Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Thirty Six

Chapter Thirty Six

Hila-hila lang ako ni Kevin palabas at nagpapahila lang ako kasi hindi ako makakilos nang ayos. Feeling ko nanlalambot 'yung mga tuhod ko at 'di ako makagalaw nang naaayon sa gusto ko.

Paglabas namin ng gate nila e bigla s'yang bumuntong-hininga.

"Ginising ako ni Sui kasi baka may katangahan ka raw na gawin," sabi n'ya saka kinusot 'yung mata n'ya. Cute. Para s'yang bata.

Humikab pa s'ya kaya natawa ako.

Ayan feeling ko okay na ako. Thank you Kevin. Kung wala ka malamang nag-breakdown na ako kanina. Baka naglupasay na ako at umiyak nang umiyak.

"Balik ka na Kevin. Ako na lang mag-isa." Taena natutulog din ata s'ya kanina nung chinat ko e. Nag-drive pa s'ya.

Gagu Rina. Swerte mo. Wag mo na pakawalan si Kevin kung ako sa'yo.

"No. Hindi ka dapat mag-isa. Ano pang mangyari sayo. Unstable kaya utak mo."

Aray ha? Maka-unstable naman 'to.

"Nah. Inaantok ka e. Inistorbo ko ata tulog mo kanina. Go sleep."
"Mas importante ka kaysa sa tulog no," sabi n'ya kaya pinat ko 'yung ulo n'ya kahit medyo mas matangkad s'ya sakin.

"Wag mo 'kong gawing bata," straight faced na sabi n'ya.
"Aba mas bata ka naman talaga sakin e," sabi ko saka dumila. Hahahaha.

Napakunot ako ng noo.

"Hala," sabi ko saka hinawakan 'yung mukha n'ya at pinisil. "Ba't may cut yang lips mo?" gulat kong sabi.

"Nauntog."
"Nauntog?" pag-uulit ko.
"Oo ngaaa!"
"Nauntog tas sa lips? Medyo tanga ka rin no?"
"Oo nga. Kiss mo na lang ako para okay na 'ko," sabi n'ya saka kumindat.

"Loko." Ginulo ko na lang ulit 'yung buhok n'ya saka tinawanan s'ya.

Medyo abnormal din talaga to si Kevin no? Awayin pa 'ko ni Rina sa pinagsasasabi n'ya.

"San tayo?" sabi n'ya saka hinawakan 'yung braso ko at hinila na naman ako. -_-

"'Di nga. Matulog ka na."
"Gising na 'ko."
"Gising ka naman talaga?"
"I mean 'di na 'ko inaantok. Pagbuhulin ko kaya kayo ni Sui?" asar na sabi n'ya.
"HAHAHAHAHAHAHA. Pikon ka naman agad. Sorry na."

Naglakad lang kami. Hindi na masyadong mainit kasi alas kwatro na nga.

"Sa park na lang tayo?" tanong ni Kevin kaya naman tumango ako.

"Andito na sila inay mamaya," sabi ko habang nakatingin sa kan'ya.
"Oo nga e," sagot n'ya.
"Mami-miss ko rin y'ung ganto."
"Ganito?" tanong n'ya.
"Yah. Syempre hindi na tayo always magkasama kasi 'di na tayo sa iisang bahay."

"Zia?" tawag n'ya sakin kaya lumingon ako sa kan'ya.

Hey Kevin why so serious? Alam mo bang ampogi mo pag ganyan? Mas pogi nga lang si Ke—stop Zia! Rejected ka na forever stop na u.

"Aware ka naman na magkatabi lang tayo ng bahay 'di ba?" natatawang tanong n'ya.
"Hahahaha ay oo nga pala. Still iba pa rin kasi."
"Pwede naman kitang puntahan senyo araw-araw. Pwede ka rin namang pumunta. Pero ako na lang pala kaysa naman makita mo si kuya."

"Aww. So bait naman pala ni kuya Kevin. Come to think of it. Bat di mo 'ko tinatawag na ate?"
"Yoko lang. Haha. Bakit ba?"
"Wala kang galang! Ate mo dapat ako tas 'di mo 'ko tinatawag na ate. Tsk. Very bad."
"Haha pwede namang Zia na lang e. Ate pa. Isang taon lang naman tanda mo sakin."
"Oo nga no. Birthday mo na pala next week. Omg!"
"Alam mo?!" gulat na tanong n'ya.
"Well duh! Laging may birthday party e kaya inaabangan ko talaga birthday mo dati hehe."
"Akala ko wala kang pake sa akin dati," bulong n'ya sa sarili nya. Narinig ko naman. HAHAHAHA.

"Meron naman pero 15% lang out of 100 hehehehehe. Ye know laro muna bago friends."
"Oo nga. Haha nako Zia napaka-competetive mo akala mo naman talaga."
"Ganun talaga."

Sandaling katahimikan.

"Pero Kevin.."
"Hmm?"
"Eto talaga e. Ba't mo hawak kamay ko?" natatawa kong tanong.
"Hahahaha e di pa tapos 'yung deal natin, e. Da't sulitin na," sabi n'ya saka tinaas baba 'yung kilay n'ya.
"Cute mo d'yan."
"Pogi ako."
"Ay wow. Sige na nga."
"Mas pogi kay kuya?" bigla n'yang tanong.

Okay. Fuck it. Hahaha. Hindi ako handa. Gagu to si Kevin e.. Tatanong-tanong ka ng gan'yan e 'di pa ako handa.

"Oops sorry. Shouldn't've asked," sabi n'ya saka parang umakto na zinip nya 'yung bibig n'ya.
"Gagi. Hahaha pero sino nga ba mas pogi sa inyo?" Saglit akong nag-isip kunwari kahit na alam ko na kung sino naman talaga. Kahit na nung una pa lang e aminado na ako na s'ya 'yung mas angat sa kanilang dalawa.

"Magkano ba babayad mo sakin para pangalan mo sabihin ko?" natatawa kong sabi sa kan'ya.
"Pagmamahal ko? Pwede na ba?" eeryoso n'yang tanong.

Silence...

Napatawa ako bigla..

"Kevin tangna hahahaha anong nangyari? Hahahahaha gagi! Gusto ko 'yan! Pwede mong sabihin 'yan kay Rina. Hahahaha." Tawa lang ako nang tawa dahil sa kan'ya. Halos sumakit 'yung tyan ko kasi ang seryoso n'ya pramis. Plus hindi nga bagay sa kan'ya na maging cheesy medyo awkward hahahaha.

Umiling-iling s'ya.

"Awesome ko 'no? Pwede na?"

Tumango-tango ako sabay thumbs up!

"Ayusin mo Kevin ha? Wag ka gagaya sa akin na na-reject!"

Tumango-tango lang s'ya at 'di na nagsalita hanggang sa nakarating kami sa park.

*****

"Musta na kayo ni Rina?" tanong ko sa kan'ya nung nakarating kami sa park.
"Hmmm? 'Di ko alam kung may progress e."
"Bakit?"
"'Di ko naman alam kung ano iniisip nya. Medyo slow kasi 'yun e. Hindi marunong makiramdam."
"Sayang. Swerte pa naman sana n'ya sayo. Nakoooo babatukan ko sya kapag sinayang ka n'ya. Nakakapanghinayang kaya 'yung mga tulad mo."

Napangisi naman s'ya.

"Why?" tanong ko.
"Wala. Haha pero sana marealize nya 'no? Yung marealize n'ya na mahal ko s'ya? Mahirap na magpigil, e."
"I feel you! 'Yung gusto mo nang umamin kasi sobrang lapit na n'ya at madami kang chance pero ayaw mong masayang ang lahat? 'Yun nga lang, di naman malapit si Rina sa'yo e. Pero wag ka munang aamin ha? Maghanap ka ng magandang timing. Coming from the expert 'yan oy!" sabi ko saka tumawa.

"Oo na. Hindi muna ako aamin." Ngumiti s'ya.

Tangina ba't ang pogi ng magkapatid no? Pero mas pogi talaga si Keanu kahit na anong gawin ko, e.

S'ya pa rin talaga mahal ko.

"Kaya mo bang kalimutan agad si kuya, Zia?" tanong n'ya out of the blue.

"Sana kaya ko."

"Andito naman ako e," bulong n'ya.

What??????

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro