds right. May point s'ya.
Narealize naming dalawa 'yun ni Krista kaya nanahimik kami. #Napahiya #ZianuPaRinForever
"Pero sigurado kang ayos lang na hayaan natin sya?" nag-aalalang tanong ni Krista kaya tumango-tango na lang ako.
"Malaki na 'yun. At saka mas okay na mag-isa muna s'ya para makapag-isip-isip s'ya. She would probably come to us if she needs help," sabi ko saka tinaas baba 'yung kilay ko. "Everyone needs space, y'know?"
"Hays. Bey naman kasi e." Narinig kong bulong ni Krista.
Aakyat na saka ako nang nakita ko si Kevin na nakabihis. Ay may lakad si bansot. Poging pogi, a. Hahahahahaha.
"Alis muna ko," sabi n'ya kaya tumango ako kahit na 'di naman s'ya sa'kin nagpapaalam. HAHAHAHAHA. Ba't ba? Mamaya walang pumansin e. Pahiya onti pa s'ya n'yan 'di ba?
"Pasaan ka?" tanong ni Keanu..
"Maghahanap ng babae," sabi ni Kevin saka nagmamadaling lumabas.
Natawa ako, napatingin sila sakin kaya umiling ako.
I'll let them be. Baka sakaling may matauhan dito 'pag may gumawa ng move tulad ng ginawa n'ya.
Sino kaya 'yun readers? Hehehe.
See you sa next point of view ko. Sabi ni Neko bigay daw kayo feedback. Baka love life ko na 'yung guluhin n'ya. HAHAHAHAHAHAHA.
Pakyu Neko.
*****
Kevin's Point of View
Nagmamadali akong pumunta sa sinasabing lugar ni Zia. Tangina talaga. Wala akong ideya sa nangyari.
Napabalikwas ako ng bangon kanina nung nag-chat sya sakin. "Kevin, I need someone that will listen to me.. Nag-online lang ako sandali. Okay lang ba?"
Nagtataka pa 'ko kung bakit hindi si Krista yung sinabihan n'ya. Sabi n'ya ayaw n'ya raw ng matanong. Alam n'ya raw kasi na makikinig lang ako.
To be honest, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung anong nangyari.
Nagdrive lang ako papunta dun. Bumili na rin ako ng chips and anything para naman may malamon sya.
Dati, si Zia e one of the boys na talaga, madaming may ayaw na babae sa kan'ya kasi nga puro lalaki 'yung sinasamahan. Si Krista lang 'yung babae na kasama n'ya palagi. Zia is really unique and spontaneous. Bigla na lang magyayaya na umakyat ng puno kahit na alam n'yang mapagagalitan kami. Lahat ng laro game s'ya. Si Krista rin naman ganun pero may girly side din.
'Yung mga kalaro namin laging sinasabi na gusto nilang pakasalan si Zia. Mga bata pa kami pero ako rin e aware na gusto ko na s'ya. Palagi kaming nakasunod sa kan'ya, sa kung anong gagawin namin ng araw na 'yun at kung anu-ano pa.
Dati hindi pinapansin ni Zia 'yung mga pagganun ng mga kalaro namin. Masyado s'yang naka-focus sa paglalaro, wala s'yang pakialam. Siguro nga dahil sa bata pa kami kaya ganun na lang ang pagbabalewala n'ya pero sigurado ako na pare-pareho kaming may gusto sa kan'ya.
Mabait din s'ya. Isang beses may pusa na na-stuck sa puno, inakyat n'ya talaga 'yun at niligtas 'yung pusa kahit na puro na s'ya kalmot nung pagbaba pero nakangiti pa rin s'ya nun.
Dun ako nahulog, sa ngiti, tawa, at mga mata n'ya kaya sobrang nasaktan ako nung sinabi sa akin ni mommy na need namin mag-migrate sa states. Wala naman akong magawa kasi bata pa kami nun pero pinangako ko sa sarili ko na babalikan ko si Zia. Hindi na ko magiging torpe pero tangina, ba't umepal si kuya?
Akala ko ba mahal na mahal nya si Ali? Bakit biglang ganun? Kapag ginawa n'yang panakip butas si Zia kahit kuya ko sya masasapak ko talaga sya. Tsk.
A Daydream Away, alay ko talaga sa kan'ya 'yan. Relate na relate. 'Yung gusto mo lang na mag-stay kayo sa pagiging ganun kaysa i-level up kasi alam mong mahirap ibalik.
Naalala ko tuloy nung niyaya ko s'yang mag-date dahil sa sobrang inis ko kay kuya. Obvious na obvious na gusto n'yang magselos ako. Nakapag-imbento pa tuloy ako ng pangalan.
Flashback (Note: yes, i said na i won't write flashbacks pero baka kasi nakalimutan n'yo na)
"Mahirap 'yan no? Malayo s'ya sa'yo. 'Di mo mabakuran," sabi n'ya, hindi naman sa malayo ka Zia, mahirap lang talaga. Gusto ko man umamin pero hindi ko kaya.
"Sobra. Hindi ko magawang magalit sa kan'ya na na-fall sya. 'Di maiiwasan. Kahit sino namang maging close nun mai-in love talaga sa kan'ya. Kung malapit lang sana ako. Baka ako na gumagawa nun sa kan'ya," sabi ko.
Kung malapit lang sana ako sayo. So close yet so far? You're a daydream away, Zia. You're unreachable but I also can. Physically kaya kitang hawakan, katabi nga kita ngayon, e. Pero ang totoo ang layo ng puso mo sakin. Ramdam ko na mahirap kang abutin kasi busy ka sa pag-abot sa iba.
"If you don't mind anong name nung girl?" tanong n'ya.
Kinabahan ako sa tanong n'ya. Sinubukan kong mag-imbento ng pangalan... at nagawa ko nga...
"Rina."
Ugh. Masyado bang obvious? Baka mahalata n'ya. Pero buti hindi s'ya nagtanong nun.
Slow ba talaga si Zia? Kung oo, salamat. Hindi pa ako handang umamin, e.
[END OF FLASHBACK]
Zia, ba't 'di mo kasi ako nahintay? Ba't nahulog ka kasi sa kanya? Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nasaktan ka ni Kuya.
*****
Sinabi n'ya sa akin na hindi ako dapat mahulog sa kanya, pero anong magagawa ko? Hindi lang ako hulog na hulog, parang naghukay pa ako nang sobrang lalim at patuloy na nahulog doon. Zia, hindi ako mahuhulog sa'yo kasi mahal na kita dati pa.
Lalo pa kitang minamahal dahil sa mga pinaggagagawa mong kakaiba. Pinaparamdam ko naman sa'yo na mahal kita sa tuwing nagdedate tayo pero bakit hindi mo maramdaman? Nakakulong ka lang ba kay Rina? O masyado mong minamahal si kuya na maging ako hindi mo na mapansin?
Gusto kitang itratong prinsesa na dapat kong iniingatan pero bakit ba nandun ka sa taong hindi ka naman mahal at sasaktan ka lang?
Napailing ako. Binilisan ko na lang mag-drive kasi naghihintay na 'yun sa akin si Zia. Pasensya na mahal ko. Pinaghihintay kita.
*****
Pagkarating ko dun ay nag-park ako at agad na bumaba ng sasakyan. Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin kahit na summer. No wonder.
Sinunod ko lang 'yung instructions ni Zia papunta rito. So may hagdan akong nakita, umakyat na agad ako dun.
Pagkarating ko sa taas ay nakita ko agad si Zia na nakaupo sa bench. Konti lang yung tao rito. Para s'yang park na nasa hill tapos kita mo 'yung buildings. Malamang maganda rito kapag gabi. Pero sure ako na mas maganda si Zia sa kahit na anong tanawin.
Napangiti ako. Nakatingin lang s'ya sa kawalan habang hinahingin 'yung mga hibla ng buhok n'ya.
Shit Zia. Ang ganda mo. Feeling ko matutunaw ako... malayo ka pa lang ramdam ko na ang presensya mo.
Napalingon sya sakin saka napangiti.
Medyo pansin ko na namumugto ang mga mata n'ya.
Lalo tuloy akong na-curious sa kung anong nangyari.
"Buti di ka nahirapan pumunta," nakangiti n'yang sabi sa'kin..
"Madali naman 'tong hanapin.."
Naramdaman ko ulit ang hangin na dumampi sa mukha ko.
Medyo malamig nga compared sa Manila.
"Anong nangyari?"
She sighed.
"First, sorry for making you come here, Kevin. Dapat 'di na kita sinasama sa problema ko." Nakatingin lang s'ya sa harap namin.
"No. Don't say that. Para na kitang kapatid."
Ha. Sinong niloloko mo Kevin? Hindi lang kapatid Zia... ako pa talaga nang-kapatid zone huh? Medyo bobo ka rin Kevin, e.
Pero sa sobrang mahal kita ready akong maging tissue mo maging ayos ka lang.
"Salamat. I hope wala kang ginagawa."
Zia, handa akong i-cancel ang lahat para sa'yo. Kung alam mo lang..
"Wala, ano ka ba. Don't overthink."
Bumuntong hininga s'ya.
Silence...
Baka kumukuha ng courage na sabihin kung ano man 'yun? Kung ganun mukhang mabigat 'to.
"Mahal ko si Keanu," bigla n'yang sabi.
Hindi naman ako nakaiwas dun. Ni nakapaghanda. Para akong pinana nang derecho sa puso ko.
Tangna. Mas masakit pala marinig 'no? Kahit na obvious na obvious na sa mga tingin at galaw n'ya kay kuya bakit masakit pa rin?
Hindi ako sumagot. Baka hindi ko rin kayanin, hindi ko s'ya mabibigyan ng magandang sagot. Ni ngiti hindi ko kayang ibigay.
Masyadong masakit kahit na alam ko na, kahit na aware na ako. Mas masakit kasi na manggaling na mismo sa kan'ya.
"Ni-reject n'ya ako."
Tangina kuya. Ba't mo sinayang si Zia? Bakit?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro